You are on page 1of 3

Noong mayroon pang face to face classes at wala pang pandemya ay sabik na

sabik kaming buong pamilya na matapos ang taon ng pag aaral. Sapagkat pagkatapos
ng buong taon ng pag aaral ay magkakaroon ng dalawang buwan na bakasyon. At
tuwing bakasyon isa at pare pareho lang ang nasa aming isipan. Ang pagpunta namin
sa bicol at pagbabakasyon dito sa bahay ng aming tiya. Sabik na sabik kami at hindi na
makapag hintay na makapunta sa kanila dahil sa marami kaming mga ginagawa dito.

Nakatira ang aking tiya sa Legazpi, Albay sa probinsya ng Bicol.madalas na dito


namin ginugugugol ang aming dalawang buwang bakasyon pagkatapos ng taunang pag
aaral. Masaya sa probinsya nila tita, maaliwalas ang paligid, malinis ang simoy ng
hangin at higit sa lahat ay maraming tao sapagkat madami sa aming kamag-anak ay
kalapit bahay lang nila.

Isa sa pinaka inaabangan kong pangyayari sa aming bakasyon ay ang paliligo


namin sa dagat o kaya ay sa pampublikong swimming pool. Dahil mainit ang panahon
tuwing bakasyon ay sumasakto ang panahon na ito upang magpa presko at maligo sa
dagat o kaya naman ay sa swimming pool. Tuwing buwan ng mayo ay nagkakaroon
kami ng pagdiriwang sa kadahilanang dalawa din sa anak ng aking tiya ang may
kaarawan sa buwang ito, ginaganap nalang ito sa pamamagitan ng paliligo ng aming
buong pamilya kasama ang mga mga kaanak at ilang kakilala sa pribadong swimming
pool. Dito ay sama sama kaming nagsasaya at ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan.
Hindi kami uuwi hangga’t hindi pagod at masakit ang likod ng lahat. Kumpleto din sila
ng handa tulad ng keyk, hotdog, fried chicken, spaghetti at pakwan sakto sa mainit na
panahon. At hindi ko malilimutan ang karansang ito sapagkat napakaraming
magandang memorya ang nabuo sa araw na ito.

Kung kami naman ay magbabakasyon sa kanilang tahanan ay hindi pwedeng


wala kaming ginagawa at nakatambay lang, kaya tuwing mayroong gawain ay tulong
tulong kaming magpipinsan na gawin ito. Tulad ng sama sama kaming naglalaba ng
mga damit na aming ginamit, madalas panga na paliligo sa batya ang magiging bunga
nito pagkatapos ng paglalaba dulot ng pag aasaran at pagbabasaan sa isat isa.
Nakatoka din kami at nagpapalit palit sa paghuhugas ng plato, at madalas na ako ang
nakatoka sa gabi kaya lagi akong naliligo bago matulog sapagkat lagi ding nababasa
ang damit ko pagtapos maghugas ng mga pinagkainang pinggan.

At dahil pagbebenta ng kakanin ang negosyo ng aking tiya, ay tiyak na laging


mayroong nakahanda sa hapag tuwing umaga na kakanin tulad ng puto at kutsinta.
Madalas na ito ang aming ina almusal kapares ng kape o gatas. Tunay na napakasarap
at hindi ka magsasawa sa mga gawa nilang kakanin kaya talaga namang hinahanap
hanap namin ito. Ang mga kakaning ginagawa nila ay puto, kutsinta, sapin-
sapin,kalamay, biko, cassava at iba pa. Naranasan kodin tumulong sa paggawa nito.
Tulad ng pagtulong ko sa pinsan kong magbalat ng kamote na gagawing cassava cake,
paghahalo sa biko ngunit napakahirap nito dahil mabigat ang malagkit at nakadikit sa
kawali, naranasan kodin ang maghanda ng mga paninda na ibebenta, ngunit sa tingin
ko’y hindi ako masyadong nakatulong dahil hindi maayos ang aking presentasyon sa
bilao ay masaya ako dahil naranasan ko ito. At higit sa lahat ang pinaka diko
makakalimutang alala tungkol sa kanilang negosyo ay ang tumulong ako sa
pagbebenta ng kanilang produkto sa mall. Simple lang ang kanilang stall duon pero
elegante at babagay sa kapaligiran ng mall, naranasan kong magtinda dito at hindi
naman sya masyadong mahirap kaso lamanng minsan hindi ko maintindihan ang
dayalekto nilang bicolano sapagkat hindi ako nakakaintindi nito kaya ang mga ganitong
pangyayari ay sinasabi at pinapasa ko nalang sa tunay na tindera. Base sa aking
karanasan ukol sa kanilang negosyo masasabi kong ang lahat ng paghihirap ay
masusuklian ng matamis na tagumpay tulad ng paghahanda sa kakanin, mahirap itong
lutuin at ihanda pero kapag natikman mo o na pagkakitaan, mapapangiti ka ng walang
dahilan.

Dahil tuwing bakasyon ay walang pasok, hindi lang kaming pamilya ang
nagbabaksayon sa bahay ng aking tiya, pumupunta din dito ang iba naming kamag-
anak para magbakasyon. Malaki naman ang tahanan ng aking tiya kaya nagkakasya
kaming lahat dito. Sama sama kami ng mga pinsan ko sa ibat ibang gawain tulad ng
pagtulog, paglalaro, paggawa sa gawaing bahay at pagbuhat sa mga mabibigat na dala
ng tiya kong galing sa palengke na ang laman ay mga sangkap para sa kakanin. Isa sa
gawain naming magpipinsan ay ang panonood ng telebisyon bago matulog at madalas
ay nagkakaroon pa kami ng kompetisyon kung sino ang pinakahuling matutulog.
Masaya kaming nanonood ng sama sama at sabay sabay kinikilig sa palabas na "Dolce
Amore" nina Liza Soberano at Enrique Gil, kung sabay sabay kaming nanonood ay
sabay sabay din kaming pinagagalitan dahil gabi na ay gising pa kami. Sapagkat bawal
kaming lumabas dahil delikado ay sa bakuran na lang kami sama samang naglalaro,
malaki naman ang kanilang bakuran kaya wala na kaming dahilan para lumabas pa.
Naglalaro kami dito ng tayaan, basketball o kaya naman ay piko, at sa lahat ng laro
namin ay may isang napipikon kaya laging napapaaga ang pagtatapos ng aming mga
laro. Gayunpaman ay masaya ang aking naging karanasan dito.

Dalawa lamang ang hindi namin dapat gawin kanila tita, iyon ay ang hindi pag
sabay kumain at ang pag-alis ng walang paalam. Strikto sila sa pagkain sapagkat
pinahahalagahan nila ang koneksyon sa bawat isa na patuloy ngang naisasagawa sa
hapagkainanan dahil dito ay samasama kaming buong magkakamag-anak habang
kumakain, kami ay nagkukwentuhan nagtatawanan at nag-aasaran sa isa’t isa. Ang
ikalawa naman ay hindi kami pwedeng umalis ng walang paalam, dahil delikado ang
umalis mag-isa ng walang paalam at medyo bundok ang kanilang lugar. Kaya
kinakailangan naming magpaalam bago umalis upang hindi sila mag alala at alam nila
kung san kami hahanapin kung may mangyari mang hindi maganda. Sa makatuwid ay
hindi naman nito naapektuhan ang pageenjoy ko sa aking bakasyon kanila tita, sa halip
ay nakatulong pa ito upang mas makailala kopa sila at mapalapit sa kanila

Tunay na sulit ang aking pananabik at pag-aantay sa bakasyon ng aming


pamilya sa bahay nila tita. Nais kong maulit uli ang ganito kasayang karanasan, na sa
tingin ko ay matagal kopa ulit mararanasan dahil sa pandemya at mga gawaing pang
paaralang aking kinakaharap. Bagamat matagal kona itong karanasan hindi ko pa rin
nalilimutan ang bawat pangyayari sa aking bakasyon kanila tita. Salamat tita sa
pagtanggap sa amin sa pagbabakasyon sa inyo!

You might also like