You are on page 1of 13

ARALIN 1 Karaniwang Tanawin, Espesyal sa Paningin

PAGBASA
Isinasaboy ng simoy ng hangin ang bango ng hinog na palay hanggang kakahuyan kung saan naroon si
Obet. Hinog na rin ang mga kamatis at papaya sa dulo ng pilapil. Hitik naman sa bunga ang duhat at sinigwelas.
Panay rin ang pagaspas ng mga dahon ng bayabas. Masayang naghahabulan ang mga sisiw. Tulog pa naman
ang mga inahing manok sa kani-kanilang mga pugad.
Sa isang anak ng magsasaka na katulad ni Biboy,walang bago sa tanawing ito. Subalit sa batang lungsod
na kagayani Obet, bago at nakamamangha ang lahat. Palaging bago sa kanyang pandinig ang mga huni ng ibon
sa paligid. Bagong-bago sa kanyang paningin ang tagak na nakasakay sa likod ng kalabaw. Tuwang-tuwa siya
sa mga kawayang sumasayaw sa ihip ng hangin. Bilib na bilib din siya sa mga ligaw na orkidyas na nakakapit
sa mga sanga ng malalaking punò.
Magpinsan sina Biboy at Obet. Magkapatid ang kanilang mga ama. Kapag bakasyon, pumupunta si
Biboy sa lungsod o kayâ naman ay si Obet ang pumaparoon sa kanyang pinsan. Mas madalas na si Obet ang
nagbabakasyon sa lalawigan. Ikinatutuwa naman iyon ng kanyang Tiyo Lino sapagkat mabuting batà si Obet.
Bukod sa pagiging magalang ay mahilig siyang mag-alaga ng mga hayop. Nakasanayan na niyang pangalanan
ang mga alaga ng kanyang tiyo. Maging ang mga pananim at punongkahoy ay kanyang binabansagan.
"Magandang umaga po, Tiyo Lino! Lalo po yatang tumaba si Totsie pero parang hindi lumalaki si
Sweet," nakangiting bati ni Obet. Ang tinutukoy niya ay ang mga alagang kalabaw ng kanyang tiyo.
"Oo nga! Pihikan iyang si Sweet" sagot ng tiyo.
"Hmmm... bakâ po gusto ng pastilyas, yema, at ube jam!" pagbibiro ni Obet.
Malutong na halakhak ang itinugon ni Tiyo Lino. Sa isip niya'y sana ganoon din ang anak na si Biboy.
Walang kahilig-hilig sa mga halaman at hayop ang anak. Madalas din niyang pagsabihan ang anak dahil sa
pagmamalupit nito sa mga alagang hayop. Ayaw rin ni Biboy na naglalaro sa bakuran o kayá ay umaakyat sa
mga punò. Hindi siya sumasama sa pamimitas ng gulay. Minsan pa lámang yata siya sumubok magtanim.
Katwiran niya nakaiinip itong gawin.
Isang umaga, pagbalikwas ni Obet sa higaan, dumungaw siya sa bintana at tinanaw ang malapit na
taniman ng kalabasa. Ilang saglit pa ay bumangon na rin si Biboy.
"Magandang umaga, Obet! Ano ba ang tinitingnan mo riyan?" usisa ni Biboy.
"Naaaliw talaga akó sa panonood sa mga bubuyog na iyan. Kumpol- kumpol silá kung dumapo sa
nagsasayaw na mga bulaklak," wika ni Obet.
"Sabi ng guro namin ang pagkain ng mga bubuyog ay nektar at polen. Ang nektar daw ang nagbibigay
ng lakas o enerhiya sa bubuyog at ang polen naman ay pinagkukunan nila ng protina at sustansiya" dugtong ni
Obet.
"Abá! Malaki palá ang pakinabang ng mga bubuyog sa bulaklak," sambit ni Biboy.
"Pinakikinabangan din ng mga halaman ang bubuyog. Ito ay isa sa mga naglilipat ng polen ng mga
bulaklak. Ito ang proseso ng polinisasyon na siyang simula ng mumunting butil ng búhay sa mga halaman"
paliwanag ni Obet.
"Ang galíng mo, pinsan!" bulalas ni Biboy. Masayang nagtawanan ang dalawa at sabay na tumayo
patungo sa kusina subait tinawag ang kanilang pansin ng isang malaking paruparo.
"Abá, saan pupunta ang isang iyon?" pabirong sabi ni Obet.
"Ha-ha-ha! Binabati nila ang bakasyonista," tukso ni Biboy.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 1 | 13
"Abá, kung ganyan naman kaganda ang kulay ng paruparo na babati sa akin, buong giliw ko ring
babatiin," sagot ni Obet.
"Kayâ nga ba, lagi kong inaabangan ang pagbabakasyon dito. Nakagagaan ng pakiramdam ang mga
tanawin. Lahat ng nakikita ko'y nagpapaalala kung gaano kahalaga
ang lahat ng nilikha. Ang suwerte mo, Biboy, sapagkat ito ang araw-araw mong maipipinta sa iyong isipan."
Hindi nakakibo si Biboy sa narinig. Kailan ba nagkaroon ng halaga sa kanya ang mga naroon sa paligid?
Noong isang araw lamang ay tinapak- tapakan niya ang tipaklong sa damuhan at pinaghahampas ang mga
bubuyog sa halamanan. Kailan nga ba niya tuluyang pahahalagahan ang mga bagay at may búhay sa
kapaligirang kanyang kinagisnan? Sadyang karaniwan ang ganoong tanawin subalit tunay namang espesyal sa
paningin.

Kislap-Kaalaman

Ang kuwento ay masining at maikling pagsasalaysay. Itina- tampok sa salaysay ang


pangyayari sa búhay ng pangunahing tauhan. Mabilis ang takbo ng mga pangyayari na naglalayong
maikintal sa mambabasa ang aral na kaugnay ng buhay.

ARALIN 1 Magagalang na Pananalita

WIKA
Linangin Mo Na

Basahin ang.mga pahayag sa ibaba.


1. Magandang umaga po, Tiyo Lino.
2. lbig ko po sanang magpaalam. Maglalaro po lámang akó sandali sa bakuran.
3. Paumanhin po, hindi ko po uulitin ang aking ginawa.
4. Marami pong salamat!
Ano ang ipinahihiwatig ng mga pahayag na ito? Ano-anong salita ang nagsasaad ng paggalang?

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 2 | 13
Hasik-Isipan

Ang magagalang na pananalita ay mahalagang bahagi ng mahalagang ng


pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Ang paggamit ng magagalang na pagbati, pagpapahayag ng
pasasalamat, paghingi ng paumanhin, pagpapaalam, at maayos na pagsang-ayon o pagtutol ay
nagpapahiwatig ay bahagi ng pagiging mapitagan.
Sa paggamit ng magagalang na pananalita, mahalagang angkop din ang intonasyon o paraan
ng pagsasalita. Higit na nagiging mabisa ang paggamit nito kung maayos itong naipahahayag.

ARALIN 2 Pangngaalan at Uri Nito


WIKA
Linangin Mo Na

Basahin ang mga pangungusap.


1. Inalerto ni Director Renato Solidum ang mga mamamayan.
2. Pinakamahalaga sa lahat ang kaligtasan ng tao.
3. Sakop ng West Valley Fault ang Marikina, Pasig, at iba pang mga karatig siyudad at probinsiya.
Ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang may salungguhit? Alin sa mg salitang ito ang tumutukoy sa tiyak na
ngalan?
Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pangngalan. Maaaring ito ay tiyak na ngalan o
pangngalang pantangi.
Halimbawa: Bulacan, Renato Solidum

Mayroon ding pangngalang pambalana o di tiyak na ngalan. Nauuri ito sa pangngalang kongkreto o di
kongkreto.

Ang kongkretong pangngalan ay mga bagay o materyal na nakikita at nahahawakan.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 3 | 13
Halimbawa: pahayagan, telebisyon

Ang mga kongkretong pangngalan ay may uring lansakan at di lansakan.


Halimbawa: buwig, hukbo

Ang mga salitang buwig at hukbo ay nangangahulugan ng bilang, dami o kalipunan ng iisang uri ng tao, bagay,
o hayop. Tumutukoy naman sa pangngalang maaaring isa-isahin ang di palansak na pangngalan.

Halimbawa: kamag-aral, manlalaro


Ang mga di kongkretong pangngalan ay fumutukoy naman sa diwa, kaisipan, damdamin, at katangian.
Halimbawa: paghahanda, pagsisikap

Hasik-Isipan

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, at gawa. Mayroon itong
dalawang pangunahing uri. Ito ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana. Nauuri
naman ang pambalana sa kongkreto at pangngalang di kongkreto. Samantalang ang mga
kongkretong pangngalan ay maaari ding uriin sa dalawa.
Ito ay mga pangngalang lansakan at di lansakan.

ARALIN 3 Kasarian ng Pangngalan


. WIKA
Linangin Mo Na

Basahin ang pangungusap.

1. Ang mga Pilipino ay malapad sa pagkakaroon ng masaganang kalikasan.

2. Si Bernard Weber ang nagtatag ng New 7 Wonders Foundation.

3. Ang magkapatid ay namasyal sa Tagaytay.

4. Nakasakay sa kalesa ang magpipinsan habang namamasyal sa Vigan.


5. Pinuri ni Rosa ang hakbang na ginawa ng Kagawaran ng lurismo.

Ano-ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang may salungguhit? Ano ang kasarian ng mga pangngalang ito.

Kailanan
Kasarian Isahan Dalawahan Maramihan
Panlalaki Bernard Weber
Pambabae Rosa, babae Dalawang babae Kababaihan, ang/mga
babae/kababaihan

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 4 | 13
Di tiyak Pinsan, kapatid, Pilipino Magpinsan, Magpipinsan,
magkakapatid magkakapatid, ang/mga
Pilipino
Walang kasarian Kalesa Dalawang kalesa Ang/mga kalesa

Hasik-Isipan

Mauuri ang pangngalan sa iba'tibang kasarian. ltoay panlalaki, pambabae, di tiyak, at walang
kasarian. Mayroon ding kailanan ang pangngalan. Ito ay isahan, dalawahan, o maramihan.

ARALIN 4 Panghalip Panao


WIKA
Linangin Mo Na

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap.


1. Akó si Ulap, ang anak ni Pangarap.
2. Ikaw ang inaasahang magtatanggol sa ating pamilya.
3. Siya ay tapat na umibig kay Ulap.
Ang mga salitang may salungguhit ay ipinapalit o ipinanghahalili sa ngalan ng tao. Ito ay may kailanan na
isahan o maramihan. Mayroon din itong mga panauhan.

Ang panghalip na ginamit bilang paksa at kaganapang pansimuno sa pangungusap ay nasa kaukulang
palagyo.

Kailanan
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Una Ako Kita, tayo Kami
Ikalawa Ka, ikaw Kayo
Ikatlo Siya Sila

Halimbawa:
palagyo (paksa)
Ako ay tumatangkilik sa mga recycled na kagamitan.
REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA
AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 5 | 13
palagyo (kaganapang pansimuno)
Ang tagapagsalita ng kagawaran ay siya.

Nagpapakita naman ng pagmamay-ari ang panghalip na nasa kaukulang paari.

Kailanan
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Una Akin Atin Amin
Ikalawa Iyo Inyo
Ikatlo Kanya Kanila

Halimbawa:
paari (nagmamay-ari)
Kanya ang eco-bag na nakasabit.
Paukol naman ang kaukulan ng panghalip kung ang panghalip ay layon ng pang-ukol.
Kailanan
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
Una Ko Natin Namin
Ikalawa Mo Ninyo
Ikatlo Niya Nila

Halimbawa:
paukol (layon ng pang-ukol)
Para sa kanila ang pondo na nalikom sa World Tourism Day.

Hasik-Isipan

Ang panghalip panao ay mga salitang ipinapalit o ipinanghahalil sa ngalan ng tao.


Kaukulan ang tawag sa kakayahan ng panghalip na nagpapakita ng gamit nito sa
pangungusap. Ang palagyo, paari, at paukol ay mga kaukulan ng panghalip.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 6 | 13
ARALIN 5 Panghalip Pamatlig
WIKA
Linangin Mo Na

Basahin ang mga pangungusap.


1. Ito ang aklat na isinulat ni Ramon Cabanos Barba.
2. Hayun ang ginamit na kemikal para mamulaklak ang mga punong mangga.
3. Ganito ang pook na pinangarap ng magulang para sa kanyang mga anak.
4. Ang kaing ng mga bagong pitas na prutas ay narito na.

Ano-anong salita ang ginamit sa pangungusap na tumutukoy sa mga bagay o pook na itinuturo o
inihihimaton?

Hasik-Isipan

Ang panghalip pamatlig ay mga panghalip na ipinanghahalili o ipinapalit sa pagtuturo ng


mga pangngalan. Ito ay may limang uri: paturol, paari, patulad, paukol, at pahimaton. Ang
panauhan ng panghalip pamatlig ay nagsasaad ng distansiya o layo ng pangngalang kinatawan sa
taong nagsasalita at nakikinig batay sa limang uri.

Panauhan paturol patulad paari paukol pahimaton


Una
(Malapit sa ito ganito nito dito heto, eto
nagsasalita)
Ikalawa
(Malapit sa iyan ganyan nariyan diyan hayan, ayan
REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA
AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 7 | 13
kausap)
Ikatlo (Malayo
sa nag-uusap) iyon ganoon noon doon hayun, ayun

ARALIN 6 Panghalip Panaklaw


WIKA
Linangin Mo Na

Pag-aralan ang mga pangungusap.


1. Kumikilos ang lahat para maibsan ang labis na pag-init ng mundo.
2. May ilan naman na gindi nawawalan ng pag-asa na mawawakasan ang suliraning ito sa kapaligiran.
3. Ang iba ang nagsasawalang kibo pa rin.
4. Sinuman ang makarinig sab anta ng global warming ay talagang mababahala.

Ano ang ipianapahiwatig ng mga salitang lahat, ilan, at iba pa?

Hasik-Isipan

Ang panghalip panaklaw ay uri ng panghalip na may sinasaklaw na kaisahan, kalahatan,


bilang, o dami.
May panghalip na panaklaw na nagsasaad ng kaisahan tulad ng isa, bawat isa, o balang.
Mayroon din namang nagsasaad ng dami o katiyakan tulad ng ilan, madla, balana, iba, marami,
o tanan. Pawang nagsasaad ng katiyakan ang mga panghalip na ito.
Ang mga di tiyakan namang panghalip na panaklaw ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagdurugtong ng katagang man sa mga salitang ginagamit sa pagtatanong upang magpakita ng
kasaklawan. Halimbawa: anuman, sinuman, saanman, kaninuman, kailanman, at iba pang
kahawig na salita.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 8 | 13
‫مدرســــــة أكاديميـــــــة آسيـــا‬
In the name of Allah, Most Gracious, Most Merciful
’’

ASIA ACADEMIC SCHOOL, INC.


Don MC Enriquez Drive, Don Alfaro St., Tetuan, Zamboanga City
Contact No. (062) 955-8342 / (+63) 9153691045
Email address: aas.zambo2015@gmail.com

Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________


Baitang: _______________________ E-mail Address: yeshamaesaidul@gmail.com
ACTIVITY LEARNING SHEETS

Payamanin

Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang magkatulad ng baybay subalit magkaiba ng kahulugan. Isulat
sa linya ang titik ng tamang sagot.
________ 1. Hitik sa bunga ang mga punongkahoy.
________ 2. Ano ang magiging bunga ng iyong kasipagan sa pag-aaral?
a. resulta b. prutas

________ 3. Puno ng sigla at pag-asa ang mga Pilipino sa kabila ng dumating na pagsubok.
________ 4. Nagsisilbing tahanan ng mga ibon at kulisap ang mga puno.
a. pagkakaroon ng higit pa sa b. malalaking halaman na may mga
inaasahan sanga

________ 5. Pinuri ni Biboy ang galing ng kanyang pinsan.


________ 6. Saan galing ang orkidyas na iyon?
a. taglay na kakayahan b. lugar na pinagmulan

________ 7. Kaya kong umakyat sa mataas na punò.


________ 8. Dadapo kayâ sa waling-waling ang mariposa?
a. kasanayan o kakayahang b. isang pangatnig gumawa

________ 9. Abal Wala na ang mga bubuyog sa sanga.


________ 10. Malapit sa kanya ang mga kapos-palad at aba.
a. kahabag-habag b. ekspresyon ng pagkagulat

Talakayin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Saan naninirahan sina Obet at Biboy?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang pagkakaiba sa mga katangian ng magpinsan?


______________________________________________________________________________________
REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA
AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 9 | 13
______________________________________________________________________________________

Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________


Baitang: _______________________

3. Ano ang damdamin ni Tiyo Lino sa pagbabakasyon ng kanyang pamangkin? Bakit?


______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Biboy. palalampasin mo rin ba ang pagkakataong masaksihan ang mga
pambihirang tagpo sa kapaligiran? Bakit?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

5. Ano ang hanapbuhay ni Tiyo Lino? Ano-ano pang uri ng trabaho ang maaaring pasukin sa ganoong pook?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

6. Gaano kahalaga sa isang tao ang pakikiangkop sa kanyang kapaligiran?


______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Subukin Natin 01

Gawain A
Isulat ang iyong sasabihin batay sa sumusunod na mga sitwasyon.
1. Pinadalhan ka ng regalo ng iyong ninong at ninang para sa iyong kaarawan. Pinadalhan mo silá ng text
message.
______________________________________________________________________________________

2. Isang kilalang kolumnista ang sinusundan mo sa Twitter. Nais mong mag-tweet sa kanya para ipaabot ang
pagsang-ayon sa kanyang tweet tungkol sa #BasuraMoTaponMo.
______________________________________________________________________________________

3. Dumating ka buhat sa paaralan. Dinatnan mo ang iyong lolo at lola sa inyong bahay.
______________________________________________________________________________________

4. Maaga kang pumasok at nakasalubong mo ang iyong kamag-aral.


______________________________________________________________________________________

5. Hihiramin mo sa iyong nakatatandang kapatid ang kanyang akiat.


______________________________________________________________________________________

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 10 | 13
Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________
Baitang: _______________________

Subukin Natin 02

GawainA
Tukuyin ang uri ng mga pangngalang may salungguhit sa talata. Isulat ito sa tamang kolum.

Maging handa para mabawasan ang sakuna at maiwasan pagkawala ng búhay. Ito ay dapat nating isipin
bago pa man dumang ang kalamidad. Isa ito sa naging dahilan sa pagkakaroon ng Project NOAH o Nationwide
Operational Assessment of Hazards. lto ay proyekto ng Department of Science and Technology na naglalayong
mabigyan ang mga lokal na pamahalaan, pribadong kompanya, at indibidwal ng impormasyong makatutulong
upang epektibong makapagplano. Ang pagkakaroon ng makabagong kasangkapan at teknolohiya ay lubhang
mahalaga sa wasto at real time na pagtantiya sa dami ng tubig-ulan na bumabagsak. Sa tama at sapat na
kaalamang hatid ng proyektong ito, napabubuti ang operasyon at pagkilos ng kinauukulan tuwing darating ang
malakas na pag-ulan.

Pagngngalang pantangi Pangngalang kongkreto Pangngalang di kongkreto

Subukin Natin 04
Gawain A
Tukuyin ang kasarian ng mga pangngalang may salungguhit. Isulat sa linya ang sagot.
_________________ 1. pinakita ng guro ang mapa kung saan naroon ang Aliwagwag Falls.
_________________ 2. Nagpahayag ng kasiyahan ang kalihim ng Department of Tourism sa
suporta ng mga kabataan.
_________________ 3. Ipinangalan sa maybahay ni Pangulong uezon ang isa sa mga lalawigan
doon.
_________________ 4. Ipinagmalaki ng senador ang mga pook na nahirang bilang ASEAN
Heritage Park.
_________________ 5. Nanindigan ang pangulo na maaaring pagsabayin ang pagmimina at
ang pangangalaga sa kalikasan.

Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________


Baitang: _______________________

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 11 | 13
Gawain B
Ikahon ang pangngalang hindi dapat mapabilang sa pangkat. Ipaliwanag kung bakit ito naiiba.
1. Bulkang Mayon Kagawaran ng Turismo
Albay Kalihim Ramon R. Jimenez Jr.

2. turista bakasyonista
Manlalakbay abogado

3. magkakaibigan magkakamag-anak
Magpinsan magkakapitbahay

4. ina tiyo
Ama bayaw

5. Pilipinas Tagalog
Pilipino llocano

Subukin Natin 05

Gawain A
Tukuyin ang kailanan at ang panauhan ng mga panghalip na may salungguhit. Isulat ang sagot sa linya.
Kailanan Panauhan
__________ ___________ 1. Alam mo ba na ang ilang-ildng ay kahugis ng bituin?
__________ ___________ 2. Dinilig namin ang mga tanim na santan at gumamela.
__________ ___________ 3. Siya ang magsasabitng kuwintas na sampaguid sa panauhin.
__________ ___________ 4. Kayo baa ng nagsaliksik tungkol sa alamat ng dama de noche?
__________ ___________ 5. Inilagay niya sa plorera ang mga bulaklak ng santan.

Gawain B
Pilin ang panghalip at tukuyin ang kaukulan nito.
Panghalip Kaukulan
__________ ___________ 1. Nagmungkahi siya ng paraan para mapakina bangan ang mga
lumang papel.
__________ ___________ 2. Akin ang parol na gawa sa lumang karton.
__________ ___________ 3. Tayo ay dadalo sa seminar tungkol sa alternatibong
mapagkukunan ng enerhiya.
__________ ___________ 4. Para sa inyo ang mga bagong pitas na prutas.
__________ ___________ 5. Ayon sa kanya, patuloy na tumataas ang halu-migmig sa
Mindanao.

Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________


Baitang: _______________________

Subukin Natin 06

Gawain A

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 12 | 13
Palitan ng tamang panghalip na pamatlig ang pariralang pangngalan na may salungguhit. Isulat muli ang buong
diyalogo sa linya.

1. Betina (may hawak sa barong tagalog): Lolo, ang barong tagalog po


ba ay karaniwan nang isinusuot ninyo noon?
Betina: _______________________________________________________________________________
Lolo (malapit kay Betina): Oo, ang barong tagalog ay kadalasan ding suot namin sa mga espesyal na okasyon.
Lolo: _______________________________________________________________________________

2. Hinahanap ni Danica ang kanyang kuwaderno. Tinulungan siya ng kanyang tatay sa paghahandap.
Tatay (malapít sa kabinet): Danica, ang kuwaderno bang nasa itaas ng kabinet ang hinahanap mo?
Tatay: _______________________________________________________________________________
Danica (malayo sa kabinet): Ay, tama po kayol Ang kuwaderno pong nasa itaas ng kabinef ang hinahanap ko.
Salamat po!
Danica: _______________________________________________________________________________
3. Roy (kinukuha ang gamot sa lalagyan): linom akó ng gamot.
Roy: _______________________________________________________________________________
Tina (nakatingin at nakaturo sa gamot na kinuha ni Roy): Umiinom din akó ng gamot.
Tina: _______________________________________________________________________________

Subukin Natin 07 Petsa: ____________________

Gawain A
Bilugan ang bilang ng pangungusap na gumamit ng panghalip na panaklaw.
1. Ang solar energy ay isa sa earih friendly resources na pinanggagalingan ng enerhiya.
2. Ang ilan ay umayaw sa mataas na presyo ng solar panel na ilalagay sa mga bubong.
S. Kaya ng kawayan na sumipsip ng higif 33 porsiyento ng nakalalasong carbon dioxide.
4. Kailanman ay hindi naging sagabal sa kanyang pangarap ang kahirapan.
5. Anuman ang katayuan mo sa búhay, mayroon kang pananagutan sa kalikasan.
6. Iwasang bumili ng mga produkto na may kemikal na nakasisira sa atmospera.
7. Nakasalalay sa kamay ng madla ang pagsugpo sa climate change.
8. Ang komposisyon ng atmospera ay nagbabago dahil sa tindi ng polusyon.
9. Nabahala ang marami sa malawakang paggamit ng fossil fuel tulad ng langis at karbon.
10. Ang paglaki ng populasyon ay isa ring dahilan ng global warming.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIIPINO MGA


AWTOR: TSARISMA RAFAEL-GLORIA PRISCILA J. ANASTACIO 13 | 13

You might also like