You are on page 1of 15

Filipino Lessons

Sawikain
Ano ang Sawikain?
- Ang sawikain ay kasabihan o' kawikaan na may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang
idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang sawikain ay
tinatawag din na idioma. Ito'y salita o' grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at
hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga
parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim
ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at
ginagawang matatalinhagang pahayag.

1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Abot-tanaw ko na ang aking pangarap.
2. Agaw-buhay
Kahulugan: Naghihingalo; malapit nang mamatay; muntik nang maputulan ng hininga
Halimbawa: Agaw-buhay na nang dalhin sa ospital ang lola ni Andrea.
3. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Bilisan na natin dahil mag-aagaw dilim na.
4. Ahas
Kahulugan: Taksil, traydor
Halimbawa: Alam mo namang ahas iyang si Belinda, bakit kinaibigan mo pa?
5. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Kawawa naman ang alilang-kanin na si Perla.
6. Alog na ang baba
Kahulugan: Matanda
Halimbawa: Alog na ang baba ngunit ayaw pa rin tumigil sa pagta-trabaho ni Lolo Lito.
7. Alsa balutan
Kahulugan: Naglayas
Halimbawa: Nabalitaan ko na nag-alsa balutan daw ang anak mo.
8. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Hindi na daw kasi amoy pinipig si Aling Grasya kaya iniwan na ng asawa.
9. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Bakit amoy tsiko ka na naman?
10. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Kahit anak-dalita ay naabot pa rin ni Abel ang kanyang pangarap.
11. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Walang masama sa pagiging anak-pawis.
12. Anghel ng tahanan
Kahulugan: Maliit na bata
Halimbawa: Si Mikay ang anghel ng tahanan namin.
13. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung taong asal hayop.
14. Bahag ang buntot
Kahulugan: Duwag
Halimbawa: Akala mo’y kung sinong matapang, bahag naman ang buntot!
15. Bakas ng kahapon
Kahulugan: Nakaraan, alaala ng kahapon
Halimbawa: Ang mga nangyari noon ay bakas ng kahapon na lamang.
16. Balat kalabaw
Kahulugan: mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya
Halimbawa: Binalaan na kita noon pa na balat kalabaw talaga yang si Marta.
17. Balat-sibuyas
Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang damdamin
Halimbawa: Napaka balat-sibuyas mo naman.
18. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran
Halimbawa: Nakakainis talaga ang mga taong balik-harap.
19. Balitang kutsero
Kahulugan: Maling balita, hindi totoong balita
Halimbawa: Hindi ako naniniwala sa mga balitang kutsero ni Aries.
20. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Bantay-salakay iyang apo ni Ka Doray.

Pabula
Ano ang mga Pabula?
- Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, lobo at kambing, kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga
pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Halimbawa ng Pabula:
Ang AGILA at ang MAYA
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka
ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong
niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong
kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng
leksyon.

“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”

Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.

Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang
ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging
masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay.
Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak.”

Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman
hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na
dadalhin naman nito.

“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.

“Aba oo, payag na payag ako.”

“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok ng mataas na
bundok na iyon,” wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi siya
nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya
bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya
natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya
ang mayabang na Agila.
Aral

 Huwag maging mayabang.


 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
 Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa.
 Gamitin ang talino sa tamang paraan.

Pantangi at Pambalana

Pangngalan at Pannghalip
Ano ang Pangngalan? Uri at mga Halimbawa

Pangngalan, isang salita na lagi nating naririnig sa wikang Filipino. Ano nga ba ito?

At bakit madalas natin itong naririnig? Sabay-sabay nating alamin ang kahulugan, uri, kayarian, kailanan,
kasarian, kaukulan, gamit, at mga halimbawa nito.

Talaan ng Nilalaman
 Ano ang Pangngalan (Meaning)?
 Mga Uri ng Pangngalan
o Pantangi
 Halimbawa ng Pangngalang Pantangi
o Pambalana
 Mga Uri ng Pambalana
 Konkreto
 Di-Konkreto
 Kayarian ng Pangngalan
o Payak
o Maylapi
o Inuulit
o Tambalan
 Kailanan ng Pangngalan
 Kasarian ng Pangngalan
 Kaukulan ng Pangngalan
o Palagyo
 Simuno ng Pangungusap
 Pantawag
 Kaganapang Pansimuno
 Pangngalang Simuno
o Palayon
 Layon ng Pang-ukol
 Layon ng Pandiwa
o Paari
 Katuturan ng Pangngalan
o Tahas
o Lansak
o Basal
o Hango
o Patalinghaga
 Mga Gamit ng Pangngalan
o Simuno
o Pantawag
o Pamuno
o Kaganapang Pansimuno
o Layon ng Pandiwa
o Layon ng Pang-ukol
 Anu-Ano ang mga Natutunan Natin Tungkol sa Pangngalan
Ano ang Pangngalan (Meaning)?

Ang pangngalan ay salita o isang bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar o pook at pangyayari. Ito rin ay maaring nagpapakilala ng isang kaisipan o konsepto.

Ito ay tinatawag na noun sa wikang Ingles.

Ito ay maaaring makita sa unahan, gitna, or dulo ng pangungusap. Mayroon itong dalawang (2) uri.

Tara at kilalanin natin ang mga ito at ang iba pang dapat mong malaman tungkol sa pangngalan.

Mga Uri ng Pangngalan

Ang dalawang uri ng pangngalan ay pangngalang pantangi (proper noun) at pangngalang pambalana
(common noun).

Pantangi

Ang pangngalang pantangi o proper noun sa Ingles ay tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, bagay,
pook, hayop, lugar, pangyayari, o kathang-isip na ibinubukod sa kauri nito. Ito ay nagsisimula sa
malaking titik.

Tinitiyak nito na hindi maipagkamali ang tinutukoy na pangngalan sa iba.

Halimbawa ng Pangngalang Pantangi

Narito ang mga halimbawa ng pangngalang pantangi:

1. Si Agnes ay may dalawang tuta na binili nya sa Pawrent Pet Store.


2. Kumuha si Robert ng apat na garapon ng Strawberry Jam mula sa kanilang palamigan.
3. Kinain ni Bantay, na aso ni Maria, ang kanilang ulam sa lamesa.
4. Ang World War II ay isa sa mga makasaysayang pangyayari, di lamang sa Pilipinas, kundi sa
buong mundo.
5. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ilan lamang sa mga sikat na libro na isinulat ng
ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
6. Si Juan Luna, na isang tanyag na pintor, ang gumawa ng Spoliarium.
Pambalana

Ang pangngalang pambalana o common noun sa Ingles ay ang pangngalan na ginagamit sa pagtukoy sa
pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar, pangyayari, at iba pa.

Hindi gaya ng pangngalang pantangi, ang pangngalang pambalana ay nagsisimula laman sa maliit na titik.
Ito ay may dalawang (2) uri.

Mga Uri ng Pambalana

Konkreto

Ang konkretong pambalana ay ang mga pangngalan na nakikita, nahahawakan, nalalasahan at iba pang
nagagamitan ng pandama. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa halimbawa ng mga pangungusap na
may konkretong pambalana.

1. Si Maricris ay mahilig kumain ng iba’t-ibang gulay at prutas.


2. Kumuha siya ng halaman para sa kanyang hardin.
3. Ang kanyang yaya kay labinlimang taong nang naninilbihan sa kanila.
4. Sa parke daw makikita ang rebulto ng ating pambansang bayani.
5. Nag-iisang anak na lalaki ang kanyang pamangkin kaya’t nasa kanya ang lahat ng atensyon.
Di-Konkreto

Ang di-konkretong pambalana naman ay ang mga pangngalan na hindi nahahawakan, nakikita, o
nahihipo, at nararamdaman lamang. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o kondisyon.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa halimbawa ng mga pangungusap na may di-konkretong
pambalana.

1. Isang pandemya na naman ang pume-perwisyo sa atin.


2. Ang gyera sa Ukraine at Russia ay labis na nakaka-apekto sa ating mundo.
3. Makulimlim na naman ang panahon kaya hindi na naman ako makakapaglaba.
4. Labis ang kanyang kasiyahan noong nakita niyang muli ang kanyang mga alaga.
5. Gutom ang kanyang inabot dahil tanghali na siya nagising.
Kayarian ng Pangngalan

Ang pangngalan ay may apat (4) na kayarian o anyo. Ito ay payak, maylapi, inuulit at tamblan. Halina’t
tuklasin natin ang mga ito.
Payak

Ito ang pangngalan na binubuo ng salitang-ugat laman at hindi nilalagyan o ginagamitan ng panlapi. Ang
mga sumusunod ay mga pangungusap na may payak na pangngalan.

1. Ang bunga ng kanilang mangga ay matamis.


2. Sa panahon ngayon, mas mabuti yung malusog tayo.
3. Ilang taon na din ang nakalipas simula noong nangyari ang kanilang away.
4. Ang mga mata niya ay nanliliksik sa galit.
5. Muntik ng makawala ang kanilang ibon noong napabayaan nila ang hawla nito.
Maylapi

Ito ay pangngalan na binubuo rin ng salitang-ugat ngunit may panlapi na madalas makikita sa unahan,
gitna, at hulihan ng salita.

Ang mga sumusunod ay mga pangungusap na may pangngalang maylapi.

1. Isang makamandag na ahas ang gumulat sa kanya noong naglalakad siya pauwi.
2. Pagtitinda ng gulay at isda ang kabuhayan ng mga residente sa kanilang lugar.
3. Pauwi na siya noong nakasalamuha niya ang kanilang kapitbahay.
4. Dapat na pagtuonan ng pansin ang edukasyon ng ating mga kabataan.
5. Makikita mo ang kanyang kasiyahan noong sinurpresa siya ng kanyang mga anak.
Inuulit

Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng isang salitang-ugat (na mayroon o walang dagdag na
panlapi) o ng unang dalawang pantig ng salitang-ugat.

Ang sumusunod ay halimbawa ng mga pangungusap na may inuulit na pangngalan.

1. Gabi-gabi silang naglalaro ng basketball sa kanilang bakuran.


2. Ang sabi-sabi raw ay may kasal na siya noong isang taon pa.ng sabi-sabi raw ay may kasal na
siya noong isang taon pa.
3. Araw-araw siya namimitas ng mga bulaklak sa kaniyang hardin.
4. Pana-panahon talaga ang swerte sa ating buhay.
5. Bali-balita sa amin na tumaas raw ang baha sa kabilang baryo.
Tambalan

Ito naman ang pangngalan na binubuo ng dalawang magkakaibang salita na pinagsama. Ang sumusunod
ay halimbawa ng mga pangungusap na may pangngalang tambalan.

1. Ang kanilang kapitbahay ay may nilulutong adobo.


2. Agaw-eksina ang kanyang suot noong pumunta siya sa rally.
3. Hatinggabi na siya nakauwi mula sa kanyang trabaho.
4. Mahirap maglakad kung nakasunod ka sa isang lakad-pagong.
5. Huwag niyo siyang biruin kasi siya ay isang balat-sibuyas.
Kailanan ng Pangngalan
Ang kailanan ng pangngalan ay tumutukoy kung ilan ang tinutukoy na pangngalan. Mayroon itong
tatlong klase: isahan, dalawahan, at lansakan o maramihan.

1. Isahan – ito ay mga salita o pangngalan na likas na nag-iisa lang ang bilang.
2. Dalawahan – ito naman ay mga salita o pangngalan na may dalawang bilang o kadalasan na
magka-pares.
3. Maramihan o Lansakan – ito naman ay mga salita na may tatlo o higit pang bilang. Ito ay
kadalasang may ka-grupo o nabibilang sa isang grupo.
Narito ang ilang halimbawa ng mga pangungusap na nagsasaad ng kailanan ng pangngalan.

1. Ang kwaderno ni Matt ay ipinasa niya sa kanyang guro.


2. Kumuha si Andrew ng niyog mula sa puno sa kanilang lupain.
3. Sina Anthony at Karl ay sabay na nakarating sa finish line sa isang karera sa kanilang baryo.
4. Ang magkaklase na sina Lexi at Nicole ay parehong nakakuha ng pinakamataas na marka sa
pagsusulit.
5. Sumali sina Robert, Angel, at Jade sa grupo ng mga kabataan na naglalayong isulong ang
kanilang karapatan sa wastong edukasyon.
6. May kumuha sa tatlong bulig ng saging sa kanilang kapitbahay.
Kasarian ng Pangngalan

Ang kasarian ng pangngalana ay nagbibigay ng kasarian sa pangngalan na tinutukoy sa pangungusap.


Mayroong apat (4) kasarian ang pangngalan. Patuloy na magbasa at sabay-sabay nating alamin ang mga
ito.

1. Panlalaki – ito ang pangngalan na tumutukoy o ginagamit sa mga lalaking tao o hayop.
2. Pambabae – ito naman ang pangngalan na tumutukoy o ginagamit sa mga babaeng tao o hayop.
3. Di Tiyak – ito naman ang pangngalan na tumutukoy o ginagamit sa mga pangngalan na hindi
tiyak ang kasarian.
4. Walang Kasarian – ito naman ang pangngalan na tumutukoy o ginagamit sa mga pangngalan na
walang kasarian tulad ng bagay, pook o lugar, at pangyayari.
Basahin ang mga sumusunod na halimbawa upang mas lalo ninyong maintindihan ang kasarian ng
pangngalan.

1.Ang hari sa Thailand ang isa sa mga mayaman at makapangyarihan na tao sa buong mundo.
2.Si Mang Tomas ang tatay ni Maria.
3.Ang binibini na yun ang isa sa mga pinakamaganda sa barangay nila.
4.Nakita niya ang mga litrato ng kanyang lola noon ito’y dalaga pa lang.
5.Matalik na kaibigan ni Jose si Pedro kaya lagi silang magkasama.
6.Isang mag-aaral ng Silliman University ang nakakuha sa pinakamataas na marka sa kakatapos
lang na Nursing Board Exam.
Kaukulan ng Pangngalan

Mayroong tatlong kaukulan ang pangngalan. Ito ay ang palagyo, palayon at paari.

Palagyo

Sa kaukulang ito masasabi ng isang mambabasa kung ang pangngalan ay ginagamit bilang simuno ng
pangungusap, pantawag, kaganapang pansimuno, o pangngalang simuno.
Upang mas lalo nating maiintindihan ang mga ito, narito ang kahulugan at mga halimbawang
pangungusap na may palagyo na kaukulang pangngalan

Simuno ng Pangungusap

Ang pangngalan na pinag-uusapan ay makikita sa simula o bandang unahan ng pangungusap.

Halimbawa:

 Si Michaela ang kumuha ng mga labahan sa sampayan noong biglang umulan sa kanila.


Pantawag

Ang pangngalan sa pangungusap ay ginagamit bilang pantawag sa taong tinutukoy.

Halimbawa:

 Angel, ilang pirasong mansanas ang kinuha mo mula sa lamesa?


Kaganapang Pansimuno

Ito naman ang salitang nasa bahagi ng panag-uri at may kaugnayan sa simuno ng pangungusap.

Halimbawa:

 Si Lexi ay isang mabait at matalinong bata.


Pangngalang Simuno

Ito ay ang pangngalan na nakaugnay sa simuno ng pangungusap.

Halimbawa:

 Si Lexi, na isang mabait at matalinong bata, ay nakatanggap ng medalya sa kanilang paaralan.


Palayon

Ang pangngalang palayon ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at layon ng pandiwa.

Layon ng Pang-ukol

Ang pangngalan na ito ay pinaglalaanan ng salitang kilos na ginawa at sumusunod sa isang pang-ukol.

Halimbawa:

 Ang prutas na pinitas niya ang para sa kanyang nanay.


Layon ng Pandiwa

Ito naman ang pangngalan na tumatanggap sa salitang kilos sa isang pangungusap.

Halimbawa:

 Kumuha ng bulaklak si Anton para kay Maria.


Paari

Nagiging paari lamang ang isang pangngalan kung ang salitang sinundan nito ay isa ring pangngalan. Ito
ay nagpapakita na ang pangalawang pangngalan ang siyang may-ari ng unang pangngalan.

Halimbawa:

 Ang bahay nila Samantha ay muntik nang masira dahil sa malakas na hangin dala ng bagyo.
Katuturan ng Pangngalan

Tahas

Ito ay tiyakang tumutukoy sa pinangngalanan. Ang mga pangngalan na tinutukoy ay nararanasan ng isa sa
mga limang pandamdam (paningin, pang-amoy, pandinig, panglasa, at pandamdam) at may pisikal na
pandamdam.

Halimbawa:

 Ang mga laruan ni Anton ay nagkalat sa kanilang sala.


Lansak

Ito ay pangngalang tumutukoy sa isang karamihan o kalipunan, maaring maylapi o wala.

Halimbawa:

 Isang pangkat ng mag-aaral ang pumunta sa Baguio para sa kanilang field trip.
Basal

Ito ay pangngalang laging nasa anyong payak at tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto ng hindi
nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian.

Halimbawa:

 Nasa isip lamang niya ang kanyang mga gagawin at hindi pa niya sinimulang gawin.
Hango

Ito ay nakabatay o nakabase sa isang salitang basal o hango sa dayuhang salita.


Halimbawa:

 Isang palaisipan pa rin hanggang ngayon kung ano ang tunay na nangyari sa kanyang
nawawalang kapatid.
Patalinghaga

Ito ay pangngalan na di-tuwirang tumutukoy sa pinag-uukulan ng salita kundi sa katulad o halimbawa


nito.

Halimbawa:

 Ang ilaw sa kanilang kinabukasan ay ang kanilang mga guro.


Mga Gamit ng Pangngalan

Ang pangngalan ay ginanagamit sa pangungusap bilang simuno, pantawag, pamuno, kaganapang


pansimuno, layon ng pandiwa at layon ng pang-ukol.

Simuno

Ginagamit laman ang pangngalan bilang simuno kung ang pangngalan na tinutukoy ay paksa sa
pangungusap.

Halimbawa:

 Ang aso ni Geraldine ay isang Shih Tzu.


Pantawag

Ito ay nangyayari kung ang pangngalan ay tinatawag o binabanggit sa pangungusap.

Halimbawa:

 Angel, kailan ka pala pupunta ng bayan?


Pamuno

Tinatawag lamang itong pangngalang pamuno kung iisa lamang ang simuno at isa lang ang pangngalang
parte ng paksa.

Halimbawa:

 Ang Calachuchi, na isang mabangong bulaklak, ay madalas makikita sa mga beach resorts.
Kaganapang Pansimuno

Tinatawag laman itong kaganapang pansimuno kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang
parte ng panaguri.
Halimbawa:

 Ang Victoria Secret ay isang sikat na tatak sa buong mundo.


Layon ng Pandiwa

Tinatawag din itong tuwirang layon. Ito ay pangngalang tumatanggap ng kilos.

Halimbawa:

 Nagluluto siya ng champorado dahil angkop itong kainin sa malamig na panahon.


Layon ng Pang-ukol

Ito ay ang pangngalan na kasunod ng pang-ukol at kinukumpleto nito ang kahulugan ng pang-ukol.

Halimbawa:

 Tungkol sa Pangngalan ang artikulo na ito.

Panghalip: Ang mga Panghalip Panao


Upang hindi na maulit ang pagkagamit ng pangngalan sa isang pangungusap o talata, ginagamit natin ang
panghalip panao.

May tatlong panauhan ang panghalip. 

1.Unang Panauhan- Pinapalitan nito ang tao na nagsasalita. 


Halimbawa: Akin na lang itong mangga.
                  Ako ay bibili ng aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
                  Hiniram ko ang walis-tingting. 

2.Ikalawang Panauhan - Pinapalitan nito ang taong kinakausap.


Halimbawa: Ikaw ay maaaring pumunta sa health center upang magpabakuna.
                  Nasa inyo ho ba ang mga papeles na kailangan ni Gng. Baltazar?
                  Maghanda na kayo dahil darating na ang bisita.
                  
3. Ikatlong Panauhan-Pinapalitan nito ang taong pinag-uusapan.
Halimbawa: Sa kanya ibinigay ang mga biniling buko ni nanay.
                   Kumanta sila sa isang patimpalak,
                   Binenta niya ang mga puto na kanyang ginawa.
                  

May tatlong kailanan ang panghalip panao. 


1.Isahan- Tinutukoy nito ang  isang pangngalan.
Halimbawa: ako, ka, iyo, mo, niya
2.Dalawahan-  Tinutukoy nito ang dalawang pangngalan.
Halimbawa: natin, tayo, kayo, kanila
3.Maramihan- Tinutukoy nito ang tatlo o higit pang pangngalan.
Halimbawa: namin, natin, ninyo, inyo
Pagsasanay
Salungguhitan ang panghalip at isulat ang panauhan at kailanan nito.
1.Ang mga kalalakihan at kababaihan sa barangay ay tulung-tulong sa paglalagay  ng makukulay na
banderitas sa plasa. Kaninang umaga sila nagsimulang magtrabaho.
2.Ito ang unang pagkakataon ni Jenny na dumalo sa piyesta. Kasama niya ang kanyang pamilya na
bumisita sa probinsya. 
3.Maraming tao ang pumunta sa plasa upang makita nila ang makukulay na suot ng mga mananayaw. 
4. Sina Josefina at Laura ay nagtitinda ng palamig sa mga tao sa plasa. Nagtitinda sila ng halo-halo,
kakanin, at sago't gulaman.
5.Bumili si Mang Ricardo ng lobo para kay Nina. Pinili niya ang kulay dilaw na lobo.
6.Habang nanonood ng programa, ang bata ay kumakain ng sorbetes. Binilhan siya ng kanyang ate.
7."Napanood mo na ba ang pag-awit ni Rochelle, Dina?"
8.Kanina pa nila hinihintay ang pagdating ng mga bisita.
9."Allia, pumunta ka dito sa kusina at tulungan mo ako sa pagluluto ng handaan."
10.Masayang kumakain ang pamilya ng hapunan pagkatapos nilang manood ng patimpalak sa plasa.

Bakit At Paano
Ang "bakit" ay ginagamit sa mga katanungan kung saan kailangan mong bigyang-dahilan ang iyong
sagot. -dahil-, -sapagkat-, -upang-, atbp.
Ang "paano" ay ginagamit sa mga katanungan kung saan kailangan mong bigyang-paraan ang iyong
kasagutan . -sa pamamagitan ng-, -sa paraan ng-, atbp.

You might also like