You are on page 1of 5

Aizhen Raye Pisaras

G10JACINTO

POSITION PAPER
I. Pagpapatiwakal
II. Panimula
Ang pagpapatiwakal ay isang kilos na sinadyang
isagawa ng isang tao upang wakasan ang kaniyang
buhay. Ito ay ginagawa nang isang tao dahil sa labis
na kalungkutan, kawalan ng pag-asa. Ang mga salik
ng stress gaya ng problema sa pinansyal o
problema sa pag-ibig ang madalas na iniuugnay
dito.

Sa aking pansariling pananaw ang pagpapatiwakal


ay isang uri ng kasalanan sa Diyos. Ito ay ang
pagkitil mo sa sariling buhay upang wakasan
lamanh ang iyong problema, takot sa laban ng iyong
buhay, at kung minsan ay dahil sa sakit na
dinaranas mo.
III. Mga argumento sa isyu
May dalawang magkasalungat na pagtingin sa
pagpapatiwakal. Ang isa ay ang karuwagan, ang isa
ay pagtakas sa mga problema sa buhay at ang
isang pinakamataas na porma ng katapangan. Wala
na raw kasing makapapantay sa desisyon ng isang
tao na wakasan ang kaniyang buhay. Ngunit sa ating
lipunang ginagalawan ngayon, ito ay hindi akmang
tawaging karuwagan o katapangan. Dahil ito ay ay
ang isang desperado o pinal na pagsuko sa mga
pagsubok sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

Ayon sa PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY


(PSA), tumaas ang bilang nang mga
nagpapakamatay kada taon kaya't naging isa ito sa
dalawampung dahilan kung bakit namamatay ang
isang tao sa buong mundo anuman ang edad. Ito rin
ay kabilang sa tatlong dahilan ng kamatayan ng mga
nasa edad 15-44 taong gulang, at ikalawa sa
dahilan ng kamatayan ng mga nasa edad 10-24
taong gulang sa buong mundo.
IV. Ang sariling posisyon sa isyu
Kasalanan sa Diyos ang pagpapatiwakal

Sang-ayon ako sa posisyong ito dahil batid naman


natin na kasalanan sa Diyos ang pagkitil sa sariling
buhay sapagkat walang sinuman ang may
karapatang kitilin ang buhay ng isang tao.
A. Ecclesiastes 7:17
Be not overly wicked, neither be a fool. Why should
you die before your time?
B. Deuteronomy 30:19
I call heaven and earth to witness you today, that I
have set before you life and death, blessing and
curse, therefore choose life that you and your
offspring may live.

Pagpapatiwakal ang solusyon sa problema


Hindi ako sang-ayon sa posisyong ito sapagkat
hindi magiging solusyon sa anumang problema ang
pagkitil sa iyong buhay. Dahil mas lalo mo lamang
dinadagdagan ang problema hindi man sayo pero sa
pamilya mong ma-iiwan mo dito sa mundo.

V. Konklusyon
Ang pagpapatiwakal ay hindi a kailan man
magiging solusyon upang magwakas ang iyong mga
problema at dinaramdam sa buhay, dahil ito ay
kasalanan sa Diyos sapagkat sino man ay walang
karapatang kitilin ang kanino mang buhay.

Ang pagkilos na gagawin ay paggawa ng YOUTH


ORGANIZATION kung saan mag-uusao ang lahat
ng mga kabataan tungkol sa isyu uoang malaman
nila ang mga pwedeng mangyari sa maling desisyon
nila sa buhay, at magkakaroon ng labasan ng loob
kung saan maaaring mag-karoon ng kaibigan ang
isang kabataan upang hindi siya makaramdam ng
pag-iisa sa pagsubok na kaniyang haharapin.
VI. Sanggunian
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/
bansa/2021/03/18/2085126/suicide-deaths-tumaas-
ng-26-sa-pandemic-psa

Suicide deaths tumaas ng 26% sa pandemic — PSA

You might also like