You are on page 1of 1

Sa aking mga magulang,

Mag mula sa aking kapanganakan nais ko ihatid ang aking buong pasasalamat sa paggabay at
pagaruga. Hindi matutumbasan ang inyong hirap at sakripissyo upang maiparanas sa aming
magkakapatid ang buhay na marangya at maginhawa. Naging mas matatag pa kayo gawi ng pandemya.
Inyong mas lalo sinigurado ang aming mga kalusugan at pati ang mga taong malalapit sa atin. Hindi man
naging madali ang karansan natin bilang pamilya at pilit ninyo paring ipinaranas ang inyong
pagmamahal.

Nagpapasalamat din ako dahil sa inyong kahandaan sa anumang sakuna ang tumama sa atin.
Ipinakita nyo na ang inyong mga payo sa amin ay napakahalaga at ang pagiging handa ay susi sa kahit
ano mang problema. Nagawa ninyo paring tumulong sa kapwa kahit na kulang at wala ng pumapasok na
pera. Hindi ninyo napabayaan ang mga trabahador at ang mga taong lumalapit sa atin. Kaya naman kayo
ang aking nais maging ihiemplo at isasapuso ko ang inyong mga payo,

Alam kong hindi na katulad ng dati ang estado natin sa buhay gawi ng pandemya, nugnit hindi
nito nasaalamin na magiiba din ang takbo ng ating buhay. Hindi man naging madali ang pagbangon natin
sa pandemya pero naging isang magandang ala ala naman ito para sa aming magkakapatid. Dito naming
naranasan na sa kahit aong sakuna hindi matitibag ang pagkakaisa at pagmamahalan ng ating pamilya,
ang pigging makatao at pamutulungin sa kapwa. Sa kadahilanang ito ay nais ko ulit magpasalamat sa
aking mga magulang at idolo.

You might also like