You are on page 1of 17

TEKSTONG IMPORMATIBO

“MAMA”

Sino nga ba si mama? si mama. siya iyong pinakaimportanteng tao sa buhay ng isang tao

dahil siya ang nagluluwal sakin/satin sa mundong ito. Dahil nga pagtapos na ang buwan ng mayo

at buwan ng silebrasyon para sa ating ilaw ng tahanan gusto ko lang ibahagi kung ano nga ba ang

kahalagahan ng isang nanay o mama satin. Kagaya nga ng sinabi ko kanina ang nanay ang

nagluluwal satin, ang nagbigay ng buhay satin at siya rin ang nagiing una nating naging guro,

tinuruan nya tayo kung pano tayo tumayo sa sarili natin mga paa, at kung paano magbasa at

magsulat.

Napaka halaga ng isang nanay sa buhay ng isang tao dahil sa mga sakripisyong ibinibigay

nila para sa mga anak nila simula sa umpisa. hanggang sa maging handa na ito sa kanilang

sariling buhay. Sabi nila napakahirap daw maging isang ina dahil sa mga maaring mangyari

habang sila ay nanganganak na parang ang isa nilang paa ay nasa hukay o nasabingit ng kamatay,

dahil napakasakit daw iyon at napakahirap, na ang iba ay hindi kinakaya. Kaya naman

napakaswerte natin mga anak dahil binigyan tayo ng pagkakataong mabuhay at maranasan

magkaroon ng ina sa tabi natin, sapagkat ang ibang tao hindi binigyan ng pagkakataon

maranasan ang kalinga ng isang ina, at naniniwala rin ako sa isang kasabihan “A mother is your

first friend, your best friend, your forever friend.” Dahil ang mga ina ang unang nakakakilala sa

kanilang mga anak, alam nila kung ano ang mali sa tama, at alam nila ang lahat, kahit pa hindi

natin sabihin sa kanila, kilalang kilala nila tayong mga anak nila, at sa panahong walang wala

tayo sila lang din ang nandyan para satin, sakanila lng tayo uuwi at magsusumbong

At sa pagtatapos ng buwan ng mga nanay gusto kong sabihin na MARAMING

MARAMING SALAMAT sa lahat ng mga nanay na nagsasakripisyo sa kanilang mga anak dahil

sainyo, mas gusto namin magsumikap para ibalik lahat ng sakripisyong nilaan nyo samin, kayo

ang wonder woman sa buhay namin dahil kung wala kayo walang maganda’t gwapong

nabubuhay sa mundo na mahal na mahal kayo. Maraming salamat po sa aruga at pagalalaga

samin! Bilang isang anak nyo sobrang nakakagalak na makita kayong masaya sa kahit anong

bagay na nakakapagpasaya sainyo. Mahal na mahal ko lahat ng nanay sa mundo. At sa

pagtatapos ng buwan ng mga ina gusto ko lng pong sabihin na Happy Mother’s Day po, at

maraming salamat sa lahat!

1
TEKSTONG PERSWEYSIBO

“HP NOTEBOOK LAPTOP”

Laptop ay isang gamit, na maaring gamitin sa paaralan, trabaho o kung ano mangimportanteng

ganap sa buhay ng isang tao, itong laptop na ito ay maaring iregalo sa pamilya, kapatid, pinsan,

sa boyfriend o sa girlfriend or kahit sino man. Itong laptop na ito ay may 15.60-inch na laki at

may resolution na 1366x768 pixels, ito rin ay windows 10 na hindi na kayo mahihirapan dahil

updated naman siya at smooth gamitin sa pang araw araw na gawain lalo na sa mga

nagtratrababo at nagaaral.

Meron din itong 256GB SSD storage kaya kahit pa install nyo lahat ng gusto nyo o ilagay nyo

lahat ng importanteng files nyo hindi agad mafufull storage dahil sa 256 GB at 8 GB Ram, san

ka pa bili na, alam nyo ba na napakamura na lang din nito nasa halagang 60,000 lamang ito

napakamura na at napakaganda pa ng quality at hindi lang iyon marami pa silang freebies

nabinibigay. Nako bilang isang estudyante napahalaga pa naman magkaroon ng laptop lalo na

meron na thesis, research, reporting na kinakailangan talaga ng laptop.

Marami rin pwedeng pagpiliang kulay katulad ng black, gray, white, rose gold, blue at

purple diba napakaraming pagpipililian bet ko ung purple dahil minsan lang kasi magkaroon ng

ganon na kulay, grabe tapos sa laptop pa. kaya sa mga may paborito ng kulay purple riyan nako

bilhin nyo na to, alam ko kasi kaonti lang stocks nya rito sa pinas. Kaya bumili na kayo, wag na

kayo magsayang pa ng oras, bili na! murang mura na siya, maraming freebie gaya ng sabi ko

kanina.

Maaring makabili nito sa kahit saang branch ng malls at sa piling resellers ng HP. Huwag

kayong mahiyang magtanong at lumapit sa aming mga salesladies at salesman dahil napakabait

nil at approachable hindi katulad ng iba. Kayo ang priority namin, masaya kaming maglingkod

sainyo sa ano mang kailangan nyong gadgets dahil nasamin ang lahat mas lalo na sa pagiging

matibay at magandang qualiting ibinibigay namin sa aming mga costumers kahit basahin nyo pa

sa mga reviews namin. At kung may concerns kayo wag mahiyang tumawag o magemail sa hp

hotline (632) 867-3557. Kaya bumili na kayo!!

2
TEKSTONG DESKRIPTIBO

“REUNION”

Tuwing sasapit ang buwan ng disyembre ay lagi kaming naghahanda para sa aming

gaganapin na pagsasama sama ng buong pamilya pero kahit pa umpisa pa lng ng disyembre at

ginaganap ang aming pagsama sama sa huling araw ng disyembre ay excited nako palagi dahil

sobrang namimiss ko na lahat ng pinsan at mga tita’t tito kong nasa malalayo at nagkakasama lng

kami tuwing huling araw ng disyempre o sa madaling salita desperas ng bagong taon, disyembre

31.

Bukod sa makakasama ko ang malalayo kong pinsan, tita at iba pang kamaganak.

Hinding hindi ko makakalimutan ang pinakapaborito kong “maha” na luto ni tita! Sapagkat

tuwing may okasyon at reunion lng naman ako nakakatikim ng ganon. Dahil andon si tita,

Sobrang sarap kasi non lalo na’t luto pa ni tita, kung matitikman nyo lang, napakasarap talaga at

nakakatakam kainin yung lasa nya hindi masyadong matamis hindi rin siya matabang sakto lng

pero sobrang masarap siya, sobra, hala namiss ko tuloy,

Saka kapag si tita talaga ang luto grabe, parang makakalimutan mo ang lahat, naalala ko

tuloy noong mga bata pa lang kami ng mga pinsan ko sa tuwing dumarating sila sa bahay ng lola

ko at may dalang maha naguunahan kaming kumuha kahit naman mama nila ang nagluto. At

syempre makakalimutan ko ba ang mga nangyayari tuwing reunion namin, malamang hindi, ang

paborito ko talagang part don ay yung exchange gifts kasi bongga magregalo mga pinsan ko,

katulad na lang noong nakuha ko nakaraang taon, aqua flask grabe mahal kaya non at syempre

hindi mawawala yung mga palarong nakakatawa at nakakayaman, katulad na lang noong naging

sikat sa online yung nakatakip ang mata tapos magsasandok sa batsya na may lamang pera saka

yung guess the baby picture nakakatawa talaga na magugulat ka kasi hindi mo inaakalang sila

tito at tita pala yon, grabe talaga hindi kapanipaniwala ang popogi at ang gaganda.

Napakasaya talaga tuwing reunion daming nangyayari, andami nabubunyag, maraming

kwento, maraming palaro, maraming gifts, pero kahit naman walang ganap e, ayos lang basta

magkakasama kaming magpapamilya, napakalaki ng pasasalamat ko sa panginoon dahil

binigyan nya ako ng pamilyang sumusupporta sa lahat, pamilyang hindi makasarili, pamilyang

3
mahal na mahal ang isat isa. Kaya para sakin talaga kahit na anong mangyari sa pamilya at sa

pamilya lang dapat ako uuwi kahit na anong mangyari dahil sila ang ating tahanan at buhay.

4
TEKSTONG NARATIBO
ALAMAT

“ANG ALAMAT NG PETCHAY”

Sa isang nayon sa Bungahan ay may mag-anak na naninirahan na ubod ng ingay.

Maraming mga puno at halaman sa lugar na iyon. Madalas na inuutusan ng nanay ang kanyang

mga anak na sina Fe at Chai na mamitas ng mga bunga ng puno at halaman. Pilyo ang

magkapatid kaya madalas mapagalitan at nasisigawan ng kanilang ina. Isang araw inutusan sila

ng kanilang ina na manguha ng mga bunga sa kakahuyan. Masayang-masaya at patakbo-takbo

sina Fe at Chai papuntang kakahuyan ngunit sa halip na manguha ng bunga ay panay laro lamang

ang ginawa. Namahinga sila sandali sa maliit na kubo. Matapos mamahinga ay naghabulan ulit

ang dalawa, nakakita sila ng maliit na kweba.

Pumasok sila upang maglaro. Sa kasamaang palad hindi na nakalabas ang dalawang

bata. Labis na nag-alala ang kanilang ama at ina dahil madilim na ay wala pa ang kanilang mga

anak. “Tay, gabi na ay wala pa sina Fe at Chai nasaan na kaya sila?” Wika ng ina. “Baka naman pauwi

na sila, alam mo naman ang mga iyon kapag inutusan mo ay may kasamang laro kaya matagal.”

Wika naman ng ama. Naidlip na ang mag-asawa ngunit paggising nila ay wala pa rin ang

magkapatid. “Tay, bukas na bukas pagbukang-liwayway ay hanapin mo sila sa kakahuyan.” Ang

nag-aalalang tinig ng ina. “Oo sige mabuti pa maghapunan na tayo at baka nakatulog na sina Fe

at Chai roon sa ating kubo sa kakahuyan.” Wika ng ama. Kinaumagahan ay hinanap ng kanilang

ama ang magkapatid habang abala naman ang ina sa pagdidilig ng mga tanim na gulay. “Nalibot

ko na ang buong kakahuyan at kubo natin pero wala roon sina Fe at Chai.”

Ang malungkot na wika ng ama. Napaiyak na lamang ang mag-asawa sa pagkawala ng

kanilang mga anak. Lumipas ang maraming araw ngunit tahimik sapagkat walang pinagagalitan

o sinisigawan ang mag-asawa. Bakas ang lungkot sa mukha ng mag-asawa at pagkasabik sa mga

anak. Habang nagdidilig ng mga tanim na gulay may napansin ang ina na kakaibang gulay na

tumubo sa kanilang taniman. Animo’y mga batang paslit ng biglang lumilitaw. “Tay, tingnan mo

may mga kakaibang gulay dito sa ating taniman.” Nagmamadaling wika ng ina. “Oo nga biglang

dumami at nagsulputan ang mga iyan, naalala ko sina Fe at Chai na bigla na lamang

sumusulpot.” Wika ng ama. “Ano kaya ang tawag sa gulay na ito?” Tanong ng ina. “Tawagin

5
natin itong PETSAY bilang alaala sa ating mga anak na sina Fe at Chai.” ang naiiyak na tinig ng

ama.

TEKSTONG NARATIBO

PARABULA

“PINATIGIL NI JESUS AND BAGYO SA LAWA”

(Mateo 8:23-27).

Nang minsang sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad ay bumugso

sa lawa ang isang malakas na bagyo. Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang

bangkang sinasakyan nila. Nagkataon namang natutulog noon si Jesus kaya ang mga alagad ay

nilapitan at ginising siya.

“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!” Nang magising si Jesus ay

sinabi niya sa mga alagad,

“Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!”

Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang

panahon. Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at sinabing,

“Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”

ARAL:

 Ang lahat ng bagay ay magagawa ng Diyos kung marunong lamang tayong magtiwala sa

Kanya.

 Huwag tayong matakot kung tayo man ay dumaranas ng mga pagsubok o kabiguan sa

buhay. Lagi nating tandaan na kasama natin ang Diyos at maari natin siyang tawagan

anumang oras.

6
TEKSTONG NARATIBO

PABULA

“SINO ANG MAGTATALI SA KULILING?”

May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga. Marami-rami

na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito sasakmalin at gugutay-

gutayin. Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung paano

nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa.

Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa

katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang Pusa. Sa

pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at mayabang na

nagsalita.

“May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa.”

Umaatikabong bulungan ang naganap.

“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga.

“Maiiwasan lang natin ang ating kaaway kung tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may

kukuliling, alam nating ang Pusa ay papalapit sa atin.”

“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin,”

natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan. Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga.

“Pe… pero… sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.

“Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod.

“Tiyak na sasakmalin ako ng Pusa.”

“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid.

“Palapit pa lamang ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon

kapag nilapitan ko!”

Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas na sumagot at

gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na ang mayabang na Daga ay wala ring

narinig na anuman.

7
TEKSTONG NARATIBO

MAIKLING KWENTO

“ANG NAWAWALANG PRINSESA”

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya

pumupunta.

Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing

hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa.

Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang

matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa

ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi. Sa kalagitnaan ng gubat na

malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam.

Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas

siyang tulungan nito. Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. "Maganda

pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya." Binigyan siya

ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga balikat niya ay hindi siya

makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at pinagbilinang magpakaingat bago siya

nagpaalam. Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang

magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang napakagandang

binibini.

May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay

kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng halaman.

Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang maramdaman niyang

lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May

dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas sa palasyo. Sumakay sa isang naghihintay na

karwahe ang prinsesa.

Di nito alam ay kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito. Nagtuloy sa isang

malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa.

Nakipag sayaw siya sa mga gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya. Sa likod ng isang puno,

8
tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng maskara. Nilapitan niya ang prinsesa at

sila'y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas

ang mga suwelas ng sapatos.

Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila'y bumalik sa

palasyo. "Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?" tanong ng hari

nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan. "Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po

siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan-itong halos warak nang sapatos na

kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya." Ipinatawag ng hari ang

prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng katunayan. Balak pa sana ng

prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala

niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi. Tumugtog ang banda at masuyong niyaya

ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.

9
TEKSTONG NARATIBO

ANEKDOTA

“TSINELAS NI JOSE-RIZAL”

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong

luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw

na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-

parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa

aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang

kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit

namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng

kalabaw o ng karetela. Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang

humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga

lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago

ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa

pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali

kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. “Bakit mo

itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka. “Isang tsinelas

ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita.

Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha

ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang

mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

10
TEKSTONG NARATIBO

KASAYSAYAN

“ANG KASAYSAYAN NG SIMABAHANG ROMANO KATOLIKO”

Ang simbahang Romano Katoliko na nakabase sa Vatican at pinamunuan ng Santo Papa,

ay ang pinakamalaking sa lahat ng mga sangay ng Kristiyanismo, na may halos 1.3 bilyong

tagasunod sa buong mundo. Masyadong isa sa dalawang Kristiyano ang mga Romano Katoliko,

at isa sa bawat pitong katao sa buong mundo. Sa Estados Unidos, mga 22 porsyento ng

populasyon ang nagpapakilala sa Katolisismo bilang kanilang napiling relihiyon.

Ang Roman Catholicism mismo ay nagpapanatili na ang Simbahang Romano Katoliko ay

itinatag ni Kristo nang magbigay siya ng direksyon kay Apostol Peter bilang pinuno ng

simbahan. Ang paniniwalang ito ay batay sa Mateo 16:18, when Jesus Christ said kay Peter: "At

sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro, at sa batong ito itatayo ko ang aking simbahan, at ang mga

pintuang-daan ng Hades ay hindi malalampasan ito." (NIV). Ayon sa Ang Moody Handbook of

Theology, ang opisyal na pagsisimula ng simbahang Romano Katoliko ay naganap noong 590

CE, kasama ang Pope Gregoryal I. Ang oras na ito ay minarkahan ang Pagsasama-sama ng mga

lupang kinokontrol ng awtoridad ng papa, at sa gayon ang simbahan kapangyarihan, sa kung ano

ang makikilalang kalaunan bilang "ang Papal States."

Matapos ang pag-akyat ni Jesucristo, habang sinimulan ng mga apostol na maikalat ang

ebanghelyo at gumawa ng mga alagad, binigyan nila ang panimulang istruktura para sa unang

Simbahang Kristiyano. Mahirap, kung hindi imposible, upang paghiwalayin ang mga unang

yugto ng Iglesia Katolika ng Roma mula sa unang iglesyang Kristiyano. Si Simon Peter, isa sa

12 alagad ni Jesus, ay naging isang maimpluwensyang pinuno sa kilusang Kristiyanong Judio.

Nang maglaon, si Santiago, na malamang na kapatid ni Jesus, ay namuno sa pamumuno. Ang

mga tagasunod ni Kristo ay tiningnan ang kanilang sarili bilang isang kilusang reporma sa loob

ng Hudaismo, subalit nagpatuloy silang sumunod sa marami sa mga batas ng Hudyo. Sa oras na

ito si Saul, na orihinal na isa sa pinakamalakas na mga mang-uusig sa mga unang Kristiyanong

Judio, ay may isang pagbulag sa pananaw ni Hesu-Kristo sa daan patungong Damasco at naging

isang Kristiyano. Pinagtibay ang pangalang Paul, siya ang naging pinakadakilang ebanghelista

ng unang iglesyang Kristiyano. Ang ministeryo ni Pablo, na tinawag ding Pauline Kristiyanismo,

11
ay pinangunahan pangunahin sa mga Hentil. Sa banayad na mga paraan, ang unang iglesya ay

naging nahati na.

Ang isa pang sistema ng paniniwala sa panahong ito ay ang Gnostic na Kristiyanismo, na

nagturo na si Hesus ay isang espiritu, na ipinadala ng Diyos upang magbigay ng kaalaman sa

mga tao upang makatakas sila sa mga pagdurusa ng buhay sa mundo.

Bilang karagdagan sa Gnostic, Hudyo, at Pauline Kristiyanismo, maraming iba pang mga

bersyon ng Kristiyanismo ang nagsisimulang turuan. Matapos ang pagbagsak ng Jerusalem

noong 70 AD, nagkalat ang kilusang Kristiyanong Kristiyano. Si Pauline at Gnostic

Kristiyanismo ay naiwan bilang mga nangingibabaw na grupo. Ang Roman Empire ay ligal na

kinikilala ang Pauline Kristiyanismo bilang isang wastong relihiyon noong 313 AD. Nang

maglaon noong siglo, noong 380 AD, ang Romanong Katolisismo ay naging opisyal na relihiyon

ng Imperyo ng Roma. Sa mga sumusunod na 1000 taon, ang mga Katoliko ang tanging tao na

kinikilala bilang mga Kristiyano.

Noong 1054 AD, isang pormal na paghati ang naganap sa pagitan ng mga Romano

Katoliko at mga Eastern Orthodox na simbahan. Ang dibisyong ito ay nananatiling epektibo

ngayon. Ang susunod na pangunahing dibisyon ay naganap noong ika-16 na siglo kasama ang

Protestanteng Repormasyon. Ang mga nanatiling tapat sa Roman Catholicism ay naniniwala na

ang sentral na regulasyon ng doktrina ng mga pinuno ng simbahan ay kinakailangan upang

maiwasan ang pagkalito at pagkakabahagi sa loob ng simbahan at katiwalian ng mga paniniwala

nito.

12
TEKSTONG NARATIBO

TALAMBUHAY

“ANG BUHAY NI KYLA LLAGAS”

Tuwing darating ang kaarawan ko may nangyayari, minsan ay masaya kadalasan lungkot

ang dumarating, hindi ko alam kung malas ba ko o sadyang nasasaktuhan na palaging ganon, ako

si Kyla Llagas bunsong anak nila Jose Llagas Jr, at Cherryl Llagas, at ipinanganak noon mayo 28

sa taong 2005.

Simula ng ipanganak ako ay sobrang espisyal ko sa lahat dahil nga bunso, lagi nasusunod

ang gusto mula sa ate, mama at papa, pati isama na natin ang mga kapatid ko sa side ng papa ko.

Sabi nila bibong bata na raw ako simula dati pa, hindi nga lang masipag kasi nga bunso, palagi

nakakatakas sa gawain. Meron akong peklat sa muka sa may labi ko, nakuha ko raw ito noong

sobrang baby pa dahil nga raw sa kakyutan na bata at lagi pinipisil ang pisngi kaya nadisgrasya.

Hindi ko to sinasabi sa iba kasi, ewan ko ba nahihiya ako dati, pero ngayon ay ayos na sakin. Na

para bang tanggap ko na, na kahit pa itanong kung saan ko nakuha ay tiwala na agad ako na

masasagot ko siya ng maayos at hindi na nahihiya.

Dahil nga sa bibong bata ako noon dumating din samin naospital ako biruin nyo yon

napakaswerte ko dahil Malala ang sakit ko noon, na dengue. Ayon yung mga pahanapon na

napakataas ng cases ng nagkakaroon ng dengue sa pinas kaya napakaswerte ko at nabuhay pa ko.

Nalala ko pa noon na palaging natatanggal yung IV ko at lagi dumudugo kamaay ko, tapos

palaging kukuhaan ng dugo sa umaga para itest kung magaling na ba ko. Hanggang sa may

makilala ako non na nurse. Student nurse ata yon? Hindi ko na Malala pero siya palagi ung

nagaalaga sakin noon at palagi nya akong binibigyan ng kahit ano para hindi na ako umiyak,

pero nakakalungkot lng nung malapit na akong gumaling ay iba na ang nagaasikaso sakin, wala

man lang kaming matinong paalam sa isat isa, isa rin siguro yan kung bakit gusto kong maging

isang nurse sa future.

Patuloy lang ang buhay hanggang sa sinubok nanaman kami/ako ng panahon, hinding

hindi ko ito makakalimutan dahil simula ng mangyari ito parang hindi na lagi masaya, hindi ko

13
nmn sinisisi pero nakakalungkot lng. Mayo 28,2015. Nawala ang lola ko, Kinuha na sya ng

panginoon napaka sakit sakin na andon ako nung inatake at nadulas sya tuwing nalala ko yon,

parang kahapon lng nangyari, ang bilis. hanggang sa lolo ko nmn sa side ni mama naospital

noong birthday ko rin, sobrang sakit na pagkagising mo sa araw ng kaarawan mo ay ayon agad

ang makikita mo. Hindi ko maiwasang hindi umiyak dahil wala naman akong kasalanan na

palaging sa mismong araw ng kaarawan ko may ganon. Laking pasasalamat ko pa rin na hindi

ako pinapabayaan ng panginoon at lagi niya ako nililigtas sa ano mang kapahamakan.

At ngayon literal na dalaga na ako 18 na gusto kong magpasalamat sa sarili ko dahil sa

dami ng nangyari sa buhay ko kinaya ko ang lahat hindi ako sumuko, sa kahit ano pa mang

nangyari noon. Kung makakausap ko lang ang dating ako sobrang proud yon sakin dahil sa mga

achievements ko na hindi inaasahang magsagawa ko katulad ng pagsali sa mga pageants, sabi ko

noon ayoko dahil nakakahiya pero tignan nyo nmn nakadalawang salang na ko at kahit wala

akong nauuwi na korona ay sobrang proud pa rin ako, ang galing ko na new adventure unlock

talaga dahil na harap ko yung kinakatakutan ko lng dati,

Sa ngayon alam kong marami parin mangyayare dahil nasa legal 18 na ko marami na

sigurong pressures na kakaharapin ko at naway makaya ko lahat ng iyon, sa tulong ng panginoon

at ng mga mahal ko sa buhay na anjan palagi na sumusupporta at hindi ako tatalikuran sa lahat.

Kaya mahal na mahal ko ang sarili, pamilya, kaibigan, at mga nagmamahal pa sakin dahil kung

wala sila hindi ko na alam kung san ako pupuluin muli ako si Kyla Llagas.

14
TEKSTONG NARATIBO

PATULANG NARATIBO

“ANG HUWARANG EMPLEYADO”

Late ng dumating sa opisina, Break time na ng empleyado.

Itong huwarang empleyada,

Inuna muna ang tsika,

Sa katabi niyang kasama. Nagpa-charming na inaya

Ang kasamang empleyada,

Pagkatapos ng tsismis Nagteka-teka muna

Tungkol sa showbiz, Sa pagmemeryenda.

Nagpulbos ng manipis

Sa mukhang malangis. Naghudyat ang alas onse,

Saka pa lang inubos ang kape,

Pitong beses inulit-ulit Habang daldal sa pagsasabi

Ang paghalik ng lipistik, Ng mga tsismis sa tabi.

Pitong ulit iginuhit

Ang kilay na malantik. Nang bumalik sa opisina,

Itinuloy ang istorya,

Alas diyes na impunto Ng kung sinong artista

Nang matapos magpolbo Na bakla palang rumarampa.

Ng powder sa noo,

15
Alas dose na nang matapos Kasabay ng kaniyang boss.

Habang nagkapaos-paos,

Lunch naman ang idinaos

Nakaidlip sa kabusugan, Na mayroon palang trabaho

Ang mesa ay tinulugan, Na dapat na maareglo.

Alas-dos ang nagisnan

Na panahon sa orasan. Aba, teka nga pala,

Alas singko na, iha!

Nagpahid lang ng laway, Kailan mo na magagawa

At saka uli naglagay Ang trabahong nakapila?

Ng pinturang makulay

Sa mukhang hindi tunay. Heto nga’t katapusan na ng buwan

Sweldo na pala ng empleyadang huwaran

Three o’clock habit Akalain mo nga naman,

Nang computer ay ikabit, Nakaraos nang paganun-ganun lang!

Nagkonek sa internet:

Para Facebook ay ma-update.

Alas kuwatro kuwarenta’y singko,

Nang biglang pumasok sa ulo

16
Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.
Founded 1993
City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO

TUNGO SA PANANALIKSIK

KYLA D, LLAGAS

11- NEWTON

SIR. JERICHO QUIERO

17

You might also like