You are on page 1of 4

SANAYANG PAPELKwarter

SA PAGKATUTO
3 - Bilang 7 NG FILIPINO 9
Kwarter 3-Bilang 7
Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________________
Baitang at Seksiyon: ________________________ Petsa: __________________

PAKSA : Pag-uugnay sa Kasalukuyan ng mga Tunggaliang napanood sa Programang


Pantelebisyon
Batayang Aklat: Panitikang Asyano

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang ( tao vs tao at tao vs sarili)
napanood sa programang pantelebisyon
II. PANIMULANG KONSEPTO
Alam mo ba na….
Ang programang pantelebisyon ay maituturing na isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito ay mahalaga at
mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang espiritwal, pangkultura, pangmoralidad,
at pang-edukasyon at iba pa.

III. MGA GAWAIN


A. Pagsanayan mo
Pagsasanay I. Manuod ng anumang programang pantelebisyon/ teleserye na naiibigan
mo. Pagkatapos, punan ang talahanayan sa ibaba ayon sa hinihingi nito.

Pamagat Tunggalian Pag-ugnay sa kasalukuyang panahon

1
Pagsasanay II: Basahin ang isang Dokumentaryo ni Kara David na kalakip nito o
pwedeng panoorin sa youtube, I-Witness,” Tuyom”. Suriin ang binasa at sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

Sagot
1. Anong mga pangyayari na may
tunggalian ang nakita sa binasa o
pinanood?

2. Masasabi ba ninyo na ito ay nangyayari


pa rin sa kasalukuyan? Patunayan

3. Anong uri ng tunggalian ito?

B. Pagtataya
Basahin ang isang dokumentaryong “Titser Annie” ni Kara David na kalakip nito o
kaya panoorin sa youtube. Pagkatapos, sumulat ng isang repleksyon tungkol sa nabasa o
napanood na dokumentaryo at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan at kahalagahan sa
sarili.

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS


Pagsasanay I
Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Malinaw na pagkakaugnay sa kasalukuyan
2. Nailalahad nang mahusay ang tunggalian
3. Makatwiran ang mga ideya
5- Napakahusay 4-mahusay 3- katamtaman 2-di-gaanong
mahusay 1-nangangailangan ng pagsasanay

Pagtataya
Pamantayan Puntos
1. Kaayusan sa pagpapahayag ng ideya 15
2. Nailalapat sa sarili ang mga pangunahing kaisipan 10
naiuugnay s kasalukuyan
3. Malinaw ang konsepto 10

2
V. SUSI SA PAGWAWASTO
Sagot
1. Anong mga pangyayari na may Ang pagtatrabaho ng mga bata sa murang
tunggalian ang nakita sa binasa o edad sa halip na sila ay maglaro o
pinanood? maglibang muna.

2. Masasabi ba ninyo na ito ay nangyayari Opo, dahil marami pa rin sa kasalukuyan


pa rin sa kasalukuyan? Patunayan ang mga batang nasasabak na sa
pagtatrabaho sa murang edad para lamang
makaraos sa kahirapan at maitaguyod nila
ang kanilang pamilya.

3. Anong uri ng tunggalian ito? Tao vs sarili

VI. SANGGUNIAN
Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9
www.scribd.com
debbiecerillo,wordpress.com
www.gmawork.com
I-Witness:Titser Annie, dokumentaryo ni Kara David
I-Witness:”Tuyom”, dokumentaryo ni Kara David

“Tuyom”, dokumentaryo ni Kara David

3
Pumapalaot para sumisid at pagkaatapos nama’y aakyat sa matarik na bundok para
managahoy. Ganito ang takbo ng pamumuhay ng trese anyos na si Carlo kasama ng iba pang
mga kabataan ng Brgy. Basdio, Guindulman sa probinsya ng Bohol. Dala ng kahirapab, maaga
silang namulat sa pagbabanat ng buto.
Pagputok ng araw, pumapalaot na si Carlo kasama ng kaniyang mga kaibigan [ara
sumisid sa dagat at manguha ng sea urchin o kung tawagin sa kanila ay “tuyom”. Hindi alintana ng
mga bata ang sikat ng araaw, ang malalim na tubig pati na ang matutulis na tinik ng tuyom-
makarami lang sila ng kuha. Pagkaaho, babalatan nila ang mga ito, isasalin sa bote bago ilalako.
Kung minsan, sa kalahating araw na pagpapalaot – sisenta pesos lang ang kinikita ng mga bata,
na kailangan pa nilang paghatian.
Kaya imbis na maglaro at maglibang gaya ng karaniwang bata, sa hapon aakyat
naman sila sa matarik na bundok para mangahoy. Dahil walang kuryente sa kanilang lugar,
naibebenta nila ang mga ito bilang panggatong. Puputul-putulin nila ang kahoy saka papasanin
pababa ng bundok. Pero kung minsan, tila hindi nakiki-ayon ang panahon at inaabutan pa ng ulan
ang mga bata.
Ang lubos na kahanga-hanga kay Carlo na bgamat maagang namulat sa
pagtatrabaho, hindi niya itinigil ang pag-aaral at kasalukuya’y nasa ika-anim na baytang na. Ang
perang kinikita, kaniyang ipinambabaon para hindi na humingi sa kanyang mga magulang.

Titser Annie

Sa isang liblib na lugar sa Mindoro na kung saan ay kinabibilangan ng mga


katutubong mangyan , may isang bayaning guro ang patuloy na nakikibaka sa hamon ng
buhayupang maitaguyod ang edukasyon ng mga katutubong mangyan at siya ay si Titser Annie.
Si Titser Annie ay isang guro sa munting paaralan sa kagubatan ng Mindoro, siya
ay nagtuturo sa mga mangyan ng walang hinihinging kapalit. Dla ng tibay ng loob at dedikasyon na
makapagturo nilalakad at tinatawid niya ang mga ilog upang makapunta lamang sa eskwelahan.
Dito niya nakilala si Dina isang dalagang mangyan. Si Dina ay salat sa pera at may sakit pa ang
kaniyang lola sa baga. Kung susumahin sa iang linggong pagpasok sa eskwelahan tatlong araw
lamang siya nakakapunta sa eskwelahan. Sa umaga pagkagising pa lamang agad siyang natulong
sa mga gawaing bahay at pagkatapos didiretso siya sa eskwelahan. Pagsapit ng pahapon siya ay
pupunta sa ibang parte ng kagubatan upang maghanap ng mga prutas na ipangbebenta, bibili ng
kakarampot na bigas,ulam at gamot. Dahil siya na ang humaliling ina at ama sa kanilang
tahananpilit niyang gagawin ang lahat upang mapagtagumpayan ang lahat ng problema at
maiangat ang kaniyang pamilya sa kahirapan.
Kaya naman ganoon na lamang ang dedikasyon ni Mam Annie na turuan ang mga
bata dahil sa mga kwento ng buhay ng katutubong mangyan hindi niya kaylanman pinagsisihan
ang kaniyang ginawa sa mga katutubong mangyan dahil maraming tao ang mas kaylangan ng
atensyon na siyang makakapaghubog sa isang tao sa lipunan.

Inihanda ni: Tiniyak ang Kalidad nina:

ADORA G. RAMOS, T II ANA MARIA B. GOJAR, MT I SHARON A. VITO,EPS


Bulan National High School Bulan National High School SDO - Sorsogon

You might also like