You are on page 1of 7

Morpolohiya (Palabuuan) – ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-

sama ng mga ito upang makabuo ng salita.

Morpema – pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Yunit na hindi na


maaari pang mahati nang hindi masira ang kahulugan nito.

makahoy = ma + kahoy = 2 morpema

ma = marami ng isinasaad ng salitang ugat (maraming kahoy)

ka + hoy = pantig na walang kahulugan

ka = panghalip

hoy = panawag *ngunit malayo ang kahulugan sa salitang kahoy

Salawikain

- Pamana at kalinangan ng lahi na hindi dapat ipagwalang-bahala at ibaon sa limot.


Manapa’y kailangan itong panatilihing sariwa sa alaala upang maging gabay sa
pamumuhay, patnubay sa pakikipagkapwa, at suhay sa pakikilaban sa karahasan ng
buhay.
- Mabisang tulong din sa pagpapahalaga sa kagandahan ng buhay.
- Hindi lantad o matalinghaga ang kahulugan.

Halimbawa:
“Ang kahoy na liko’t baluktot
Hutukin habang malambot
Kung lumaki at tumayog
Mahirap na ang paghutok.”

“Ang ginahimo sa pagkabata


Dala tubtob manigulang.” (Hiligaynon)

“Hindi namumunga ng santol


Ang puno ng santol”.

“Luksu ning gaindung kambing


Ing biseru anti mu rin.” (Pampango)

“A wattu langan a kuruga mariga


Tattolay nga minagimamma.” (Ibanag)

“Walang gawaing mahirap


Sa taong matiyaga.”
“No antikey so oles, ikokot.” (Pangasinan)

“Habang maikli ang kumot,


Magtiis munang mamaluktot.” (Tagalog)

“An may isinang-at sapaga,


may gagawadon pagkaaga.” (Bikol)

“Kon duna kay sinoksok,


adunay mapaabut.” (Bohol)

“Kapag may isinuksok,


may titingalain.”

Sawikain
- lantad o tiyak ang kahulugan

Halimbawa: Pagkataas-taas ng lipad


Siyang lakas ng lagpak.

Kasabihan
- nagbabago o paiba-iba
- maaaring pahayag ng isang tanyag o sikat na tao sa lipunan.
- maaaninag ang pulso o mentalidad ng pamayanan.
- ginagamit din ito sa panunukso.

Halimbawa: Kwarta na,


Naging bato pa.

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.


 Jose Rizal
Retorika
- tumutukoy sa kagandahan ng pagpapahayag.
Balarila
- tumutukoy naman sa kawastuan ng pagpapahayag.

4 na uri ng Pagpapahayag

 Pagsasalaysay – may layuning mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na


paghahanay.
-nagkukwento
-nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkakaugnay.
 Paglalarawan – may layuning maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian,
kaanyuan, kulay, hugis, anyo ng isang tao, bagay, pook, pangyayari, o
isang gawain.
-paghambingin ang dalawang magkaibang katangian,
kaanyuan, kulay, hugis, anyo ng isang tao, bagay, pook, pangyayari, o
isang gawain.
 Pangangatwiran – layunin nito’y makaakit sa mga sanhi at dahilan ng mga bagay.
-ito ay may layong mapatunayan sa tulong ng mga halimbawa o
patunay at mapalitaw ang kabisaan o katotohanan ng bagay o
pangyayaring binibigyan ng katwiran.
 Paglalahad – layunin nito’y magpaliwanag.
-pagbibigay ng katuturan o kahulugan sa isang natatanging paksa.

Mga Kaugaliang Tunay na Pilipino

1. Ang pagmamano o paghalik sa kamay.


Ang gawa sa pagkabata
Dala hanggang sa tumanda.
2. Ang pagdarasal nang sama-sama.
Ang mag-anak na tumatawag sa Diyos
Sa biyaya ay napupuspos.
3. Ang pagtatawagan ng magkakapatid.
Ang taong magalang
Kailanman ay kinalulugdan.
4. Ang magalang na pagsagot at pagsunod sa magulang.
Madali ang maging tao
Mahirap ang magpakatao.
5. Ang pagsasamahan ng magkakapitbahay.
Ang isinukat mo sa kapwa mo,
Siya ring isusukat sa iyo.

PANGNGALAN – tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lunan, o pangyayari.

Pangkalahatang Uri:

1. Pambalana - maliit na titik; pangkalahatang tawag


2. Pantangi - isinusulat sa malaking titik

Halimbawa: Pantangi Pambalana


Tao Taiwanes, Sir morola, Eva kontratista, drayber,mason,guro
Bagay Mongol, T.V Toyota karbon, damo, talahib, alon,pana
Hayop Brownie, Dobberman, Siamese Cat baka, kambing, ibon, isda
Lugar Mc Donald’s, Jollibee terminal, talampas, sityo, presinto

Pangyayari Edsa, digmaang Amerikano lindol, baha, tadhana, kamatayan


Kailanan ng Pangngalan:

1. Isahan – tumutukoy sa isang tao, hayop, bagay, lunan, o pangyayari.


Halimbawa: pinsan, kapatid, nuno
2. Dalawahan - tumutukoy sa dalawang tao, hayop, bagay, lunan, o pangyayari.
Halimbawa: magpinsan, magkapatid, magnuno
3. Maramihan – mahigit sa dalawa
Halimbawa: magpipinsan, magkakapatid, magnununo

Uri ng Pangngalan ayon sa Kasarian:

1. Panlalaki – katawagan para sa mga kalalakihan.


Halimbawa: Adan, ama, tito, lolo
2. Pambabae - katawagan para sa mga kababaihan.
Halimbawa: Eva, ina, tita, lola
3. Pambalana – hindi matiyak ang kasarian (di-tiyak)
Halimbawa: guro, estudyante, manggagamot
4. Pambalaki – nauukol sa walang buhay o kasarian.
Halimbawa: mesa, upuan, sapatos, ilaw

Bugtong
- kasasalaminan ng mga pang-araw-araw na gawain, mga paniniwala at mga kaisipan
tungkol sa mga bagay sa paligid, material man o di-materyal ng mga mamamayan.
- Kadalasang binubuo ng dalawang taludtod.
 Unang taludtod – Bigyang kahulugan ang isang tao, bagay, lunan o pangyayari
ayon sa iyong pagkakilala rito.
 Ikalawang taludtod – Ilarawan ang tao, bagay, lunan o pangyayari sa
pamamagitan ng paghahambing nito sa isang bagay na
alam ng lahat.

Halimbawa: Buto’t balat,


Lumilipad.
Sagot: saranggola

Sa gabi, tila ilog ito,


Sa araw nama’y isang torso.
Sagot: banig

Kahalagahan ng Bugtong:

1. Pagkakabuklod ng isang mag-anak.


2. Panlipunang kasangkapan.
3. Nagpapatalas din ng kaisipan ng mga kasali.
4. Pagkakaroon ng malawak na talasalitaan.
5. Kaalaman sa pagtutugma.
6. Paghahambing ng mga bagay-bagay.

Pakikipanayam
Ang pakikipanayam ay isang pakikipag-uasap na ang mga nag-uusap ay
nagbibigay o kumukuha ng impormasyon. Walang puwang ang hindi pagkakasundo sa
ganitong uri ng pag-uusap. Ang nakikipanayam ay naglalayong makaalam ng mga
bagay-bagay tungkol sa taong kinakausap – ang kanyang kakayahan sa gawain, kaalam
tungkol sa mahalagang paksa, kalagayan o opinion tungkol sa mga napapanahong isyu,
at balak sa hinaharap.

Sa pakikipanayam, dapat bigyang-pansin ang mga sumusunod:

1. Oras. Ang pakikipanayam ay maaaring mayroon o walang limitasyon sa oras,


ngunit ito ay laging may takda ng pagsisimula at pagtatapos.
2. Katayuan ng kasama. Ang lahat ng kasama sa pakikipanayam ay dapat
bigyan ng pagkakataong makapagsalita.
3. Mga tanong. Kailangang maging makabuluhan ang mga tanong. Dahil dito,
ang mga nakikipanayam ay dapat maghanda ng talaan ng mga itatanong bago
dumating ang itinakdang panayam.

Pabula

- May layunin na ihasik sa isipan ang mga katangi-tangi at kahanga-hangang kaugalian at


katangian na inihahalimbawa ng mga tauhang hayop na gumaganap.
- Karaniwang hindi totoo ang kwento o kaya’y likhang isip lamang.
- Maaaring nasa anyong tuluyan o patula.
- Pinakamatandang anyo ng akdang pampanitikan.

Halimbawa ng Patulang Pabula:

Isang Patunguhan

May isa raw leong


di na Makatakbot’t di na makahuli ng pagkaing nasa,
ang apat na paa ay kumakalog na at lubhang mahina:
matamang nag-isip upang mamalagi sa balat ng lupa,
ang lalong mabuti’y gamitin ang utak upang makadaya.

Itong haring leong


nagsakit-sakitan, humiling dalawin ng hayop na sakop’
at sapagkat siya’y nakitang mahina’t di makakilos; sa yungib ng leon,
lahat nagsidalaw ang maraming hayop,
subalit ang pinto’y nakabukas lamang sa mga papasok.

Ang bawat pumasok


sa loob ng kweba’y din a makalabas sa kutang madilim,
sapagkat biktima ng kuko ng leong lubhang pagkatalim;
minsan itong leo’y tumanaw sa labas at kanyang napansin,
ang soro sa pinto’y nakatayo lamang at patingin-tingin.

“Kumusta ka ngayon?”
ang tanong ng soro na ayaw pumasok sa loob ng yungib,
“masamang-masama ang lagay ko ngayon mahal na kapatid,
pumasok ka rine’t iyong salatin ang kamay ko’t leeg
at makikita mong ang aking hininga’y tila mapapatid”.

Ang sabi ng soro:


“O mahal na hari, ang pag-uutos mo’y di ko matutupad
ako’y ditto na lang sa labas ng pinto upang makaalpas,
aking iniisip kung bakit sa pinto ay maraming bakas
na pawing papasok datapwat walang bakas naming papalabas.”

Alamat
- isang kathang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan.
- ito’y tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay.

Halimbawa:
Alamat Tungkol sa Tao at sa Makapangyarihan (Alamat ng mga Kalinga)
Alamat ng Makahiya
Alamat ng Pinya

Kwentong bayan
- isang akdang walang may-akda at nagpasalin-salin ito sa bibig ng mga tao.

Halimbawa:
Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani (Kwentong Bayan ng mga Kalinga)
Si Juan, Ang Masunurin
Si Juan Tamad

Pangungusap – ay isang sambitla o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.

Halimbawa:
Maganda ang bata.
Ang guro ay likas na magaling sa pagtuturo.

A. Bahagi ng Pangungusap:

 Simuno – pinagtutuuan ng pansin sa loob ng pangungusap.


Halimbawa: Nahuli ng 20 minuto si Mamites.
Nagluksa ang mga kadete sa pagyao ni Rizal.
 Panaguri – nagpapahayag ng sinasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa: Nagpapalapad ng papel si Ana sa kanyang guro.
Hindi sumagot si Danny sa tanong ng guro.

B. Kaayusan ng Pangungusap:

 Karaniwang ayos (Tuwid) – nasa unahan ang panaguri. Wala ang “ay”.
Halimbawa: Maganda nga si Charlene.
Matalino at maaasahan si Daisy Jane.
 Di-Karaniwan (Baligtad) – nauuna ang simuno bago ang panaguri. Lantad ang
“ay”.
Halimbawa: Si Charlene ay maganda.
Si Daisy Jane ay matalino at maaasahan

PALATULDIKAN

MGA URI NG DIIN AT TULDIK

1. Malumay – Binibigkas ito nang diin penultima o ikalawang pantig mula sa huli. Dahil ang
karamihan ng mga salitang likas na katutubo ay malumay, ang mga salitang malumay ay
hindi tinutuldikan. Ang mga salitang malumay ay maaaring magtapos sa patinig o
katinig, tulad ng halimbawa sa ibaba:

Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig


dalaga nanay
babae silangan

2. Malumi – Laging nagtatapos sa glottal na pasara o impit na tunog sa dulo ng salita.


-Laging nagtatapos sa patinig.
-Tuldik na paiwa ( ̀) ang ginagamit na itinatapat sa huling patinig ng salita.

Halimbawa: bata dalamhati


talumpati dambuhala
3. Mabilis – binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig.
-Ginagamitan ng tuldik na pahilis ( ́ ) na itinatapat sa huling patinig.
-Mga salitang nagtatapos sa katinig o patinig.

Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig


takbo bulaklak
malaki alagad
batubato luningning

4. Maragsa – tulad ng diing mabilis, binibigkas ito nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa
huling pantig.
-Ngunit tulad ng mga salitang malumi, ang mga salitang maragsa ay laging
nagtatapos sa patinig.
-Tuldik na pakupya ( ^ ) ang ginagamit na itinatapat sa huling patinig.

Halimbawa: kaliwa butiki


dukha salita

You might also like