You are on page 1of 1

Aborsyon: Dapat ba ito o hindi (argumentatibong teksto)

ni Wilfrex A. Talabon

Ang buhay ay sadyang napakahalaga sa mundo. Buhay na hindi kailanman mabibili at mabibigay sa kahit
nino man. Kaya, lahat ay may karapatang maging malaya at mamuhay ng payapa. Ang buhay na inihandog
sa atin ay maituturing na regalo ng Diyos na karapat-dapat lamang na ipagpasalamat at ingatan sapagkat
ang Diyos lamang ang may karapatang bawiin iito.

Ngunit nakakalungkot at nakakatakot isipin na ang buhay na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa atin ay


walang awang inaabuso at nilapastangan ng iilan. Isa sa mga isyung kinabibilangan nito na dapat bigyang
pansin ay ang isyu ng aborsyon o pagpapalaglag. Ito ay ang sinasadyang pagtanggal ng embryo o fetus sa
loob ng matres, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Ginagawa natin ang pagpapalaglag dahil sa sobrang
populasyon. Maaaring naging bunga rin ito ng kasalanan gaya ng panggagahasa. Isang napakalaking
kwestyon ang gumugulo sa ating utak. Kung ikaw ang nasa ganitong posisyon, dapat ba ito o hindi?

Para sa akin, huwag na nating guluhin at kalikutin pa ang ating isipan sapagkat hindi kailanman nagiging
tama ang pagpapalaglag.Una,Hindi sapat na rason angpagdami ng populasyon sa aborsiyon sapagkat
napakaraming mga alternatibo at paraan upang atin itong makontrol lalo pa’t tayo ay nasa henerasyon ng
makabagong teknolohiya na.

Ang aborsyon ay isang krimen sapakat ito ay pagpatay. Ang sinumang nagtatangkang kitlin ang buhay o
kumitil ng buhay ay mapaparusahan.

Hindi ito karapat-dapat sa harap ng Diyos. Kahit pa anong sabihin natin, mapait man ang mga ala-alang
naranasan o sinadya kahit alam mong hindi pa ito ang takdang panahon para sa pagbubuntis, ang bata ay
likha ng Diyos. Ano pa’t ang ating bansa ay isang bansa ay kilala dahil sa pananampalataya at pananalig sa
Diyos. Kung ang ating pinoproblema ay ang ating kinabukasan sa pag-aalaga ng bata, o kaya ay wala pa
tayo sa tamang edad upang gawin ang napakabigat na tungkulin, hindi iyon kasalanan ng bata. Kung hindi
man, huwag mo’ng gawin kung ano iyong sariling kagustuhan, huwag mo’ng pangunahan ang Diyos sa
Kaniyang plano sa iyong buhay at maging sa biyayang ipinagkaloob sa iyo. Ito ay gawain lamang mga
taong nagdududa sa kakayahan ng Diyos at sa kaniyang mga plano sa ating buhay.

Ang tanging maaaring maging rason lamang siguro para dito sa akin ay kung ang pinag-uusapan na ay ang
kaligtasan ng buhay niyong mag-ina. Ngunit, kapatid muli, pinaaalahanan kita na huwag mo’ng
pangunahan ang Panginoon sa napakagandang plano na kaniyang inihanda para sa iyo. Humingi ka muna
ng pahintulot at gabay upang hindi ka mapunta sa maling desisyon. Gawin natin ang tama, pahalagahan
at ingatan ang buhay.

You might also like