You are on page 1of 3

Barangan, Angie P.

BEED2 - B

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”

Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan


na walang ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa
buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos
ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang
kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-
ampunan sa Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga
regalo sa mga bata doon.

“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni
Fey, isa sa mga matalik na kaibigan ng dalagita

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang
beses lang sa isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila
sa’yo friend,” sabi ni Bea sa kaibigan.

Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila
nina Stella ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin
silang bagong laruan at may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni


Stella ang tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa
Marga Hera.
“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa
kanila. Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.
E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at
ina. Sa tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa
mga magulang nila,” pagpapaliwanag ni Stella.

Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita
at doon nila lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.

“Laking-ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako,
palagi niyang kinukwento ang mga naging karanasan niya. Mahirap raw ang lumaki
na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga mabubuting tao na
nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.

Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka
sina Bea at Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos
nilang naunawaan na labis ang natutunan niya sa karanasan ng kanyang ina.

1. Paksa – Pagiging mapagbigay


2. Banghay
• Unang Pangyayari – Lumaki si Stella na mabuti at mapagbigay na bata.
• Pataas na Aksyon – Tuwing Pasko ay lagging binibisita ni Stella ang mga bata
sa bahay ampunan.
• Pababang Aksyon – Tinanong ng mga kaibigan ni Stella kung bakit lagi niyang
binibisita ang mga bata sa bahay ampunan.
• Wakas at Katapusan – Naintindihan ng mga kaibigan ni Stella kung bakit sya
lagging bumibisita sa mga bata tuwing Pasko dahil sa mga ikinuwento ni Stella.
3. Mga tauhan – Stella, mga kaibigan ni Stella na sina Bea at Fey, mga bata sa bahay
ampunan, mga magulan ni Stella na sina Don Manuel at Señora Faustina
4. Tagpuan – Bahay- ampunan sa Marga Hera
5. Simbolismo
• bahay-ampunan – lugar kung saan inaalagaan ang mga batang ulila
• anak-mayaman – anak ng may kaya sa buhay
• karangyaan – mayaman
• laking-ampunan- lumaki sa bahay ampunan
6. Ang Dayalogo o Usapan

Fey: Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?

Stella: Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit
isang beses lang sa isang taon ay mapasaya ko sila.
Bea: Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte
nila sa’yo friend.

7. Tunggalian- Tao laban sa sarili dahil sa kanyang sarili desisyon na tulungan at


pasayahin ang mga bata sa bahay-ampunan.

8. Mga Imahen
• auto – sasakyan

You might also like