You are on page 1of 12

NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY

Marist Avenue, General Santos City

Name: _______________
Lesson: 6
Activity: 5

Pagsasagawa ng mga akdang pampanitikan.

PANITIKAN HINGGIL SA PANGKAT MAYORYA AT MINORYA_____________

Pagsulat ng TULA:

_______”Bakal na Puso”_______
(Pamagat)

Sa isang bayan na napapalibutan ng mga magagara


Ako ay umaasang tulong ay aking mahahanap
Ngunit sa di inaasahan, pang-iirap ang aking natanggap

Unang bahay ay aking kinatok ngunit walang sumagot


“Tao po, tao po, tulong ko po’y sanay inyong matugon”
Wala silang narinig, tila ba aking tunog ay hindi lumusot

Ako’y nangamba sa magiging kalagayan ng aking anak


Malalim ang iniisip kong baka hindi ako makatanggap
Tulo sa aking mata nang maisip kong sya’y mas lalong mapahamak

Hindi ko itinigil ang paghingi, nagbabakasakaling may magbibigay


Ngunit natanggap ko ang balitang pumanaw na ang aking anak na si Inday
Lungkot at sakit ang aking naramdaman at sa pagkawala nya’y labis ang lumbay
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

Pagsulat ng SANAYSAY:

________”Ang Mapagmataas na Lipunan”_______


(Pamagat)

Bakit nga ba hindi pantay-pantay ang estado ng buhay ng isang tao? Bakit
ba may mahirap at may mayaman? Dahil ba ito sa kawalan ng edukasyon o dahil sa
sistema ng ating bansa? Alam nating lahat na malaki ang silbi ng pera sa buhay ng
tao at nagsisilbing daan ito upang umangat sa buhay ang isang tao. Ngunit bukod
dito, marami ring mga bagay na hindi kanais-nais na nagagawa ang pera. Marami
ang taong nabubulag dito at dahil sa pera ay nagkakawatak-watak ang tao.
Mayroong mayayaman na tumutulong sa mahirap ngunit hindi lingid sa kaalaman
natin na marami naring mga tao ang matapobre o mapagmataas ngayon sa ating
lipunan. Hindi ka kikilalanin sa lipunan kung wala kang salapi. Hindi ka bibigyan ng
respeto at pagpapahalaga kung ikaw ay isa lamang mababang uri ng tao.
Hindi maipagkakaila sa ating lipunan na nag-iiba na ang trato ng isang tao sa
kapwa nya tao dahil lang sa estado ng buhay. May mga taong nakatikim lang ng
konting kaginhawaan, hindi na kilala ang mga kamag-anak. Karaniwan ding
nangyayari na kapag ikaw ay mahirap, lagi kang talo. Hindi nabibigyang hustisya
ang mga mahihirap at laging nauuna at mas binibigyang pansin ang mga taong
mataas ang estado sa buhay. Karamihan sa mga mayayamang tao ay kinikilala at
nakikipag-kaibigan lamang sa mga katulad din nila. Dumarami narin ang mga taong
matapobre na kahit naka-angat lang ng kaunti, mataas na ang tingin sa sarili at
inaapak-apakan na lang ang mga taong mas mababa sa kanila. Karamihan sa mga
mayayamang tao ay galing sa hirap din ngunit hindi marunong lumingon sa
pinanggalingan. Mabuti pa ang kawayan na kahit anong tayog ay marunong
yumuko at magpakumbaba.
Ang pagiging mapagmataas sa kapwa ay walang naidudulot na maganda
sapagkat kahit gaano pa man kataas ang antas mo sa mundong ito, lupa parin ang
babagsakan mo. Sa panahon ngayon, pera na ang mas mahalaga sa tao kaysa sa
kapwa niya tao. Marami ang nakakagawa ng masama dahil lang sa pera. Hindi
naman masama ang yumaman dahil pangarap din ito ng lahat. Sino nga naman
bang ayaw guminhawa ang buhay? Ngunit dapat matuto tayong magbigay ng
respeto sa mga taong nakapaligid sa atin kahit ano pa mang uri yan ng tao. Walang
mahirap ang ginustong maging mahirap ngunit kung mahirap na nga sila at hindi pa
binigyang pagpapahalaga ay mas lalo lang din silang maghihirap at parang
nawawalan sila ng karapatan sa lipunan. Ang kayamanan ay hindi madadala sa
hukay kung kaya’t huwag maging matapobre dahil tao lang din ang maghahatid
sayo sa iyong libingan at hindi ang iyong kayamanan.
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

Pagsulat ng MAIKLING KWENTO:

___“Dagok”___
(Pamagat)

Si Aika ay isang masiyahin na bata, masipag na estudyante at higit sa lahat


magalang na anak. Siya ang tipo ng bata na kontento sa mga bagay na meron lang
sa kanya. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya ay sapat na
upang maging masaya sya. Siya ay nasa elementarya pa lamang at ang kaniyang
bunsong kapatid na si Aila ay hindi pa nag-aaral. Sa kaniyang pag-tanda, nais
niyang maging isang dalubhasang doktor ngunit malaking pangamba ang
nararamdaman niya sapagkat alam niyang hindi kakayanin ng kaniyang mga
magulang.
Masayang-masaya silang pamilya na parang wala silang problema sa
pamumuhay. Ang makakain lang ng isa o dalawang beses sa isang araw ay lubos
na silang nagpapasalamat. Ang buo at masayang pamilya na pangarap ni Aika ay
biglang nagbago ng mamatay ang kaniyang amang construction worker matapos
mahulog sa mataas na gusali na kanilang ginagawa, dalawang taon ang nakalipas.
Lahat ng pangarap ni Aika ay walang silbi kung wala rin naman daw ang kaniyang
ama sa kaniyang tabi. Siya ay nilubugan ng pag-asa ngunit nais nya pa ding
maging isang doktor sa kadahilanang yun ang pangarap sa kanya ng yumaong
ama. Ang nanay niyang si Gina ay nagtitinda lamang ng alupe sa mga bahay-bahay
at kung minsan ay naglalaba sa mga kalapit lugar kung kaya’t kinailangan niyang
tumigil sa pag-aaral at bantayan na lamang ang kaniyang kapatid. Sa susunod na
pasukan ay first year high school na sana siya.
“Nay kailan pa po ba ako makakapag-aral?” tanong ni Aika sa Ina. “Anak sa
ngayon hindi ko pa muna masasagot yang tanong mo dahil alam mo namang mas
naghirap pa ang buhay natin magmula ng nawala ang tatay mo” tugon ng Ina. "Ang
iyong kapatid ay mag-aaral na sa susunod na pasukan sa unang baitang” dagdag
pa ni Gina. “Kung humingi na lang po tayo ng tulong kay tita Marie Nay nang
makapag-aral ako ulit." wika ni Aika. "Naku anak! Yan ang wag na wag mong
gagawin! Alam mo naman ang tita mo parang hindi kamag-anak ang tingin sa atin
baka kung ano pang sabihin niya sayo. Nakatikim lang ng kaginhawaan, kung maka
panglait sa atin para tayong ibang tao". Sa kagustuhan ni Aika na magpatuloy sa
pag-aaral ay napag isip-isip niya kung pupunta ba siya sa bahay ng kaniyang tita o
hindi. “Kung pupunta ako, masusuway ko si Inay ngunit kung hindi naman ako
pupunta, hindi niya ako matutulungan at hindi ako makakapag-aral pang muli.”
“Tao po, tao po! Tita Marie nanjan po ba kayo? ani Aika. “Aba! long time no
see Aika! Siguro may kailangan ka na naman kaya ka nagpunta dito noh?” sumbat
ni Marie. “Tita kase….” “Hay naku! Sinasabi ko na nga ba! Alam ko na yang ganyan,
alam mo ikaw Aika, wag ka ng mag-aral, magtrabaho ka na lang tutal wala naman
kayong pera tapos gusto mo pang maging doktor! Bulyaw ng matapobreng si Marie
sa pamangkin na nagmamakaawa. “Ang taas ng pangarap mo samantalang wala
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

naman kayong pera! Umalis kana nga dito nakakaisturbo ka lang! Ang dungis pa ng
mukha, halatang walang makain ew!” Dagdag ni Marie.
Makalipas ang dalawang taon, nakapag-ipon na si Aika para makapag-aral
muli ngunit hindi pa sapat para sa apat na taong pag-aaral sa high school. Siya ay
nagsumikap magtrabaho bilang kasambahay sa murang edad na labing limang
taong gulang sa bahay ng isa pa niyang mayabang na Tita Isabel. Nag-tiis siya ng
dalawang taon sa pagmamalupit at pagmamaltrato sa kaniya ng kaniyang Tita
Isabel dahil sa kagustuhang makapag-aral na muli. Siya din ay naging isang sales
lady sa di kalakihang tindahan ng damit at naging serbidor pa sa isang karenderya.
Sa bilis ng panahon, pitong taon na ang nakalipas at ngayon si Aika ay
magtatapos na sa highschool. Lubos ang paghihirap na naranasan ni Aika at ang
kaniyang Ina upang siya ay makapagtapos at ang kaniyang kapatid na si Aila ay
hindi na muling nakapag-aral pa at nasa ika-apat na baitang pa lamang. Isang araw,
“Ate sasamahan ko si Nanay ngayon para mamili ng kaunting handaan para sa
graduation mo” sabi ni Aila. “Naku! Asan ba si Nanay? Wag na sana siyang mag-
abala pa”. tugon ni Aika. Biglang dumating si Gina. “Anak, hayaan muna kahit kaunti
lang naman, okay na yung bihon guisado para pagsaluhan” ika ni Gina. Habang
nasa palengke sina Gina ay napag isip-isp niyang bilhan ng simpleng regalo ang
anak na magtatapos. Ilang sandali lang ay nasa labas na ng mall sina Gina at Aila
ng magkasalubong sila ni Marie. “Aba aba! DON’T TELL ME GINA THAT YOU
WILL ENTER TO THIS MALL! Opps! I forgot! Tatagalugin ko na nga lang, alam ko
namang hindi mo naintindihan. Sarkastikong sabi ni Marie. “Ahm… bibilhan ko sana
si Aika ng simpleng regalo lang” sabi naman ni Gina. “At sa tingin mo makakabili ka
jan? Kahit toothbrush hindi niyo kayang bilhin jan dahil mayaman lang ang pwedeng
pumasok sa mall nayan kaya kung ako sa inyo, aalis na ako” sumbat ni Marie.
Akmang aalis na sina Gina at Aika at gayundin naman si Marie ng biglang
natapakan ni Gina ang mamahalin at eleganteng sandalyas ni Marie ng hindi
sinasadya. “Pasensya na Marie hindi ko sinasadya” mahinahong sabi ni Gina.
“Anong hindi sinasadya! Alam kong sinasadya mo yun! Lumuhod ka sa harap ko at
linisan mo gamit ang bibig mo!” galit na galit na sabi ni Marie. Lumuhod nga si Gina
at humingi ng tawad. “Punasan mo na lang gamit ang kamay mo baka isipin ng mga
tao na masama akong tao!” pabulong na wika ni Marie. Matapos ang pangyayaring
yun, tiananong ni Aila ang Ina, “Nay bakit po hindi kayo lumaban? Sobra naman po
si Tita parang hindi niya kayo kapatid”. “Anak hayaan na lang natin ang Tita mo
kase kapag lumaban pa ako baka mas lalo lang magkagulo at isa pa, wala tayong
laban sa kaniya. Masama ang manakit ng kapwa” tugon ng Ina sa anak.
Habang nasa daan sina Gina at Aila ay masayang - masaya silang
makarating na sa bahay para ipakita kay Aika ang kanilang pinamili ng biglang
“Boogsh!” Isang hindi inaasahang pangyayari sa buhay ni Aika. Nagbanggaan ang
bus at ang jeep na sinasakyan nila Gina. Kahabag-habag na pangyayari sa buhay
ni Aika dahil hindi niya lubos maisip na wala na siyang natitirang pamilya. Wala na
siyang kasama at katuwang sa buhay. Naisip niya na wala ng natitirang
nagmamahal sa kaniya. Hindi man lang nakita ng kaniyang ama ang kaniyang
pagtatapos sa elementarya at ngayon ang kaniyang Ina naman ay hindi na niya
masisilayan ang pagtatapos ni Aika ng highschool.
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

Isang araw sa lamay ng Ina at kapatid ni Aika na si Aila, nalaman ni Aika ang
ginawa ng Tita niyang si Marie sa kaniyang Ina. Nagalit ng lubos si Aika dahil hindi
niya nagustuhan ang ginawa ni Marie sa kaniyang Ina. Kinaumagahan ay sumugod
si Aika sa bahay ng kaniyang Tita Marie at nagsisigaw-sigaw. “Tita Marie
napakasama niyo pong tao! Bakit niyo nagawa yun sa nanay ko! Hindi na kayo
naawa napaka matapobre niyo!” Lumabas si Marie sa kanilang bahay at hinarap si
Aika. “Hoy Aika ang lakas ng loob mong magpunta dito at mag iskandalo! Eh ano
naman kung ginawa ko yun ha? Nababagay lang din yun para sa mga katulad
niyong patay-gutom” galit na sabi ni Marie. “Wala kayong puso! Kapatid nyo paman
din siya at hindi man lang kayo pumunta sa lamay nila. Hindi kana naawa, patay na
yung tao pero ganyan ka parin magsalita! Sana man lang nabibili ng pera ang
respeto’t kagandahang asal para makabili naman kayo” tugon naman ng umiiyak at
galit na si Marie. Sinampal ni Marie si Aika dahil hindi niya nagustuhan ang
panunumbat nito at lumaban na rin si Aika dahil hindi na niya matiis ang sakit at
pag-aalipustang ginawa sa kanila ni Marie lalong-lalo na sa kaniyang Ina.
Dalawang araw ang lumipas at ibuburol na si Gina at Aila dahil bukas
makalawa ay araw na ng pagtatapos ni Aika at isa pang dahilan ay gusto na ni Aika
na iburol na sila dahil mas lalo lamang siyang nasasaktan kapag nakikita niya ang
kabaong ng kaniyang Ina at kapatid. Gusto niyang makasama na nang kanyang Ina
at kapatid ang kaniyang Ama sa langit upang sabay na silang gumabay at sumaksi
mula sa langit sa kanyang pagtatapos kahit na hindi na niya ito makikita at
mayayakap pang muli.
Dumating na nga ang araw na pinaka aasam-asam ni Aika ngunit kahit na
masaya at importante sa kanya ang araw na iyon ay iyon din ang araw na
pinakamasakit sa kanya dahil hindi na niya kasama ang kaniyang pamilya na dati
ay pinangarap at sinabi niya sa kanyang sarili na magtatapos siya ng pag-aaral at
magiging isang doktor na may buong pamilyang sumusuporta at laging nandyan sa
tabi niya. Siya ang tinaguriang Valedictorian ng kanilang paaralan para sa
pagtatapos na iyon. “Kawawa ka naman Aika wala ka man lang ni isang kasama”
naaawang tunog ng kaniyang guro. Nilapitan siya ng kaniyang Tita Isabel at
nagwika “Pasalamat ka sa akin Aika dahil nakapagtapos ka ng highschool ngunit
wag mo ng aasahan na makakatungtong kapa sa kolehiyo”. Narinig iyon ng
kaniyang Tita Marie at lumapit. “Hindi ko alam na matalino ka pala pero kahit anong
talino mo kung wala ka namang pera, hindi mo rin maaabot ang pangarap mong
maging doktor!” panlalait na wika ni Marie. Nanahimik lang si Aika na para bang
wala siyang narinig ngunit biglang tumulo ang kaniyang luha ng marinig niya ang
samu’t saring sinabi sa kanya ng mga kaklase. “Dapat hindi yan yung valedictorian
natin”. “Kawawa siya walang magulang” “Tingnan niyo naman yung sapatos niya,
napakaluma na at halos sira na” ”Ang taas naman pala ng pangarap niya pero
walang pera (sabay tawa)”. Masyado siyang nasaktan sa mga sinabi nila at
ipinangako niya sa sarili niya nung araw na iyon na magiging doktor siya at gagawin
niya ang lahat para matupad iyon.
Isang buwan na ang nakaraan pagkatapos niyang grumaduate at naisipan
niyang maghanap ng trabaho upang makapag-ipon. Una niyang naging trabaho ay
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

dalawang bata sa loob ng dalawang buwan. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho siya


sa isang restaurant bilang weytres kung umaga at sa gabi naman ay sa restobar
bilang weytres din. Halos wala na siyang pahinga dahil kapag uuwi siya ng bahay
ay magbabasa ng libro. Ang linggong araw na nagsisilbing day-off niya ay naglalaba
naman siya sa mga bahay-bahay. Malapit na ang pasukan sa kolehiyo ngunit hindi
pa sapat ang naipon niyang pera para sa matrikula sa buong semestro. Naisipan
niyang mag-aplay ng iskolarsip sa kaniyang papasukang unibersidad at sa
kabutihang palad ay pumasa siya.
Nagawang ipasa ni Aika ang kaniyang first year college ngunit
namomroblema siya na baka hindi na siya makapagpapatuloy pa dahil wala na
siyang ipon sapagkat mahal talaga pag isang medical student. Isang araw,
kinausap siya ng kaniyang manager sa bar at gagawin nilang dancer si Aika. Nung
una ay di sumang-ayon si Aika ngunit ng nalaman niyang mataas ang kikitain ay
hindi na siya nagdalawang isip pa sa kagustuhang makapagtapos. Hindi naman din
siya magpapagamit sa mga lalaki. Ang tanging gagawin niya lamang ay magsayaw
o di kaya ay kumanta. Ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagtatrabaho sa restaurant
at mas nadagdagan pa ang kaniyang trabaho.
Makalipas ang dalawampung taon ay nasungkit na ni Aika ang matamis
niyang pagpupunyagi. Natupad na lahat ang kaniyang pangarap sa buhay at ang
pangarap ng kaniyang ama para sa kaniya. Maraming dagok ang dumating sa
kanyang buhay at naging balakid sa kaniyang pag-aaral ngunit hindi ito naging
dahilan upang siya ay mawalan ng pag-asa. Araw-gabi na pagtatrabaho na halos
walang tulog at walang pahinga, mga panlalait at kritisismo ng mga kamag-anak,
kaklase, kaibigan at ibang tao ay ginawa niyang inspirasyon para makapagtapos sa
halip na mawalan ng pag-asa. Umasa siya sa sarili niyang kakayahan at pagiging
matiyagang tao. Ang mga panahong halos lahat na yata ng mahihirap na trabaho ay
naranasan at tiniis niya dahil sa kaniyang kagustuhang maging isang dalubhasang
doktor. Lahat ng mga sakripisyo sa kanya ng kaniyang mga magulang, lahat ng
kanilang dugo’t pawis kabilang na ang kaniyang naramdamang paghihirap at
pasakit simula nung bata siya ay nagbunga at hindi nauwi sa wala.
“Doc! kailangan daw po kayo sa ER” wika ng isang nars. “Sige susunod ako.
Salamat” sagot ni Aika. Sa di inaasahan, nagkita sila ng kaniyang Tita Marie sa
isang sitwasyong hindi akalain ni Marie na mangyayari sa buhay niya. “Siya ba ang
pasyente?” tanong ni Aika. Kailangang operahan agad si Marie dahil mayroon
siyang stage 1 breast cancer upang hindi na magkalat ang tumor sa ibang bahagi
ng kaniyang katawan. Ngunit ang problema ay hindi kayang bayaran ng pamilya ni
Marie ang kaniyang operasyon dahil lubog na sila sa utang. Ngunit dahil si Aika ay
may busilak na kalooban at ginintuang puso, hindi na niya siningil pa ang kaniyang
kamag-anak para sa operasyon ni Marie dahil pagmamay-ari din naman niya ang
hospital.
Taon na ang nagdaan at napag-desisyunan na ni Aika na magpatayo ng
bagong bahay ngunit sa tabi lamang din mismo ng kanilang bahay na ang kaniyang
ama mismo ang gumawa. Ayaw niyang sirain ang bahay nilang iyon sapagkat
napakahalaga nito sa kanya dahil doon siya pinanganak at lumaki at doon din ang
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

maraming masasayang ala-ala kasama ng kaniyang pamilya. Dahil sa


pagtatagumpay ni Aika kasabay ng pagbabago ng kaniyang buhay ay kinikilala na
siya ng kaniyag mga kamag-anak at binibigyan na siya ng respetong matagal na
panahon niya nang gustong maramdaman mula sa mga tao. Para kay Aika, ang
kaniyang tagumpay ay laan niya sa namayapang mga magulang at ni minsan ay
hindi niya naranasan ang magmataas at alipustahin ang mga taong mas mababa sa
kaniya dahil alam niya ang pakiramdam na maaaring idulot nito sa tao. Namuhay
siya sa marangyang buhay na mag-isa at sa di kalauna’y nagkaroon ng sariling
pamilya. “Totoo namang kapag mapait ang naging karanasan ng isang tao, sa huli
ay masusuklian ito ng matamis na tagumpay sa tulong ng Diyos” ito ang huling
salitang binitawan ni Aika sa kanyang inspirational message bilang isang panauhing
pandangal sa isang graduation ceremony.
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

I. Panunuring Pangnilalaman:

A. Tema o Paksang Diwa: Batay sa realidad ng buhay, pamilya, pangarap at


estado sa buhay o sa lipunan.
B. Tunggalian:
Tao Laban sa Sarili:
Makikita sa akda na nagkaroon ng tunggalian sa pangunahinh tauhan laban
sa kaniyang sarili sa eksenang pagdadalawang isip ni Aika kung pupunta ba
siya sa bahay ng kaniyang Tita upang humingi ng tulong. Kung pupunta
siya ay masusuway niya ang kaniyang Ina ngunit mawawalan siya ng pag-
asang makapag-aral na muli kung hindi niya masusubukang humingi ng
tulong sa kanyang Tita Marie.

Tao Laban sa Tao:


Batay sa akda, ito ay nagkaroon ng tunggaliang tao laban sa tao sa
pangyayari kung saan sinugod ni Aika ang kanyang Tita Marie na galit na
galit dahil nalaman nito ang ginawa ni Marie sa kanyang Ina. Sinampal ni
Marie si Aika at sila ay nagkagulo dahil pinatulan siya ni Aika sapagkat hindi
na siya nakapagpigil pa at di na niya matiis ang mga masasamang sinabi at
ginawa sa kanila ni Marie.

Tao Laban sa Lipunan:


Ang akda ay mayroon ding tunggaliang tao laban sa lipunan noong walang
naniniwala kay Aika na makakamit niya ang kaniyang mga pangarap at ang
mismong mga kamag-anak niya ay wala ding tiwala sa kaniya at
pinagmukha sa kaniya na wala siyang mararating sa buhay dahil sa
mahirap lang siya.
C. Kabisaaan:
Masasabi kong ang akda ay may bisang pandamdamin at pangkaisipan.
May bisang pandamdamin sapagkat nagkaroon ng epekto o pagbabagong
naganap sa aking damdamin matapos kung basahin at unawain ang akda.
Magkahalong lungkot, awa at saya ang naramdaman ko sa akda. Talaga
namang ang buhay ay puno ng paghihirap dahil ito ang nagiging daan
upang lalong maging matatag ang isang tao sa laban ng kaniyang buhay.
May bisang pangkaisipan din dahil may pagbabago sa aking kaisipian dahil
sa mga natutunan ko sa mga pangyayaring naganap sa akda. Hindi pala
hadlang ang pagiging mahirap, kritisismo at panglalait ng ibang tao,
kawalan ng respeto at walang pagtitiwala ng mga tao sa paligid mo, upang
matupad at maabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Nangyayari ito
sa totoong buhay na kapag ikaw ay nakaranas ng diskriminasyon dahil sa
estado sa buhay at walang pagtitiwala sayo ng mga tao ay mawawalan ka
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

ng gana at pag-asang abutin ang iyong mga pangarap dahil nawawalan ka


ng kumpyansa sa sarili.

II. Panunuring Pampanitikan:


(Ilahad at bigyang patunay ang labindalawang pagdulog na ginagamit sa
panunuri)

A. Teoryang Bayograpikal:
Patunay: “Si Aika ay isang masiyahin na bata, masipag na estudyante at
higit sa lahat magalang na anak. Siya ang tipo ng bata na kontento sa mga
bagay na meron lang sa kanya. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng
kumpletong pamilya ay sapat na upang maging masaya sya. Siya ay nasa
elementarya pa lamang at ang kaniyang bunsong kapatid na si Aila ay hindi
pa nag-aaral.”
Paliwang: Teoryang Bayograpikal ang unang talata ng akda kung saan
inilahad ang mga katangian at ang kasagsagan ng buhay ng pangunahing
tauhan.
B. Teoryang Historikal
Patunay: “Ang buo at masayang pamilya na pangarap ni Aika ay biglang
nagbago ng mamatay ang kaniyang amang construction worker matapos
mahulog sa mataas na gusali na kanilang ginagawa, dalawang taon ang
nakalipas. Lahat ng pangarap ni Aika ay walang silbi kung wala rin naman
daw ang kaniyang ama sa kaniyang tabi. Siya ay nilubugan ng pag-asa
ngunit nais nya pa ding maging isang doktor sa kadahilanang yun ang
pangarap sa kanya ng yumaong ama.”
Paliwang: Teoryang Historikal dahil ipinapakita nito ang nangyari o
kasaysayan sa buhay ni Aika noong namatay ang kanyang ama.
C. Teoryang Klasismo
Patunay: “Masayang-masaya silang pamilya na parang wala silang
problema sa pamumuhay. Ang makakain lang ng isa o dalawang beses sa
isang araw ay lubos na silang nagpapasalamat.”
Paliwang: Teoryang Klasismo dahil ito ay nagpapahay ng payak na
pangyayari sa buhay ng isang tao. Kahit na sila ay mahirap lang, ngunit
para sa kanila maituturing na itong yaman dahil sa sila ay buong pamilya.
D. Teoryang Humanismo
Patunay: “Anak hayaan na lang natin ang Tita mo kase kapag lumaban pa
ako baka mas lalo lang magkagulo at isa pa, wala tayong laban sa kaniya.
Masama ang manakit ng kapwa” tugon ng Ina sa anak.”
Paliwang: Ito ay malalapatan ng Teoryang Humanismo dahil ipinapakita na
may positibo at mabuting katangian si Gina na kahit sila ay inapi na ay hindi
pa rin siya nag-isip at gumawa ng masama sa kanyang kapwa.
E. Teoryang Romantisismo
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

Patunay: “Lumipas ang taon at napag-desisyunan na ni Aika na magpatayo


ng bagong bahay ngunit sa tabi lamang din mismo ng kanilang bahay na
ang kaniyang ama mismo ang gumawa. Ayaw niyang sirain ang bahay
nilang iyon sapagkat napakahalaga nito sa kanya dahil doon siya
pinanganak at lumaki at doon din ang maraming masasayang ala-ala
kasama ng kaniyang pamilya.”
Paliwang: Ito ay Teoryang Romantisismo sapagkat inilalahad nito na kahit
masyado ng luma at sira ang dating bahay nila Aika ay hindi niya parin
inalis sa tabi ng bagong bahay na kaniyang ipinatayo dahil ito na lamang
ang natitirang ala-ala niya sa kaniyang yumaong mga magulang at kapatid.
F. Teoryang Realismo
Patunay: "Naku anak! Yan ang wag na wag mong gagawin! Alam mo
naman ang tita mo parang hindi kamag-anak ang tingin sa atin baka kung
ano pang sabihin niya sayo. Nakatikim lang ng kaginhawaan, kung maka
panglait sa atin para tayong ibang tao.”
Paliwang: Teoryang Realismo dahil sa eksenang ito, ipinapakita na talaga
namang nangyayari ito sa totoong buhay. Kahit sarili nating kamag-anak na
may mataas na antas sa lipunan ay hindi na rin tayo kinikilala. Naaalala
lang tayo kapag may kailangan.
G. Teoryang Pormalistiko
Paliwang: Ang akda ay patungkol sa realidad ng buhay, pamilya, pangarap
at estado sa buhay o sa lipunan. Ang pagsulat ng akda ay simple at
madaling maunawaan ng mga mambabasa. Mayroong mga simpleng
idyoma na ginamit sa akda na madali lamang maunawaan sapagkat
madalas ding mabasa sa mga kwento. Ang akda ay malinaw kung kayat
naipa-abot ng maayos ang mensahe at nais iparating ng may akda sa mga
mambabasa.
H. Teoryang Siko-Analitiko
Patunay: “Ang nanay niyang si Gina ay nagtitinda lamang ng alupe sa mga
bahay-bahay at kung minsan ay naglalaba sa mga kalapit lugar kung kaya’t
kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral at bantayan na lamang ang
kaniyang kapatid.”
Paliwang: Ito ay malalapatan ng Teoryang Siko-Analitiko sapagkat
ipinapahayag nito na mahirap lamang ang buhay nila Gina na ang tanging
hanap-buhay niya lamang upang buhayin ang kaniyang mga anak ay ang
pagtitinda ng alupe at paglalaba.
I. Teoryang Eksistensyalismo
Patunay: “Sa kagustuhan ni Aika na magpatuloy sa pag-aaral ay napag isip-
isip niya kung pupunta ba siya sa bahay ng kaniyang tita o hindi. “Kung
pupunta ako, masusuway ko si Inay ngunit kung hindi naman ako pupunta,
hindi niya ako matutulungan at hindi ako makakapag-aral pang muli.”
Paliwang: Ito ay Teoryang Eksistensyalismo dahil ipinapakita na may
kalayaan ang isang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili. Sa
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

kabila ng pagdadalawang isip ni Aika ay nangibabaw parin ang kagustuhan


niyang puntahan ang bahay ng Tita niyang si Marie.
J. Teoryang Istrukturalismo
Patunay: “Akmang aalis na sina Gina at Aika at gayundin naman si Marie ng
biglang natapakan ni Gina ang mamahalin at eleganteng sandalyas ni Marie
ng hindi sinasadya. “Pasensya na Marie hindi ko sinasadya” mahinahong
sabi ni Gina. “Anong hindi sinasadya! Alam kong sinasadya mo yun!
Lumuhod ka sa harap ko at linisan mo gamit ang bibig mo!” galit na galit na
sabi ni Marie. Lumuhod nga si Gina at humingi ng tawad. “Punasan mo na
lang gamit ang kamay mo baka isipin ng mga tao na masama akong tao!”
pabulong na wika ni Marie.”
Paliwang: Ang eksenang ito ay Teoryang Istrukturalismo sapagkat
nagtatalakay ito ng di-makataong pagtrato ni Marie kay Gina kung saan
pinaluhod niya sa Gina at gusto pa niyang linisan ni Gina ang kaniyang
sandalyas gamit ang kaniyang bibig. Hindi na niya naisip na labis-labis na
ang ginawa niya gayong naapakan lang naman ang kaniyang sandalyas ng
hindi sinasadya.
K. Teoryang Dekonstruksyon
Patunay: “Siya ay nagsusumikap magtrabaho bilang kasambahay sa
murang edad na labing limang taong gulang sa bahay ng isa pa niyang
mayabang na Tita Isabel. Nag-tiis siya ng dalawang taon sa pagmamalupit
at pagmamaltrato sa kaniya ng kaniyang Tita Isabel dahil sa kagustuhang
makapag-aral na muli. Siya din ay naging isang sales lady sa di kalakihang
tindahan ng damit at naging serbidor pa sa isang karenderya.”
Paliwang: Ito ay Teoryang Dekonstruksyon dahil sa murang edad ni Aika ay
nagtrabaho na siya sa halip na nasa paaralan siya upang mag-aral.
Karaniwang mga bata na nasa edad limang taong gulang katulad ni Aika ay
nag-aaral at hindi nagtatrabaho.
L. Teoryang Feminismo
Patunay: “Makalipas ang dalawampung taon ay nasungkit na ni Aika ang
matamis niyang pagpupunyagi. Natupad na lahat ang kaniyang pangarap
sa buhay at ang pangarap ng kaniyang ama para sa kaniya. Araw-gabi na
pagtatrabaho na halos walang tulog at walang pahinga, mga panlalait at
kritisismo ng mga kamag-anak, kaklase, kaibigan at ibang tao ay ginawa
niyang inspirasyon para makapagtapos sa halip na mawalan ng pag-asa.
Umasa siya sa sarili niyang kakayahan at pagiging matiyagang tao. Ang
mga panahong halos lahat na yata ng mahihirap na trabaho ay naranasan
at tiniis niya dahil sa kaniyang kagustuhang maging isang dalubhasang
doktor. Lahat ng mga sakripisyo sa kanya ng kaniyang mga magulang, lahat
ng kanilang dugo’t pawis kabilang na ang kaniyang naramdamang
paghihirap at pasakit simula nung bata siya ay nagbunga at hindi nauwi sa
wala.”
NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, General Santos City

Paliwang: Ang siping ito ay malalapatan ng Teoryang Feminismo dahil


ipinapakita ang kalakasan at kakayahan ng pangunahing tauhan na kahit
maraming balakid sa pag-abot niya ng kaniyang pangarap ay hindi pa rin
siya sumuko at hindi siya nagpaapekto sa mga sinasabi sa kaniya ng ibang
tao. Nagtiwala siya sa kaniyang sariling kakayahan at nagtagumpay ng
hindi umaasa sa iba. Nagsumikap siya at nagtrabaho ng iba’t-ibang klase
ng trabaho kahit alam niyang mahirap para sa kaniya.

You might also like