simuno o ang paksa sa pangungusap.) 2. Kaganapang Pansimuno – Kung ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa panaguring tinutukoy rito ay iisa lamang.
Halimbawa: Ang prinsesa ng karagatan na nagligtas
sa mga tao ay si Alena.
(Ang pangngalang Alena na nasa panaguri at ang
pangngalang prinsesa na simuno ng pangungusap ay iisa lamang. Ang Alena ay ginagamit na kaganapang pansimuno sa pangungusap.) 3. Pamuno – Kung ang simuno at isa pang pangngalang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.
Halimbawa: Ang prinsesa, si Alena, ay talagang mapagmahal sa karagatan.
(Ang mga pangngalang prinsesa ng karagatan at
Alena na parehong nasa bahagi ng simuno ng pangungusap ay iisa lamang. Ito ay ginamit na pamuno, isa pang pangngalang ginagamit sa pangungusap upang higit na makilala ang simuno.) 4. Pantawag – Kung ang pangngalan ay ang tinatawag o sinasambit sa pangungusap.
Halimbawa: Alena, tulungan mo sana ang
naghihirap na mga tao.
(Ang pangngalang Alena ay ang tinatawag o
sinasambit sa pangungusap. Ito ay ginamit na pantawag sa pangungusap.) 5. Tuwirang Layon (Layon ng Pandiwa) – Kung ang pangngalan ay ang tumatanggap ng kilos at kasunod ng pandiwa.
Halimbawa: Tinawag ng reyna si Alena.
(Ang pangngalang reyna ay kasunod at
tumatanggap ng kilos ng pandiwang tinawag. Ito ay ginamit na tuwirang layon sa pangungusap.) 6. Layon ng Pang-ukol – Kung ang pangngalan ay ang pinaglalaanan ng kilos at kasunod ng pang-ukol.
Halimbawa: Para kay Alena ang parangal dahil
sa kanyang kabutihan.
(Ang pangngalang Alena ay kasunod ng pang-
ukol na para kay. Ito ay ginamit na layon ng pang-ukol sa pangungusap.)