You are on page 1of 3

FILIPINO- WEEK 6

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1


1. Ayon sa kwento, ang pakikipagkapwa tao ay sumasaklaw sa mga bagay na may kinalaman sa pakikihalubilo,
pakikisama, pagkilala sa tao anuman ang katayuan nito at pakikipagkaibigan sa iba.
2. Ang mga taong may hangin sa ulo ay ang mga taong nagbubuhat ng sariling bangko, sila ay yaong mga mayayabang,
mga makasarili, masama, mapanghusga, madamot at hindi iniisip ang maaaring maramdaman ng iba.
3. Kung ako na lamang ang nag-iisa sa mundo, natural na ako ay makakaramdam ng lungkot. Ngunit sabi nga nila,
“Walang tao na nabubuhay ng mag-isa.” Mas masaya kapag may mga kaibigan ka at taong kakilala.
4. Mahalaga ang may karamay sa lahat ng pagkakataon upang hindi mo maramdaman na ikaw ay nag-iisa at walang
nagmamahal sa iyo. Mas mainam kung may nakakatulong ka sa bagay-bagay at nakakausap sa araw-araw.
5. Noong nagsimula ang pandemya, may mga kaibigan, kaklase at karamay akong hindi ko nakikita pa ulit. Ngunit dahil
sa pakikipagkapwa-tao ko sa kanila noong wala pang pandemya, sila ay nakakausap ko pa kahit na sa aking selpon
lamang. Malaking bagay na ito sa akin dahil alam kong may mga kaibigan pa rin akong kinukumusta ako kahit hindi kami
nagkikita.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2

 Nag-aalaga ng nakababatang kapatid


Napili ko ito dahil ako ang panganay sa aming tatlo magkakapatid. Puro kami lalaki kung kaya’t sa tuwing aalis
ang aking ina upang bumili at ang aking ama upang magtrabaho, sa akin naiiwan ang aking mga nakababatang kapatid.
Inaalagaan ko sila dahil sila ay aking mahal at upang makatulong na rin sa paghihirap ng aking mga magulang.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3

1 2 3 4 5
2
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4

Noong nagkaroon ng pandemya, nagsara ang aming munting


kainan sa tapat ng isang eskwelahan dahil sa wala ng
pumapasok na estudyante

Naranasan namin ng aming pamilya ang Nag-isip ang aking magulang ng negosyo
mahirap na pang-araw araw na kung paano magkakaroon ng
KARANASAN mapagkukunan ng pambili ng pagkain sa
pamumuhay dahil sa delay na sahod ng
aking magulang. araw-araw.

Nagtinda kami ng shanghai online at nagkaroon din ng


panahon na nagtinda ng meryenda sa labas ng bahay.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4


Katulad ng nakasaad sa kwento ni Carmie at ng kaniyang mga magulang, naranasan na rin namin ito ng aking
pamilya. Noong nagkaroon ng pandemya, at sa hindi inaasahang panahon, dumating sa punto na napagpasyahan nila na
isara na muna ang munting kainan namin sa tapat ng eskwelahan. Naging mahirap ang buhay kung saan kukuha ang
aking mga magulang ng pangkain at panggastos sa araw-araw nung nawala ang aming hanapbuhay. Ngunit nag-isip sila
kung paano makakatawid dito. Nagsikap ang aking mga magulang upang magtinda ng pang-meryenda sa tapat ng bahay
ng aking mga lolo. Dito, naging maganda naman ang benta ngunit sa paglipas ng ilang buwan, napagpasyahan nila na
magsimula ng magtinda ng shanghai online. Naging patok ito sa mga mamimili online. Dito, nakakuha muli sila ng
panggastos sa araw-araw. Ngunit dahil may mga kapatid ako mas maliliit sa akin, itinigil muna ito at tumutok ang aking
ina sa pag-aalaga sa kanila.

ASSIMILATION
1. imahinasyon
2. sariling

REFLECTION
Naunawaan ko na may iba’t iba tayong mga karanasan patungkol sa mga bagay-bagay. Maaaring ito ay masaya,
malungkol, nakakagalit, o anumang pakiramdam.
Nabatid ko na ang pakikipagkwapwa tao ay isang mahalagang bagay upang magkaroon ng maraming kaibigan at
karamay.
Naisasagawa ko na sa pang-araw araw kong pamumuhay, dapat tayo ay marunong makibagay at pagpakatao upang
tayo ay katuwaan ng marami.
FILIPINO- WEEK 5
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1
1.pasalaysay
2.pasalaysay
3.padamdam
4.patanong
5.pautos
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2
 Paturol/Pasalaysay
1. Ang ating kalikasan ay tuluya ng nasisira dahil sa mga gawain ng tao at sa mga sakunang nagaganap.
2. Dapat nating alagaan ang ating kalikasan, lalo na ang ating mga puno upang hindi ito masira.
 Patanong
1. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito nangyayari sa ating kalikasan?
 Pautos/Pakiusap
1. Maglinis ka sa iyong kapaligiran para ang kalikasan ay gumanda.
 Padamdam
1. Ha! Napakatampalasan ng mga taong hindi nag-aalaga sa kapaligiran at kalikasan.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3


1. Aking itatala ang mga mahahalagang detalye na ibinigay ng ating guro sa panahong iniabot mo sa akin ang aking
kwaderno.
2. Ha! Grabeng busog ng mga bata sa libreng unlimited na lugaw na hinaluan ng bitamina.
3. Gupitin ninyo ng buhok ang aking anak dahil may libreng gupit sa barangay.
4. Kailan nagbigay ng masusustansiyang pagkain ang pamunuan para sa mga bata?
5. Nagkaroon ng Clean and Green Program para sa ikaaayos ng ating kapaligiran.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4


Vince: Inay, paano nga ba natin maiiwasan at malayo sa sakit na dulot ng coronavirus?
Inay: Hugasang mabuti ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o ng anumang disinfectants, lalo na pagkatapos umubo,
bumahing o kaya ay gumamit ng palikuran
Vince: Alam po ba ninyo kung sino ang mahahawaan nito?
Inay: Hindi, Vince. Hindi natin malalaman kung kanino mapupunta ang virus na ito. Basta ang kailangan lamang natin ay
mag-ingat upang hindi tayo magkaroon nito.
Vince: Ah, ganon po ba inay?
Inay: Oo, Vince. Ikaw ba? May nalalaman ka ba kung paano tayo makakaiwas sa sakit na ito?
Vince: Opo Inay! Panatiliin ang isang malusog na pamumuhay tulad ng pagkakaroon ng balance sa pagkain, pagkakaroon
ng mga gawaing pisikal at damihan ang oras ng pagtulog
Inay: Tama ka riyan, Vince!

ASSIMILATION
Paturol o pasalaysay
Patanong
Pautos o Pakiusap
Padamdam
iniiisip
nadarama

REFLECTION
Naunawaan ko na may iba’t ibang uri ang ating pangungusap ayon sa gamit at ito ay ang paturol o pasalaysay, patanong,
pautos o pakiusap at ang padamdam.
Nabatid ko na ang mga uri ng bawat pangungusap na ito ay may kanya kanyang mga katangian.
Naisasagawa ko na sa pang-araw araw kong pamumuhay ang magsalita ng pasalaysay habang nagkukwento, paranong
kung ako ay hindi sigurado, pakiusap kung ako ay may kailangan, at padamdam kung minsan ako ay nagugulat o nagagalit.
FILIPINO- WEEK 4
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1

Palagay Paniniwala Tanggap Matuwid


Opinyon Katotohanan
Napatunayan Tiyak
Kuro-kuro Paghatol
Sang-ayon
Pananaw

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2


1. Opinyon
2. Katotohanan
3. Opinyon
4. Katotohanan
5. Opinyon

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3


Muling nag-alboroto ang Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24-oras makaraang makapagtala ng limang
magkakasunod na volcanic earthquakes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagluwa ng abo ang bunganga ng bulkan at
naglalabas din ito ng gas sa may Daang Kastila Trail pero ito ay mahina lamang.

Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na nananatili sa alert level 1 ang Taal volcano.

Dahil sa abnormal na kondisyon ng bulkan, pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pagpasok sa Taal Volcano
island dahil sa banta ng posibleng pagsabog, volcanic earthquakes, minor ashfall, lethal expulsions ng volcanic gas dito.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4


1.K
2.K
3.O
4.K
5.O

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5

Ulat: Sa isang pamayanan na mayroong maraming tao, hindi maiiwasang mabilis magkahawaan ang bawat isa sa kanila.
May mga taong walang mga disiplina, delikadesa at walang pakialam sa sakit na ito. Hindi ito biro. Hindi kataka-taka kung
bakit marami na ang namamatay sa sakit na ito. Palagi nating pakatandaan na kung lalabas tayo ng bahay, palaging
magsuot ng face mask o kaya face shield.

1. Tungkol sa 2nd phase ng pandemya o ng Covid 19 ang aking ulat na napanood


2. Ayon sa ulat, unti-unti muling dumarami ang mga taong nahahawa ng Covid19
3. Ito ay makatotohanan.
4. Manatili sa loob ng bahay, magsuot palagi ng face mask at face shield tuwing lalabas.
5. Hindi biro ang magkasakit kung kaya dapat tayo ay sumusunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

ASSIMILATION
A. opinyon B. impormasyon
pananaw publiko
totoo radyo
pangyayari pasalita
haka-haka
REFLECTION
Naunawaan ko na may mga bagay tayong nababasa araw-araw. Ang mga ito ay maaaring opinyon o makatotohanang
impormasyon. Nararapat lamang tayong makinnig sa mga ulat upang maging updated sa mga nangyayari sa bansa.
Nabatid ko na mahalaga ang pag-uulat upang malaman natin kung ano ang kalagayan ng ating bansa lalo na ngayong
pandemya.
Naisasagawa ko na sa pang-araw araw kong nababasa sa internet, maaari itong opinyon lamang ng iba o haka-haka at ang
iba naman ay makatotohanan. Maingat dapat tayo sa kung ano ang ating paniniwalaan.

You might also like