You are on page 1of 1

Pandemya

Isang mapagpalang araw ang aking bati para sa lahat ako si Bb. Jhoice anne Chavez mula sa pangkat
humss 11 A na naglalayong gamitin ang oportinidad na ito upang talakayin ang ating kinahaharap
ngayon.

Tahimik. Napakatahmik ng mundo ngayon ngunit sa likod ng katahimikang ito maraming buhay ang
binawian, lahat ay nababahala, lahat ay nangangamba, lahat ay nagtatago, nakasilay sa bintana
nakasanayang mundoy kinakamusta nakasanayang nagging delikado na. Mas pipiliing bintana ay isara
uoang minamahal ay maligtas. Marami ang nagdurusa, marami ang nawalan ng trabaho marami ang
napahinto sa pagaaral,marami ang nagbuwis ng buhay upang mapuksa ang salot na bumabalot sa ating
mundo. Nandito ako sa inyong harapan upang ibahagi ang mga nangyayari at napagdadaanan na mga
pagsubok na binigay ng COVID 19. May mga Tanong na hindi agarang nasasagot at itoy nagbibigay
takot. Darating pa nga ba ang araw na matatapos ang pandemyang ito? O patuloy lang ito magdadala ng
takot at pangamba sa mundo? Tanong ni isa walang nakakaalam. Kung babalikan natin ang lahat sa dati
puro saya na nakakalimutan na natin ang kahalagahan ng pananampalataya at pagtutulungan. Tayo ay
iisa. Iisa na may misyon na malagpasan ang lahat ng pagsubok sa ating buhay. Sa ganitong krisis tayong
mga mamamayan ay may magagawa , upang unti unting mawakasan ang kumakalat na salot, yun ay ang
pagiging responsable at masunuring mamamayan. Maaring maliit na bagay lamang ito pero Malaki ang
tulong nito sa sitwasyon ng ating mundo . Mangielam tayo sa ating bansang suliraninat ipahayag ang
ating ideya at pulso ng mga kabataan maging salamin at boses ng nakakarami. Sa pagwawakas
kailangan nating mangako na tayo ay babangon ng mas maigi sa covid 19 upang ipagpatuloy ang pagbuo
ng ating bansa. Wag tayo mawalan ng pagasa dahil ang Diyos ay nandyan at hindi tayo pababayaan
kailanman. Ang covid 19 ay labanan tayo ay iisa, tayo ay magtulungan.

You might also like