You are on page 1of 3

41 - Akala ni Florante buo ang pagmahahalan nila ni Laura.

Hindi niya akalain na sa kabila ng kagandahan


ni Laura, may nakatago palang pagtataksil.

42 - Hindi inakala ni Florante na ang mga luhang iniyak nuon ni Laura ay walang kwenta pala.

43 - Naalala ni Florante na nuong gumawa ng sagisag para sa kanya dati si Laura, buhay na buhay ang
mga mata ni Laura.

44 - Naalala ni Florante nuong ginawa ni Laura ang kanyang plumahe (para sa ulo/helmet).

45 - Naalala ni Florante yung maraming beses nuon nung inabot ni Laura ang bandana ni Florante, basa
sa mga luha ni Laura kasi alalang-alala siya sa kapakanan ni Florante sa digmaan.

46 - Tinitingnan dati ni Laura ang baluti (armor) ni Florante, at baka may kalawang ito. Ayaw ni Laura na
marumihan ang damit ni Florante.

47 - Kapag tumingin mula sa malayo si Laura sa hukbo (army), hinahanap niya si Florante.

48 - Yung turbante (turban) ni Florante ay may diamenteng hugis letrang "L".

49 - At kapag bumabalik si Florante mula sa digmaan, hindi pa rin mapakali si Laura.

50 - Takot si Laura na baka may sugat si Florante na hindi niya nakita at mahugasan.

51 - At kung may gumugulo sa isip ni Florante, tatanungin ni Laura kung ano yung bagay na yun. At
habang hindi pa niya ganap na nauunawaan ito, hahalikan niya si Florante na paulit ulit sa pisngi.
52 - Kung tahimik lamang si Florante, dadalhin siya ni Laura sa hardin para maaliw sa mga bulaklak duon.

53 - Ilalagay ni Laura ang mga magagandang mga bulaklak sa leeg ni Florante. At hindi titigil si Laura
hangga't di niya maalis kung anumang nagbibigay lungkot kay Florante.

54 - At kung malungkot pa rin si Florante, maluluha si Laura. Hinahanap na ngayon ni Florante yung
dating pagmamahal ni Laura.

55 - Hinahanap ni Florante si Laura ngayon at malapit na siyang mamatay.

56 - Kahit isang patak ng luha mula kay Laura, sapat na yun para kay Florante.

57 - Pinapahanap ni Florante kay Laura yung mga sugat sa kanyang katawan.

58 - Pinapapalitan ni Florante kay Laura ang kanyang mga maruruming mga damit.

59 - At kung matitigan man lang ni Laura si Florante, mapapahaba ni Laura ang buhay ni Florante.

60 - Para kay Florante, si Laura lang ang pwedeng magpagaling sa kanya.

61 - Yun nga lang, para kay Florante, wala si Laura. Para kay Florante, pinagtaksilan siya ni Laura.

62 - Iba na raw ang kayakap ngayon ni Laura. (Bitter si Florante.)

63 - Wala na raw kaibigan si Florante. At kinalimutan pa siya ng mahal niyang si Laura.


64 - Masakit ang kaloobang ni Florante. Nalulungkot siya sa pagkawalan ng kanyang ama. Nagseselos pa
siya dahil kay Laura. Masakit na masakit ang damdamin ni Florante.

65 - Ang pinakamatinding sakit ay ang pagtataksil ni Laura.

66 - Pasasalamatan pa nga raw ni Florante si Konde Adolfo, kung lahat ng pagpapahirap ay gawin kay
Florante, huwag lang yung pag-agaw sa puso ni Laura.

67 - Umiyak nang malakas si Florante. Umalingawngaw sa buong gubat ang hiyaw niya.

68 - Parang patay na si Florante. Maputla ang kanyang mukha.

You might also like