You are on page 1of 3

Ramirez, Ron Kevin A.

BSED Mathematics 1-1

Ang Aking Repleksyon ngayong Panahon ng Pandemya

1.May isang nagtanong sa iyo kamusta ka sa panahon ng pandemya? Bilang isang


karaniwang mamamayan hindi natin maitatangi na napakalaking dagok at tiisin sa bawat isa
ang kinakaharap na pandemya ng buong mundo. Ngunit bilang isang pilipino, na may taglay
na lakas ng loob at pagiging positibo ano man ang pagsubok sa buhay ay kayang
malampasan. Bagamat mahirap kailangan nating sumunod sa agos ng buhay. Kaya ako at ang
aking pamilya ay nagpapakatatag at magpapakatatag pa hanggang matapos ang pandemya.

2.Nakikita mong umiyak ang Mama at Papa mo atmga kapatid mo dahil kinakapos kayo ng
inyong pangangailan? Bilang nakakatandang kapatid at anak kailangan kong ipakita sa
kanila ang pagiging matatag at positibo, sa ganoong simpleng paaralan ay magkakaroon sila
ng inspirasyon at lakas ng loob para patuloy pang lumaban sa mga pagsubok ng buko

3.Tumawag ang isa sa kamag-aral mo sa may ipinadala siyang tulong o relief goods.
Ngayong panahon ng pandemya na ang tanging magdadamayan nalamang ay ang bawat isa.
At kung mayroon akong kamag-aral na magbibigay sa akin ng tulong o relieg goods ay
tatanawin ko itong malaking utang na loob.

4.Nakapag enrol o makakabalik kang muli sa pag-aaral? “Ang edukasyon ay siyang tanging
kayamanan na hindi mananakaw ninuman”, Ito narin ang tanging pamana sa atin ng ating
mga mga magulang na hindi na kailangan pa ng mga papeles o ano pa man. Kung kaya’t ang
pagbabalik sa paaralan upang matuto ng bagong kaalaman ay isang kasiyahan na hindi
matutumbasan ng salapi.
“Manalig Lagi sa Ama”

Noong unang nabalitaan to


labis ang pangamba,
May tanong na lumigalig sa isipan ko
Covid 19 ano ba ito?

Ang bawat isa ay nanibago


pagkilos at paglabas ay naging limitado,
At ang mga tao ay laging kabado
kung may mabalitaang nag positibo.

Ngunit may nalaman ako


Kung sa gobyerno’y makikinig
At sa lahat ng kanilang mga payo’y susunod
Virus na ito ay hindi magiging delikado.

Haaaahh,

Ngunit lagi lang manalig sa Ama,


At wag mawalan ng pag-asa.
C. Sa kabila ng mga ito ano-ano at sino ang mga pinagkukunan mo ng kalakasan?
Sa kabila ng samo’t saring problemang na kinakaharap ng mundo, ang tangi kong
sandalan ay ang aking pamilya, sila ang pinagkukunan ko ng kalakasan sa araw-araw
upang sa ganoon ay hindi ako manghina’t manglupaypay. At higit sa lahat sa ating
Ama, parati nating isa isip na ang lahat niyang mga plano ay para sa ikakabuti ng
bawat isa.

You might also like