Bagaman hindi tayo magkakapareho ng kinatatayuan, hindi
magkakapareparehong karanasan sa gitna ng pandemyang ito, ay karamihan pa rin sa atin ang talaga namang may mga kakilakilabot na istorya.
Mabilis ang mga pagbabago
sa daigdig natin sa kasalukuyan. Ngayong dinadagsa tayo ng masasamang balita, mahirap umiwas sa pag-aalala para sa iyong sarili, maging sa mga mahal sa buhay. Dahil sa mga karanasang bago sa ganitong pangyayari, karamihan sa atin ay pinanghihinaan na lamang ng loob, at ang masama pa nga ay ang iba’y hindi na kinaya’t pinili na lang kitilin ang sariling buhay, dahilan ng ganitong problema.
Ako si Rafi, Jan Ralph Sabinorio Rabanillo sa totoong pangalan,
isa akong estudyante na patuloy pa ring namumuhay sa gitna ng pandemyang ito. Masasabi kong mahirap, oo, talaga namang mas binigyan tayo ng pagsubok ng sitwasyong ito, ngunit sa ating kaisipan at patuloy na pamumuhay, natural pinipili pa rin natin na magpatuloy at gawin ang nakabubuti para sa atin, na ating ngang sinasabi, kapag may problema,may solusyon. Sa aking pamumuhay kasama ang aking pamilya, talaga namang apektado ang lahat, kasangkot sa problema, at kasangkot rin sa magandang aral at magandang bunga. Magandang bung ana dulot ng patuloy na paggalaw, hindi pagsuko at hindi pagkawalan ng pag-asa. Bilang isang mag-aaral, ay talaga namang masasabi kong sira ang sistema, bulok hindi dahil sa gobyerno o sino mang indibidwal, kundi bulok dahil sa dulot ng suliraning ating kinabibilangan at ngayon tayoy napapagitna, ang pandemya na dulot ng COVID-19 Virus. Mga makabagong karanasan, na kapag Nawala na ang suliranin ay tila tayo’y hasang hasa na sa ating mga nagging karanasan, na tila tayoy isa nang ganap na malakas para sa mga problema pang kahaharapin. Nakakatawa ngang isipin hindi ba? Mas naging positibo na lamang tayo para sa matagal na pagbabago, matagal na pagbangon dahil sa lalim ng ating pagkalublob. Nalugmok at nadapa sa putik na ating naging dahilan ng dusa. Masasamang karanasan ay tila tubig na dumadaloy sa ilog, hindi matapos tapos.
Ngunit sa kabila ng lahat ng masasamang karansan, syempre
mayroon rin naman tayong masasaya at magagandang kinagiliwan, dahilan nang maging mabuting karanasan. Mga bagay gaya ng pagiging positibo sa buhay, pagiging positibo mag-isip, na ating kinasiyahan na lamang sa biglaan na lamang na ating nakakamit na masayang sandal. Sa suliraning ito, nagkaroon tayo ng iba’t ibang makabagong nakasanayan, pagpupulong ay hindi na pinuproblema dahil mayroon na tayong iskrin, kompyuter, at makabagong mga teknolohiya na mas nagbigay pa sa atin ng pag-asa, na tayao’y makapagpatuloy sa buhay at maging produktibo pa sa kabila ng lahat. Masasayang ala-ala na sa ngayon ay unti- unti nang bumabalik, pagbuskad ng makabagong pag-asa na talaga namang ating kagigiliwan at kasisiyahan sa kadahilanang tayo ngayon ay inaasam na ang pagbabalik ng dating buhay na ating nakasanayan. Sa kabila ng lungkot, ay mayroon pa ring saya, sabi ko nga, na ang mundong ito ay talaga namang may pagbabalik na galaw, at talagang dinisenyo nang nasa balanse.
Lahat ng ito’y pawang sa aking sarili lamang pinagbasehan,
sapagkat ito ang pinagkakaabalahan at patuloy kong pinaglalaban na karanasan. Sa kabila ng mga problemang ating kinakaharap, huwag tayong maging ganap na lugmok, matuto pa rin tayong umintindi na sa kabila ng lahat ng sarap na ating tinatamasa na siyang pagkasira ng ating mundo ay babalik at babalik pa rin ito sa atin bilang sukli. Huwag na lamang tayo maging batugan pa ng tuluyan sapagkat tayo namay parang isang hari kung umasta na napakadami ng reklamo sa mga namamahala, tumayo at maglakbay sa buhay na ating ninanais, magpatuloy sa paghanap ng solusyon para sa problemang kinakaharap ng ating nayon.