You are on page 1of 12

Florante at Laura

Page 1

TALAMBUHAY
Ni
Francisco Baltazar
Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril,
1788 sa nayon ng Panginay
(Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga
magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz.
Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng
apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko.
Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag
anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday
at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si
Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan
sa ilalim ng pamamatnubay ng kura paroko at ditto
ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at
Catecismo.
Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang
tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng
lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan.
Palibhasay may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip
ng paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag aaral. Ayon sa
kanyang ama mayroon silang malayong kamag anak na mayaman, na naninirahan sa Tundo at maaari
siyang pumasok dito bilang utusan.
Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag aral.
Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Ditoy natutuhan
niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag aaral sa Colegio de San Juan de Letran at ditoy natapos niya ang mga
karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang may
akda ng Pasyong Mahal.
Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na
mahusay na makata. Sa Gagalangin, Tundo ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang
Magdalena Ana Ramos at itoy napagukulan niya ng paghanga. Noong panahong iyon ay may isang
tagaayos ng tula, si Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung walang
Florante at Laura

Page 2

dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag uukulan ng pansin ang tulang ipinaaayos ng sinuman. Isang
araw ay may dala dalang tula si Kiko upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang
sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Kikong masamang masama ang loob kayat simula noon ay
hindi na siya humingi ng tulong sa makata ng Tundo.

Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng
mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa
dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na
iyon, subalit winalang bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang
palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa.
Palibhasay mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay
naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng mabalitaan niyang
ikinasal na ang pinag uukulan niya ng wagas na pag ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng
bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay
Selya.
Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na
magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang
tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na
mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing isang supling, limang lalaki at anim na babae
sa loob ng labing siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa apat na
nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.
Dahil sa may mataas na pinag aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan
naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera.
Mainam inam na sana ang buhay ng mag anak ngunit nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa
pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito,
namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at
pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat
ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro moro na siya niyang ibinuhay sa
kanyang pamilya.
Noong ika 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.

Florante at Laura

Page 3

Mga Tauhan
(Florante at Laura)
Florante -siya ang isa sa mga pangunahing tauhan ng "Florante at Laura", at halos lahat ng mga bahagi ng
salaysay ay umiikot sa kanya.
Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanya ang namataan
ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa
Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang
katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong
nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.

Konde Adolfo - Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak
siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante
sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung
saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang
pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang
tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil dito,
pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat
ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang
gurong si Antenor.
Aladin - Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay.
Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin
at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay sa
kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang
pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo.
Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan.
Prinsesa Laura - Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya
ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni
Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.
Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa pagpapalit
sa kanya kay Konde Adolfo.
Menandro - Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni
Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si
Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya,
marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama
siya ni Florante sa pakikibaka.
Florante at Laura

Page 4

Flerida - Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa
pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit
sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.
Mga iba pang tauhan
Duke Briseo - Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng
Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde
Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.
Prinsesa Floresca - Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at
maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Ka T. Rin mula sa Atenas pabalik ng Albanya.
Antenor - Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro.
Menalipo - Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Ka T. Rin mula sa isang buwitreng
dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita
nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Ka T. Rin.
Konde Sileno - Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.
Haring Linseo - Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang
pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang
harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong
pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pagaaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.
Sultan Ali-Adab =>Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida.
Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa
pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa
kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang
pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng
kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya
mababalikan.
Osmalik =>Si Osmalik ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni
Aladin.
Miramolin =>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya. "o nangangalay ng
mabangon suob sa dakilang altar ni kupidong diyos,sa dusa ko'y kayo ang nakatatarok noong mangulila sa
laura kong irog!"

Florante at Laura

Page 5

Buod ng Florante at Laura


Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng
bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling
Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil
na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni
Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali.
Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante
hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na
siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng
isang halkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa
ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim
na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa
kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang
ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral
Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pabinyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siyay
nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang
kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya
at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siyay si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni
Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si
Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang
lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Fleriday tumakas sa Persya upang hanapin si
Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni
Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante.
Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila.
Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na
maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

Florante at Laura

Page 6

Mga Piling Tagpo sa Florante at Laura

1. Nakagapos si Florante sa puno ng Higera sa madilim na gubat na may dalawang mababangis na


leon na handing sumibasib sa kanya at ang kanyang panaghoy ay dinig sa buong kagubatan.
ARAL: Sa oras ng kadiliman, lagging isaisip na mayroon tayong Panginoon na magpapaliwanag sa ating
madilim na buhay.

2. Iniligtas ng Muslim ang isang Prinsipeng Kristiyano. Natunton ni Aladin, isang mandirigmang
Persiyano, si Florante.
ARAL: Sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon o anupaman, dapat maging matulungin sa iba at magbigay
tayo ng galang sa isat-isa.

3. Pinag-aral si Florante sa Atenas sa Gresya. Nalampasan ni Florante si Adolfo na kanyang


kababayanan at sa labis na inggit ni Adolfo ay tinangka niyang patayin si Florante na iniligtas
naman ng kanyang matalik na kaibigan na si Menandro.
ARAL: Ang inggit ay walang ibang maidudulot kundi kasamaan.

4. Inatasan si Florante na mamuno sa hukbong magtatanggol sa Krotona. Doon niya unang nakita si
Laura at siyay umibig agad sa dalaga.
ARAL: Ang pag-ibig ay hindi hinahanap, kusa itong darating nang di inaasahan.

5. Pinadalhan ni Laura ng liham si Florante subalit ang natanggap ng binate ay huwad na liham ni
Adolfo. Dahil sa iniibig niya ang dalaga, kanya itong inintindi. Ngunit pinagtangkaang gahasain ni
Adolfo si Laura subalit hindi siya nagtagumpay dahil iniligtas si Laura ni Flerida.
ARAL: Ang kasamaan kailanman ay di mananalo laban sa kabutihan.

Florante at Laura

Page 7

Laki sa Layaw
197. Pag-ibig anakiy aking nakilala
Di dapat palakhin ang bata sa saya
At sa katuwaay kapag namihasa
Kung lumakiy walang hihinting ginhawa.
198. Sapagkat ang mundoy bayan ng hinagpis
Mamamayay sukat tibayan ang dibdib
Lumaki sa tuway walang pagtitiis
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?
199. Ang taong magawi sa ligayat aliw
Mahina ang pusot lubhang maramdamin
Inaakala pa lamang ang hilahil
Na daratnay di na matutuhang bathin.
200. Para ng halamang lumaki sa tubig
Dahoy nalalanta munting di madilig
Ikinaluluoy ang sandaling init
Gayon din ang pusoy sa tuwa maniig.
201. Munting kahirapay mamalakhing dala
Dibdib palibhasay di gawing magbata
Ay bago sa mundoy walang kisapmata
Ang taoy mayroong sukat ipagdusa.
202. Ang laki sa layaw karaniway hubad
Sa bait at munit sa hatol ay salat
Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog ng anak.
203. Sa taguring bunsot likong pagmamahal
Ang isinasama ng batay nunukal
Ang ibay marahil sa kapabayaan
Ng dapat magturong tamad na magulang.

Florante at Laura

Page 8

Mga Talata mula sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas na Kapupulutan ng Aral


1
Datapwat sino ang tatarok kaya
Sa mahal mong lihim, Diyos na Dakila
Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalingang iyong ninanasa.
2
O, pagsintang labis na makapangyarihan
Sampung mag-aamay iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamaking lahat masunod ka lamang.
3
At yuyurakan na ang lalong dakila,
Bait katuwiray ipanganganyaya
Buong katungkulay wawaling-bahala
Sampu ng hiningay ipauubaya.
4
Bihirang balitay magtapat
Kung magkatotoo may marami ang dagdag.
5
At saka madalas ilala ng tapang
Ay ang guniguning takot ng kalaban
Ang isang gererong palaring magdiwang
Mababalita na at pangingilagan.
6
Na kung maliligoy sa tubig aagap
Nang di abutan ng tabsing sa dagat.
7
Sapagkat ang mundoy bayan ng hinagpis
Mamamayay sukat tibayan ng dibdib
Lumaki sa tuway walang pagtitiis
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Florante at Laura

Page 9

Talasalitaan
Aba dukha
Agam agam-alinlangan
Ambil api
Amis api, agrabyado
Apula pigil, hinto, kontrol, supil
Arabal panirahang pook sa paligid ng lungsod;karatig-pook
Baguntao lalaking pumapasok sa yugto ng pagiging binata
Balakyot taong tuso, at mapagbalatkayo
Balawis mabangis; mabagsik, suwail
Balino madaling magbago ng layunin; magaling magkunwari
Balisbis tuluy-tuloy na agos ng tubig o luha
Baluti anumang kasuotang pansanggalang
Basalyo alagad; tauhan
Batbat namumutiktik; lipos; nagagayakan
Bidbid tali
Bihay pilas; warak; wakwak
Binit pagbatak ng tali upang umigting, gaya ng pagbatak sa tali ng pana.
Burok pamumula, halimbawa ng pisngi
Busog makunat na piraso ng kahoy at katulad na binaluktot sa pamamagitan ng isang piraso ng katad o
nylon na maigting na nakatali sa magkabilang dulo nito. Ang bow sa bow and arrow
Dambana altar
Darang bisa ng matamang pakiusap o paglapit na nakatutukso
Ditso linya sa dula
Dusta pag-alipusta
Ehersito hukbo
Emir titulo ng o tawag sa pinuno ng Muslim
Estangke deposito ng tubig; tangke; hukay na may nakaipon na tubig. (Estanque is the Spanish word for
the English word pond, which in Tagalog is dagat-dagatan)
Habag awa
Handulong agresibo
Hilahil dusa; dalita
Hilom paggaling ng sugat
Himpil paghinto upang magpahinga o tumahan; tigil
Hinagpis pagdadalamhati
Hinuhod magbigay ng pahintulot
Hugos pagbaba ng anuman mulasa mataaas na kinalalagyan
Iring hamak na pagtingin o palagay
Iwa pag-aalaga; pagkalinga
Kalatas pahatid;mensahe
Florante at Laura

Page 10

Kapagkaraka agad; nuon din; kagyat; sa oras ding iyon


Karsel bilangguan
Kiyas tikas; kisig; itsura
Kubkob napaligiran; napalibutan
Lamad malambot at manipis na balat at iba pang katulad na estrukturang manipis
Lamuyot masidhing paghimok o paghikayat
Likat tumigil o huminto
Lilo taksil
Lingap pagkalinga, pagtangkilik
Linggatong pagkagulo ng isip dahil sa isang tila hindi malutas na suliranin
Linsil mali; lisya
Lugami nanghina dahil sa suliranin o balakid
Luhog samo
Magaso kilos na maharot; hindi mapalagay
Marawal hamak; aba; di-marangal
Monarka soberanong may titulong hari, reyna, emperador
Mook laban; hamok, sagupa
Muog tanggulan o kuta; balwarte
Nahan nasaan
Nanaw pinaikling salitan ng pumanaw, naglaho
Naparool nasawi; nabigo
Nasnaw lumakas
Paknit mawala
Palamara taksil
Pamimiyapis pagdaluhong, pag-atake
Panihala pamamahala
Panimdim anumang gumugulosa isip
Panihala pamamahala
Pintuho pagsuyo sa isangminamahal; paghanga; paggalang
Pita ibig; matinding pag-asam
Plumahe bungkos ng balahibo ngibon, nakatali sa isang dulo at ginagamit na palamuti, lalo sa sumbrero
Pugal mahigpit na pagkakatali
Pulpol upod; mapurol
Pupas kupas; lipas na kulay
Pusikit napakadilim, kuting (joke lang just testing if youre reading this)
Sakbat anumang inilalagay nang paalampay sa balikat at tumatawid sa dibdib pababa sa baywang.
Salabid pagsabit; pagkapulupot o pagkapatid ng paa, gaya sa lubid o alambre
Sansala saway; pigil
Sayod ubos na lahat; walang natira
Sigabo ingay na sabay-sabay
Sinikingan binirahan o sinarhan ang bibig
Florante at Laura

Page 11

Siphayo pagkabigo sa layunin


Soldado sundalo, kawal
Sukab taksil; traydor
Sula hiyas na makinang
Suob pagpuri o pagbibigay parangal
Tabsing pag-alat ng tubig tabang dahil sa pagsanib ng tubig dagat (brackish water)
Tatap malaman o maintindihan
Tighaw pagginhawa mula sa kahirapan
Tigib punung-puno; lipos
Timawa alipin; dukha; mahirap
Tingni tingnan; tanawin
Tudla pagpapatama ng patalim sa inaasinta; pagpuntirya
Tumok kalaguan ng tubo ng mga damo, lalo na ang matataas na talahib o kugon
Tunod palaso; katawan ng palaso
Turbante putong
Utas wala nang buhay
Walat pagkasira o pagkawasak
Watasan maunawaan o maintindihan

Florante at Laura

Page 12

You might also like