You are on page 1of 5

Gawain sa Pagkatuto

Filipino 8
Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: _________


Baitang at Seksyon: ________________ Marka:_________

Blg. ng MELC: 14
Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa
Pamagat ng Aralin: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa sentro o pangunahing tema na
kadalasan ay nakikita sa unang talata at huling talata ng teksto o akda.
Mahalagang unawain ang buong talata (paragraph) upang matukoy ang
pangunahing kaisipan sapagkat may pagkakataong hindi lantad o hindi tuwirang
inilahad ito ng awtor sa loob ng talata. Samantala, ang pantulong na kaisipan ay
mga pahayag o detalye na tumutulong upang mas mapalitaw ang pangunahing
kaisipan.
Mga paraan ng pagbibigay ng detalye sa pangunahin at pantulong na kaisipan:
1. Gumamit ng mga impormasyon na maaring mapatotohanan
Pangunahing Kaisipan: Nanganganib lumubog ang Kalakhang Maynila sa darating
na 2025.
Pantulong na Kaisipan: Tuwing umuulan, binabaha na ang Maynila.
2. Gumamit ng mga istadistika o numero
Pangunahing Kaisipan: Ang ekonomiya ng bansa’y unti-unti nang bumubuti.
Pantulong na Kaisipan: Sa nakaraang buwan, umakyat ng dalawang puntos
limang bahagdan ang Gross Domestic Product ng ating bansa.
3. Gumamit ng mga halimbawa
Pangunahing Kaisipan: Maraming kabataan ang nalululong sa iba’t ibang bisyo.
Pantulong na Kaisipan: Ang ilan sa mga ito’y paninigarilyo, pagsusugal, at
paggamit ng bawal na gamot.
Nakatutulong ang pagkaroon ng kaalaman at kasanayan sa pagtukoy nito upang
mas maunawaan natin ang isinasaad ng ating mga binabasa, gayundin mas madali
natin makukuha ang mahahalagang impormasyon na nakapaloob dito.

Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awitin, mula dito piliin ang pangunahin
at pantulong na kaisipan na isinasaad ng bawat saknong. Punan ang bawat
aytem ng letra ng wastong sagot. (15 puntos)
Gawain 1
Tuloy ang Pasko, Padayon ___1. Saknong I Pangunahing Kaisipan
ni: Carlito F. Tadlas Jr, guro GEANHS Imus City ___2. Saknong I Pantulong na Kaisipan
DepEd TV Christmas Station ID
A. nagulantang ang mga tao dahil
Ang tahimik nating mundo sa pagputok ng bulkan
di natin inakala magkaganito I
B. pagkakaroon ng problemang
bigla na lang nagkagulo pangkapaligiran
na ang bulkan ay mag-alburuto
Page 2 of 5

___3. Saknong II Pangunahing Kaisipan


Ang tadhana tila nananadya ___4. Saknong II Pantulong na Kaisipan
II
bigla ang pagdating nitong A. pagdating ng mas mabigat na problema – ang
pandemya pandemya
maraming bagay ang nagbago B. dahil sa pandemya maraming bagay ang nagbago
matutuloy pa kaya ang Pasko?
___5. Saknong III Pangunahing Kaisipan
Wag, wag kang mangamba ___6. Saknong III Pantulong na Kaisipan
lahat ay kakayanin basta III A. malakas na pananampalataya ang isa sa
nagkakaisa tutulong sa atin
tibayan ang loob at sa Diyos ay B. sa panahon ng kahirapan, pagkakaisa ang
magdasal kailangan
pagdurusa natin, di na magtatagal ___7. Saknong IV Pangunahing Kaisipan
___8. Saknong IV Pantulong na Kaisipan
Tayo'y aahon, tayo'y bababangon
pandemya lang ito, Pilipino yata A. katatagan ng mga Pilipino sa anumang pangyayari
tayo B. patuloy na lumalaban sa buhay upang
IV makabangon
tuloy ang Pasko, Padayon!
___9. Saknong V Pangunahing Kaisipan
Sa pagsubok, tayo'y di bibigay ___10.Saknong V Pantulong na Kaisipan
sa umaga kay ganda tayoy V A. paniniwala na habang may buhay may pag-asa
maghihintay B. buhay sa ating mga puso ang pagtutulungan at
tamaan man tayo ng bagyo pagiging positibo
kapit bisig lang kaya natin to
___11-12. Ang Kulturang Pilipino na lumutang sa
Kaya pangako ko sayo, lahat ay Awit
kakayanin basta magtulong tayo A. magarbo at napakasayang pagdiriwang ng
tibayan ang loob at sa Diyos ay Kapaskuhan ng mga Pilipino sa bawat taon
magdasal B. pagiging positibo, lakas ng sampalataya ng mga
pagdurusa natin, di na magtatagal Pilipino sa buhay at pagdiriwang ng diwa ng
Kapaskuhan anoman ang mangyari
Tayo'y aahon, tayo'y bababangon
___13-15 Pangunahing Kaisipan ng buong awit
pandemya lang ito, Pilipino yata
tayo A. tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Kapaskuhan
tuloy ang Pasko dahil masayahin, mabait at mahilig sa
pagdiriwang ang mga Pilipino
Tayo'y aahon, tayo'y bababangon B. tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Kapaskuhan
pandemya lang ito, Pilipino yata dahil likas sa mga Pilipino ang katatagan sa
tayo anomang pagsubok sa buhay
tuloy ang Pasko, Padayon

Panuto: Basahin at unawain ang talata. Tukuyin kung ang naka salungguhit na
pangungusap ay Pangunahing Kaisipan o Pantulong na Kaisipan. Isulat ang letra
ng wastong sagot.
Gawain 2
A – Pangunahing Kaisipan B – Pantulong na Kaisipan
Isa si Lilia sa mga masugid na tagapagtaguyod ng kilusang pang kalikasan
sa kampus. Sa katunayan malimit siyang nagbibigay ng talumpati tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran. Siya rin ang pangulo ng Bantay Kalikasan.
Tumutulong din siya sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang barangay.

______ 1. Isa si Lilia sa mga masugid na tagapagtaguyod ng kilusang pang


Kalikasan sa paaralan.
Page 3 of 5

______ 2. Tumutulong din siya sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang barangay.

Ang pasasalamat , isang magandang kaugalian ay isa sa mga anyo ng pagtugon


sa pagmamahal na inuukol ng tao sa kanyang kapwa. Ito ang pagmamahal na
kahit anong oras ay maaaring ipadama ng tao sa iba. Kahit simpleng “salamat”
lamang ang ating natanggap ay may hatid na kakaibang kasiyahan sa atin. Sa
madaling salita, munting kaligayahan ang dulot ng pasalamatan ng mga taong
ating natutulungan o nagawan ng mabuti.
_____ 3. Sa madaling salita, munting kaligayahan ang dulot ng pasalamatan ng
mga taong ating natutulungan o nagagawan ng mabuti.
Bakit mahalaga ang pagbabasa sa ating buhay? Sa pagbabasa, naririto ang
kasanayan sa pagkilala ng mga salita, pag-unawa, paggamit ng sanggunian. Dito
rin nalilinang ang kasanayan sa pag-iisip, saloobin at kawilihan. Dagdag pa rito
ang pagpasok ng mga bagong kaalaman sa larangan ng siyensiya, teknolohiya at
sining. Ilan sa mga bagay-bagay
na maaaring bigyang pansin sa pagbabasa.
____ 4. Bakit mahalaga ang pagbabasa sa ating buhay?
____ 5. Dito rin nalilinang ang kasanayan sa pag-iisip, saloobin at kawilihan.
Hango sa: Gamiting Pilipino nina Buenseseco et.al

Blg. ng MELC: 15
Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katwiran.
Pamagat ng Aralin: Pagbuo ng makabuluhang tanong.
Makabuluhang Tanong – isang tanong na nakaangla sa paksa o pinag-uusapan.
Tanong na maaaring nagpapakita ng ng sanhi at bunga o rason at epekto sa paksang
pinag-uusapan.
Halimbawa : Paksa: Edukasyon sa New Normal
Makabuluhang Tanong:
1. Ano ang dahilan ng New Normal na edukasyon?
2. Paano ito isasagawa ng Kagawaran ng Edukasyon?
3. Ano ang mangyayari sa kalidad ng pag-aaral sa New Normal na
Edukasyon?
Balagtasan – isang patulang pagtatalo ukol sa isang paksa na binibigkas sa
ibabaw ng tanghalan. Ito ay binubuo ng dalawang panig. Ang isa ay sang-ayon at ang
isa naman ay hindi sang-ayon.
 Sa madaling salita, makabuluhan ang tanong kung may kinalaman sa paksa o
pinag-uusapan.

Panuto: Basahin ang mga paksa sa Hanay A at piliin sa Hanay B kung anong
angkop na makabuluhang tanong ang mabubuo mula rito. Isulat ang titik ng sagot
sa patlang bago ang bilang.
GAWAIN 3.1
Hanay A Hanay B
_____1. Global Warming A. Sino ang dapat managot?
_____2. COVID-19 Pandemic B. Paano ito nakakaapekto sa tao at
kapaligiran?
_____3. Online games C. Gaano ito kabisa?
_____4. Bakuna laban sa COVID D. Saan ito nagmula?
_____5. Nawawalang pondo ng E. Nakakasama ba ito sa pag-aaral ng mga
DOH bata?
Page 4 of 5

Panuto: Piliin ang mga makabuluhang tanong sa ayon sa paksang “Edukasyon sa


Panahon ng Pandemya”. Isulat lamang ang letra ng napiling sagot sa
patlang pagkatapos ng bilang na nasa loob ng kahon sa kanan.
GAWAIN 3.2
A. May natututunan ba ang mag-aaral sa modular learning?
B. Epektibo nga ba ang online class pamalit sa face-to-face na pag-aaral?
C. Paano napaguho ng pandemya ang ating mundo?
D. Ano ang papel na ginagampanan ng mga magulang? 1. _______
E. Paano matututunan ang abakada? 2. _______
F. Ano ang pwedeng gawin upang hindi mahawaan ng sakit na ito? 3. _______
G. Nagdudulot ba ito ng stress sa mga mag-aaral? 4. _______
H. Bakit hindi dapat mambagsak ng estudyante? 5. _______
I. Tunay nga bang walang mag-aaral ang napag-iwanan?
J. Kailan ito matatapos?

Panuto: Basahin ang Balagtasan at pagkatapos bumuo ng makabuluhang tanong


mula sa paksa ng Balatasan. (2pts bawat bilang = 10 pts.)
Gawain 4 Kailan naging mahalaga ang talino?

SIPAG: LAKANDIWA: Matapos maipahayag ang


Kapag baya’y umunlad. Ang pagko’y panig ng nagtatalo,
pinupukol. Ngayo’y aming ihahanda, tayog ng inyong
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama’t talino
tulong-tulong. Bawat isa’y papalaot sa napapanahong isyu
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati’y Kaya’t inyong timbangin upang inyong
ano ngayon? mapagsino.
Wala nan gang pagbabago. Kabuha’y urong
sulong. SIPAG: Sa tuwing may magaganap na
halalan sa ating bayan,
Kasipaga’y puhunan nating lahat sa Sinusuring kandidato, may nagawang
gawain. kabutihan,
Maliit man o malaki, mahirap man ang Kung anong kursong natapos ay hindi na
gampanin. inaalam.
Kung ang ating kasipagan, itatabi’t Kakayahan niya at sipag, tanging pinag-
magmamaliw. uusapan.
Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.
Aanhin mo ang talio kung di naman
TALINO: Akong aba’y inyong lingkod, nagagamit,
isinilang na mahirap, Mga tao’y umaasa, lalo’t sila’y nagigipit.
At ni walang kayamanan, maaaring Matalinong naturingan, tamad naman
mailantad. walang bait.
Pamana ng magulang ko ay talinong Kawawa lang itong bansa, mga luha ang
hinahangad. kapalit.
Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-
unlad. TALINO: Nalimutan ng kantalo, mga
bayaning namatay,
Sa gobyerno at lipunan, mga tao’y may Na nagtanggol sa ‘ting bayan, ng laya ay
puhunan makatam.
Na kanilang tataglayin, habang sila’y Kung di dahil sa talino, taglay nila nung
nabubuhay. araw,
Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa
kalayaan. ng dayuhan.
Nagbibigkis sa damdamin, makatao’t
makabayan.
Page 5 of 5

Mga naging presidente o senador at TALINO: Tila yata nalimutan niyong aking
kongresman. katunggali,
Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi.
Mga batas na ginawa’t pinatupad sa ‘ting Pag mayroong kalamidad, manlolokoy
bayan. nariyan lagi,
Pinuhunan ay talino, kaya’t sila’y naging Kaya’t anong mahalaga, Talino’y ipagbunyi.
gabay.
Matataas na gusali, super market, public
SIPAG: Sa dami ng matalino, namumuno sa mall,
ating bansa, Fly overs, sky ways, at ibat-ibang
Ibat-ibang pagpapasya at maging komunikasyon.
paniniwala. Lahat ng yan ay nagawa, talino ang naging
Utos dito, utos doon, sila’y di na gumagawa, puhunan,
Kaya’t laging nababalang kapakanan Kaya’t bayan ay umunlad, ang biyaya’y
naming dukha. tuloy-tuloy.

Samantalang kung masipag itong mga LAKANDIWA: Saglit munang pinpigil, inyo
punong halal, itong lakandiwa
Sa problema’t kalamidad, sila’y laging Pagtatalo nitong dalawang mahuhusay na
naririyan, makata,
Hindi na kailangang tawagin sila kung Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata.
saan, Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating
Sapagkat pagtulong nila ay kambal ng diwa.
kasipagan.

1.________________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________

3.________________________________________________________________________________

4.________________________________________________________________________________
5.________________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagmamarka sa bawat tanong na mabubuo:


Kraytirya Puntos Kabuuang Marka (10pts.)
Makabuluhan at Mapanghamon 1
May kaugnayan sa paksa ng balagtasan 1

Inihanda nina: Iwinasto/Sinuri ni

Evangeline E. Martinez Anna Leah M. Cruz


Marites P. Barredo Dalubguro I
Mga Guro sa Filipino 8

You might also like