You are on page 1of 4

ARALIN 18: DAKILANG

PAGPAPASAKIT

Khloe Muli
BUOD

• Sa pagsasalaysay ni Florante, matapos nilang magkita ng kanyang amang si Duke


Briseo sa huling kabanata, nagpunta naman sila sa palasyo ng Haring
Linceong upang dalhin ang sulat mula sa hari ng Krotonang biyanan ni Briseo. Sa
sulat na iyon, humihingi ng tulong ang Krotona sa Albanya dahil ito ay
kasalukuyang sakop ng isang hukbong Persyano sa ilalim ng pamumuno
ng Heneral Osmalic, isang magaling na mandirigma ayon sa mga sabi-sabi, at sa
galing niya ay pumapangalawa raw siya kay Alading hinahangaan naman ni
Florante.
BUOD

• Lingid sa kaalaman ni Florante, ang kanyang pinagsasalaysayan ay si Aladin


mismo. Ito ay dahil hindi pa nakakapagpakilala si Aladin. Dahil naman sa
pagpupuring iyon, napangiti si Aladin, at, sa pagpapakumbaba, ipinag-alinlangan
ang katotohanan ng mga balitang ayon sa kanya ay karaniwang di-totoo at
mayroon nang dagdag.Nang nagkita-kita na silang tatlo, sina Briseo, Florante at
Linceo, isinabi ni Linceo kay Briseong matagal niya nang ipinapangarap na
maging haligi si Briseo ng kanyang setro at kaharian; sa ibang salita, ihinihiling ni
Linceo na maging tagapagmana niya si Briseo ng kapangyarihan.
BUOD

• Sunod namang itinanong ni Linceo kung sino ang kasama ni Briseo. Sumagot naman
si Briseo sa pagsasabing siya ang bugtong niyang anak, si Florante, at inihandog din ni
Briseo si Florante kay Linceong maging isa sa mga alagad niya. Sa pagkamangha ni
Linceo, iniyakap niya si Florante, at agad niya ring ginawang isang heneral ng
kanyang hukbong dadalo sa Krotonang isinakop ng mga Moro si Florante. Sa huli,
bilang pagpipilit sa pagsang-ayon ni Florante, hinamon niya si Florante patotohanang
hindi ang sarili niya ang ipinapangarap niyang mandirigmang matapang na
maglalathala sa sansinukuban ng kanyang kapurihan at kapangyarihan, at dapat
lamang na lumaban siya sa Krotona dahil lolo niya ang hari niyon.Dahil sa lahat ng
iyon, umoo si Florante, hindi sa pagbigkas kundi sa pagyakap ng mga binti ni Linceo
ngunit siya ay ipinigilan niya, at muli siyang niyakap.

You might also like