You are on page 1of 13

FLORANTE AT LAURA – PAGBUBUKAS – SAKNONG 1 TO 10

1 - Madilim ang gubat. Hindi makapasok ang sinag ng araw.


2 - Malalaki ang mga puno. Malungkot ang tunog ng mga ibon.
3 - Makati ang mga baging (vines) at balat ng mga prutas. Maraming tinik.
4 - Nakalulungkot tingnan ang mga bulaklak. Pati yung amoy, nakabibigat ng kalooban.
5 - Ang mga punong sipres (cypress) ay nakatatakot.
6 - Yung mga hayop duon ay umaatake sa mga tao.
7 - Sa dulo ng gubat, makikita ang daan patungong impiyerno.
8 - Sa gitna ng gubat ay may punong higera (banyan tree). Dito nakagapos si Florante.
9 - Kahit hirap na hirap si Florante, mukha siyang diyos. Mala-Adonis ang kakisigan niya.
10 - Makinis ang kanyang kutis. Parang ginto ang kanyang buhok.
FLORANTE AT LAURA – MASAMANG KAPALARANG SINAPIT – SAKNONG 11 TO 25
11 - Walang mga nimfa duon na maaawa kay Florante.
12 - Lumuluha si Florante. Tumingala. Naghandang magsalita...
13 - Tinatanong ni Florante ang Langit kung nasaan ang ganti nito para sa lapastangang ginawa laban sa
bayan ng Albanya.
14 - Kalat na kalat na ang kasamaan sa kanilang kaharian.
15 - Lahat ng mabuti ay kinakawawa at binabastos.
16 - Samantalang ang mga masasama ay angat na angat.
17 - Naghahari ang kataksilan at kasamaan.
18 - Yung mga magsasalita laban sa kasamaan ay pinapatay.
19 - Yung mga ambisyosong taksil ang dahilan ng kasawiang palad ni Florante.
20 - Ginamit ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linceo (ama ni Laura) at ang kayamanan ng ama ni
Florante, para kawawain ang buong Albanya.
21 - Tinatanong ni Florante ang Langit kung bakit nito hinayaan ang mga pangyayaring ito.
22 - Inuudyok ni Florante ang Langit na lipulin ang kasamaan sa Albanya.
23 - TInatanong ni Florante ang Langit kung bakit ito bingi sa kanyang mga hiling.
24 - Hindi maunawaan ni Florante ang Langit. Hindi raw mananaig ang kabutihan sa mundo kung pumayag
ang Langit na mangyari ito.
25 - Sino ang lalapitan na ngayon ni Florante, gayong hindi siya pinakikinggan ng Langit?
FLORANTE AT LAURA – PANIBUGHO SA MINAMAHAL – SAKNONG 26 TO 40
26 - Handang tiisin ni Florante ang pagpapahirap ng Langit, basta maalala siya ng puso ni Laura.
27 - Sa gitna ng kahirapan ni Florante, ang ala-ala ni Laura ang bumubuhay sa kanya.
28 - Matutuwa si Florante nang lubos basta isipin siya ni Laura. Yun nga lang, nalulungkot siya nang lubos
gawa ng pagtataksil.
29 - Iniisip ni Florante na patay na siyang nakagapos dun sa puno.
30 - Kung hanapin ni Florante sa kanyang isipan ang ala-ala ng mga nakaraan nila ni Laura, yung mga dati
niyang luha sa bawat sugat ni Florante ay ginagawang kasiyahan ang kanyang kahirapan.
31 - Sabi ni Florante para saan pa ang pag-ibig, ngayon na tahimik na si Laura at may kasama nang iba.
32 - Gusto nang mamatay ni Florante dahil naiisip niya na magkayakap sina Konde Adolfo at Laura.
33 - Hinimatay si Florante.
34 - Makikita sa buong katawan ni Florante ang mga marka ng pagpapahirap. (Naranasan mo nang umiyak
nang umiyak? Diba may mga maraming pulang tuldok sa mukha mo? Paano pa kaya kung buong katawan mo
ay ganun?)
35 - At kapag nakita si Florante ng pinakamarahas na magpaparusa, maawa yun sa itsura ni Florante.
36 - Kahit yung taong tuyo na ang mga mata sa kaiiyak, maiiyak muli kung makita nila si Florante.
37 - Malalim na awa ang mararamdaman ninumang makarinig sa mga daing at tunog na galing kay Florante.
38 - Rinig sa buong gubat ang mga ungol ni Florante. Ang sumasagot lang sa kanya ay ang mga alingawngaw
(echoes).
39 - Tinatanong ni Florante sa hangin kung bakit kinalimutan ni Laura ang kanilang pagmamahalan.
40 - Sinusumbat ni Florante kay Laura ang sumpa ng kanilang pagmamahalan. Naging tulala si Florante. Hindi
niya naiisip na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya naisip na darating ang araw na magtataksil sa
kanya si Laura.
FLORANTE AT LAURA – ALA-ALA NI LAURA – SAKNONG 41 TO 68
41 - Akala ni Florante buo ang pagmahahalan nila ni Laura. Hindi niya akalain na sa kabila ng kagandahan ni
Laura, may nakatago palang pagtataksil.
42 - Hindi inakala ni Florante na ang mga luhang iniyak nuon ni Laura ay walang kwenta pala.
43 - Naalala ni Florante na nuong gumawa ng sagisag para sa kanya dati si Laura, buhay na buhay ang mga
mata ni Laura.
44 - Naalala ni Florante nuong ginawa ni Laura ang kanyang plumahe (para sa ulo/helmet).
45 - Naalala ni Florante yung maraming beses nuon nung inabot ni Laura ang bandana ni Florante, basa sa
mga luha ni Laura kasi alalang-alala siya sa kapakanan ni Florante sa digmaan.
46 - Tinitingnan dati ni Laura ang baluti (armor) ni Florante, at baka may kalawang ito. Ayaw ni Laura na
marumihan ang damit ni Florante.
47 - Kapag tumingin mula sa malayo si Laura sa hukbo (army), hinahanap niya si Florante.
48 - Yung turbante (turban) ni Florante ay may diamenteng hugis letrang "L".
49 - At kapag bumabalik si Florante mula sa digmaan, hindi pa rin mapakali si Laura.
50 - Takot si Laura na baka may sugat si Florante na hindi niya nakita at mahugasan.
51 - At kung may gumugulo sa isip ni Florante, tatanungin ni Laura kung ano yung bagay na yun. At habang
hindi pa niya ganap na nauunawaan ito, hahalikan niya si Florante na paulit ulit sa pisngi.
52 - Kung tahimik lamang si Florante, dadalhin siya ni Laura sa hardin para maaliw sa mga bulaklak duon.
53 - Ilalagay ni Laura ang mga magagandang mga bulaklak sa leeg ni Florante. At hindi titigil si Laura hangga't
di niya maalis kung anumang nagbibigay lungkot kay Florante.
54 - At kung malungkot pa rin si Florante, maluluha si Laura. Hinahanap na ngayon ni Florante yung dating
pagmamahal ni Laura.
55 - Hinahanap ni Florante si Laura ngayon at malapit na siyang mamatay.
56 - Kahit isang patak ng luha mula kay Laura, sapat na yun para kay Florante.
57 - Pinapahanap ni Florante kay Laura yung mga sugat sa kanyang katawan.
58 - Pinapapalitan ni Florante kay Laura ang kanyang mga maruruming mga damit.
59 - At kung matitigan man lang ni Laura si Florante, mapapahaba ni Laura ang buhay ni Florante.
60 - Para kay Florante, si Laura lang ang pwedeng magpagaling sa kanya.
61 - Yun nga lang, para kay Florante, wala si Laura. Para kay Florante, pinagtaksilan siya ni Laura.
62 - Iba na raw ang kayakap ngayon ni Laura. (Bitter si Florante.)
63 - Wala na raw kaibigan si Florante. At kinalimutan pa siya ng mahal niyang si Laura.
64 - Masakit ang kaloobang ni Florante. Nalulungkot siya sa pagkawalan ng kanyang ama. Nagseselos pa siya
dahil kay Laura. Masakit na masakit ang damdamin ni Florante.
65 - Ang pinakamatinding sakit ay ang pagtataksil ni Laura.
66 - Pasasalamatan pa nga raw ni Florante si Konde Adolfo, kung lahat ng pagpapahirap ay gawin kay
Florante, huwag lang yung pag-agaw sa puso ni Laura.
67 - Umiyak nang malakas si Florante. Umalingawngaw sa buong gubat ang hiyaw niya.
68 - Parang patay na si Florante. Maputla ang kanyang mukha.
FLORANTE AT LAURA – PAGDATING NG MORO SA GUBAT – SAKNONG 69 TO 83
69 - May dumating na mandirigma sa gubat. Taga Persiya.
70 - Huminto siya. Tumingin sa palibot. Biglang hinagis ang kanyang mga sandata.
71 - Tumingala siya, at panay ang buntong-hininga.
72 - Umupo siya sa tabi ng puno, at umiyak nang umiyak.
73 - Hawak niya ang kanyang baba at sentido. Mukhang may malalim na iniisip, o di kaya's may nakalimutan.
74 - Maya-maya'y sumandal siya. Patuloy pa rin ang kanyang mga luha. Nagsalita siya: Flerida, tapos na ang
tuwa. (NOTE: Anim na taon na siyang palakad-lakad kung saan-saan sa labas ng Persiya. Hindi siya maka
move-on.)
75 - Panay ang sabi ni Aladin ng "Ay! Ay!" duon sa gubat. Hindi siya talaga maka move-on."
76 - Bigla siyang tumindig, mukhang galit, at dali-dali niyang hinanap ang kanyang mga sandata. Hindi raw
siya makapapayag.
77 - At kung ibang tao (maliban sa kanyang ama) ang umagaw ng kanyang Flerida, mapapatay niya ito.
78 - Binanggit ni Aladin si Marte at ang mga Parcae. May diyos/diyosa na kunektado sa digmaan at
kamatayan. Matindi ang galit ni Aladin.
79 - Sinabi ni Aladin na babawiin niya si Flerida mula sa mga kuko ng kataksilan, at lahat nang makakabangga
niya (maliban sa kanyang ama) ay papatayin niya.
80 - Makapangyarihan ang pag-ibig. Lahat ay apektado. At ang lahat din ay makalilimutan kapag pumasok na
sa puso ang pag-ibig.
81 - Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, kalimutan mo na ang respeto sa lalong dakila (Diyos?), katwiran,
tamang pag-iisip, katungkulan, at pati na rin ang buhay.
82 - Sinasabi ni Aladin na huwag siyang tularan. Pero wala naman siyang kausap sa gubat.
83 - Sinaksak ni Aladin ang kanyang sandata sa lupa. Umiyak nang umiyak. Bigla siyang may narinig na
buntong hininga. Si Florante pala yun, nakagapos pa sa puno.
FLORANTE AT LAURA – PAGHAHAMBING SA DALAWANG SAKNONG 84 TO 107
84 - Nagulat si Aladin. Sumigaw siya, at nakinig. Narinig niya muli ang mga hikbi.
85 - Nagtaka si Aladin kung sino ang hihikbi sa gubat na yun. Alisto siyang nakinig.
86 - Narinig ni Aladin na may nagtatanong kung bakit siya inulila ng kanyang ama.
87 - Inisip ni Florante kung paano nahirapan ang kanyang ama sa kamay ng mga traydor.
88 - Naisip din ni Florante kung gaano kagrabe ang parusang ipinataw ni Konde Adolfo laban sa ama ni
Florante.
89 - Nararamdaman ni Florante ang paghihirap na naranasan ng katawan ng kanyang ama.
90 - Naiisip ni Florante ang luray-luray na bangkay ng kanyang ama, na hindi man lang binigyan ng disenteng
libing.
91 - Inisip ni Florante ang mga dating kaibigan ng kanyang ama na lumipat na sa mga grupo ng mga traydor.
Naisip din niya ang mga kaibigan pa rin, ngunit takot nang hawakan ang katawan ng kanyang ama at baka pati
rin sila ay maparusahan.
92 - Parang naririnig ni Florante kung paano nagdasal ang kanyang ama na maprotektahan si Florante mula
sa kapahamakan.
93 - Hiniling din ng kanyang ama na iwan na lang si Florante sa ilalim ng mga bangkay sa parang ng digmaan,
nang di malapastangan ni Konde Adolfo ang kanyang mga labi.
94 - Sinabi ni Florante na ang mga dasal ng kanyang ama ay hindi natupad. Pinugutan pa rin ang kanyang
ama.
95 - Naaalala ni Florante ang pagmamahal sa kanya ng kanyang ama. Iyak nang iyak si Florante.
96 - Pinararangal ni Florante ang kanyang mapagmahal na ama.
97 - Hindi magtatagal, at magkikita na muli si Florante at ang kanyang yumaong ama.
98 - Naluha si Aladin dun sa kanyang narinig.
99 - Inisip ni Aladin kung kailan kaya siya mapapaluha dahil sa pagmamahal at awa sa kanyang sariling ama.
100 - Naluluha si Aladin dahil sa pagnakaw ng kanyang sintang si Flerida, habang heto si Florante, umiiyak
dahil sa pagkawalan ng mapagmahal na ama.
101 - Naisip ni Aladain na kung ang mga luha niya ay para sa nawalang ama, nabiyayaan siya ng mga
matatamis na luha.
102 - Ngunit ang mga luha ni Aladin ay dahil sa galit, at hindi dahil sa pagmamahal ng kanyang ama.
103 - Ang tawag ni Aladin sa pagmamahal ng kanyang ama ay kataksilan. At heto na si Aladin, nalulunod sa
kahirapan.
104 - Ang tingin ni Aladin sa sarili ay parang anak na inabandona.
105 - Narinig ni Aladin na binanggit ni Florante ang pangalan ni Laura. Nagpapaalam na si Florante at tila
mamamatay na siya.
106 - Sinabi din ni Florante na sana maging masaya si Laura sa piling ni Konde Adolfo.
107 - Gayunpaman, mahal na mahal pa rin ni Florante si Laura magpasawalang hanggan.
FLORANTE AT LAURA – SA HARAP NG PANGANIB – SAKNONG 108 TO 125
108 - May lumapit na dalawang leon kay Florante. Bigla silang huminto malapit sa kanya.
109 - Mukha silang naawa muna kay Florante.
110 - Ano kaya ang pumasok sa isip ni Florante habang tinitingnan niya yung dalawang leon?
111 - Hindi makapagsalita ang makata. Lubha siyang naawa kay Florante.
112 - Sinong taong may puso ang hindi maaawa sa kalagayan ni Florante?
113 - Pakiramdam ni Florante na malapit na siyang mamatay. Kahit hindi na maintindihan ang mga sinasabi
niya, malinaw sa isip ni Florante na malapit na ang katapusan.
114 - Nagpaalam si Florante sa Albanya.
115 - Pinapayuhan ni Florante si Albanya na lumaban sa mga taksil.
116 - Binalewala raw ng Albanya ang sumpa ni Florante na ipagtanggol ang kaharian.
117 - Mula kabataan walang ninais si Florante kundi ipagtanggol ang Albanya.
118 - Ang binigay lamang ni Albanya kay Florante ay isang kahiya-hiyang paraan ng kamatayan.
119 - Gayunpaman, mahal na mahal pa rin ni Florante si Laura, sa kabila ng lahat.
120 - Sana raw maging masaya na ang marahas na Adolfo at ang taksil sa Laura. Bitter na talaga dito si
Florante.
121 - Kumpleto na raw ang kasaam nila, ngayon at nasa harapan na ni Florante ang mabangis na kamatayan.
122 - Sino pa raw ang makaka-alala sa kanya, isip ni Florante.
123 - Nagtatanong si Florante kung bakit ngayon, hindi man lang lumuluha si Laura.
124 - Sana raw kasabay ng mga luha ni Florante ay lumabas na rin mula sa kanyang mga mata ang kanyang
kaluluwa't dugo.
125 - Umiiyak si Florante hindi para sa kanyang sarili, ngunit para sa pag-ibig nila ni Laura na hindi na natuloy.
FLORANTE AT LAURA – PAKIKIPAGLABAN SA LEON [PAGTATAGUMPAY NG BAGONG MARTE] –
SAKNONG 126 TO 142
126 - Hinanap ni Aladin kung saan nagmumula yung boses. Ginamit niya ang kanyang sandata para putulin
ang mga nakaharang sa kanyang daan sa gubat.
127 - Patuloy na ginamit ni Aladin ang kanyang kalis, hanggang natagpuan niya ang pinagmumulan nung mga
iyak.
128 - Siguro mga alas singko na ng hapon nang makita ni Aladin si Florante.
129 - Naawa si Aladin.
130 - Hindi siya kumibo. Nakita niya yung dalawang leon.
131 - Mukhang gutom yung mga leon, at handa nang pumatay.
132 - Inilarawan dito yung itsura nung mga leon. Inihambing sila sa mga Furies.
133 - Humanda nang umatake ang mga leon. Umatake si Aladin.
134 - Tinaga ni Aladin ang mga leon.
135 - Ginamit ni Aladin ang kanyang kalasag (shield) at kalis para manaig sa mga leon.
136 - Lumuha si Aladin habang inalis niya ang mga lubid ni Florante. Hinimatay si Florante.
137 - Naawa si Aladin habang nakita niyang umagos yung dugo duon sa mga sugat ni Florante.
138 - Pinutol ni Aladin ang mga lubid gamit ang kanyang espada, para mabilis.
139 - Sinubukan ni Aladin na bigyan malay-tao si Florante.
140 - Nung makita niya ang mukha ni Florante, inisip ni Aladin na magkahawig ang kanilang mga sitwasyon.
141 - Napansin din ni Aladin ang tikas ni Florante. Magkatulad silang dalawa.
142 - Nakahinga nang maluwag si Aladin nung makita niyang nagising si Florante.
FLORANTE AT LAURA – HABAG SA MORO – SAKNONG 143 TO 155
143 - Mahinang dumilat si Florante. HInahanap niya si Laura.
144 - Hiniling ni Florante na huwag siyang kalimutan ni Laura. Pumikit si Florante. Si Aladin naman ay
nanahimik.
145 - Ayaw ni Aladin na mabigla si Florante at baka ito tuluyang mamatay. Naghintay muna si Aladin.
146 - Nang magising muli si Florante, nagulat siya na andun siya sa Moro. Sinubukan ni Floranteng
bumangon, ngunit hindi pa niya kaya. Galit siyang napahiga.
147 - Sinabi ni Aladin na ligtas si Florante, ang maging payapa siya.
148 - Inamin ni Aladin na kahit ayaw siya ni Florante, hindi niya kayang hayaang mamatay si Florante.
149 - Nakita ni Aladin sa pananamit ni Florante na taga Albanya si Florante. Si Aladin naman ay taga Persiya.
Magkaaway ang dalawang kaharian. Ngunit sa ganung kalagayan ni Florante, magkaibigan daw sila, sabi ni
Aladin.
150 - Moro nga si Aladin, ngunit tao rin siya. Ramdam niya sa kanyang puso na sa batas ng kalikasan,
kailangang tulungan ang mga nahihirapan.
151 - Ano pa nga ba ang gagawin ni Aladin gayong narinig niya ang mga sigaw at iyak ni Florante? Nakita rin
siyang nakagapos at malapit nang sakmalin ng mga leon.
152 - Inamin ni Florante na kung hindi siya tinulungan ni Aladin, malamang andun na siya sa loob ng mga
leon.
153 - At naging payapa si Florante. Dahil alam niyang magkalaban ang mga taga Albanya at Persiya, ngunit
tinulungan pa rin siya ni Aladin.
154 - Sinabi ni Florante na hindi niya kailangan ang awa ni Aladin. Pero sana pinatay na lang siya, kasi
kamatayan ang hinahanap ni Florante.
155 - Nang marinig ito ni Aladin, sumigaw siya nang malakas, umiyak, at napaluhod.
FLORANTE AT LAURA – PAGLINGAP NG PERSYANO – SAKNONG 156 TO 171
156 - Tahimik sina Aladin at Florante. Para silang hinimatay, hanggang lumubog ang araw.
157 - Nang makita ni Aladin na papadilim na, binuhat niya si Florante at bumalik siya sa pinanggalingan sa
gubat.
158 - Inilapag ni Aladin si Florante dun sa isang malapad at malinis na bato.
159 - Sinubukan ni Aladin na pakaiinin si Florante. At kahit umayaw si Florante, mahinahon niyang hikayatin
siya na kumain.
160 - Nanghina si Florante (naawas) sa sobrang gutom (dayukdok). Tuloy, di sinasadyang nakatulog sa
sinapupunan (sa bandang puson.. between the lap and navel or belly-button) ni Aladin.
161 - Magdamag natulog (nang mababaw) si Florante, habang si Aladin naman ay magdamag hindi natulog.
Nag-aalala kasi si Aladin na baka may lumapit na hayop at kagatin si Florante.
162 - Pagising-gising si Florante at madalas siyang umungol. Bawat iyak niya ay parang sumasaksak sa
maawaing puso ni Aladin.
163 - Nung madaling araw, nung sobrang dilim pa, nakatulog nang husto si Florante. Tahimik ang lahat,
hanggang nagbukang liwayway (sunrise).
164 - Lumakas si Florante. Ano yung limang karamdaman? The 5 senses. (paningin, pangamoy, panlasa at
pandamdam)
165 - Kaya nung kumalat na ang sinag ng araw, dahan-dahang bumangon si Florante, ang nagpasalamat sa
Langit sa pagbalik ng lakas sa kanyang katawan.
166 - Tuwang-tuwa si Aladin, at niyakap niya si Florante. Kung noon ay lumuha si Aladin dahil sa awa, ngayon
ay lumuha siya sa tuwa (tears of joy).
167 - Hindi mailarawan nang sapat ni Balagtas ang pasasalamat ni Florante. Yun nga lang, nang bumangon si
Florante, naalala niya ang mahal niyang si Laura, at naramdaman muli ni Florante ang matinding kalungkutan.
168 - Kapag nakapaghinga ka samantala mula sa sakit na dulot ng pag-ibig, kapag bumalik yung sakit, higit na
matindi pa. Doble pa yung sakit.
169 - Bago mahilom ng kasayahan ang sugatang puso ni Florante, umiral na naman ang dating sakit. Parang
kutsilyo na nakasaksak nang malalim sa puso ni Florante.
170 - Tinanggap ni Florante ang kanyang paghihirap, habang sabay niyang sinabi na hindi na niya kaya ang
pagkawalan ng kanyang minamahal. Sinubukan ni Aladain na pagaanin ang kalooban ni Florante.
171 - Sabi ni Aladin kay Florante na nakita na ni Florante kung paano mag-alala sa kanya si Aladin. Kaya
huwag mag-alala si Florante at maghahanap ng solusyon si Aladin.
FLORANTE AT LAURA – ULIRAN – SAKNONG 172 TO 187
172 - Sabi ni Florante kay Aladin - hindi lamang dahilan ng sakit ng aking damdamin, kundi pinagmumulan ng
buhay ko mismo (tinutukoy ni Florante si Laura).
173 - Naupo yung dalawa sa ilalim ng puno. Ikinuwento ni Florante kay Aladin ang kanyang buhay, mula
umpisa hanggang sa punto na naging masama ang kanyang kapalaran (naparool).
174 - Sinabi ni Florante na ipinanganak siya sa Albanya, sa isang dukado (dukedom) o pamilya ng duke. Si
Duke Briseo ang ama ni Florante.
175 - Ang ina ni Florante ay si Prinsesa Floresca.
176 - Pakiramdam ni Florante na kung ipinanganak siya sa Krotona (siyudad ng kanyang ina), imbes na sa
Albanya (bayan ng kanyang ama), sana ay naging mas masaya si Florante.
177 - Ikinuwento ni Florante na ang kanyang ama na si Duke Briseo ay naging tagapag-payo kay Haring
Linceo, sa lahat ng bagay. Pangalawa siya. Siya rin ang nagbibigay ng direksyon para sa bayan.
178 - Si Duke Briseo ay parang perpektong bersyon ng kabaitan sa Albanya. PInakamatalino. Pinakamagiting.
Pinakamapagmahal sa anak. Pinakamarunong mag-guide at magturo ng anak.
179 - Naalala ni Florante kung paano siya tawagin nuon (nung munting bata pa siya) ni Duke Briseo:
Floranteng bulaklak kong natatangi o nag-iisa. (My one and only special flower.)
NOTE: Hindi po natin mahulaan kung bakit bulaklak ang tingin ni Duke Briseo sa kanyang anak. Dahila kaya
sa kulay ng buhok ni Florante? Or dahil sobrang kinis ng mukha ni Florante?
180 - Yun ang tawag kay Florante mula nung bata siya. Una niya itong narinig mula sa kanyang mga
magulang. Yun ang kanyang ambil / palayaw / nickname. At ngayon na siya'y naghihirap, parang naririnig
niyang may tumatawag sa kanya gamit ang palayaw na ito.
181 - Sinabi rin ni Florante na nung bata pa siya, muntik siyang nadagit (na-snatch) ng isang buwitre (vulture)
o ibong kumakain ng mga patay o malapit nang mamatay na mga hayop.
182 - Ikinuwento daw sa kanya (Florante) ng kanyang ina na nung tulog ang munting si Florante dun sa
malaking bahay na kinta (or villa, in English, quinta in Spanish) nila sa bundok, may pumasok na ibon. Yung
buwitre ay may sensitibong pang-amoy. Kaya nitong amuyin ang patay na hayop mula tatlong legwas
(leagues). Ang distansiya ng is legwas ay tatlong milya (miles) or 4.828 kilometros.
183 - Sumigaw si Prinsesa Floresca, at na-alerto ang pinsan ni Florante na si Menalipo na taga Epiro (Epirus -
isang rehiyon sa hilagang kanluran ng Gresya o northwestern Greece - nakadikit ito sa Albanya). Pinana ni
Menalipo (Minelipus) ang buwitre. Agad namatay yung ibon.
184 - Sa ibang pagkakataon naman, bago pa lamang natutong maglakad nang mag-isa si Florante dun sa
gitna ng salas, may dumating arko (ibong falcon) at inagaw nito ang kupidong diamante (hearts and arrows
diamond cut) na nasa dibdib ni Florante.
NOTE: The Hearts and Arrows Diamong Cut involves precision cutting. It is symmetrical.
185 - Nung si Florante'y siyam na taong gulang, madalas siyang gumala at maglaro sa burol (hill). Pinapana
niya ang mga ibon.
186 - Tuwing umaga, nung bagong labas palang ng araw, andun na si Florante sa tabi ng gubat, kasama ang
kanyang mga alagad.
187 - At hanggang tumaas na ang sikat ng araw (Febo - Phoebus - sun god), malamang tanghaling tapat,
andun si Florante sa parang (fields).
FLORANTE AT LAURA – LAKI SA LAYAW – SAKNONG 188 TO 205
188 - PInaglalaruan ni Florante ang mga bulaklak (ito kaya ang dahilan kung bakit tinatawag siya ng kanyang
ama na Florante, bugtong na bulaklak?). May laruang siyang pulad (quiver of the arrow), o yung balahibo ng
manok o ibon na inilalagay sa hindi matulis na dulo ng isang pana, upang magiya o madiretso ang paglipad
nito.
Hindi po natin maunawaan pa sa ngayon kung bakit ni inaaglahi ang laruang pulad. Ang pag-aglahi kasi ay
yung pagsira sa isa, at pati na ring pagdamay sa buong lahi nung isang yun.
Siguro yung inaglahi ni Florante ay yung isang ibon/manok na ang balahibo ay nasa pulad, at pati na rin yung
buong lahi o angkan ng mga ibon/manok.
Pati yung mga ibong lumilipad sa hanging amihan (the wet south wind) ay hinahabol ni Florante.
189 - Kapag may nakitang hayop si Florante duon sa kalapit na bundok, papanain niya ito. Isang tira lang,
tinatamaan na. Ganuon katindi at kalinaw ang mata ni Florante.
190 - Mag-uunahan ang mga kasamahan ni Florante para kunin yung napatay na hayop. Sa sobrang tuwa,
hindi nila pinapansin ang mga matatalas na tinik sa dinaraanan nila.
191 - Naaaliw si Florante sa kapapanuod sa kanila. Pa-ekis-ekis nagtatakbuhan yung mga kasama ni Florante
sa damuhan. At kapag nakita na nila yung patay na hayop, sigawan sa tuwa!
192 - Kapag nagsawa na si Florante sa laruan niyang busog (bow... as in bow and arrow), uupo sila sa tabi ng
bukal (batis or spring), titingnan ang sariling repleksiyon, at kukunin ang lamig ng tubig.
193 - Dito sa tabi ng tubig, pakikinggan ni Florante ang mga Nayadas (Naiads - female water spirit). Kapag
tumugtog ng lira (lyre) ang mga Nayadas, matatanggal ang kalungkutan sa iyong dibdib.
194 - Pati mga ibon, lumalapit sa mga kumakanta at nagtatawanang mga Ninfas (nymph - nature goddess).
195 - Duon sa sanga ng kahoy na duklay (pinakamataas ng punong-kahoy) nagpupuntahan ang mga ibong
upang makinig sa mga nag-aawitang mga Ninfas.
Ang mahal na batis ng iginagalang na bulag na hentil ay malamang yung batis na binanggit sa Bibliya - John,
Chapter 9.
Sa "Pool of Siloam" gumawa ng milagro si Hesukristo, kung saan naglagay siya ng putik sa mga mata ng
isang bulag, at ito'y nakakita muli.
Sa palagay ng iba, dito rin sa "Pool of Siloam" itinaguyod ni Hadrian ang paganong dambana ng Apat na mga
Ninfas (pagan Shrine of the Four Nymphs) nuong 135 AD.
(Saan kaya ito nabasa ni Balagtas? Bakit niya alam ang ganitong kasaysayan? Kakaiba siya talaga!)
196 - Hindi nagtagal ang saya ni Florante sa lugar na yun. Dahil mahal siya ng kanyang ama, inutusan siyang
umalis.
197 - Kapag panay kasiyahan lang ang nararanasan ng isang bata, magiging mahina ito paglaki nito.
Kung lumaki'y walang hihinting ginhawa = Walang kahihinatnan. Walang sasapitin. Walang darating na
ginhawa sa buhay mo, kung nuong bata ka ay nababad ka lang sa kasiyahan at di ka man lang nakaranas ng
mga pagsubok sa buhay.
198 - Mundo ito ng kahirapan. Kaya bawat tao ay dapat matutong patibayin ang kalooban. Kapag hindi
natutong magtiis, paano haharapin ang mga pagkakataong malupit ang trato sayo ng mundo?
199 - Ang taong sanay sa masarap na buhay ay ubod ng selan. Hindi niya kayang bathin o tiisin yung hilahil,
kahirapan, o gulo. Wala pa ngan dumarating, nasa imahinasyon palang yung problema, ayun... bagsak na.
200 - Katulad ng halamang palaging dinidiligan, kapag may sandaling init at hindi nadiligan agad, ayun...
nalalanta na. Ganun din ang pusong nasanay lamang sa tuwa.
201 - Kaunting hirap lang, pinapalaki na kaagad. Ganun ang dibdib na hindi marunong magbata o magtiis. May
kaunting pagbabago lang sa mundo, kisapmata o sandali palang ay malaking pagdurusa na.
(Nahihirapan ka ba sa Florante at Laura? Kumusta ang dibdib mo? Mabilis ka bang tumiklop? O kaya mo bang
lumaban? Paiter, bai!)
202 - Ang batang pinalaki sa saya at madaling pamumuhay, may something ang pag-iisip. Minsan nga, parang
hindi na nag-iisip. Walang sariling bait. Mali ang pag-alaga ng mga magulang. Akala nila pagmamahal yung
ipinakita nila sa anak nila. Ngunit mali. Kaya ayun ang masaklap na resulta: walang kwentang anak.
(Mabuti na lang at pinag-aaralan mo itong Florante at Laura. May pag-asa kang gawin ang dapat gawin, upang
gumanda ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya.)
203 - Ang pagmamahal ng ibang magulang ay mali o baluktot. Tuloy, napasama ang kalagayan nung bata.
Posible rin na tamad lamang ang magulang, at naging pabaya.
204 - Ang mga bagay nito ay itinuro ni Duke Briseo sa kanyang anak na si Florante. At kahit umiyak si
Prinsesa Floresca, pinadala pa rin si Florante sa malayong lugar ng Atenas upang mag-aral at maging mulat.
205 - Nalungkot nang matindi nang dumating si Florante sa Atenas (Athens). Ang naging mabait na guro niya
duon ay si Antenor. Si Antenor ay lahi ni Pitaco (Pittacus of Mytilene - considered as one of the Seven Sages
of Greece).
FLORANTE AT LAURA – HIRAM NA BAIT – SAKNONG 206 TO 223
206 - Halos isang buwan hindi makakain si Florante, dala ng matinding kalungkutan.
207 - Kaklase ni Florante si Adolfo, anak ni Konde Silenus.
208 - 11 taong gulang si Florante. Si Adolfo ay 13. Si Adolfo ang pinakamatalino sa klase, at tinitingalaan siya
ng madla.
209 - Mabait si Adolfo. Mahinahon. Hindi nakikipag-away. Hindi mayabang.
210 - Si Adolfo ang huwaran o model student.
211 - Hindi maarok ng kanilang guro ang mga sikretong nilalaman ng puso ni Adolfo.
212 - Itinuro ng ama kay Florante na ang talino ay kailangan maging magpakumbaba.
213 - Nagtaka ang mga kaklase ni Florante kung bakit hindi natutuwa si Florante sa asal ni Adolfo.
214 - Hindi maintindihan ni Florante kung bakit niya iniiwasan si Adolfo.
215 - Sa mga nadgaang araw, lalung tumalino si Florante.
216 - Pinag-aralan ni Florante ang pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
217 - Sa loob ng anim na taon, naging dalubhasa si Florante sa mga tatlong dunong na yun.
218 - Parang milagro, nahigitan ni Florante ang talino ni Adolfo.
219 - Si Florante na ang naging sikat sa Atenas.
220 - Nabuking ang pagbabalat-kayo ni Adolfo. Hindi pala siya talagang mabait.
221 - Nahalat ng madla na peke pala ang pagiging mahinahon ni Adolfo.
222 - Nakita ang katotohanan nung oras ng paghahanda ng mga bata sa kanilang paligsahan.
223 - Nagsimula sila sa awitan, kantahan, at pati na rin sa arnis.
FLORANTE AT LAURA – PAMATID-BUHAY – SAKNONG 224 TO 241
224 - Isinadula nila Florante ang "The Odyssey" - ito yung kwento ni Oedipus. Napangasawa niya ang sarili
niyang ina na si Reynang Yocasta.
225 - Gumanap si Florante bilang Eteocles, anak ni Oedipus (ang ina ni Eteocles ay di malaman kung si
Jocasta o Euryganeia). Si Adolfo ay gumanap bilang Polyneices. Si Menander naman ay gumanap bilang
Reyna Yocasta.
226 - Sa eksena, kikilalanin ni Florante si Adolfo bilang kapatid (anak ni Oedipus).
227 - Bumigkas si Adolfo ng mga galit na salita na wala naman sa iskrip.
228 - Sumugod si Adolfo kay Florante. Tatlong beses siyang sinubukang tagain.
229 - Nahulog si Florante. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Menander.
230 - Sinangga ni Menander yung tama na sana ay papatay kay Florante, at tumalsik yung kalis ni Adolfo.
231 - Kinabukasan, pinabalik si Adolfo sa Albanya.
232 - Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon. Hinintay niya ang utos na kanyang ama na umuwi na.
Ang kaso, may dumating na liham.
233 - Gumulo ang isip ni Florante nang mabasa yung masakit na liham.
234 - Nalaman ni Florante na namatay na ang kanyang ina.
235 - Iyon ang unang napakatinding sakit sa buhay ni Florante -- ang pagkawalan ng isang ina.
236 - Nagulat si Florante na sinulatan siya ng ama niya nang ganun.
237 - Dalawang oras nawalan ng malay si Florante. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung nasaan
siya. Mabuti na lang at inalagaan siya ng kanyang mga kaklase.
238 - Nang magkamalay si Florante, anduon pa rin yung sakit. Iyak siya nang iyak.
239 - Pakiramdam ni Florante nag-iisa lang siya sa mundo.
240 - HIndi nakatulong ang mga mahinahong mga salita ng kanyang guro. Masyado siyang nagdadalamhati.
Kahit mga luha ng pakikiramay ng kanyang mga kaklase ay hindi nagpagaan ng kanyang loob.
241 - Marahas ang kalungkutan. Nawala kay Florante ang sensibilidad.
FLORANTE AT LAURA – BILIN KO’Y TANDAAN – SAKNONG 242 TO 257
242 - Sa sobrang sakit, ninais ni Florante na sumabog ang kanyang puso.
243 - Dalawang buwan nagdalamhati si Florante, hanggang dumating ang pangalawang liham ng kanyang
ama.
244 - Ayon sa liham, pinapauwi na si Florante sa Albanya.
245 - Sabi ng guro ni Florante na mag-ingat siya kay Konde Adolfo.
246 - Pinaaalahanan niya si Florante na lihim na kaaway si Konde Adolfo.
247 - Naghanda nang palihim si Florante para sa araw ng digmaan.
248 - Naluha ang guro at niyakap niya ng mahigpit si Florante dahil alam niya na papalapit na ang mahirap na
pagsubok.
249 - Aniya ngayon na raw ang simula ng matinding pagsubok sa buhay ni Florante. Tapos bigla niyang
hininto ang pananalita.
250 - Malungkot si Menander, ang kaibigan ni Florante.
251 - Nagyakapan sina Florante at Menander. Pinayagan ng tiyo ni Menander (na guro din ni Florante), na
ihatid ni Menander si Florante.
252 - Nagpaalam at nag-iyakan yung dalawang magkaibigan.
253 - Dun sila sa daungan pumunta. Pumalaot ang kanilang sasakyan mula sa Atenas.
254 - Mabilis ang byahe papuntang Albanya.
255 - Agad pumunta si Florante sa kinta (cottage). Naalala niya ang kanyang yumaong ina, at siya's nalungkot.
Nagmano si Menander sa ama ni Florante.
256 - Sinabi ni Florante "Ay, ama!" at sinabi ng kanyang ama "Ay, anak!"
257 - Naabutan ng ambasador ng Krotona ang magkayakap na mag-ama.
FLORANTE AT LAURA – DAKILANG PAGPAPAKASAKIT – SAKNONG 258 TO 273
258 - Dala ng ambasador ng Krotona ang isang liham para kay Duke Briseo, ama ni Florante. Ang hari ng
Krotona ay biyenan (father-in-law) ni Duke Briseo.
259 - Nanganganib ang Krotona at humihingi sila ng tulong. Pinaliligiran kasi ang Krotona ng hukbo ni Heneral
Osmalik na taga Persiya.
260 - Kwento ni Florante: "Ayon sa mga balita, si Heneral Osmalik ay pangalawa sa tanyag at sikat na Aladin,
isang gerero (warrior) na kinatatakutan ng maraming gerero, at hinahangaan ko."
261 - Napangiti si Aladin sa kwento ni Florante. Mahinahon niyang sinabi na bihira namang tama o buo ang
mga bali-balita, at kahit na totoo ang balita, maraming nadadagdag sa pag kwento."
262 - Sinabi rin ni Aladin kay Florante na ang katapangan ay napapalaki sa isip ng isang kinakabahang
kalaban. Ang habang nananalo ang isang gerero, lalong tumitindi ang pagkwento ng iba tungkol sa kagalingan
nito, kaya lalo siyang iniilagan o iniiwasan ng ibang mga manlalaban.
263 - Pinaaalahan din ni Aladin si Florante na kung naging sikat ang matapang na si Aladin, tandaan din ni
Florante na may pagkakataong muntik nang mamatay si Aladin. Hindi rin magtatagal ay malalaman ni Florante
na pantay din silang dalawa ni Aladin sa kamalasan at sakit.
264 - Sinabi ni Florante kay Aladin na sana hindi maranasan ni Aladin ang kasamaang-palad ni Florante. Ayaw
niyang maranasan ninuman ang kanyang sinapit. Kahit sa mga kalaban ni Florante, ayaw niyang maranasan
nila ang dusa ni Florante.
265 - Nagpatuloy sa kwento si Florante... Nang malaman ni Duke Briseo ang banta sa Krotona, sinama niya si
Florante kay Haring Linceo. Nakasuot sila ng pandigma.
266 - Bago pa sila makaakyat sa hagdan ng palasyo, sinalubong na ni Haring Linceo yung dalawa. Niyakap
niya si Duke Briseo, at kinamayan niya si Florante.
267 - Sinabi ni Haring Linceo kay Duke Briseo na kamukha ni Florante yung gererong nasa panaginip ng hari,
na siyang magtatanggol sa kaharian.
268 - Tinanong ng hari kung sino yung binata, at kung taga-saan siya. Sinabi ni Duke Briseo na anak niya si
Florante.
269 - Namangha si Haring Linceo. Niyakap niya si Florante, at ginawa siyang Heneral ng hukbo na tutulong sa
Krotona.
270 - Sabi ng Haring Linceo kay Florante - Patunayan mo na ikaw ang matapang na gerero sa aking
panaginip, na magsasabi sa buong mundo ng kapurihan at kapangyarihan ng Haring Linceo.
271 - Pinaliwanag ni Haring Linceo na ang hari ng Krotona ay nuno (ancestor) ni Florante. Kaya may dugong
bughaw si Florante (royal blood), at kailangan niyang makamit ang dangal at bunyi (honor and glory) sa giyera.
272 - Dahil tama nga naman ang sinabi ni Haring Linceo, pumayag si Duke Briseo (kahit masakit sa kanyang
kalooban), na ipadala si Florante sa giyera, kasi napakabata pa nito, at kahit hindi pa siya dalubhasa sa
patayan.
273 - Walang magawa si Florante kundi sabihin ang Haring poo't (My Lord, My King) habang dumapa siya sa
paanan ng hari. Hahalikan na niya sana ang mga paa ng hari, ngunit itinindig ng hari si Florante at muling
niyakap.
FLORANTE AT LAURA – KAGANDAHANG MAKALANGIT – SAKNONG 274 TO 289
274 - Makikipagkwentuhan si Florante tungkol sa naging buhay niya sa Atenas.
275 - Biglang may nakita si Florante na napakagandang babae.
276 - Pakiramdan ni Florante nasa langit siya.
277 - Ang mukha ni Laura ay parang maliwanag na mukha ni Febo (Phoebus - god of the sun)
278 - Ang taong hindi matutuwa kay Laura ay walang buhay ng bangkay, o kaya'y mahina ang ulo.
279 - Siya si Laura. Hindi makapagsalita si Florante. At minsa'y naluluha. Parang itsura ni Robert nung nagma-
martsa na si Lea. O ni Richard, nung papalapit na si Maricar.
280 - Si Laura ay anak ni Haring Linceo.
281 - Nagbago na ang buhay ni Florante. Hindi na ito maibabalik sa dati ngayon at nakita na niya si Laura.
282 - Hindi magtataksil si Laura, sabi ni Florante sa kanyang kaibigan.
283 - Hindi raw kayang magtaksil ang isang taong napakaganda.
284 - Kung ikaw ay nasa dagat at ika'y natukso ng pagtataksil, ano ang gagawin mo kapag ang iyong dangal
ay nanaig sa pagkawalan ng kagandahan?
285 - Hindi raw papayag ang karangalan na gumawa ng masama.
286 - Sinabi ni Florante kay Aladin na nung makita niya si Laura, nabuhay ang puso sa kanyang puso. Pati
yung bahagi ng puso ni Florante na para sa kanyang ina, nakuha na rin ng pag-ibig.
287 - Habang naluluha si Florante sa pagkawalan ng kanyang ina, na-guilty si Florante -- baka hindi siya
karapat-dapat sa kagandahan ni Laura.
288 - Hindi na makapag-isip nang tuwid si Florante.
289 - Nagdeliryo na ang puso ni Florante, gayong natikman na niya kung paano masunog ng pag-ibig ang
kanyang puso.
FLORANTE AT LAURA – LUHA NG PAGMAMAHAL – SAKNONG 290 TO 305
290 - Nilibre sila ng hari nang tatlong araw. Pero hindi man lang tiningnan ni Florante si Laura.
291 - Mas matindi pa ang sakit dulot ng pag-ibig, kaysa sa sakit dala ng lungkot sa pagkawalan ng ina.
292 - Sinuwerte si Florante ang nagkaroon siya ng ilang sandali kasama ni Laura, nung araw bago tumungo sa
Krotona ang hukbo.
293 - Sinabi ni Florante kay Laura na iniibig niya si Laura. May kasama pang iyak at buntong-hininga.
294 - Parang bibigay na ang matibay na puso ni Laura. Pero nanaig pa rin ang kaisipan ni Laura.
295 - Wala siyang sinabi kay Florante. Ngunit may isang patak ng luha na bumagsak mula sa kanyang mata.
296 - Kinabukasan, aalis na si Florante. Masakit ang kanyang kalooban. Konsuelo na lang niya na hindi
nasasaktan gaano ang puso niya sa ala-ala ng kanyang yumaong ina.
297 - Ano pa raw ang mas masakit pa kaysa sakit dulot ng pagkahiwalay sa taong minamahal.
298 - Nag-alay ng mabangong suob (incense) sa altar ni Kupido, at sana madinig niya ang lungkot at
pangungulila ni Florante kay Laura.
299 - At kung hindi pumatak yung isang luha ni Laura, namatay na sa si Florante bago makaramdam ng
matinding sakit, hanggang sa umabot sila sa bakbakan sa Krotona.
300 - Halos bibigay na ang mga pader ng kaharian, nang inatake ni Florante ang mga pwersa na nakapaligid
sa siyudad.
301 - Matindi ang labanan. Dumanak ang dugo. Ang mga diyosa ng kamatayan ay napagod sa pagkuha ng
mga nangamatay.
302 - Pinanood ni Heneral Osmalik (Moro) kung paano pinatay ni Florante ang pitong hanay ng mga tropa ng
mga Moro.
303 - Sa kaliwa at kanan ni Heneral Osmalik namatay ang mga katropa ni Florante. Hinamon ni Heneral
Osmalik si Florante.
304 - Limang oras silang naglaban. Napagod siya. Pinatay siya ni Florante.
305 - Natakot ang mga Moro sa bangis ng tabak ni Menander. Nakuha muli nina Florante ang kampo. Nanalo
sila!
FLORANTE AT LAURA – BAYANI NG KROTONA – SAKNONG 306 TO 313
306 - Natakot yung mga kalaban ni Florante dahil sumagupa ang mga pwersa ni Minandro. Nabawi nila ang
kampo. Buo ang kanilang pagkapanalo.
307 - Nawala ang takot mula sa mga dating natatakot sa kamatayan. Binuksan ng siyudad ang mga pinto nito.
308 - Nagkandarapa ang mga taumbayan kay Florante. Nilapitan nila si Florante para halikan ang kanyang
mga damit.
309 - Sumigaw ang mga tao ng Mabuhay! at Salaat sa nagtanggol sa amin!
310 - Lalung natuwa ang mga tao ng Krotona nang malaman nila na ang pagtanggol nila na si Florante ay apo
pala ng kanilang hari. Umiyak nang umiyak sa tuwa ang hari.
311 - Umakyat sila sa palasyo. Nagpahinga ang mga sundalo, pero tila hindi natulog ang bayan ng tatlong
araw.
312 - Ngunit sa kabila ng kasiyahan, naramdaman muli ni Florante ang sakit ng pangungulila sa yumao niyang
ina.
313 - Dito niya nalaman na kailanma'y hindi mabubuo ang kaligayahan. Laging kasunod ng kaunting ligaya
ang higit na kalungkutan. Makapitong = Times 7.
FLORANTE AT LAURA – PANGINGIMBULO — UGAT NG KATAKSILAN – SAKNONG 314 TO 329
314 - Limang buwan nanatili si Florante sa Krotona. Gusto na niyang bumalik sa Albanya. Gusto na niyang
makita si Laura.
315 - Nagmartsa sila papuntang Albanya. Gusto ni Florante sanag lumipad na parang ibon. Nung makita niya
ang mga moog (forts) ng siyudad, bumilis ang kabog sa kanyang dibdib.
316 - Imbes na bandera ng Kristiyano ang nakita ni Florante, bandila ng Persiya ang nakita niya (Medialuna =
Crescent moon). Sinakop ni Aladin yung siyudad.
317 - PInahinto ni Florante ang kanyang hukbo dun sa paa ng isang bundok. May nakita silang mga Moro na
nagma-martsa.
318 - May kasama silang babaeng nakatali ang mga kamay. Siguro papunta sila sa lugar kung saan
pupugatan ng ulo ang babae.
319 - Sa galit, biglang nilusob ni Florante ang Morong malapit sa babae. Tumakbo ang Moro.
320 - Inalis ni Florante ang takip sa mukha ng babae. Si Laura pala!
321 - Pupugutan sana si Laura dahil nung nilapitan siya ng bastos na emir ng mga Persiyano, sinampal ni
Laura ito. Pinatawan si Laura ng parusang kamatayan.
322 - Inalis ni Florante ang mga tali na nakapulupot sa mga kamay ni Laura. Iningatan ni Florante na huwag
niya mahawakan ang balat ni Laura.
323 - Saka nakita ni Florante yung tingin ni Laura. Isang tingin na naghilom sa naghihirap na puso ni Florante.
Narinig pa niya si Laura na nagsabing - Florante, mahal ko..
(Tandaan natin: Nung nagpahayag dati si Florante kay Laura na mahal niya ito, walang sinabi si Laura. Parang
na friend zone lang. Pero nung panahon na yun, pumatak ang isang luha ni Laura, kaya nung panahon na
yun, hindi naman inisip ni Florante na na friend zone siya.)
324 - Nalaman ni Florante mula kay Laura na binihag ng mga Moro si Haring Linceo (ama ni Laura) at si Duke
Briseo (ama ni Florante). Inutos ni Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito mula sa mga
Persiyano.
325 - Pagkapasok sa kaharian ng Albanya, dumiretso si Florante sa bilangguan at pinalaya niya ang hari, at
ang duke (na ama ni Florante). At dahil maginoo (gentleman) si Florante, pinalaya din niya si Adolfo.
326 - Masaya ang lahat, maliban kay Adolfo. Nainggit kasi si Adolfo sa dami ng puri na natanggap ni Florante.
327 - Nainsulto si Adolfo nung tinawag si Florante na tagapagtanggol ng siyudad, at nagdiwang (nag
celebrate) pa ang hari sa palasyo dahil tuwang-tuwa ito kay Florante.
328 - Gustong pakasalan ni Adolfo si Laura dahil gustung-gusto ni Adolfo na makuha ang korona ng kaharian
ng Albanya. Nahalata ni Adolfo na mahal pala ni Laura si Florante. (Syempre, nainggit na naman ito.)
329 - Nag-isip na ng maitim na balak si Adolfo laban kay Florante. Alam ni Florante na gagawin ni Adolfo ang
lahat, kahit ang pagpatay kay Florante.
FLORANTE AT LAURA – MARIING HAMPAS NG LANGIT SA BAYAN – SAKNONG 330 TO 346
330 - Hindi nagtagal, huminto ang pagdiwang at pasasalamat para sa kalayaan. May sumalakay naman na
hukbo mula sa Turkiya (Turkey).
331 - Nag-iyakan ang maraming tao. Natakot si Laura dahil nag-alala siya na baka mapatay si Florante sa
bagong giyera na ito.
332 - Iniatas ng hari na si Florante ang magiging heneral laban sa mga Moro. Tumibay ang loob ng
taumbayan. Ngunit hindi natuwa ang inggiterong si Adolfo.
333 - Hinayaan ng Langit na manalo si Florante laban kay Miramolin, isang Morong matagal nang
kinatatakutan ng Albanya.
334 - May dumating na marami pang ibang digmaan, at nanalo palagi si Florante. 17 na hari ang gumalang sa
kanya.
335 - Isang araw, kagagaling lang ni Florante mula sa isang digmaan sa Etolia (Aetolia is a mountainous
region of Greece), nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo. May kautusang bumalik na siya sa
Albanya.
336 - Inilipat ni Florante kay Minandro ang pamamahala ng kanilang hukbo sa Etolia. Dali-daling umalis si
Florante mula sa Etolia, biglang pagsunod sa utos ng Hari ng Albanya.
337 - Madilim nung pumasok si Florante sa Albanya. Wala siyang inisip na masama. Payapa ang kalooban
niya.
Kaya laking gulat na lang niya nung makita niya na pinaligiran siya ng 30,000 na mga sundalo!
338 - Hindi man lang nagkataon si Florante na ilabas ang kanyang kalis at manlaban. Agad siyang ginapusan
(tinali) at inilagay sa isang bilangguan.
339 - Nagulat at nalungkot si Florante nung malaman niya na si Konde Adolfo ang pumatay kay Haring Linceo
at kay Duke Briseo (ama ni Florante).
340 - Uhaw sa kasikatan si Adolfo. Gusto rin niya ng kayamanan. At lalo din niyang gustong mamatay na si
Florante. Pumasok ang lahat ng ito sa puso ni Konde Adolfo, kaya nagawa niyang magsukab (o magtaksil).
Napakarawal, napadawal, napakasama ng nangyari sa Albanya!
341 - (Kausap ni Florante ang Albanya) - Lalu pang naging kaawa-awa ang Albanya sa ilalim ng isang lider na
hangal at masama. Ang haring mahilig sa yaman ay parang parusa ng Langit sa bayan.
342 - Sinabi rin ni Florante na lalu pa siyang minalas, dahil nalinlang o naloko siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni
Florante na nangako na si Laura na magpakasal dun sa balawis o taksil o mapagkunwaring Konde Adolfo.
343 - Dahil sa nalaman ito ni Florante, lalong kumalat ang sama ng loob sa kanyang buong katauhan. Gusto
na niyang mamatay. Gusto na niyang bumalik sa umpisa. Yung umpisa na wala siya. Gusto niyang bumalik sa
araw bago siya ipinanganak.
344 - 18 na araw siyang nasa bilangguan. Nainip si Florante at hindi pa siya namatay. Gabi nung kinuha siya
sa kulungan, dinala sa gubat, at ipinugal o itinali duon sa puno. (Tandaan: Kinukuwentuhan ni Florante ni
Aladin.)
345 - Dalawang araw inikot ni Febo (Phoebus, god of the sun) ang mundo mula nung itinali si Florante sa
puno. Akala ni Florante nasa ibang mundo na siya, ngunit nang idilat niya ang kanyang mga mata, ayun siya
sa kandungan ni Aladin.
346 - Sinabi ni Florante na ayun ang naging buhay niya na silo-silo (o parang nakatali ng lubid na dobleng
paikot) ng sakit. At hanggang sa puntong iyon, hindi pa rin alam ni Florante kung paano magwawakas ang
lahat. Dito nagtapos ang mahabang kwento ni Florante, at si Aladin naman ang naghandang magsimula na
tungkol sa sarili niya.
FLORANTE AT LAURA – BAKIT, AMA KO? – SAKNONG 347 TO 360
347 - Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni Sultan Ali-Adib.
348 - Sinusubukan ni Aladin na ikwento ang tungkol kay Flerida at ang kanyang ama. Ngunit naunahan na siya
ng mga luha.
349 - NIyaya ni Aladin na pareho nilang hintayin ni Florante sa gubat ang katapusan ng kanilang mga
kapuspalad na mga buhay.
350 - Hinayaan ni Florante na magkwento si Aladin. Hindi niya ikinuwento ang sarili niyang buhay. Limang
buwan silang pumirme duon sa gubat.
351 - Gumala sila sa gubat. Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng kanyang buhay.
352 - Nakaranas si Aladin ng maraming mga giyera, ngunit nahirapan siya ng lubos kay Flerida.
353 - Inihambing ni Aladin si Prinsesa Flerida kay Diana, diyosa ng mga mangangaso (hunters). Inihambing
din siya sa mga houri, o mga magagandang mga birheng makakasama ng mga Muslim sa paraiso (heavenly
virgins).
354 - Sinuwerte si Aladin at ang kanyang masusing panliligaw ay nagtagumpay, at sila ni Flerida ay nag-
ibigan. Yun nga lang, pumasok na sa eksena ang ama ni Aladin.
355 - Duon nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. At kahit naging tagumpay siya sa giyera sa Albania,
umuwi siya sa Persiya na parang bilanggo.
356 - Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang mga tropa na walang pahintulot ng kanyang ama. At dahil
nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania, kailangang pugutan si Aladin.
357 - Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may dumating na heneral sa kulungan ni Aladin.
May dala siyang balita na higit pang masaklap kaysa sa kamatayan.
358 - Oo nga, hindi na pupugutan ng ulo si Aladin. Ngunit kailangan siyang umalis sa Persiya bago sumikat
ang araw.
359 - Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang mapugutan, kaysa mabuhay nang alam niyang kapiling
mahal niyang si Flerida ang ibang tao.
360 - Anim na taon nang palabuy-laboy si Aladin. Bigla siyang napahinto sa pagkwento, dahil may narinig
siyang mga boses sa gubat.
FLORANTE AT LAURA – SA NGALAN NG PAG-IBIG SAKNONG 361 TO 372
361 - Narinig ni Florante at ni Aladin ang tinig ng babaeng nagkukwento... "Nung nalaman ko na pupugutan ng
ulo ang mahal kong nasa bilangguan, dumapa ako sa paanan ng masamang hari (sultan)."
362 - Lumuha, dumaing, at humingi ng tawad si Flerida para sa minamahal niyang anak ng sultan. Sinabi ng
sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida ang pagmamahal ng sultan, hindi patatawarin ng sultan ang anak
niyang si Aladin.
363 - Ano ang gagawin ni Flerida? Hahayaan na lang ba niyang mamatay ang mahal niya? Pumayag si Flerida
sa kagustuhan ng sultan, para mabuhay ang mahal niya si Aladin na kahambal-hambal o kaawa-awa.
364 - Kahit matibay at matigas ang puso ni Flerida, tumiklop ito at bumigay para lamang mailigtas ang buhay
ng kanyang minamahal.
365 - Natuwa ang haring sultan. Pinakawalan niya si Aladin. Yun nga lang, ang utos ay dapat umalis si Aladin
mula sa Persiya.
366 - Pumanaw/umalis si Aladin sa Persiya na hindi man lang sila ni Flerida nakapagpaalam sa isa't isa.
Matindi ang pagdurusa ni Flerida. Di niya kayang ilabas ang higit na maraming luha pa na katumbas ng
paghihirap na dinadala niya. Naubos na ang kanyang mga luha, ngunit ang sakit pa rin ng kanyang damdamin.
367 - Naghanda ang kaharian ng Persiya para sa kasal ni Flerida at ng sultan. Naisip ni Flerida na magsuot ng
damit ng sundalo at tumakas mula sa palasyo.
368 - Isang madilim na gabi, tumakas si Flerida. Dumaan siya sa bintana. Mag-isa siya. Ang kasama lang niya
ay ang kanyang malalim na hangad na makita ang mahal niya, kahit nasaan man ito.
369 - Ilang taon na siyang gumala-gala dun sa bundok at gubat, hanggang naabutan niyang si Laura na
pinupwersahan ni Konde Adolfo.
370 - Sa gitna ng pagkukwento ni Flerida, biglang dumating sina Duke Florante at Prinsipe Aladin. Masayang-
masaya yung mga kalalakihan, dahil nakilala nila ang boses na narinig nila.
371 - Sobrang saya nila! Kung anuman sakit ang nararamdaman ng katawan nila, parang nawala ang sakit na
yun!
372 - Tuwang-tuwa si Florante nang makita niya si Laura. Lampas Langit ang kanyang kasiyahan.
FLORANTE AT LAURA – KAMATAYAN SA PALASO NI FLERIDA – SAKNONG 373 TO 392
373 - Masayang-masaya na yung apat na magkasintahan (Florante at Laura, Aladin at Flerida). Minsan,
humihinto ang tibok ng puso nila, kasi nakalimutan nilang huminga. Nag-palpitate, kumbaga.
374 - Nang humupa ang kanilang tuwa, nakinig yung tatlo sa kwento ni Laura.
375 - Sinabi ni Laura kay Florante na nung umalis si Florante mula sa Albanya, hindi nagtagal ay kumalat ang
mga sabi-sabi na may kaguluhan sa kaharian. Umabot ang mga balita sa palasyo.
376 - Ngunit hindi malaman kung ano ang umpisa at dulo ng mga bulung-bulungan.
377 - Bigla na lang dumating ang panahon na sinakop ng mga sundalo ang palasyo. Kudeta!
378 - Nasisisigaw ang mga tao: "Mamamtay na si Haring Linceo, na ginugutom ang bayan! Mino-monopolya ni
Haring Linceo ang pagkain at trigo (wheat)!"
379 - Pero si Adolfo pala ang nag-utos ng pagkubkob sa pagkain. Sinabi lang niya sa taumbayan na utos daw
ito ni Haring Linceo. Naniwala naman kaagad sa kanya ang nagugutom na bayan.
380 - Agad-agad pinatalsik si Haring Linceo sa trono, at pinugutan. Nasaan na ang mga mabubuti at
makatarungan, tanong ni Laura.
381 - Nung araw na yun, pati yung mga konseho (counsel) na tapat kay Haring Linceo ay pinugutan din. Ang
taksil na tabak ng grupo ni Adolfo ay hindi huminto sa kapapatay hangga't wala nang natirang mabait na tao.
382 - Umakyat sa trono si Kondeng Adolfo. Binalaan niya si Laura na kung hindi ibibigay ni Laura sa kanya
ang mga gusto niya, ipapapatay rin niya si Laura.
383 - Nagbalatkayo si Laura. Nagkunwaring pumayag na gagawin niya ang lahat ng gusto ni Konde Adolfo,
para magkaroon si Laura ng panahon na planuhin ang kanyang paghihiganti kay Adolfo, at para masulatan ni
Laura si Florante sa Etolia. Pinilit ni Laura na itago ang kanyang pagkamuhi kay Adolfo.
384 - Humingi si Laura kay Adolfo ng limang buwan bago niya tanggapin ang pagsinta ni Adolfo. Pero nag
desisyon si Laura na magpapakamatay na lang siya kung hindi dumating si Florante.
385 - Pinadala ni Laura ang liham sa tulong ng isang mapagkakatiwalaang lingkod. Wala pang isang buwan,
dumating si Florante at nahulog ito sa mga kamay ni Adolfo.
386 - Dahil takot si Adolfo na babalik si Florante na may kasamang malaking hukbo, nagpadala ito ng liham
kay Florante na may selya ng hari (royal seal). Dun sa liham, pinababalik niya si Florante nang mag-isa.
387 - Nung malaman ito ni Laura, nawalan na siya ng loob. Naghanda na ang puso niya na siya ay
mamamatay. Mabuti na lang at dumating si Menander na may kasamang malaking hukbo para makubkob
(mapaligirin / surround) ang bayan ng Albanya.
388 - Nalaman ni Menander na nasa liham ni Laura ang tangkang magpapakamatay, kaya nung dali-daling
pumunta si Menander sa Albanya, para siyang galit na galit na gutom na lobo (wolf) sa kanyang galit.
389 - Nang makita ni Konde Adolfo na wala siyang kalaban-laban sa pwersa ni Menander, kinuha niya si Laura
bilang hostage, tinali siya sa kabayo, at tumakas mula sa Albanya sa dilim ng gabi.
390 - Nang marating nila Adolfo at Laura ang gubat, pinagtangkaan niya halayin si Laura. Bigla na lang may
tunod (arrow) na lumipad at tinamaan si Adolfo sa kanyang dibdib.
391 - Si Flerida naman ang nagsalita. Sabi niya na nung dumating siya sa gubat, may narinig siyang boses ng
babae na sinasaktan. Naawa si Flerida.
392 - Hinanap ni Flerida yung babae (Laura), nakita niya pinipilit ni Adolfo si Laura, kaya pinalipad ni Flerida
yung palaso (arrow).......
FLORANTE AT LAURA – PAGWAWAKAS – SAKNONG 393 TO 399
393 - Bago matapos ang kwento ni Flerida, dumating si Menander sa gubat. Hinahanap ng kanyang hukbo si
Adolfo. Laking tuwa niya nang makita niya si Florante.
394 - Tuwang-tuwa ang ehersito (army) mula sa Etolia. Sumigaw sila ng "Mabuhay si Floranteng Hari ng
Albanya! Mabuhay ang Prinsesa Laura!"
395 - Dinala nila silang apat sa kaharian ng Albanya. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida bilang Kristiyano, at
sila's nagpakasal.
396 - Namatay si Sultan Ali-Adab, at bumalik si Aladin sa Persiya. Si Duke Florante ay umakyat sa trono ng
Albanya, sa piling ng mahal niyang si Laura.
397 - Sa pamamahala ng bagong hari ng Albanya, bumalik ang kapayapaan sa kaharian. Natuwa ang lahat ng
tao.
398 - Itinaas nila ang kanilang mga kamay sa Langit, bilang pasasalamat. Ang bagong hari at reyna ay
namahala nang mabuti at ng may awa para sa lahat.
399 - Nabuhay sina Florante at Laura nang mabuti at matiwasay, hanggang naabot nila ang higit na
kapayapaan para sa bayan. Dito rin sinabi ni Balagtas sa kanyang Musa na tumigil na at magtago dun sa
kanyang ala-ala ni Selya, at dalhin ni musa ang mabigat na kalooban ni Balagtas.

You might also like