You are on page 1of 3

Ang 

pangungusap  lupon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa o


kaisipan.

Dalawang bahagi ng pangungusap

Simuno/Paksa (subject)
Ito ang pinag-uusapan sa isang pangungusap.

Halimbawa:

1. Si Isabel ang kanyang matalik na kaibigan.

2. Nasa palaruan ang mga bata.

Panaguri (predicate)
Ito ang bahagi ng pangungusap kung saan tinutukoy nito ang simuno (kung ano ang
tungkol dito o kung ano ang ginagawa nito).

Halimbawa:

1. Bumibili si Vice ng damit para sa kanyang jowa.

2. Napagod sa pagkanta si Anne.

Uri ng pangungusap ayon sa gamit

 Pasalaysay (declarative) – nagsasalaysay o nagkukuwento ang mga


pangungusap na pasalaysay. Nagtatapos sa tuldok (.) ang mga pangungusap na
ito.

Halimbawa: Napakaganda ng bahag-haring nakita naming kahapon.

 Patanong (interrogative) – ang patanong ay ang mga pangungusap na


nagtatanong. Tandang pananong (?) ang ginagamit sa hulihan nito.

Halimbawa: Saan maaaring makabali ng iPhone 12?

 Pautos (imperative) – ito ay mga pangungusap na nag-uutos na gawin ang isang


bagay. Ginagamitan ito ng bantas na tuldok (.)

Halimbawa: Gumawa ka na ng takdang-aralin mo.

 Pakiusap – ito ay tulad din ng nag-uutos subalit may halong pakiusap. Ito ay
ginagamitan ng mga salitaang maaari ba, pwede ba, o katagang paki-. Sa tuldok
o pananong din nagtatapos ang pangungusap na pakiusap.
Halimbawa: Pakisara naman ng pintuan, Krista.

 Padamdam (exclamatory) – nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad ng


takot, pagkagulat, galit, at iba pa. Ginagamitan naman ito ng bantas na
padamdam (!)

Halimbawa: Aray! Ang sakit ng kagat ng lamok!

Uri ng pangungusap ayon sa ayos

 Karaniwan – nasa karaniwang ayos ang pangungusap kung ang panaguri ay


nauuna sa simuno.

Halimbawa:

Bumili ng bagong bahay si Willie.

Sasali sa Ms. Universe si Pia.

 Di-karaniwan – ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos kung ang simuno


ay nauuna sa panaguri.

Halimbawa:

Si Willie ay bumili ng bagong bahay.

Si Pia ay sasali sa Ms. Universe.

Uri ng pangungusap ayon sa kayarian


Ang pangungusap ay may apat na uri ayon sa kayarian nito.

1. Payak
Ito ang pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o isang kaisipan lamang. Ito ay
maaaring may payak o tambalang simuno o panaguri.

Halimbawa:
Ang tamaraw ay kabilang sa mga hayop na nanganganib ng maubos.
Mahusay na aktor si Piolo Pascual.

2. Tambalan
Ito ay nagtataglay ng dalawang kaisipan o higit pa. Binubuo ito ng dalawa o higit pang
payak na pangungusap. Ginagamitan ito ng pangatnig.

Halimbawa:
Ang panganay nilang anak ay mahilig mang-asar samantalang ang bunso naman ay
mapagmahal.
Kaarawan ni Tatay ngayon kaya nagluto si Nanay ng masarap na ulam.
3. Hugnayan
Ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di
makapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng pangatnig.

Halimbawa:
Masaya ang mga bata dahil sa mga palaro.
Mahal kita bilang kaibigan.

4. Langkapan
Ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na makapag iisa o
sugnay na di makapag iisa.

Halimbawa:
Kapag yumaman ako, bibilhin ko lahat ng bagay na gusto ko at maglalakbay ako sa
buong mundo.

Bibili ako sa palengke habang maaga pa dahil dito kakain ng hapunan sila Lolo.

You might also like