You are on page 1of 2

PANGARAP

Tayong mga tao na nabubuhay sa mundo ay mayroon


tinatawag na pangarap. Isang bagay na nais nating makamit o
maabot na ating pinagsusumikapan. Bawat tao ay may iba't
ibang pagiisip kaya naman may kanya kanya tayong pangarap
sa buhay. Mga pangarap na nagsisilbing isa sa ating inspirasyon
kung bakit tayo ay determinado at nagsusumikap sa ating mga
ginagawa. Ang pangarap ay hindi madaling makamit ngunit
tiyak mo na maaabot ang pangarap kung ikaw mismo ay
mayroong pagtatyaga at pagsisikap. Pagtatyaga at pagsisikap sa
buhay ang isa sa mga sagot upang maabot ang pangarap.
Idagdag mo pa ang determinasyon at tamang diskarte sa buhay
sa pagkamit ng pangarap mo sa buhay.
Madalas tayong sabihan ng ating magulang na magaaral mabuti
dahil tanging edukasyon lang ang kayamanan na maipapamana
na hindi makukuha ng sino man. Ang edukasyon lang ang
kayamanang  na maipapamana na hindi makukuha ng sino man.
Ang edukasyon ay walang pinipiling edad at estado ng
pamumuhay. Edukasyon rin ang pwedeng maging daan upang
makamait mo ang inaasam mong mga pangarap. Maaring sa
edukasyon ay mas maaaninagan mo ng husto ang daan tungo
sa pangarap mo. Ang edukasyon rin ang huhubog sa isang tao
para maging handa at preparado sa pagkamit ng kanyang mga
pangarap. Ang edukasyon rin ang nagpapaigting sa kaalaman ng
isang tao upang lubos na makita pa ang mga bagay na tatahakin
ng tao sa pagkamit ng kanyang mga pangarap. 
Kaya habang may oras pa lubus- lubosin natin ang mga
pagkakataon sa pagaaral. Tayo ay magaaral mabuti kung gusto
natin na maabot ang ating mga minimithing mga pangarap. 

You might also like