You are on page 1of 8

GAMIT

NG
PANGNGALAN
1. Simuno
kung ang pangngalan ay ang paksa o pinag-uusapan
sa pangungusap.

Halimbawa:

Si Alena ay natagpuan sa tabing-dagat .


(Ang pangalang Alena sa pangungusay ay ang simuno
o ang paksa sa pangungusap.)
2. Kaganapang Pansimuno
kung ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa
panaguring tinutukoy rito ay iisa lamang.

Halimbawa: Ang prinsesa ng karagatan na nagligtas sa


mga tao ay si
Alena
(Ang pangngalang Alena na nasa panaguri at ang
pangngalang prinsesa na simuno ng pangunguap ay iisa
lamang. Ang Alena ay ginamit na kaganapang pansimuno
sa pangungusap.)
3. Pamuno
kung ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa bahagi ng
paksa ay iisa lamang

Halimbawa

Ang prinsesa, si Alena, ay talagang mapagmahal sa karagatan.

(Ang mga pangngalang prinsesa ng karagatan at Alena na


parehong nasa bahaging simuno ng pangungusap ay iisa lamang. Ito
ay ginamit na pamuno, isa pang pangngalang ginagamit sa
pangungusap upang higit na makilala ang simuno.)
4. Pantawag
kung ang pangngalan ay ang tinatawag o sinasambit sa
pangungusap .

Halimbawa:

Alena, tulungan mo sana ang naghihirap na mga tao.

(Ang pangngalang Alena ay ang tinatawag o sinasambit sa


pangungusap. Ito ay ginamit na pantawag sa pangungusap.)
5. Tuwirang Layon (Layon ng Pandiwa)
kung ang pangngalan ay ang tumatanggap ng kilos at kasunod
ng pandiwa.

Halimbawa:

Tinatawag ng reyna si Alena.

(Ang pangngalang reyna ay kasunod at tumatanggap ng kilos ng


pandiwang tumawag. Ito ay ginagamit na tuwirang layon sa
pangungusap.)
6. Layon ngPang-ukol
kung ang pangngalan ay pinaglalaanan ng kilos at kasunod ng
pang-ukol.

Halimbawa

Para kay Alena ang parangal dahil sa kanyang kabutihan.

(Ang pangngalan Alena ay kasunod ng pang-ukol na para kay. Ito


ay ginamit na layon ng pang-ukol sa pangungusap.
THANK YOU 

You might also like