You are on page 1of 2

Victoria, Joana Rose J.

BEEd2-CAPAS
EEd.Fil1
Takdang Aralin: SANAYSAY
PANGARAP
“Hindi sapat na may pangarap lang ang tao, bagkus kailangan niya itong
tuparin sa pamamagitan ng tiyaga,sipag at diskarte” Mga salitang laging naririnig
sa mga matanda na siyang nagbibigay inspirasyon upang lalong bigyan katuparan
ang mga ninanais natin sa hinaharap.Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang papel sa
mundo maliit man o malaki subalit ito ay mahalaga at sapat upang malaman natin
na sa ating pagkaka-iba na may kanikaniya tayong kakayahan.
Nagsisimula ang pangarap sa munti at lumalawak ito habang tayo ay
tumatanda. Sa maraming mga taog nakakasalamuha at karanasan ay mas lalo
nating binibigyang halaga kung ano ang mga ninanais at plano natin sa buhay.
Marami man ang hadlang at balakid tungo sa tagumpay subalit iyon ay proseso
upang lalo tayong maging handa kung ano ang magiging kalalagyan natin sa
hinaharap. Datapuwat may mga nangangarap na humihinto dahil sa hirap ng
buhay, hinahadlangan ng mga magulang at dahil narin sa problemang pinansiyal
ngunit sila ay nagsisikap saka naghahanap ng ibang paraan upang mapunan ang
kanilang ninanais subalit sila ay masaya sa mga desisyon sa buhay at may mga
nangangarap na nagpapatuloy subalit hindi masaya sa magiging resulta nito,
marahil hindi talaga iyon ang kanilang ninanais o hindi kaka’y sila ay
naimpluwensiya lang ng kanilaang mga magulang. Ikaw alin ka diyan?
Kahit na masabihan tayo na napaglipasan na ng panahon sa ating pangarap,
huwag tayong magpapasindak sa kanila sapagkat mayroon tayong kani-kaniyang
nakalaan na oras para sa tagumpay ng bawat isa. Kaya ikaw, Oo, Ikaw huwag kang
papaya na dahil sa mga hadalang at pagsubok ay hindi mo matupad ang pangarap
mo sa buhay.Magtiwala tayo sa ating kakayahan.

You might also like