You are on page 1of 3

I.

Position Paper in ESP


II. Ang Pagpapatiwakal
A. Ang pagpapatiwakal o suicide ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling
buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Dapat may maliwanag na intensiyon ang
isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maturing na isang gawain ng
pagpapatiwakal. Itinuturing na isang malaking surilanin ang pagpapatiwakal sa ating
panahon mula noon hanggang ngayon. Batay sa datos ng Global Burden of Disease Study
noong 2015, mayroong 3.8 porsyento ng mga tao ang nagpapatiwakal mula sa dalawang
kasariam sa Pilipinas. Bakit nga ba may mga taong nagpapagiwakal? Ayon sa pag-aaral
na isinagawa ng mga dalubhasa isa sa mga dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao ay
ang kawalan nito ng pag – asa, mental disorder, bipolar disorder, depresyon, atbp.
Ang depresyon ang pinakakaraniwang dahilan upang magpakamatay ang isang tao.
Kawalan ng pag-asa lalo na at hindi pa gaanong independent ang mga kabataan na
nagiging dahilan upang mas madali itong sumuko sa buhay o frustration, fear o
takot. Ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman at walang kakayahang magpagamot ay
isa rin rito sa mga anggulong nakikita kung bakit nagpapakamatay ang isang tao, may
mga karamdaman ding hindi na maaaring maagapan pa o mga chronic illness na gaya ng
Lupus at Immune Thrombocytopenia. Ang mga chronic illness ay isa sa mga dahilan
kung bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang tao, tumatatak sa kanilang isipan na
hindi na sila gagaling pa. Mayroon ding mga nagpapakamatay para lamang takasan ang
mga nararanasan nilang mga pang-aapi, mga hindi makatwirang mga panghuhusga, at mga
sekswal na pang-aabuso.
B. Sariling Pananaw sa Isyu
Ang pagpapatiwakal ay isang hindi magandang gawain at hindi dapat ginagawa dahil
kung papatayin natin ang ating sarili, sinasayang lamang natin ang pagkakataong
binigay ng Diyos sa atin upang mabuhay. Dapat nating alagaan ang buhay na ibinigay
ng Diyos sa atin. May mga taong lumalaban para lang mabuhay, mga may sakit na nais
gumaling at mabuhay pa ng matagal pero may mga taong nagpapakamatay at sinasayang
ang buhay nila na ninanais naman ng iba. Ngunit kahit na ganon, hindi rin natin
masisi ang mga taong nagpapakamatay dahil ang pagkitil nila sa sariling buhay ay
may dahilan, dahilan na tanging sila lamang ang nakakaalam. Isang linya mula sa
kanta ni Isaac Dunbar na Suicide, “Suicide, baby, that’s the worst. Think about the
people that you’ll hurt.” Hindi lamang isang tao ang naapektuhan ng pagpapakamatay
ng isang tao, apektado rin nito ang mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang iyong
pamilya at mga kaibigan o ang malala pa rito ay maaring maging trigger ito para
magpakamatay din sila. Nais kong ipunto rito na kung ayaw nating may
nagpapakamatay, sana ay tayo ang gumawa at mag-initiate ng paraan kung paano tayo
makakatulong na masolusyonan ang suliraning ito.
III. Mga Argumento sa Isyu
A. Buod ng Argumento
Nabigyan tayo ng buhay na may maraming pribiliheyo na wala sa ibang nilalang na
binigyan ng buhay ng ating panginoon. Malaya nating nagagawa ang mga bagay na nais
nating gawin. Sa lahat ng nilalang na nilikha niya, sa atin niya ibinigay ang uri
ng buhay na dapat nating alagaan at pahalagahan. Dapat hindi natin hayaang ang mga
problema na dumarating sa ating buhay ang magiging dahilan ng pagkawala ng ating
buhay. Mga pagsubok lamang iyan, pagsubok na magbibigay patunay kung karapatdapat
tayo sa buhay na ibinigay ng ating Panginoon. Hindi lamang natin nakikita dahil di
natin binubuksan ang ating mga mata at isipan, ngunit maraming dahilan para tayo ay
mabuhay, maraming rason para manatili tayo sa mundong ito.
B. Mga Impormasyong Sumusuporta sa Argumento
Ayon sa Bibliya, kung ang isang tao ay magpakamatay hindi ito ang magtatakda kung
makapapasok ba siya sa langit o hindi. Kung ang isang hindi mananampalataya ay
magpakamatay, wala siyang ginawa kundi ang padaliin ang kanyang pagpunta sa
impyerno. Gayon man, ang taong nagpakamatay ay mapupunta sa impiyerno hindi dahil
sa siya ay nagpakamatay kundi dahil sa pagbalewala niya sa kaligtasang
ipinagkakaloob ni Kristo. Binanggit ng Bibliya ang apat na partikular na mga tao na
nagpakamatay: Saul (1 Samuel 31:4), Ahithophel (2 Samuel 17:23), Zimri (1 Hari
16:18), at Judas (Mateo 27:5). Bawat isa sa kanila ay masama, asal-demonyo, at
makasalanan. Itinuturing ng Bibliya ang pagpapakamatay na kapantay ng pagpatay sa
tao (murder) - dahil ito'y pagpatay sa sarili. Ang Diyos lamang ang dapat na
magdesisyon kung kailan at paano mamamatay ang isang tao. Kung kukunin mo ang
desisyong iyon at ilalagay mo sa iyong sariling mga kamay, ayon sa Bibliya, ito'y
isang pagkutya sa Diyos.
C. Mga Ebidensyang Sumusuporta sa Argumento
Ayon sa datos ay mayroong 800,000 hanggang isang milyong katao ang namamatay sa
pamamagitan ng pagpapatiwakal taun-taon sa buong mundo. Lumalabas sa pag-aaral ng
mga dalubhasa na mas malaki ang bilang ng mga lalaking nagpapatiwakal ng may tatlo
hanggang apat na beses kaysa sa mga babae. Samantalang kung tutunghayan natin at
babasahin ang banal na kasulatan malinaw na nakasaad doon na “Ang pagpapakamatay ay
isang mortal na kasalanan sa mata ng Diyos”.
IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu
A. ISANG KASALANAN ANG PAGPAPATIWAKAL
1. Kung magpapatiwakal tayo, kung papatayin natin ang ating sarili para na rin
tayong pumatay ng isang tao. Isang kasalanan ang pagpatay dahil nilalabag natin ang
utos ng Diyos. Sinasayang din natin ang pagkakataon na binigay sa atin ng Diyos
upang maranasan ang mabuhay.
2. Ayon sa Bibliya, ang pagpapakamatay ay pagpatay, ito ay laging kasalanan. Walang
kahit anong paraan upang bigyang katwiran ang kasalanan ng sinuman kahit pa ang
isang kristiyano na kumitil sa kanyang sariling buhay. Ang mga Kristiyano ay
tinawag upang gugulin ang kanilang mga buhay para sa Diyos—ang desisyon kung kailan
ka mamamatay ay tanging sa Diyos lamang. kung ang isang tao ay magpakamatay hindi
ito ang magtatakda kung makapapasok ba siya sa langit o hindi. Kung ang isang hindi
mananampalataya ay magpakamatay, wala siyang ginawa kundi ang padaliin ang kanyang
pagpunta sa impyerno. Gayon man, ang taong nagpakamatay ay mapupunta sa impiyerno
hindi dahil sa siya ay nagpakamatay kundi dahil sa pagbalewala niya sa kaligtasang
ipinagkakaloob ni Kristo.
B. MAY KASALANAN DIN TAYO
1. May kasalanan din tayo kung bakit may nagpapakamatay dahil may mga pagkakataon
na nagiging insensitive tayo ng hindi natin namamalayan. Hindi natin namamalayan na
nakakasakit na pala tayo ng ibang tao, na may naapektuhan na pala dahil sa mga
ginagawa at sinasabi natin. “Suicide is just the aftermath. It’s the depression
that kills. People die because no one stopped them from quitting.” Isang linya mula
sa isang kuwentong aking nabasa, ang linyang ito, para sa akin, ay totoo dahil mula
sa aking obserbasyon, sa halip na tulungan natin ang isang tao, tayo pa mismo ang
nagiging dahilan kung bakit mas pinipili nilang magpakamatay. Dahil ni minsan hindi
natin sinubukang tumulong.
2. May mga oras na sa halip na tumawag tayo ng tulong o kahit ano pa man, mas
pinipili nating ikalat ang mga nangyayari para sa ibang tao. Isang halimbawa rito
ang video tungkol sa isang nagpakamatay, may mga taong kumuha ng video sa
pangyayaring ito (kung paano niya pinatay ang sarili niya) at kumalat sa social
media. Bakit ginawa nila ito? Hindi ba nila naisip na maaari itong maging trigger
para sa ibang tao na makakapanoodn nito? At bakit nagawa pa nilang kumuha ng video
gayong alam nila na isang seryosong sitwasyon ang nangyari?
C. WRONG CHOICE OF WORDS
1. Minsan ang mga salita natin ang mismong nakakapag-trigger sa isang tao. Dahil sa
mga maling salita na ating pinipili mas nakakadagdag ito sa kanilang nararamdaman.
Gaya ng pagtatanong natin ng “Ayos ka lang ba?”, siguradong isasagot sa atin ay
“Oo, ayos lang ako.” Dahil ayaw nilang mamroblema pa tayo o madamay tayo sa
problemang nararanasan nila. Hindi nila magawang sabihin na hindi sila ayos dahil
nangangamba sila sa ano mang sasabihin natin. Bakit pa tayo magtatanong kung ayos
lang sila kung halata namang hindi? Dapat nating ipakita at iparamdam sa kanila na
handa tayong tumulong sa kanila. Hindi naman natin kailangang magsalita, sapat na
ang makinig tayo sa kung ano man ang nais nilang sabihin o kung ano man ang nais
nilang ilabas. Minsan kasi sapat na para sa isang taong may problema na malamang
may taong handang makinig sa kanya. Sa halip na magtanong tayo kung ano ang
kalagayan nila, dapat nating sabihin na “Magiging maayos ka. Magiging maayos tayo.”
o kahit anong malapit sa mga salitang iyan. Some people just need assurance,
assurance that everything will be alright.
IV. Konklusyon
A. Buod ng Posisyon
Minsan, tayo ay isa sa mga dahilan kung bakit natitrigger na magpakamatay ang isang
tao. Ang manatili sa tabi ng mga taong may problema at nagbabalak magpakamatay ay
sapat na upang maramdaman nilang may nagmamalasakit pa sa kanila. Hindi naman
kailangan na dapat ay may lagi tayong sabihin sa kanila upang maging maayos sila.
Masasagip natin ang buhay nila kung mananatili tayo sa kanilang tabi at maging
sandalan nila. Sa halip na magtanong tayo kung ano ang kalagayan nila, dapat nating
sabihin na “Magiging maayos ka. Magiging maayos tayo.” o kahit anong malapit sa mga
salitang iyan. Some people just need assurance, assurance that everything will be
alright. Isipin din dapat ng mga taong nagbabalak magpakamatay ang maiiwan nilang
mahal sa buhay, dapat na isipin nila ang mararamdaman nila kung magpapakamatay tayo
dahil kung magpapakamatay tayo, hindi lang tayo na nagpatiwakal ang apektado.

B. Plano ng pagkilos
Dapat nating tulungan ang mga taong nagbabalak na magpakamatay sa pamamagitan ng
mga munting paraan na ating maaaring magawa. Dapat rin tayong mag-ingat sa mga
sinasabi natin dahil ang ating mga salita ay sapat na upang makapag-trigger sa
isang tao na may depression o anxiety. Kung hindi natin magawang tumulong, dapat na
tayong humingi ng tulong sa mga propesyunal gaya ng mga psychiatrists at
psychotherapists. Sila ang mas nakakaalam sa kung ano ang dapat na gawin.

V. Sanggunian
https://www.dobolp.com/teen-suicide-laganap-sa-buong-mundo/amp/
http://rondabalita.news/paraan-dahilan-at-uri-ng-pagpapakamatay
https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagpapakamatay-Kristiyano.html
https://academic.oup.com%2Fepirev%2Farticle%2F30%2F1%2F133%2F621357%3Ffbclid
%3DIwAR2rcnoxPi3xPpvChfop-
RXxN8JnkBaS3FRCmYbqwpfwCxAKUAAnam4X98w&h=AT2EQGMdXjr25Hh5bxKAS-
n8NS9T4WuaCQ4eRlXNbb5ovZOIS3eJP7McR4KvQCEctU_kp9C3hee6ID_RGtKNocxuyYMYJOXJqw8RpgZWa
AE6UxHDMddWnxzIuP-MJ4nCgi2Fh4Ue

You might also like