You are on page 1of 9

Paghingi ng Tulong ng

Krotona
(257-269)
Tauhan
• Florante – naatasan na maging henral ng hukbong Albanya
• Duke Briseo – ama ni Florante na kasama niyang naglakbay patungo sa
Palasyo ni Haring Linceo.
• Heneral Osmalic – ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa
Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin
• Haring Linceo – ang hari ng Kaharian ng Albanya
Tagpuan
• Albanya – ang kaharian ni Haring Linceo kung saan pumunta sila Florante
para magdala ng sulat.
Pangyayari
• Matapos magkita sina Florante at ang kanyang amang si Duke Briseo ay
pumunta naman sila sa palasyo ni Haring Linceo upang dalhin ang sulat
mula sa hari ng Krotonang biyenan ni Briseo.
Nilalaman ng Sulat:
Humihingi ng tulong ang Krotona sa Albanya dahil ito ay kasalukuyang
sakop ng isang hukbong Persyano sa ilalim ng pamumuno ng Heneral
Osmalic.
Pangyayari
• Si Heneral Osmalic ay isang magaling na mandirigma, at sa galing niya ay
pumapangalawa raw siya kay Alading hinahangaan naman ni Florante.
• Hindi alam ni Florante na ang kanyang pinagsasalaysayan ay si Aladin
mismo.
• Ito ay dahil hindi pa nakakapagpakilala si Aladin.
• Dahil naman sa pagpupuring iyon, napangiti si Aladin, at sa
pagpapakumbaba, ipinag-alinlangan ang katotohanan ng mga balitang
ayon sa kanya ay di totoo at mayroon nang Dagdag.
Pangyayari
• Nang nagkita-kita na sina Briseo, Florante at Linceo, sinabi ni Linceo kay
Briseong matagal na niyang pangarap na maging haligi si Briseo ng kanyang
kaharian.
• Hiniling ni Linceo na maging tagapagmana niya si Briseo ng kapangyarihan.
• Pagkatapos ay tinanong ni Linceo kung sino ang kasama ni Duke Briseo.
• Sumagot naman si Briseo na siya ang bugtong niyang anak na si Florante, at
inihandog din ni Briseo si Florante kay Linceong maging isa sa mga alagad
niya.
Pangyayari
• Sa pangkamangha ni Linceo ay niyakap niya si Florante, at agad rin
niyang ginawang heneral ng kanyang hukbong dadalo sa Krotonang
isinakop ng mga Moro si Florante.
• Sa huli, bilang pagpipilit sa pagsang-ayon ni Florante, hinamon niya si
Florante na patotohanang hindi ang sarili niya ang ipinapangarap niyang
mandirigmang matapang na maglalathala sa sansinukuban ng kanyang
kapurihan at kapagyarihan, at dapat lamang na lumaban siya sa Krotona
dahil lolo niya an hari niyon.
Pangyayari
• Dahil dito, umoo si Florante, hindi sa pagbigkas kundi sa pagyakap sa
mga binti ni Linceo ngunit siya ay ppinigilan nito, at muli siyang niyakap.
Mensahe
• Ang pakikipaglaban natin sa buhay ay hindi lamang para sa sariling
kapakanan kundi para rin sa kabutihan ng ibang tao.

You might also like