You are on page 1of 2

Matriano, Moises G.

February 18, 2020

BSCE 1 – 3

Repleksyon

Transcending Old Age


Jagad Guru

Lilipas. Kukulubot. Manghihina at pasasaan ba, papanaw rin.

Ito ang sirkulo ng buhay nating lahat. Nakakalungkot mang isipin ngunit ang pagtanda ay
isang masalimuot na realidad na kailangan nating lahat na harapin. Kung tutuusin ay di rin
mabilang ang mga kalungkutan at problemang kasabay ng pagtanda. Kaya naman ito ang nagiging
dahilan ng pag-iba sa pagtingin ng mga taong tumatanda sa kanilang sarili pati na rin ang pagtingin
ng mga taong nasa paligid niya. Ang malala nito’y ay tinuturing na siyang kahihiyan kahit mismo
ng kaniyang sariling pamilya na minsan na rin pinaghirapang alagaan. Dahil ang totoo, sa ating
pagtanda ay nawawalan na rin tayo ng kontrol sa ating katawan. Pilitin man natin at gustuhin gawin
ang mga bagay na ating nakagawian ay imposible na. Ngunit ayon na rin sa aklat na isinulat ni
Jagad Guru na Transcending Old Age ay hindi kailangang humantong sa gantong estado ang ating
pagtanda. Hindi natin kailangang kamuhian ang ating sarili at isiping mistulang isang pabigat at
kahihiyan sa mga nakapaligid sa atin.

Maaring ang nakapagtataka lang sa kultura na ating ginagalawan ay marami pa rin ang
nagpupumilit na maari kang manaliti bata. Kabi-kabila ang mga taong, nagmumungkahi ng
napakaraming produkto, paraan at mga gawing sinasabing magpapabata sa iyong katawan.
Napakarami din naman ng mga naniniwala sa mga bulaan na ito at ang iba pa ay gumagastos ng
malaki para lang mapunan ang kanilang mga makamundong pagnanasa. Ito ang nagiging resulta
dahil pilit tayong kumakapit sa mga materyal na bagay at pinagpipilitan ang mga bagay na
kailanmay hindi mangyayari. Pasasaan ba at pare-parehas lang tayo ng patutunguhan. Iniisip natin
na ang ito lang ang magbibigay kasiyahan at kahulugan sa ating buhay dito sa mundo. Hindi ba at
marapat lang pagtuunan natin ng pansin ang tunay nating layunin at bigyang-halaga ang natitirang
oras dahil hindi rin naman natin nasisiguro kung kailan tayo lilisan? Na tayo ay nilika ng Diyos
para sa higit layunin, hindi lamang habang-buhay na gawin kung ano ang nanaiisin. Kaya mas
mainam na habang mahaba pa ang ating oras ay maalis na nating ang maling kaiisipan na tayo ang
ating katawan na dahilan ng ating mga paghihirap.

Siguro nga kung mapagtatanto lang natin lahat ang tunay nating layunin kung bakit tayo
nabubuhay na tanging sa Kanya lang mahahanap ay di na natin kailangan pang problemahin ang
pagtanda. Hindi ang materyal na mundong ito ang ating tunay na kaharian ang kundi ang
makasama at makapaglingkod sa tunay na Maylikha. Naniniwala akong sa pamamagitan ng
karunungang ito mapagtatagumpayan natin ang suliranin ng pagtanda. Hindi tayo ang ating
katawan kundi ang katauhan na nasa loob ng katawang ito na itinadhanang makipag-isa sa ating
Diyos.

Totoo ang pagtanda at wala tayong magagawa upang mapigilan ito. Ngunit kaya nating
mapagtagumpayan ang mga dulot nito sa ating buhay. Sa ibang salita, maaring isipin natin na,
“Matanda na ako at mamatay na.” Ito ay isang kamangmangan. Ngayon makakaya na nating maalis
ang kamangmgangang ito na nagdudulot ng ating pagkabalisa at paghihirap sa pamamagitan ng
karunungang nagmumula sa Kanya. Ayon nga kay Jagad Guru, “With wisdom, you can remove
the sting of old age and death.”

You might also like