You are on page 1of 2

April Rose A.

Alay
BSE Filipino 3

Liwanag sa Gitna ng Unos

Tulala at nahihirapan
Sakit at pighati ay pasan-pasan
Napuno ng iyak
Ang dating pamumuhay na payak

Pagkalugmok ang dala ng taong ito sa nakararami


Totoo ngang binago ng pandemya ang ating buhay nang matindi
Bitbit nito’y walang mapagsidlang pangamba
Sa mga taong nais lamang ng buhay na payapa

Maraming natakot sa dalang panganib ng pandemya


Maraming ‘di mapakali at natataranta
Maraming natanggal sa trabaho’t nawalan ng pagkakakitaan
Maraming nagpapakatatag pero sa loob-loob ay nahihirapan.

Hindi madaling tanggapin ang mga naging pagbabago


Ang mga nakasanayang gawin ay naging limitado
Maraming bawal, maraming hindi pwedeng gawin
Naninibago man ngunit kailangan nating sundin.

Pero hindi pa rin naiiwasan ang pagkabalisa


Maging ang lungkot at kawalan ng pag-asa
May ibang napanghihinaan na ng loob
At hinihila na ng matinding emosyon

Sa katunayan, sa gitna ng krisis na pinagdadaanan


May mga kapwa Noypi tayong nakikipagsagupaan
Luha’y pilit itinatago
Umaasang matatapos din ang lahat ng ito.

Pero sa kabila ng nangyayaring krisis


Pagkatuliro sa sitwaso’y bigyan natin ng bagong bihis
Sa halip na umupo’t mapag-isa
Subukan nating tumayo at tulungan ang isa’t isa.
Alam nating lahat na mahirap
Pero sa tingin ko’y kakayanin natin kung tayo’y magsusumikap
Sama-sama tayong ngumiti at payabungin ang binhi ng pag-asa
Pasasaan ba’t tayo rin ay magiging masaya.

Maaaring iba-iba tayo ng pinagdadaanan


Hindi nagkakapareho ang lubak na ating iniiyakan
Pero isang tapik sa likod ay sapat na
Upang ipahayag na darating din ang bagong umaga.

Ang simpleng pangungumusta


Sa iilan ay isa ng anyo ng pag-asa
Kung kaya nating magbigay ng mabuting impluwensiya
Gawin natin upang makatulong sa iba.

Kaya isang malaking ‘Kudos!’


Sa mga taong nagbibigay-liwanag sa gitna ng unos
Salamat sa pagsisilbing pag-asa sa mga pasuko na
Salamat sa malaki at mabuti niyong puso.

Ating pakatandaan
Hindi naman puro kadiliman
Darating din ang araw na sisilip din ang liwanag ng pag-asa
At magsisimula ‘yon sa iyong paniniwala.

You might also like