You are on page 1of 42

FILIPINO 4

QUARTER 2 WEEK 2

Nagagamit nang wasto ang pang-


uri (lantay, paghahambing,
pasukdol) sa paglalarawan ng tao,
lugar, bagay at pangyayari sa sarili,
ibang tao at katulong sa pamayanan
F4WG-IIa-c-4
GAMIT NG
PANG-URI
UNANG ARAW

BALIK-ARAL
Bumuo ng sariling paghihinuha kung ano ang
ipinapahiwatig ng sumusunod na kataga.
• “Walang mang-aalipin kung walang
paaalipin.” –Jose Rizal
• “Ang tunay na kalaban ng Pilipinas ay hindi
ang ibang bansa, kundi ang ating sarili.” –
Antonio Luna
Humanap ng kapareha. Maging salamin
ng kapareha sa pamamagitan ng
paglalarawan ng kapareha.
Tumawag ng ilang pares ng mag-aaral
upang magbahagi ng kanilang
paglalarawan sa isa’t-isa.
Anong pang-uri ang
ginamit?
Paano ito ginagamit?
PANG-URI
Ang pang-uri ay salitang
naglalarawan o nagbibigay turing sa
mga pangngalan o panghalip.
Mayroon tatlong antas ang pang-uri.
Ito ay ang Lantay, Pahambing at
Pasukdol.
TATLONG ANTAS NG PANG-
URI PAHAMBING
LANTAY
Tumutukoy sa pangtutulad ng dalawang tao,
Tumutukoy sa katangiang sarili ng bagay, hayop, pook, o pangyayari. Gumagamit ng
pangngalan at panghalip na tinuturingan. panlaping kasing, sing, at mga salitang tulad ng di
gaanong, tulad, kapwa, gaya, higit, lalo, mas, o di
Halimbawa: hamak.
Halimbawa:
Mahaba ang buhok ni Mikay. Higit na mataas ang punong kawayan kaysa
Mataba ang bata. puno ng bayabas.
Mas mahaba ang buhok nila kay Kate.
TATLONG ANTAS NG PANG-
URI PAHAMBING
Tumutukoy sa kahigitan at pamumukod-tangi ng isang
bagay kaysa sa karamihan o sa lahat. Gumagamit ng
mga panlaping napaka, lubha, pinaka, at mga salitang
ubod, reyna ng, hari ng, at iba pa.
Halimbawa:
Si Rodlan ang pinakamatalino sa kanilang
klase.
Napakabait ng tindera dahil ibinalik niya ang
labis kong pera.
PANGKATANG GAWAIN
Tukuyin at ilarawan ang mga
pangngalan na makikita rito.
Pangkat I – silid-aklatan
Pangkat II – palaruan
Pangkat III – kantina
Pangkat IV – hardin
Panuto: Piliin ang tamang antas ng pang-uri upang mabuo ang pangungusap.

• Si Joshua ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa


kanyang mga kaibigan.
• (Malaki, Mas malaki, Pinakamalaki) ang huling isda ni Mang Islaw
kaysa kay Mang Tino.
• Si Snow White ang (maputi, mas maputi, pinakamaputi) sa buong
kaharian.
• (Malikot, Higit na malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong
kapatid.
• (Matulis, Mas matulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.
IKALAWANG ARAW

AWITIN:

Paano inilarawan ang tatlong bibe?


Saan ginagamit
ang pang-uri?
Ginagamit ang
pang-uri sa...
Basahin at unawain ang tula
tungkol sa bata na magalang.
Tukuyin ang mga salitang
pang-uri sa tula.
ANG BATANG MAGALANG
(ni Joven Locsin)
Ang batang magalang, kailanman,
saan man
Kinatutuwaa’t lugod ng sinuman
Mabining kumilos, salita’y magalang Sadyang malumanay kung mangusap
May kababaang-loob, kilos- siya
mapitagan. Kung siya’y nakikiusap, “maaari po
ba?”
Sa loob ng silid ay tahimik siya Kung may tinatanggap,
Pagtawag ng guro“po” ang sagot “salamat po” aniya
niya Anupa’t magalang ang bawat tugon
“Ano po iyon Ma’am?” tanong agad niya.
niya.
“Kung may iniuutos, sabihin po
nila.”
Ano ang mga ginamit na
paglalarawan sa tula?
Bilang isang batang mag-aaral,
paano mo maipapakita ang
pagiging magalang?
PANUTO: SUMULAT NG PANGUNGUSAP
GAMIT ANG MGA PANG-URI AYON SA
SARILING KARANASAN.

1. Tahimik
2. Mapagmahal
3. Malumanay
4. Masayahin
5. Magalang
TAKDANG -
ARALIN
Ilarawan ang tinutukoy sa bawat bilang gamit ang binigay na
kaantasan ng pang-uri.
1. iyong sarili (lantay)
2. noon na wala pang pandemya at ang tinatawag na new
normal ngayon. (pahambing)
3. nais mong puntahang lugar (pasukdol)
4. ang pag-aaral mo noong nakaraang taon at ngayon
(pahambing)
5. iyong pamilya (lantay)
IKATLONG ARAW

Ano-anong lugar sa inyo ang


maaaring pasyalan?
PISTA SA BARANGAY
“Heto na ang musiko. Bababa na ako,” sigaw ni Bert sa
mga kalaro.
“Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,”
nagmamadaling bumaba sa puno ng makopa ang mga
bata.
Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihang
sumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol.
Buong siglang umikot-ikot ang mga majorette at ang
kanilang baton habang tumutugtog ang banda.
Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya
ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa, may
adobong manok, mechadong karne ng baka, paksiw na
pata at marami pang iba.
May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may
prusisyon sila. Suot ng mga matatanda ang kanilang saya
at nakikihanay sa mga kabataang umiilaw sa prusisyon.
Ang problema ay may kakaibang nararamdaman sa
kinabukasan o ilang araw pagkatapos ng pista. Pata at
malat ang katawan ng mga tao. Kung wala silang
natirang handa ay magtitiis na lang sila sa mga de-lata o
di kaya’y sa ginataang gabi.
Ganiyan ang mga Pilipino noon. Subalit ngayo’y unti-
unti ng nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan
at ipinaghahanda, subalit sa abot na lamang ng kanilang
makakaya.
Ano-ano ang salitang napakinggan na ginamit
sa paglalarawan?
Ano ang inilarawan nito?
Ano ang tawag natin sa mga salitang ginagamit
sa paglalarawan?
Ano ang nagagawa nito sa isang pangngalan?
PANUTO:TUKUYIN ANG SALITANG NAGLALARAWAN O PANG-URI SA BAWAT
PANGUNGUSAP. ISULAT ANG SAGOT SA IYONG SAGUTANG PAPEL.

1. Nalaglag ang mga hinog na bunga ng punong-kahoy.


2. Maraming tao ang nagkasakit dahil sa COVID19.
3. Malamig ang hangin sa bukid.
4. Si Mikay ay masipag na bata.
5. Ang bata na nagsasabi ng totoo ay matapat.
6. Sanay na ako sa ingay ng kapatid kong bunso.
7. Hindi ako kumakain ng mga sitsirya.
8. Lanta na ang rosas sa plorera.
9. May mantsa ang puting uniporme ng nars.
10. Sariwa ba ang gulay sa palengke?
TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng talatang naglalarawan tungkol sa
inyong sariling bayan. Gumamit ng iba’t ibang
antas ng pang-uri sa paglalarawan.
IKAAPAT NA ARAW

BALIK-ARAL
Ilarawan ang pasyalang ito.
BALIK-ARAL
Ilarawan ang pasyalang ito.
BALIK-ARAL
Ilarawan ang pasyalang ito.
BALIK-ARAL
Ilarawan ang pasyalang ito.
BALIK-ARAL
Ilarawan ang pasyalang ito.
Ano ang isang lugar na nais
ninyong mapasyalan?
Bakit mo nais itong mapuntahan?
PANG-URI
Ang pang-uri ay salitang
naglalarawan o nagbibigay turing sa
mga pangngalan o panghalip.
Mayroon tatlong antas ang pang-uri.
Ito ay ang Lantay, Pahambing at
Pasukdol.
TATLONG ANTAS NG PANG-
URI PAHAMBING
LANTAY
Tumutukoy sa pangtutulad ng dalawang tao,
Tumutukoy sa katangiang sarili ng bagay, hayop, pook, o pangyayari. Gumagamit ng
pangngalan at panghalip na tinuturingan. panlaping kasing, sing, at mga salitang tulad ng di
gaanong, tulad, kapwa, gaya, higit, lalo, mas, o di
Halimbawa: hamak.
Halimbawa:
Mahaba ang buhok ni Mikay. Higit na mataas ang punong kawayan kaysa
Mataba ang bata. puno ng bayabas.
Mas mahaba ang buhok nila kay Kate.
TATLONG ANTAS NG PANG-
URI PAsUKDOL
Tumutukoy sa kahigitan at pamumukod-tangi ng isang
bagay kaysa sa karamihan o sa lahat. Gumagamit ng
mga panlaping napaka, lubha, pinaka, at mga salitang
ubod, reyna ng, hari ng, at iba pa.
Halimbawa:
Si Rodlan ang pinakamatalino sa kanilang
klase.
Napakabait ng tindera dahil ibinalik niya ang
labis kong pera.
PANGKATANG
GAWAIN
PANUTO: GAMITIN SA MGA PANGUNGUSAP ANG MGA PANG-
URING NASA KAANTASANG LANTAY, PAHAMBING AT
PASUKDOL.
1. Mabilis
2. Mas matangkad
3. Sobrang Linis
4. Masarap
5. Pinakatanyag
PANUTO:BASAHIN ANG MGA TALATAAN. PILIIN ANG MGA PANG-
URI SA BAWAT TALATA AT IBIGAY ANG KAANTASAN NITO.

1. Isa sa pinakamagandang pook sa Pilipinas ang


Lungsod ng Baguio. Maraming turista ang
pumupunta rito kung tag-init. Malamig ang klima
sa Baguio. Napakaraming punong pino sa paligid
nito.
PANUTO:BASAHIN ANG MGA TALATAAN. PILIIN ANG MGA PANG-
URI SA BAWAT TALATA AT IBIGAY ANG KAANTASAN NITO.

2. Itinuturing na isa sa pinakamagandang bulkan sa


buong daigdig ang Bulkang Mayon. Pantay ang
dalisdis at kahanga-hangang bulkan ito.
PANUTO:BASAHIN ANG MGA TALATAAN. PILIIN ANG MGA PANG-
URI SA BAWAT TALATA AT IBIGAY ANG KAANTASAN NITO.

3. Isang pambihirang prutas ang durian.


Masangsang ang amoy nito ngunit napakasarap
naman ng lasa. kasintigas ng pako ang balat ng
prutas nito. Sa Davao matatagpuan ang maraming
Durian.
PANUTO:BASAHIN ANG MGA TALATAAN. PILIIN ANG MGA PANG-
URI SA BAWAT TALATA AT IBIGAY ANG KAANTASAN NITO.

4. Sinasabing ikawalong kahanga-hanga ng daigdig


ang Banaue Rice Terraces. Humanga ang mga
dayuhang inhenyero sa kagandahan nito.
Ipinahihiwatig nito na matalino ang ating mga
ninuno. Nakagawa sila ng mahusay na paraan sa
pagtatanim ng palay sa mga bulubunduking pook.
PANUTO:BASAHIN ANG MGA TALATAAN. PILIIN ANG MGA PANG-
URI SA BAWAT TALATA AT IBIGAY ANG KAANTASAN NITO.

5. Si Heneral Emilio Aguinaldo ay isang matapang na


kawal. Siya ang unang pangulo ng Unang Republika
ng Pilipinas.
TAKDANG-
Sundin atARALIN
gawin ang sumusunod na panuto:
1. Humanap ng iyong mga larawan. Isang nasa Kinder o kahit
anong larawan noong bata ka pa at ngayong nasa Ikaapat na
Baitang.
2. Idikit ang mga larawan sa iyong sagutang-papel.
3. Sumulat ng talata na naglalarawan sa mga litrato mo. Gamitin
ang iba-ibang antas ng pang-uri sa paglalarawan. Isulat ito sa iyong
sagutang-papel.

You might also like