You are on page 1of 2

PAN 2 YUNIT 3-PANGHULING ARALIN WORKSHOP SA

PAGSULAT NG AKDANG PAMPANITIKAN

Glaiza L. Betongga BSED-MATH III

GAWAIN SA PAGKATUTO: TULA- 100 PTS.

“Tatay kong Magsasaka”

Hanga ako sayong husay

Pawis at dugo iyong inalay

Para kami ay makakain at mabuhay

Saludo ako sayo tay.

Ngunit bakit ganon?

Maghapong sa pagsasaka nakatuon

Pero sa buhay tayoy laging nakabaon

Na tila sa utang hindi na makaahon.

Subalit wag mawalan ng pag-asa

Dahil marami sating umaasa

Panghapunan, tanghalian at sa umaga

Maraming nangangailangan sayo Pa.

SANAYSAY-100PTS.

May Solusyon ba ang Kahirapan?

Isa ang isyu ng kahirapan na suliranin ng bansa. Isa ito sa mga isang panlipunan na tila ba isang
sakit na wala pang nadidiskubring gamot kaya't ganoon na kahirap malunasan. Ang kahirapan ay
tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na wala ng mga pag-aaring materyal at salapi. Subalit
kailangan natin nalalaman kung ano ang mga pinag-uugatan nito. Hindi natin maitatanggi na ang
katiwalian sa gobyerno ay isa sa mga dahilan na binanggit ng marami - ngunit dapat din nating tandaan
na ang ating mga personal na pagpili ay may papel din. Nais kong ituro na ayon sa isang artikulo, isa sa
mga sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon. Maraming tao ang hindi
nakakapagtapos dahil sa iba't ibang pangyayari at desisyon sa buhay na kanilang ginagawa.

Ang kahirapan ay hindi lamang dulot ng katiwalian at mababang antas ng edukasyon, kundi pati
na rin ng kawalan ng pagpaplano sa buhay na humahantong sa labis na paggastos sa mga hindi
kinakailangang bagay. Ang pagkagumon sa masamang bisyo, tulad ng pag-inom at pagsusugal, at
maagang pag-aasawa o pagbubuntis sa pagdadalaga ay mga indikasyon ng kawalan ng malinaw na
direksyon at pagpaplano sa buhay.

Kung maglalaan tayo ng oras para tingnang mabuti ang ating sitwasyon, may kapangyarihan
tayong magtagumpay sa buhay - dahil kung gugustuhin natin, maraming paraan para makatakas tayo sa
kahirapan. Lagi nating pag-isipang mabuti ang ating mga desisyon, dahil magkakaroon ito ng
pangmatagalang epekto sa ating buhay. Kailangan lang nating maging masipag, at matiyaga sa lahat ng
ating ginagawa at sa mga pagkakataong dumarating sa atin. Kailangan nating gumawa ng mga hakbang
upang mapabuti ang ating sariling buhay bago tayo umasa na makagawa ng pagbabago para sa ating
bansa sa kabuuan.

MAIKLING KWENTO- 100 PTS.

"Ang Ulilang Bata"

Tatlong taon pa lamang ang batang si Maria ng maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang
mga magulang ay may sarili ng mga pamilya. Siya ay naiwan sa kaniyang lola na ang tanging
ikinabubuhay lamang ay ang pangangalakal. Araw-araw nangangakalakal ang mag lola at nakakaipon
para lamang sa pantustos sa araw-araw na pangangailangan at para sa kaniyang pag-aaral.

Sa kadahilang matanda na ang kaniyang lola marami na itong mga nararamdmang sakit. Pumunta si
Maria kay aling Basyang para umutang sana ng pampagamot sa kaniyang lola. Subalit hindi pumayag si
Aling basyang dahil marami nang utang sa kaniya ag maglola. Nangako si Maria na babayaran niya ito sa
loob ng isang buwan, ngunit hindi parin ito pumayag. Kaya umuwi nalang si Maria na luhaan at may galit
sa puso. Kinalaunan maagang gumising si Maria para mangalakal ng maaga para may pangbili na siya ng
gamut ng kaniyang lola.

Subalit , nabigla na lamang si Maria ng hindi maagang nagising ay kaniyang lola taliwas sa kadalasang
gawain nito. Kaya napagpasiyahan niyang gisingin ito. Nagulat si Maria at napabagsak na lamang sa lupa
ng maramdaman niyang malamig na at naninigas na ang katawan ng kaniyang lola. Labis ang kaniyang
hinagpis at pag iyak dahil nawala na ang kaisa-isang karamay niya sa buhay ng dahil lamang sa
kahirapan.

You might also like