You are on page 1of 2

Maikling Kwento - "Computer Shop"

Ang pamilya ay binubuo ng nanay, tatay, at mga anak o anak. Sa panahon ngayon marami
na ang pamilya na hindi buo o hindi kumpleto. Masakit sa isang anak ang sitwasyong
ganyan. Lumalaki ka na hindi mo kapiling ang iyong tatay o nanay o kaya minsan ay
parehas mong hindi kapiling ang iyong mga magulang.

Isa si James Leo sa mga kabataan na ganyan ang sitwasyon ngayon. Bunso si James Leo sa
tatlong magkakapatid. Bata pa lamang ay hindi na nila nakapiling ang kanilang ama dahil
naghiwalay ang kanilang mga magulang. Sabi-sabi ay may iba na nga daw pamilya ang
kanilang ama. Ngunit kahit na ganoon ang buhay nila, siya pa rin ang pinakanangunguna sa
kanilang klase sa elementarya. Ngunit nang siya ay pumasok na ng hayskul, siya ay
naimpluwensiyahan ng kanyang mga kaklase na ganoon din ang sitwasyon, hindi kumpleto
ang pamilya. Kaya madali nga silang nagkasundo ng kanyang mga kaibigan. Napabayaan na
niya ang kanyang pag-aaral. Bumaba ang kanyang mga marka.

"Tara James Leo, punta tayo sa computer shop.. naghahamon yung kabilang section..
tara." yaya ng isa niyang kaibigan. "Pero,may mga assignments pa tayo na dapat ipasa
bukas." Sabi ni James Leo sa kaibigan. "Nako James Leo, bukas na lang yun, makikopya
na lang tayo sa iba nating kaklase." Pumayag na nga si James Leo na sumama sa kanila.
Nawili si James Leo kakalaro at hindi na niya namalayan ang oras. Pag-uwi niya sa bahay ay
puro sigawan ang kanyang narinig.

"Wala nga akong pera! Pede ba na magbigay uli tayo ng promissory note?" sabi ng
kanyang nanay sa kanyang ate na humihingi ng pangtwisyon. "Nay, ilang beses na tayong
nagbibigay ng promissory note. Hindi na nga tinatanggap ng skul namin e."

Hindi pa rin doon natapos ang pagtatalo ng mag-ina. Hindi man lang siya napansin ng
kanyang nanay o mga kapatid man lang na ginabi na siya ng uwi. Dumeretso na lamang si
James Leo sa kanyang kwarto.

Pumasok na nga si James Leo sa eskwelahan. Kahit na hirap bumangon ay pumasok pa rin
siya sa eskwela. Nang pasahan na ng assignment….

"Pass your assignments forward." Sabi ng guro.

Hindi naalala ni James Leo ang pagggawa ng assignment. Habang nasa klase ay hindi
nakikinig si James Leo sa leksyon ng kanyang guro. Parang wala sa sarili si James Leo sa
mga oras na iyon. Nang uwian na nga, niyaya uli siya ng kanyang mga kaibigan. Hindi na
nagdalawang isip pa si James Leo. Sumama agad ito sa kanila. Sa mga nakalipas na araw,
ganoon pa rin ang nangyayari sa buhay ni James Leo. Patuloy pa din siya sa hindi pag-uwi
ng maaga. Sa halip na umuwi ng maaga at gumawa ng kanyang takdang aralin ay naglalaro
muna ito kasama ang kanyang mga kaibigan.

Dumating na ang araw ng unang pagsusulit nila. Hirap magsagot si James Leo dahil hindi
siya nakapag-aral. Madaming blanko sa kanyang papel.

Kinabukasan, sinabi ng guro, "Bukas ay kuhanan na ng report card. Kinakailangan


pumunta dito ang inyong mga magulang upang kuhanin ang inyong card at upang
makausap na rin ako kung mayroon mang problema sa inyong marka." Kinabahan bigla
si James Leo sa kanyang narinig. Naalala niya na madaming araw ang nakalipas na hindi
siya umuuwi ng bahay upang mag-aral at gumawa ng takdang aralin. Ipinamigay rin noong
araw na iyon ang kanilang pagsusulit para sa unang markahan. Bumagsak sa pagsusulit si
James Leo. Bigla siyang nalungkot.

Umuwi ng bahay si James Leo. Nagkulong sa kanyang kwarto. Iniisip niya kung pano niya
sasabihin sa kanyang ina na kuhanan na ng card kinabukasan. Biglang kumatok ang
kanyang nanay. "James Leo, anung problema? Lumabas ka na dyan kakain na tayo."
"Saglit lang po inay." Wika ni James Leo. Habang nasa hapag kainan, naisipan na sabihin
ni Leo ang tungkol sa kuhanan ng report card.

Noong umaga, pumunta na ang kanyang nanay sa paaralan upang kunin ang report card.
Laking gulat ng nanay niya sa nakitang marka ni James Leo. Hindi makapaniwala sa nakita.
"Maam, baka nagkakamali lang po kayo sa pag compute ng grade ng aking anak."

"Yan po talaga ang marka ni James Leo. Bumagsak po siya sa exam at wala siyang
napapasang takdang aralin." Sabi ng guro.

Umuwi na nga ang nanay ni James Leo. Hinanap si James Leo at kinausap. "James Leo,
tignan mo ang marka mo ngayon. Bagsak. Anong nangyayari sayo? Hindi ka naman
ganyan dati." Pagalit na wika ng ina. "Mali ko po talaga. Pinabayaan ko ang pag-aaral ko.
Hindi ako umuuwi ng maaga para mag-aral. Simula ng nawala si Itay naging ganito na
ko. Dapat po inintindi ko na lang ang sitwasyon natin ngayon. Dapat hindi ako
nagpadala sa mga nangyari." Malungkot na wika ni James Leo.

"Naiintindihan kita anak. Pero sana wag mo pabayaan ang pag-aaral mo. Sana
maintindihan mo na ginagawa ko ang lahat upang maayos ang pamilya natin kahit wala
ang itay mo. Sana sa susunod ay hndi na ganito ang mangyayari?" Mahinahon na wika
ng nanay. "Opo. Babawi po ako. Sorry po ulit."

Unti-unting bumawi si James Leo. Minsan ay napapsama pa rin siya sa mga kaibigan niya
ngunit alam niya na ang kanyang limitasyon. Ginagawa na niya ang kanyang mga
assignments. Nag-aaral na siyang mabuti gaya ng dati. Dahil dito nanguna ulit siya sa klase.

Tuwang tuwa ang kanyang ina. Simula noon, hindi na naging pabaya si James Leo at
nakatapos siya ng High School bilang Valedictorian ng klase. Masayang umakyat ng
enteblado si James Leo habang sinasabit ng kanyang nanay ang medalya niya.

Hindi lahat ng kabataan ngayon ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Kaya


huwag nating sayangin ang pagkakataon na tayo ay napag-aaral sa magandang paaralan.
Kung tayo ay hindi nagpapabaya sa ating pag-aaral, magiging masaya ang ating mga
magulang dahil ang kanilang pagod at hirap ay hindi sayang.

You might also like