You are on page 1of 2

Naalala mo pa ba dalawang taon ang nakakaraan?

Iyong mga araw na akala natin hindi na matatapos


ang nakakatakot na pandemya na dulot ng makamandag na sakit na COVID-19?

Ako, alalang alala ko pa. Hinding hindi ko siguro makakalimutan sa tanang buhay ko iyong mga unang
limang buwan, iyong mga panahon na para tayong mga bilanggo sa loob ng ating mga tahanan. Halu-
halong mge emosyon ang ating naramdaman - takot na baka tayo ay mahawa, inis at galit sa mga
otoridad dahil hindi natin maaaring magawa ang mga bagay na nakasanayan natin, inip dahil hindi tayo
pwedeng lumabas para pumasok sa paaralan, para mamili at kahit man lamang mamasyal at
makalanghap ng sariwang hangin na walang takip ang ilong at bibig. Pag-aalala dahil baka bukas
makawala wala nang trabaho sina mama at papa. Higit sa lahat hindi makakalimutan ang lungkot na
nadarama sa bawat oras na may kamag-anak, kaibigan, kakilalang binalitang nabawi-an ng buhay. Ikaw
ba, naaalala mo pa?

Subalit sa mga panahong iyon, marami tayong natuklasang mga bagay na pwede pala. Pwede palang
mag work-from-home ang mga magulang natin. Pwede rin pala tayong mag-aral kahit hindi tayo
nagkikita-kita at hindi nakakapag punta sa paaralan. Posible din palang mamili ng pagkain, damit at mga
kagamitan gamit ang cellphone lang. Pati pagsamba maari din palang gawin nang hindi lumalabas ng
bakuran.

Natuto din tayo ng iba't ibang diskarte, para kumita, magsaya at mawala ang bagot. Nakakapagbenta
tayo ng kahit ano sa internet. Diba nga iyon ang simula bakit ang dami dami nang live selling ngayon.
Marami din sa atin naging "instant vlogger". Iyong akala mong mahiya-in at hindi di masyadong
nagsasalita, aba'y vlogger na ngayon. Iyon namang kaklase mong halos hindi maitaas ang kamay sa klase,
napakagaling na tiktokerist na ngayon at ang galing galing nang gumiling. Marami din sa atin natutong
magluto. Kahit nga sardinas at noodles na bigay ni Mayor ay nagawa nating gawing pagmukhaing
mamahalin. Sinong nanay o ate dito biglang naging plantita? Naadik din ba kayo sa pag kokolekta ng
syngonium, monstera, pothos, cactus at iba pa? Kami nga, bahay namin nagmukhang gubat na.

Higit sa lahat, ang pandemyang iyon ang nagturo sa atin na kalusugan pala ay napakahalaga. Nabigyan
natin ng pansin ang pag aalaga sa ating mga katawan, ang pag inom ng bitamina, pagkain ng mga
masustansyang pagkain at ang tamang pag linis sa ating mga katawan. Naging matalik nating kaibigan
sina alcohol, sabon at santizer.

Naging mas malapit tayo sa ating pamilya, wala kasi tayong choice diba? Seryoso, dahil ang lahat sa mga
panahong iyon ay walang kasiguruhan, naging mas madalas ang pagsabi natin ng kamusta. Kung noo'y
halos hindi tayo makapag-usap sa mga kamag-anak natin sa malayo, diba ngayo'y halos linggo-linggo nag
vivideocall tayo?

Hay! Mabuti na lang at hinay-hinay nang bumabalik ang dati. Mayroon ngang magagandang dulot ang
pandemya, ngunit mas marami pa rin ang mga hindi kaaya-ayang pangyayaring kung pwede lang ay
ayaw na nating balikan. Salamat at may mga dalubhasang nakadiskubre ng bakuna. Dahil dito ay
nagiging malakas tayo para labanan ang kalabang hindi natin nakikita.

Ngunit hindi ibig sabihin ay isawalang bahala na lang natin ito. Tandaan, ang virus ay hindi nawala, sadya
lamang naging sanay tayo. Sana ay pangalagaan pa rin natin ang ating katawan, sana ay pahalagaan pa
rin natin ang ating mga mahal sa buhay at sana naman ngayon, maging mas mapagmatyag tayo, maging
mas matalino at sana.. Sana ang lahat ng alaala ng pandemya ay magbigay sa atin ng mas malakas na
pananampalataya, at maging rason na magpasalamat sa kaitaasan dahil sa kabila ng lahat ng nangyari,
buhay at nandirito pa rin naman tayo, diba?

You might also like