You are on page 1of 32

Filipino 8

Louie Corpin - Guro


Mga Dapat Kong Matutunan

1. Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging


makatotohanan ng mga puntong binibigyang diin sa
napakinggan.
2. Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat ayon sa mga
elemento nito.
3.Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
napanood na alamat sa binasang epiko.
Ano ang isang Alamat?
Anu-ano ang mga alamat na
alam mo sa inyong lugar?
Basahin ang Alamat ng Ilog
Talolong
(Pahina ika-16)
D. Pagpapahalaga sa Panitikan

Alamat – isang uri


ng Panitikan na
nagkukuwento ng
pinagmulan ng mga
bagay-bagay na
nagmula sa daigdig.
Banghay – ito ay isang mahalagang
elemento ng Alamat. Tumutukoy ito sa
pagbabalangkas ng mga pangyayari.
Mga Elemento ng Banghay
A. Ang Simula – nilalaman ng mga bahaging ito ang
pagpapakilala sa mga tauhan at paglalarawan ng mga
tagpuan.

“ Ang bayang ito ay matatagpuan malapit sa bulkang


taal. Ang mga nakatira dito ay pawang mga
mangingisda malapit sa mismong lawa.”
Mga Elemento ng Banghay

B. Pataas na Kasiglahan – unti unting tumataas ang


kapanabikan o emosyon dahil sa parting ito ng
banghay dahilan sa mga suliranin at tunggaliang
namamagitan sa pangunahing tauhan at sa iba pang
tauhan sa akda.
Mga Elemento ng Banghay

C. Tunggalian – naglalarawan ito ng


salungatan ng pangunahing tauhan sa akda.
Ito ay maaaring laban sa sarili, sa kapwa,
kalikasan o maging sa lipunan.
Mga Elemento ng Banghay

D. Kasukdulan – inilalarawan at ipinapakita


ang pinakamakulay o maemosyong eksena sa
buhay ng pangunahing tauhan.
Mga Elemento ng Banghay

E. Kakalasan – Ipinakikita sa bahaging ito ang


pababang aksyon o pangyayari. Ito’y
nagpapahiwatig ng nalalapit na pagwawakas.
Mga Elemento ng Banghay

F. Wakas – Naglahad ng kinahinatnan ng


Pangunahing tauhan sa isang akda at
maging ng kalutasan sa suliraning
kinaharap ng mg tauhan.
Mga Elemento ng Banghay

Kasukdulan

Pataas na
Kasiglahan Kakalasan

Tunggalian Wakas

Ang Simula
Magsanay Tayo

Sagutan ang Pagtalakay sa Panitikan sa Ika-22


na Pahina
Magsanay Tayo

Epiko
Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban
sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan at di kapani-
paniwala. Kuwento ito ng mga kagilagilalas na pangyayari.
Ugnay-Wika
Pang-Abay
ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ito ay kapwa
mga salitang naglalarawan. Inilalalrawan nito ang mga
pangngalan at panghalip. Samantalang ang pang-abay
ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi
gayundin sa mga pang-uri at kapwa nito pang-abay.
Ugnay-Wika
Mga uri ng Pang-Abay
1. Pang-Abay na Pamanahon – nagsasaad kung
kailan naganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

Pananda: nang, sa , noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,


umpisa, hanggang at iba pa.

Umalis siya ng kanilang bahay buhat nang siya ay magtrabaho sa


Maynila
Ugnay-Wika
2. Pang-Abay na panlunan – tumutukoy sa pook na
pinangyarihan ng kilos sa pandiwa.

Sa – ginagamit kung ang kasunod ay pangalang


pambalana o panghalip.

Kay/kina - ginagamit kung ang kasunod ay pangalang


pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa
Nagbigay ng utos ang alkadle sa kanyang kawani.

Nagbigay ng utos ang alkadle kay Maria.

Nagbigay ng utos ang alkadle kina Maria at Tess.


Ugnay-Wika
3. Pang-Abay na Pamaraan – inilalarawan kung paano
ginanap, nagaganap o ginanap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Nang o Na/ng

Kumilos nang mabagal si Jason para makatakas mula


sa mga pirata.
Ugnay-Wika
4. Pang-abay na pang-agam – ito’y nagbabadya ng di-
katiyakan sa pagganap sa pagkilos o paggawa.
Halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari

Tila walang bumibili sa karinderya ni Aling Marites dahil sa pangit


na lasa ng mga ulam nito.

Marahil, siya ay nakapasa sa pagsusulit dahil sa tamang paggabay


ng mga magulang nito.
Ugnay-Wika
5. Pang-abay na panang-ayon -- ito’y nagbabadya ng
pagsang-ayon.
Halimbawa: opo, tunay,sadya, talaga

● Tunay na isa siyang bayani dahil sa ipinakita niyang


tapang upang labanan ang halimaw na may isang
mata.
● Sadya talaga na siya ay isang magaling na director
dahil sa mga parangal na kanyang natanggap.
Ugnay-Wika
6. Pang-abay na pananggi -- ito’y nagsasaad ng
pagtanggi.
Halimbawa: di at ayaw

Ayaw pang kumain ni Nena dahil siya ay abala sa


paglalaro ng Roblox.

Di luminlingon sa Isabel kahit siya ay tinatawag ni


Brando.
Ugnay-Wika
7. Pang-abay na panggaano at pampanukat -- ito’y
nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong
na gaano at magkano.

Halimbawa:
Gaano kabilis tumakbo si Rodel?
Magkano ang nabiling bigas ni Simon?
Ugnay-Wika
8. Pang-abay na pamitagan -- ito’y nagsasaad ng
paggalang

Halimbawa:

Mang Tunying, maaari ko bang pitasin ang mga tanim


ninyong mangga?

Pasintabi po sa mga kumakain.


Ugnay-Wika
7. Inklitik o Paningit – katagang lagging sumusunod sa
unang salita ng kayariang kinabibilangan.
May 16 na inklitik sa Filipino.

ba kasi kaya na
daw/raw din/rin naman yata
Pala tuloy nga lamang/lang
Man muna pa sana
Ugnay-Wika
● Pang-abay na kondisyonal – nagsasaad ng
kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa.

Maaari kang dumalo sa pigingan kung ikaw ay


maglilinis ng iyong kuwarto.
Ugnay-Wika
Pang-abay na Kawsatibo – ito’y tawag sa pang-abay
na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng
pandiwa.

Siya ay di nakapunta sa klase sapagkat siya ay napuyat


kagabi sa paglalaro ng Call of Duty Mobile.
Ugnay-Wika
Pang-abay na Benepaktibo – tawag ito sa pang-abay
na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa
pagkaganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng
pandiwa.

Maglalaro kami para sa bayan!


Iniwan niya ang tinapay at kape para sa’yo.
Pang-abay na pangkaukulan

● Nagbigay siya ng kanyang opinyon hinggil sa mga


napapanahong isyu.
● Tumatakbo ang isip ni Martin tungkol kay Jenny
● Nag-usap ang mga konsehal ukol sa mga
magnanakaw sa kanilang munisipyo.
Basahin

Ang Pagong ng Kala (Gawain 1)


(page 25)
Sagutan

Gawain 2 (page 27)

You might also like