You are on page 1of 4

PAGHINGI NG TULONG NG KROTONA

MGA TALASALITAAN:

dalita - dusa

nahambal - naawa

sasayod - nakakaalam

ikalugmok - ikapahinga

bayo - pagdurog, paghampas ng malakas

pangwalat - pamatay

kumubkob - pumaligid

pamimiyapis - paghihirap sa pakikipaglaban

hinawi - hinawan

maglamas - maglaban

nahapo – napagod

TAUHAN:

DUKE BRISEO

- Ang ama ni Florante. Siya ay mabuting kaibigan ni Haring Linceo.

FLORANTE

- Anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ay isang magiting na heneral at ang kasintahan ni Laura.

MORO/ALADIN

- Siya ang kinakausap ni Florante sa kabanatang ito.

HARING LINCEO

Siya ang nag-atas kay Floranteng maging Heneral ng hukbo ng mga mandirigma na tutulong sa Krotona.

TAGPUAN:

ALBANYA
NILALAMAN:

Pagkatapos makita ni Florante ang kanyang ama sa huling kabanata, sila ay nagpunta sa palasyo ng
Albanya upang humingi ng tulong at mabigay ang sulat galing sa hari ng ng Krotonang biyanan ni Briseo.
Sila ay nanghihingi ng tulong sapagkat nasakop ang Krotona ng mga Persyano sa ilalim ng pamumuno ni
Heneral Osmalic. Hindi alam ni Florante na ang kanyang pinagsasalaysayan na moro ay si Aladin. Nang
makita ni Haring Linceo si Briseo, itinanong nya kung sino ang kasama nito at isinabing siya ang anak nya
na si Florante. Iniyakap niya si Florante at ginawang heneral si Florante.

254-273

254. “Bininit na busog ang siyang katulad


Ng tulin ng aming daong sa paglayag
Kaya di naglaon paa ko’y yumapak
Sa dalampasigan ng Albanyang syudad.

255. “Pag-ahon ko’y agad nagtuloy sa kinta


Di humiwalay ang katotong sinta
Paghalik sa kamay ng poon kong ama
Lumala ang sakit ng dahil kay ina.

256. “Nagdurugong muli ang sugat ng puso


Humigit sa una ang dusang bumugso
Nawikang kasunod ng luhang tumulo
‘ay ama! Kasabay ng bating ‘ay bunso!’

257. “Anupa’t ang aming buhay na mag-ama


Nayapos ng bangis ng sing-isang dusa
Kami ay dinatnang nagkakayakap pa
Niyong embahador ng bayang Krotona.

258. “ Nakapanggaling na sa palasyo real


At ipinagsabi sa hari ang pakay
Dala’y isang sulat sa ama kong hirang
Titik ng monarkang kaniyang biyenan.

259. “Humihinging tulong at nasa pangamba


Ang Krotonang reyno’t kubkub ng kabaka
Ang puno ng hukbo’y balita sa sigla
Heneral Osmalik na bayaning Persya.

260. “Ayon sa balita’y pangalawa na ito


Ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo
Alading kilabot ng mga gerero
Iyong kababayang hinahangaan ko.”
261. Dito’y napangiti ang Morong kausap
Sa nagsasalita’y tumugong banayad
Aniya’y “bihirang balita’y magtapat
Kung magtotoo ma’y marami ang dagdag.

262. “At saka madalas ilala ng tapang


Ay ang guniguning takot ng kalaban
Ang isang gererong palaring magdiwang
Mababalita na at pangingilagan.

263. “Kung sa katapanga’y bantog si Aladin


May buhay rin namang sukat na makitil
Iyong matatantong kasimpantay rin
Sa kasamaang palad at dalang hilahil.

264. “Sagot ni Florante: ‘huwag ding maparis


Ang gererong bantog sa palad kong amis
At sa kaaway ma’y di na ninanais
Ang laki ng dusang aking napagsapit.

265. “Matanto ni ama ang gayong sakuna


Sa Krotonang baya’y may balang sumira
Ako’y isinama’t humarap nang bigla
Sa Haring Linseong may gayak nang digma.

266. “Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan


Ng palasyong batbat ng hiyas at yaman
Ay sumalubong na ang haring marangal
Niyakap si ama’t ako’y kinamayan.

267. “Ang wika’y O duke! Ang kiyas na ito


Ang siyang kamukha ng bunying gerero
Aking napangarap na sabi sa iyo
Magiging haligi ng setro ko’t reyno.’

268. Sino ito’t saan nanggaling na syudad?’


Ang sagot ni ama ‘ay bugtong kong anak
Na inihahandog sa mahal mong yapak
Ibilang na isang basalyo’t alagad.’

269. “ Namangha ang hari at niyakap ako;


‘mabuting panahon itong pagdating mo,
ikaw ang’ heneral ng hukbong dadalo
sa bayang Krotonang kubkub ng Moro.

270. “ Patotohanan mong hindi iba’t ikaw


ang napangarap kong gererong matapang
na maglalathala sa sansinukuban
ng kapurihan ko at kapangyarihan.

271. “ Iyong kautangang paroong mag-adya,


Nuno mo ang hari sa bayan ng Krotona
Dugo kang mataas at dapat kumita
Ng sariling dangal at bunyi sa gera.

272. “Sapagkat matuwid ang sa haring saysay


Umayon si ama kahit mapait man
Nang agad masubo sa pagpapatayan
Ang kabataan ko’t di kabihasaan.

273. “Ako’y walang sagot na naipahayag


Kundi ‘haring poo’t nagdapa sa yapak
Nang aking hahagkan ang mahal na bakas
Kusang itinindig at muling niyakap.

You might also like