You are on page 1of 2

Edukasyon,Susi Sa Kinabukasan

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa,dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kahihinatnan nito dito sa mundo,at ito ang ating sandata upang magkaroon ng maganda at payak na pamumuhay. Ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao,ay nakatutulong sa pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao sa makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon lamang ang tangi nilang maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon daw ang pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap.Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. May mga hadlang din na maaaring pumigil sa ating pagtatagumpay. Kaya nararapat lamang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malampasan ang mga ito,at ang pagkamit ng tagumpay ay kailangan ng buong determinasyon,tiwala sa sarili,malasakit sa kapwa, pananalig sa Diyos at marami pang mga katangian na dapat taglayin upang malampasan ang mga pagsubok na darating at matagumpay na makamit ang magandang bukas. Kahirapan ay hindi hadlang sa magandang kinabukasan at lagi lang nating tatandaan na tayo ang gumagawa ng ating sariling kapalaran.Dahil kung gusto maraming paraan. Kung ayaw,maraming dahilan.

You might also like