Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Filipino
(note: kung sakaling may mali man sa mga meaning, kay pat lumapit, inaantok na si ako.)
Kilauea – isa sa limang bulkan na bumubuo ng mga Pulo ng Hawaii. Nanggaling sa salitang Hawaii na ang
ibig sabihin ay “sumusuka”.
Isla ng Tahiti – ang isla kung saan naninirahan si Pele at ang pamilya niya.
Inglitik – ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang higit na maging malinaw
ang kahulugan nito.
Ba, din/rin, pa, kasi, ho, nga, na, lamang/lang, pala, naman, man, po, kaya, muna, tuloy,
daw/raw, sana, at yata.
Rin at raw – ay ginagamit kung ang sinundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Kaganapang Ganapan ng Kilos ng Pandiwa – ito ay bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar kung saan
ginanap ang kilos ng pandiwa.
Kaganapang Kagamitan sa Kilos ng Pandiwa – ito ay bahagi naman ng panaguri na nagsasaad kung anong
bagay ang ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa.
Kaganapang Layon – ito ay bahagi ng panaguri na nag sasaad ng mga bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Kaganapang tagatanggap – Ito ay bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa
kilos ng pandiwa.
Salawikain – ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa mga dapat gawin
sa buhay.
Tayutay – ay di-karaniwang salita o isang matalinhagang pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang
isang kaisipan, damdamin, o saloobin.
Pokus sa Layon – Kapag ang gumawa ng kilos ng pandiwa ay ang tuwirang layon ng pangungusap ito ay
sumasagot sa tanong na “ano?” Direct Object
Pokus sa tagaganap – Nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang siyang
gumagawa o gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa; sumasagot sa tanong na “sino?”
Macbeth
Gawa ni William Shakespeare
Tungkol sa dalawang mag asawa na pumaslang sa butihing hari upang mapasakanila ang trono.