You are on page 1of 8

JHON GABRIEL B. ILAO ST.

ANDREW

1 - Madilim ang gubat. Hindi nakakapasok ang sinag ng araw.

2 - Malungkot ang tunog ng mga ibon. Malalaki ang mga puno.

3 - Makakati ang mga baging at balat ng mga prutas. Marami ang tinik.

4 - Nakalulungkot tingnan ang mga bulaklak. Pati yung amoy, nakabibigat ng kalooban.

5- Ang mga punong sipres ay nakakatakot atito ang nakadidilim sa loob ng gubat.

6 Ang mga hayop tulad ng hyena at tigre sakagubatan ay umaatake sa mga tao.

 7- Makikita sa kagubatan ang daan patungong impiyerno kung saan angmakamandag


na tubig sa ilog Kosito ang pinangdidilig sa lupa.

8 - Sa gitna ng gubat ay may punong higerakung saan nakagapos si Florante.

9 - Mala-Adonis ang kakisigan ni Florantekahit siya ay naghihirap.

10 - Ang kutis ni Florante ay makinis. Kulay ginto ang kanyang buhok.

 11- Walang mga nimfa doon na maaawa kayFlorante.

 12- Lumuluha si Florante at tumingala.

 13 Tinatanong ni Florante ang langit kungnasaan ang ganti nito para sa
masamangginawa sa bayang Albanya.

14 - Kalat na kalat na ang kasamaan saAlbanya.

15 - Lahat ng mabuti ay kinakawawa at pinapatay.

 16- Samantalang ang mga masasama ayangat na angat.

17 - Naghahari ang kasamaan at kataksilan.

18 - Yung mga magsasalita laban sakasamaan ay kinikitil .

 19- Ang mga taksil ang dahilan ngkasawiang palad ni Florante.


20- Ginamit ni Konde Adolfo ang korona niHaring Linceo at ang kayamanan ng ama
niFlorante, para kawawain ang Kaharian ngAlbanya.

21 - Tinatanong ni Florante ang Langit


kung bakit nito hinayaan ang mga kaganapan naito.

22 - Inuudyok ni Florante ang Langit naubusin ang kasamaan sa Albanya.

23- TInatanong ni Florante ang Langit kung bakit ito bingi sa kanyang mga kahiling

24 - Hindi maintindihan ni Florante ang Langit. Hindi raw mananaig ang kabutihan sa
mundo kung pumayag ang Langit na mangyari ito.

25 – Sino kaya ang lalapitan na ngayon ni Florante, gayong hindi siya pinakikinggan ng
Langit?

26 - Handang tiisin ni Florante ang pagpapahirap ng Langit, basta maalala siyang puso


ni Laura.

27 - Sa gitna ng kahirapan ni Florante, alaala ni Laura ang bumubuhay sa kanya.

28 - Natutuwa si Florante nang lubos kapag iinisip siya ni Laura ngunit siya ay
nalulugkot nang lubos gawa ng pagtataksil.

29 - Iniisip ni Florante na mamamatay na siya.

30 - Kung hanapin ni Florante sa kanyang isipan ang ala-ala ng mga nakaraan nila
niLaura, yung mga dati niyang luha sa bawatsugat ni Florante ay ginagawang
kasiyahanang kanyang kahirapan.

 31- Sinasabi ni Florante na para saan pa ang pag-


ibig, ngayon na tahimik na si Laura atmay kasama nang iba.

32 - Gusto nang mamatay ni Florante dahilnaiisip niya na magkayakap sina Laura
atKonde Adolfo.

33 - Hinimatay si Florante

34 - Makikita sa buong katawan ni Florante ang mga marka ng pagpapahirap.


(Naranasan mo nang umiyak nang umiyak? Diba may mga maraming pulang tuldok sa
mukha mo? Paano pa kaya kung buong katawan mo ay ganun?)

35 - At kapag nakita si Florante ng pinakamarahas na magpaparusa, maawa yun sa


itsura ni Florante.
36 - Kahit yung taong tuyo na ang mga mata sa kaiiyak, maiiyak muli kung makita nila si
Florante.

37 - Malalim na awa ang mararamdaman ninumang makarinig sa mga daing at tunog


na galing kay Florante.

38 - Rinig sa buong gubat ang mga ungol ni Florante. Ang sumasagot lang sa kanya ay
ang mga alingawngaw (echoes).

39 - Tinatanong ni Florante sa hangin kung bakit kinalimutan ni Laura ang kanilang


pagmamahalan.

40 - Sinusumbat ni Florante kay Laura ang sumpa ng kanilang pagmamahalan. Naging


tulala si Florante. Hindi niya naiisip na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya
naisip na darating ang araw na magtataksil sa kanya si Laura.

41 - Akala ni Florante buo ang pagmahahalan nila ni Laura. Hindi niya akalain na sa
kabila ng kagandahan ni Laura, may nakatago palang pagtataksil.

42 - Hindi inakala ni Florante na ang mga luhang iniyak nuon ni Laura ay walang
kwenta pala.

43 - Naalala ni Florante na nuong gumawa ng sagisag para sa kanya dati si Laura,


buhay na buhay ang mga mata ni Laura.

44 - Naalala ni Florante nuong ginawa ni Laura ang kanyang plumahe (para sa


ulo/helmet).

45 - Naalala ni Florante yung maraming beses nuon nung inabot ni Laura ang bandana
ni Florante, basa sa mga luha ni Laura kasi alalang-alala siya sa kapakanan ni Florante
sa digmaan.

46 - Tinitingnan dati ni Laura ang baluti (armor) ni Florante, at baka may kalawang ito.
Ayaw ni Laura na marumihan ang damit ni Florante.

47 - Kapag tumingin mula sa malayo si Laura sa hukbo (army), hinahanap niya si


Florante. 48 - Yung turbante (turban) ni Florante ay may diamenteng hugis letrang "L".

49 - At kahit bumabalik si Florante mula sa digmaan, hindi pa rin makampamte si


Laura.
50 - Takot si Laura na baka may sugat si Florante na hindi niya nakita at mahugasan.

51 - At kung may gumugulo sa isip ni Florante, tatanungin ni Laura kung ano yung
bagay na yun. At habang hindi pa niya ganap na nauunawaan ito, hahalikan niya si
Florante na paulit ulit sa pisngi.

52 - Kung tahimik lamang si Florante, dadalhin siya ni Laura sa hardin para maaliw sa
mga bulaklak duon.

53 - Ilalagay ni Laura ang mga magagandang mga bulaklak sa leeg ni Florante. At hindi
titigil si Laura hangga't di niya maalis kung anumang nagbibigay lungkot kay Florante.

54 - At kung malungkot pa rin si Florante, maluluha si Laura. Hinahanap na ngayon ni


Florante yung dating pagmamahal ni Laura.

55 - Hinahanap ni Florante si Laura ngayon at malapit na siyang mamatay.

56 - Kahit isang patak ng luha mula kay Laura, sapat na yun para kay Florante.

57 - Pinapahanap ni Florante kay Laura yung mga sugat sa kanyang katawan.

58 - Pinapapalitan ni Florante kay Laura ang kanyang mga maruruming mga damit.

59 - At kung matitigan man lang ni Laura si Florante, mapapahaba ni Laura ang buhay
ni Florante.

60 - Para kay Florante, si Laura lang ang pwedeng magpagaling sa kanya.

61 - Yun nga lang, para kay Florante, wala si Laura. Para kay Florante, pinagtaksilan
siya ni Laura.

62 - Iba na rin ang kayakap ngayon ni Laura. (Bitter si Florante.)

63 - Nawalan raw kaibigan si Florante. At kinalimutan pa siya ng mahal niyang si Laura.

64 - Masakit ang kaloobang ni Florante. Nalulungkot siya sa pagkawalan ng kanyang


ama. Nagseselos pa siya dahil kay Laura. Masakit na masakit ang damdamin ni
Florante.
65 - Ang pinakamatinding sakit ay ang pagtataksil ni Laura.

66 - Pasasalamatan pa nga raw ni Florante si Konde Adolfo, kung lahat ng


pagpapahirap ay gawin kay Florante, huwag lang yung pag-agaw sa puso ni Laura.

67 - Umiyak nang malakas si Florante. Umalingawngaw sa buong gubat ang hiyaw


niya.

68 - Parang patay na si Florante. Maputla ang kanyang mukha.

69 - May dumating na mandirigma sa gubat. Taga Persiya.

70 - Huminto siya. Tumingin sa palibot. Biglang hinagis ang kanyang mga sandata.

71 - Tumingala siya, at panay ang buntong-hininga.

72 - Umupo siya sa tabi ng puno, at umiyak nang umiyak.

73 - Hawak niya ang kanyang baba at sentido. Mukhang may malalim na iniisip, o di
kaya's may nakalimutan.

74 - Maya-maya'y sumandal siya. Patuloy pa rin ang kanyang mga luha. Nagsalita siya:
Flerida, tapos na ang tuwa. (NOTE: Anim na taon na siyang palakad-lakad kung saan-
saan sa labas ng Persiya. Hindi siya maka move-on.)

75 - Panay ang sabi ni Aladin ng "Ay! Ay!" duon sa gubat. Hindi siya talaga maka move-
on."

76 - Bigla siyang tumindig, mukhang galit, at dali-dali niyang hinanap ang kanyang mga
sandata. Hindi raw siya makapapayag.

77 - At kung ibang tao (maliban sa kanyang ama) ang umagaw ng kanyang Flerida,
mapapatay niya ito.

78 - Binanggit ni Aladin si Marte at ang mga Parcae. May diyos/diyosa na kunektado sa


digmaan at kamatayan. Matindi ang galit ni Aladin.

79 - Sinabi ni Aladin na babawiin niya si Flerida mula sa mga kuko ng kataksilan, at


lahat nang makakabangga niya (maliban sa kanyang ama) ay papatayin niya.
80 - Makapangyarihan ang pag-ibig. Lahat ay apektado. At ang lahat din ay
makalilimutan kapag pumasok na sa puso ang pag-ibig.

81 - Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, kalimutan mo na ang respeto sa lalong


dakila (Diyos?), katwiran, tamang pag-iisip, katungkulan, at pati na rin ang buhay.

82 - Sinasabi ni Aladin na huwag siyang tularan. Pero wala naman siyang kausap sa
gubat.

Additional Update: Ang malas na karanasan ni Aladin ay aral na dapat mahalin ng mga
nakakaunawa, para hindi nila mismong maranasan ang sobrang hirap na halos hindi na
kinaya ni Aladin.

83 – tinusok ni Aladin ang kanyang sandata sa lupa. Umiyak nang umiyak. Bigla siyang
may narinig na buntong hininga. Si Florante pala yun, nakagapos pa sa puno. 84 -
Nagulat si Aladin. Sumigaw siya, at nakinig. Narinig niya muli ang mga hikbi.

85 - Nagtaka si Aladin kung sino ang hihikbi sa gubat na yun. Alisto siyang nakinig.

86 - Narinig ni Aladin na may nagtatanong kung bakit siya inulila ng kanyang ama.

87 - Inisip ni Florante kung paano nahirapan ang kanyang ama sa kamay ng mga
traydor.

88 - Naisip din ni Florante kung gaano kagrabe ang parusang ipinataw ni Konde Adolfo
laban sa ama ni Florante.

89 - Nararamdaman ni Florante ang paghihirap na naranasan ng katawan ng kanyang


ama.

90 - Naiisip ni Florante ang luray-luray na bangkay ng kanyang ama, na hindi man lang
binigyan ng disenteng libing.

91 - Inisip ni Florante ang mga dating kaibigan ng kanyang ama na lumipat na sa mga
grupo ng mga traydor. Naisip din niya ang mga kaibigan pa rin, ngunit takot nang
hawakan ang katawan ng kanyang ama at baka pati rin sila ay maparusahan.

92 - Parang naririnig ni Florante kung paano nagdasal ang kanyang ama na


maprotektahan si Florante mula sa kapahamakan.
93 - Hiniling din ng kanyang ama na iwan na lang si Florante sa ilalim ng mga bangkay
sa parang ng digmaan, nang di na mabastos ni Konde Adolfo ang kanyang mga labi.

94 - Sinabi ni Florante na hindi natupad ang dasal ng kanyang ama. Pinugutan pa rin
ang kanyang ama.

95 - Naaalala ni Florante ang pagmamahal sa kanya ng kanyang ama. Humagulgol ng


iyak si Florante.

96 - Pinararangal ni Florante ang kanyang mapagmahal na ama.

97 - Hindi magtatagal, at magkikita na muli si Florante at ang kanyang yumaong ama.

98 - Biglang Naluha si Aladin dun sa kanyang narinig.

99 - Inisip ni Aladin kung kailan kaya siya mapapaluha dahil sa pagmamahal at awa sa
kanyang sariling ama.

100 - Naluluha si Aladin dahil sa pagnakaw ng kanyang sintang si Flerida, habang heto
si Florante, umiiyak dahil sa pagkawalan ng mapagmahal na ama.

101 - Naisip ni Aladain na kung ang mga luha niya ay para sa nawalang ama,
nabiyayaan siya ng mga matatamis na luha.

102 - Ngunit ang mga luha ni Aladin ay dahil sa galit, at hindi dahil sa pagmamahal ng
kanyang ama.

103 - Ang tinawag ni aladin ang pagmamahal ng kanyang ama sa kanya ay kataksilan.
At heto na si Aladin, nabaon sa kahirapan.

104 - Ang tingin ni Aladin sa sarili ay parang anak na inabandonang anak


.

You might also like