You are on page 1of 1

Replektibong Sanaysay

Katre

May mga pangyayaring hindi maiiwasan, mga hindi inaasahan na humahamon sa tatag at
kagustuhan nating mamuhay ng maayos.
Maaaring ngayon ay nagdiriwang ka at nagpapakasaya sa mga nakamit mo ngunit hindi mo
masasabi kung ano ang kahihinatnan ng bukas. Maaring sa isang trahedya na hindi inaasahan ay magbago
ang takbo ng iyong buhay, isang permanenteng pagbabago na kailangan mo nalamang tanggapin.
Kailangan mo nalamang kumbinsihin ang sarili mo na maging matatag at magsikap upang kahit papaano
ay may magawa ka parin upang ayusin ang kinahinatnat mo. Kahit mahirap at mukhang imposible nang
gawin ang mga dating kinagawian, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa at patuloy paring maghanap ng
paraan upang magawa ang mga ito. Marami man ang hindi naniniwala at tumalikod sa’yo, isipin mo na
patuloy ka paring ginagabayan ng Panginoon, lagi mong panatilihin ang pag-asa at pnanampalataya sa
iyong puso
Sa iba’t-ibang trahedyang nararanasan ng bawat tao sa mundo, iilan lamang ang lumalaban at
patuloy na nakikibaka sa hamon ng buhay. Kahit ang mga trahedyang ito ay nagdulot ng malaking pinsala
sa kanila, umuusbong parin ang dedikasyon at pag-asa. Nagiging instrumento ang kanilang kalakasan
upang magsilbing inspirasyon sa mga taong maaaring nasa pinakamasakit at malungkot na na parte ng
kanilang buhay at nagkakaroon ng pag-asa dahil sa mga taong nakakayanan at nalalagpasan ang mga
pagsubok sa kanilang buhay.
Kung ang tingin mo man sa sarili mo nayon ay nakahiga sa isang katre at hindi na kayang
bumangon dahil sa mga nararanasan sa buhay, ipagpatuloy mo parin ang lumaban at pagiging matatag.
Humugot ka ng lakas at pag-asa sa mga taong nagmamahal sa’yo, lalo na sa ating Panginoon.

You might also like