You are on page 1of 1

Bakit mahalaga ang Buhay?

Isang mahalagang aspekto ng buhay ay ang patuloy sa pagsulong. Ibig sabihin lamang non ay walang
permanente sa mundo. Kaya naman walang rason na magkulong at maging malungkot. Ang mga
kasiyahan ay natatapos gayun din ang kalungkutan. Kaya naman marapat na maging positibo kahit na
may mga hindi magandang nangyari. Dahil wala naming nananatili habang buhay. Sa bawat sitwasyon,
okasyon at mga pangyayari ay lilipas din. Patunay na ang buhay ay walang kasing ganda.

Maraming mga tao ang nalulungkot dahil sa mga kamalian nila. Ngunit dadapwat, ito rin ang
magpapakita sa kanila ng magandang dulot ng kanilang pagkakamali. Sa positibong paningin ang mga
kamalian ay may iba’t ibang rason. Kaya ang bawat pagkakamali ay nagbibigay ng aral sa atin.
Nangangahulugan lamang ito na ang bawat pagkabigo ay bumubuo ng ating karanasan. At ang mga
karanasa na ito ay nakatutulong na mapabuti ang ating mga kasanayan bilang isang tao.

Maaaring karamihan ng mga tao ay nagrereklamo dahil sa hirap ng buhay. Maraming naniniwala na ang
sakit ay katumbas ng buhay. Ang sakit ay isang mahusay na paraan upang mapataas ang katatagan ng
ating isipan. Higit sa lahat, ang sakit ay nakakatulong upang mapayaman ang ating utak.

Ang walang tiyak na kamatayang ay siyang nagpapahalaga sa buhay. Walang sino man ang nakaka alam
ng kanyang oras ng kamatayan. Yun na rin siguro ang pinaka importanteng dahilan kung bakait sinasabi
nilang “live life to the fullest”. Ang pananatili sa depresyon o ang pagtatrabaho ng lubos ay isang
malaking paggasta ng buhay. Marapat na ang bawat isa ay magsaya sa biyayang buhay bago nila kunin
ang ating buhay.

You might also like