You are on page 1of 3

San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax (044) 940-6181 / e-mail: gendejesus@gmail.com


Banghay-Aralin
Guro: Jozzel Kaiser Gonzales
Paaralan: General de Jesus College
Petsa: Enero 27, 2019
Baitang: 9
Markahan: Ikatlo

I. Mga Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa obra maestrang pampanitikan ng
Pilipinas.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard
tungkol sa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian
(dekonstruksyon).
C. Mga layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salita,
b. nakapagbabahagi ng mga mahahalagang pangyayari sa akda,
c. nakapagbibigay- Impresyon sa bawat pahayag,
d. napahahalagahan ang edukasyon bilang susi upang makamit ang kalayaan at
kaunlaran ng isang bansa.
II. Nilalaman o Paksa
Paksang-Aralin: Aralin 12
“Karanasan ng isang Guro”
Mga Sanggunian: Pluma 9 Aklat 2, mga pahina 603-610
Mga Kagamitan: Batayang Aklat, Video clipt
III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagbati sa mga mag-aaral
2. Pagpapalinis ng silid at pagpapaayos ng mga upuan
3. Pagtatala ng pumasok at lumiban sa klase

B. Pagbabalik-aral
 Itatanong ng guro sa mga mag-aaral.
 Ano ang mga mahahalagang pangyayari tungkol sa tinalakay natin noong nakaraang
aralin na may pamagat na “Sisa” “ Basilio” at “Nagdurusang mga Kaluluwa?”
C. Pangganyak
Magpapanood ang guro ng isang video clipt patungkol sa pamamalo ng mga bata.

1. Dapat ba o hindi dapat paluin ng guro ang mga bata?


2. Kung ikaw, ang ina ng bata tama ban a saktan na lamang ito ng kanyang guro?
San Isidro, Nueva Ecija 3106
Telefax (044) 940-6181 / e-mail: gendejesus@gmail.com
D. Paghawan ng Sagabal
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.
Isulat ang letra ng sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
b 1. maikintal a. mayabang
c 2. naglalaho b. maitanim sa isipan
d 3. napagkuro c. nawawala
a 4. palalo d. napag-isip-isip
e 5. taimtim e. walang pagkukunwari o daya
E. Pagpapakilala ng Aralin
Ang aralin natin ngayon ay ang Aralin 12 na may pamagat na “Karanasan ng
Isang Guro”.

F. Pagtalakay sa Nilalaman
Ang guro ay magpapanood sa mga bata ng Noli Me Tangere.

Mga Katanungan:
1. Sino ang lalaking kausap ni Ibarra habang sila ay nasa isang mataas na
lugar?
2. Bakit nasabi ng kanyang kausap na malaki ang utang naloob niya kay
Don Rafael Ibarra?
3. Anong bagay na ginawa ng kanyang ama ang napagpasaya ni Ibarrang
ipagpatuloy sa halip na siya ay magluksa o maghiganti dahil sa sinapit
nito? Sa iyong palagay tama ba ang kanyang nagging pasya na gawin ito?
Bakit?
4. Sumasang-ayon ka ba sa nagging katwiran ni Ibarra na patawarin na
lamang ang mga taong gumawa ng masama sa kanyang ama? Bakit?
5. Ano-ano ang mga suliranin sa pagtuturo na isinalaysay ng guro kay
Ibarra? Bakit kaya nasabing imposibleng magkaroon ng edukasyon kung
walang malakas na impluwensiya?
6. Ano-ano ang mga pagbabago na paraan ng pagtuturo ang inilunsad guro
upang higit niyang mahimok na mag-aral at mabilis na matuto ang mga
bata? Bakit hindi siya nagtagumpay?
7. Bakit nagpagkuro ng guro na hindi dapat kalabanin ang isang prayle lalo
ng isang taong kagaya niya? Paano inilarawan ng guro kaugnay ng
pangyayaring ito?
8. Masisisi mo ba ang guro na dumating sa puntong kinasuklaman niya ang
bokasyon sa pagtuturo?
G. Paglalapat
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ibarra patatawarin mo rin ba ang taong
gumawa ng masama sa iyong ama?
2. Sa iyong palagay, kanino higit na natututo ang mga mag-aaral, sa gurong
gumamit ng diplomasya sa pagdidisiplina o sa gurong mahigit at istrikto?
Patunayan.
San Isidro, Nueva Ecija 3106
Telefax (044) 940-6181 / e-mail: gendejesus@gmail.com
3. Sa iyong palagay, bakit kaya kakaunting mag-aaral lamang ang gusting kumuha
ng kursong pagtuturo?
4. Bilang mag-aaral, paano mo maipadama sa iyong mga guro ang paggalang at
pagpapahalaga mo sa kanilang mga ginagawa?
H. Pagpapahalaga
Paano mo napahahalagahan ang edukasyon bilang susi upang makamit ang kalayaan
at kaunlaran ng isang bansa?
I. Ebalwasyon
Magbigay ng impresyon o sariling pagpapakahulugan sa sumusunod na pahayag.
Itala ang iyong sagot na hindi bababa sa alawang pangungusap sa mga patlang.

1. “ Napag-isip-isip kong mas mabuting isakatuparan ko ang kanyang mga balak


kaysa iluha na lamang, o ipaghiganti pa ang kanyang kamatayan. Nakalibing na
siya sa kalikasan. Ang mga kaaway niya’y ang bayan at pari. Pinatatawad ko ang
bayan dahil sa kanyang kamngmangan at iginagalang ko ang pari dahil sa
kanyang tungkilin…”
_________________________________________________________________
2. “Napagkuro kong hindi dapat kalabanin ang isang prayle, ang pangunahing
makapangyarihan sa relihiyon at sa pamamahala ng bayan at mga tao. Suportado
siya ng kanyang korporasyon, kinatatakutan ng pamahalaan, mamamayan at
makapangyarihan, kinokonsulta at pinakikinggan, paniniwalaan at sinusunod na
palagi ng lahat. Ano ang magagawa ng gaya kong kakarampot ang kinikitang
hindi sapat na ikabuhay?”
_________________________________________________________________

3. “Nakapipinsala sa halip na makatulong ang pamamalo. Impsibleng makapag-isip


sa harap ng pamalo, pangamba at takot ang sinomang bata. Mabilis pa naming
sumagap ng mga impresyon ang masigla nilang isipan”.
________________________________________________________________
4. “Mahalagang maging mapayapa ang kaluluwa at tahimik ang kalooban at
katawan upang matanggap ng pag-iisip ang mga bagong ideya. Kaya, naniwala
akonghigit sa lahat ay kailangan maikintal sa mga bata ang pagtitiwala,
kapanatagan at pagpapahalaga sa sarili”
_________________________________________________________________
5. “Mamamatay tayong ganito pa rin ang Gawain na tutularan ng susunod na
henerasyon, samantalang sa Europa’y patuloy ang pag-unlad.”
________________________________________________________________

IV. Gawaing-Bahay
Basahin at unawain
1. Basahin ang mga nakaraang Aralin ng Noli Me Tangere.
2. Unawain ang Palawakin Pa Natin nasa pahina 614
3. Mag-isip ng isang monologo.
 Sanggunian: Pinagyamang Pluma 9, Aklat 2.
 Mga pahina: 614-616

Inihanda ni:
Jozzel Kaiser D. Gonzales

Binigyang-pansin ni:
Dr. Catherine Matias

You might also like