You are on page 1of 82

Yunit 1: Panitikan ng Mediterrean

Aralin 1: “ Si Orpheus at si Euridice”

(Mitolohiyang Griyego)

Learning Outcomes: At the end of the lesson, you are expected to do the following;

 Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan/nabasang mitolohiya.

 Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyari sa sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. F10PB-Ia-b-62
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. F10PT-Ia-b-61
 Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiyaF10PD-Ia-b-61
 Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay F10PS-Ia-b-64
 Nagagamit ng wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksiyon, pangyayari at karanasan.

Mitolohiya

Ang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat. Ito ay ang
kuwentong naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba,
dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Sa Pilipinas, ang mitolohiya ay makikita sa mga kuwentong-bayan. Ang mga kuwentong ito ay may
mga tauhang tulad ng anito, diyos, diyosa at iba pang mga nilalang tulad ng duwento, tikbalang,
aswang at iba pa.
Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo ng
kilala bilang Hellenismos.
Ang mga modernong iskolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang magbigay-linaw sa mga
institusyong relihiyoso at pampolitika ng sinaunang Gresya at ng kabihasnan nito.
Umunlad ang kabihasnang Griyego sa dalawang yugto. Noong Panahong Hellenic, ito ang pag-unlad ng
kabihasnang nakapaloob lamang sa Greece.
Tumutukoy ang Panahong Hellenic sa dakilang panahon ng pamamayagpag ng kabihasnang Griyego.
Kulturang Hellenic ang tawag sa kulturang Griyego.
Tumutukoy ang Panahong Hellenic sa dakilang panahon ng pamamayagpag ng kabihasnang Griyego.
Kulturang Hellenic ang tawag sa kulturang Griyego.
Ang ikalawang yugto ay panahong Hellenistic. Ang paghahalo ng kulturang silangan at kanluran ay
nagbunga sa bagong kultura na tinatawag na Hellenistic.

Page 1
Mitolohiyang Griyego

Greek-Zeus / Roman-Jupiter

 hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at panahon, pinagharian niya lahat ng diyos mula sa
kanyang Palasyo na nasa taas ng Bundok ng Olimpo
 tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
 asawa niya si Juno
 Ang sandata niya ay ang kidlat na may kasamang malakas na kulog
 Ang ama ni Zeus sa mitolohiyang Griyego ay si Cronus

Greek-Hera / Roman-Juno

 reyna ng mga diyos

 tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa,
 asawa ni Jupiter
 Ang “Hera” ay nangangahulugang “dilag” o “luningning ng kalangitan

Greek-Poseidon / Roman-Neptune

 kapatid ni Jupiter
 hari ng karagatan, lindol
 kabayo ang kaniyang simbolo

Greek-Hades / Roman-Pluto

 kapatid ni Jupiter
 panginoon ng impiyerno

Greek-Ares / Roman-Mars

 diyos ng digmaan
 buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya

Greek-Apollo / Roman-Apollo

 diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan

 diyos din siya ng salot at paggaling
 dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

Greek-Athena / Roman-Minerva

Page 2
 diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
 kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya

Greek-Artemis / Roman-Diana

 diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan

Greek-Hephaestus / Roman-Vulcan

 diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

Greek-Hermis / Roman-Mercury

 mensahero ng mga diyos,

 Bihasa sa paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at panlilinlang

Greek-Aphrodite / Roman-Venus

 diyosa ng kagandahan, pag-ibig,

 kalapati ang ibong sumisimbolo sa kaniya

Greek-Hestia / Roman-Vesta

 kapatid na babae ni Jupiter

 diyosa ng apoy mula sa pugon

Page 3
Kayarian ng Salita

1. PAYAK- Salitang ugat lamang o simpleng mga salita.

Ang salita kung wala itong panlapi, walang katambal at hindi inuulit. Binubuo ito ng salitang ugat
lamang.

HALIMBAWA
Anak kapatid bahay

2. MAYLAPI- -Ang kayarian ng salita kung binubuo ito ng salitang ugat na may
kasamang panlapi.

Mga panlaping ikinakabit sa salita

• Unlapi—panlaping ikinakabit sa unahan ng salita

HALIMBAWA: maginhawa, umasa, nagsisi

 Gitlapi– panlaping nasa gitna ng salita

HALIMBAWA: tumawa, tinapos

 Hulapi– Panlaping ikinakabit sa hulihan ng salita

HALIMBAWA: usapan, mithiin

 Kabilaan– panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita.

HALIMBAWA: kabaitan, patawarin

 Unlapi at Gitlapi– Panlaping ikinakabit sa unahan at gitna ng salita

HALIMBAWA: isinulat, ibinigay

 Gitlapi at Hulapi– panlaping ikinakabit sa gitnang bahagi at hulihan ng salita.

HALIMBAWA: pinuntahan, sinamahan

• Laguhan– panlaping ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salita,

Page 4
HALIMBAWA: pinagsumikapan,magdinuguan

3. TAMBALAN- Ang kayarian ng salita kung ito ay binubuo ng dalawang salitang

pinagsasama-sama para makabuo ng isang salita lamang.

May Dalawang Uri ng Tambalan

 Tambalang di-ganap-kapag ang kahulugan ng salitang pinagtambal ay nananatili.

HALIMBAWA: bahay-kubo, patay-gutom

 Tambalang ganap -kapag nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa kahulugan ng dalawang

salitang pinagsama.

HALIMBAWA: Dalagambukid, bahaghari

4. INUULIT- Ang kayarian ng salita kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa
dakong unahan ay inuulit.

Ibat-ibang Uri ng Pag-uulit

 Inuulit na ganap– buong salitang ugat ang inuulit.

HALIMBAWA: Gabi-gabi, araw-araw

 Inuulit na parsiyal– isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit

HALIMBAWA: lilima,pupunta

 Magkahalong ganap at parsiyal– buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit.

HALIMBAWA: iilan-ilan,tutulog-tulog

Page 5
Pokus ng pandiwa

Ito ay tumutukoy sa relasyon o ugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.

iba’t ibang Uri ng Pokus ng Pandiwa

1.Pokus sa Tagaganap

Ang paksa ng pangungusap ang gumagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Panlapi: nag-/mag-/na-/

Sumasagot sa tanong na sino?

Halimbawa: nagsalita si dr. Cruz

2.Pokus sa Layon

Ang layon ang binibigayang-diin sa pangungusap ng paksa.

Panlapi: -in/in-/-i

Sumasagot sa tanong na ano?

Halimbawa: nilinis niya ang kuwarto.

3.Pokus sa Gamit

Ang paksa ng pangungusap ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos
ng pandiwa.

Sumasagot sa tanong na sa pamamagitan ng ano?

Halimbawa: ipanlaba mo ang sabong perla.

4.Pokus sa Sanhi

Nakapokus ang pandiwa sa dahilan.

Sumasagot sa tanong na bakit?

Halimbawa: ikinatuwa ko ang pagkapanalo mo.

Page 6
5.pokus sa ganapan

Ang lugar ang pokus ng pandiwa

Sumasagot sa tanong na saan?

Halimbawa:

Pinag-initan ko ng tubig ang bagong kaldero.

6.Pokus sa Tagatanggap

Pinaglalaanan o pinag-uukulan sa kilos ng pandiwa ang paksa.

Panlapi: i-/-ipa/ipag-

Sumasagot sa tanong na para kanino?

Halimbawa: ipinagluto ko si nanay maring.

7.Pokus sa Direksiyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon

Sumasagot sa tanong na tungo,saan,kanino?

Halimbawa: pupunta kami sa manila zoo.

Page 7
IBA’T IBANG GAMIT NG PANDIWA

1. Magpakita ng kilos ng aktor o tagaganap

May aksiyon ang pandiwa kapag may aktoro tagaganap ng aksiyon o kilos.Mabubuo ang mga
pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping, -um, mag-, ma-, mang-, maki-, mag-an. Maaring tao o
bagay ang aktor.

HALIMBAWA:

 Bumalik si Orpheus sa mundong nasa ilalim ng lupa nang mamatay ang kaniyang asawa.
 Nakiusap ang binatang muling ibalik sa kaniya ang kaniyang iniibig.

2. Magpahayag ng Karanasan

Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng
damdaming inihuhudyat ng pandiwa.Maaaring magpahayag ang pandiwa ng
karanasan,damdamin/emosyon.

HALIMBAWA:

 Nasiyahan ang diyosa sa ilalim ng lupa nang marinig ang kaniyang malamyos na tinig.

 Nabagot siya sa kahihintay sa tugon ng kaniyang kausap.

3. Nagpapahayag ng resulta ng isang pangayayari

Ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng isang pangyayari.

HALIMBAWA:

 Nagdiwang ang buong kaharian sa pakakaligtas niya sa anak ng hari at reyna.

 Ang kanilang pamilya ay naghahandog ng pasasalamat dahil sa pagkakatanggap ng

maraming biyaya sa kanilang buhay.

Page 8
Gawain 1: Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin ang kuwento ng pag-iibigan nina “Orpheus at si Euridice” sa pahina 3 hanggang 5
at sagutin ang mga sumusunod na katanungan ang inyong mga sagot ay isulat sa malinis na
papel.

Gawain 2: Kaya ko!

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa mitolohiyang “ Si Orpheus at si Euridice”

1. Ano ang isang katangiang taglay ni Orpheus na iyong hinangaan at bakit?

________________________________________________________________________________

2. Kung ikaw si Orpheus, handa mo bang ialay ang sarili mong buhay para sa iyong
minamahal?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Ano ang aral na iyong natutunan sa mitolohiyang iyong nabasa?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Para sa iyo , ano ang kahulgan ng salitang pag-ibig ?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Page 9
Gawain 3: Pagsulat ng Kuwento

Bumuo ng isang maikling kuwento na may kaugnayan sa mitolohiyang napakinggan.

____________________________________________________________

(Pamagat)

Page 10
Gawain 4: Grapikong Pantulong

Batay sa mensaheng iyong nakuha mula sa akda, iugnay ito sa iyong karanasan, pamilya, lipunan at bansa.
Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.

Sarili

Lipunan Mensahe mula sa akda: Bansa

Pamilya

Page 11
Gawain 5: Pagtukoy ng mga Salita

Tukuyin ang salitang may salungguhit kung anong kayarian ito at iugnay ang kahulugan nito batay
sa kayarian nito.

Ang kapatid na nagpatawad ay nakahanap ng kanyang mamahalin. Nagpasiya siyang pakasalan na

nag dalagang napusuan. Noong una ay urong-sulong pa ito sa kanyang alok na pagpapakasal,
gabi-gabi niya itong pinaghahandaan. Hinandugan niya ito ng singsing at kuwintas. Sa
araw ng kanilang kasal ay dumating ang maraming kapitbahay. Daan-daang tao ang dumating
upang makisaya. Halos mapuno ang kanilang bakuran ng mga bisita. Bumaha ng mga pagkain at
inumin. Mababakas mo ang umaapaw na kaligayahan sa mukha ng bagong kasal. Para sa kanila,
ulit-ulitin man ang seremonya ay hindi sila magsasawa.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Page 12
Gawain 6: Pagbuo ng Pangungusap

Bumuo ng 3 salita na naglalaman ng bawat kayarian ng salita at bigyang kahulugan ang salitang
ito.

Payak

1.

2.

3.

Maylapi

Unlapi

1.

2.

3.

Gitlapi

1.

2.

3.

Hulapi

1.

2.

3.

Kabilaan

1.

2.

3.

Page 13
Laguhan

1.

2.

3.

Unlapi at Gitlapi

1.

2.

3.

Gitlapi at Hulapi

1.

2.

3.

Inuulit

Di-ganap

1.

2.

3.

Ganap

1.

2.

3.

Page 14
Tambalan

Tambalang Ganap

1.

2.

3.

Tambalang Parsiyal

1.

2.

3.

Pinaghalong ganap at parsiyal

1.

2.

3.

Page 15
Gawain 7: Pagsusuri sa pinanood

Panoorin ang kuwento ni “Cupid at Psyche” sa youtube

(https://m.youtube.com/watch?v=ersuwip0UF4) at sagutin ang mga sumusunod na
kasagutan.

1. Ano ang mensahe ng napanood na mitolohiya?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________

2. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa

kaniyang buhay?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________

3. Ipaliwanag ang “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________

Page 16
Gawain 8: Pag-unawa sa napanood

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa kuwento ng “Si Cupid at Psyche”

1. Saan patungkol ang mitolohiyang “Si Cupid at Psyche”?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________

2. Ano ang masasabi mo patungkol sa mitolohiya ng griyego?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____

3. Kung may pagkakataong baguhin ang kuwento, saang bahagi ito at bakit?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____

Page 17
Gawain 9: Gawaing Komunikatibo

Sagutin ang mga sumusunod na gawain sa pahina 17-20.

Gawain 10: Pagbibigay Halimbawa

Gamitin sa pangungusap ang mga halimbawa ng pokus ng pandiwa at tukuyin sa pangungusap

ang ginamit na pandiwa sa pamamagitan ng paglalagay ng salungguhit.

1.Pokus sa Tagaganqp

a.

b.

c.

2. Pokus sa Layon

a.

b.

c.

3. Pokus sa Gamit

a.

b.

c.

4. Pokus sa Ganapan

a.

Page 18
b.

c.

5. Pokus sa Sanhi

a.

b.

c.

6. Pokus sa Tagatanggap

a.

b.

c.

7. Pokus sa Direksiyon

a.

b.

c.

Page 19
Gawain 11: Pagbuo ng Maikling Kuwento

Sumulat ng isang maikling kuwento na nagtataglay ng paghahambing patungkol sa ating kultura at

kultura ng pinakapaborito mong bansa.

Page 20
Yunit 1: Panitikan ng Mediterrean

Aralin 2:(Parabula mula sa Syria)

Learning Outcomes: At the end of the lesson, you are expected to do the following;

 F10PN-Ib-c-63 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng

katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
 F10PB-Ib-c-63 Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit
ang mga ibinigay na tanong.
 F10PT-Ib-c-62 Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda.
 F10PT-If-g-66 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa
akda batay sa konteksto ng pangungusap
 F10WG-Ib-c-58 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas).
 F10PN-Ic-d-64 Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media

Parabula

Ang salitang parabula ay buhat sa salitang nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang

bagay upang pagtularan. May mga mahalagang mensahe para sa pang-araw araw na
pamumuhay.
Ito ay maikli,praktikal, at kapupulutan ng mga ginintuang aral. Ang mga unang parabula ay
nagmula sa ating Panginoong Hesus. Hangarin ng Panginoong Hesus na bigyan ang tao ng
ideya patungkol sa kaharian ng Diyos, kung kaya’t ginamit niya ang kuwento o parabula.
Sa bansang Syria, ang tinitingalang manunulat ay si Ephrem. Siya ay nakabuo ng
maraming prosa at iba pang malikhaing tula. Siya ay kinikilala ng iba pang mga manunulat dahil
sa kadakilaan ng kaniyang mga nilikha.

Tatlong pangunahing mensaheng Parabula

• Una, nagpapahiwatig sa Kaharian ng Diyos.
• Ikalawa, nagpapakita ng kaugalian ng tao patungkol sa Diyos.
• Pangatlo, nagsasaad ito ng katotohanan

Page 21
Ang Syria ai isang bansa sa Timog Kanlurang Asya. Nasa hangganan ng Lebanon, Israel, Jordan,
Iraq at Turkey. Sa Imgles, ang pangalan “Syria” ay dating magkasing kahulugan sa Levant (kilala
sa Arabic bilang al-sham) sumasaklaw sa mga modernong estado ang katatagpuan ng ilang mga
sinaunang kaharian at imperyo.

PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN
Maraming paraan ng pagpapahayag ng damdamin. Isa sa pinaka epektibong paraan ay ang
paggamit ng wika o mga salitang naglalarawan ng iyong nararamdaman para sa isang tao,paksa o
pangyayari.

Mabilis mong malalaman na ito’y pangungusap na padamdam dahil sa tandang padamdam na “!”

Halimbawa:
 Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
 Napakasakit na malamang ang sariling anak ang pumatay sa ama!

Ang mga sambitla ay iisahil o dadalawahing pantig na nagpapakita ng matinding damdamin.

Halimbawa:
 Aray! Ako’y nasugatan sa kutsilyo.
 Wow! Ang bango ng damit mo, Peter.

Mayroon ding mga pangungusap na nagsasad ng Tiyak na damdamin o emosyon ng isang

indibidwal.Ang mga ito ay pangungusap na pasalaysay. Dahil dito, hindi ito nagsasaad ng
matinding damadamin. Ngunit nagpapakita pa rin ito ng damdamin at emosyon.

Halimbawa:
 Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang taong nagmamahal sayo sa kabila ng mga
kamaliang nagawa mo.

 Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit iniwan siya ng kaniyang kasintahan, halos 5
taon na silang magkasama.

 Pagkalungkot: Masakit isipin na sa tagal naming magkasama at magkakilala ay mauuwi

nalang sa pagiging istranghero.

 Pakagalit: Hindi dapat abusuhin ang may mabuting kaloooban.

 Pagsang-ayon: Tama ang naging desisyon niya na kalimutan ang dating kasintahan.

Page 22
 Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang dalaga.

Mga Panandang Pandiskurso

Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit
ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya.
Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa komunikatibong gramatikang ito
ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga
pangyayari sa bawat bahagi, madali ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May
mga angkop na pang- ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan ang mga nakatalang
impormasyon tungkol dito upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa
pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan.

Alam mo ba na...

ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso?

Narito ang mahahalagang gamit nito:

a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod- sunod ng
mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang:
pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at
layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na
pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga
at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

Page 23
MGA MAHALAGANG KAALAMAN NA DAPAT TANDAAN;
 Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.

 Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao.

 Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.

 Ang pang-ugnay o panandang pandiskurso ay ginagamit sa pagsusunod-sunod ng mga

pangyayari . Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw,
sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

 Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging iyo ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at

layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang
na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad
ng bunga at resulta. Ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at
bunga.

Page 24
Gawain 1: Pagsusuri

Basahin ang “Talinhaga ng Isang Pastol” sa pahina 23 at punan ang hinihinging

kasagutan sa talahanayan.

KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG ASAL

Page 25
Gawain 2: Pagsusuri ng Parabula

Basahin ang parabula at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Tusong Katiwala (Lukas 16: 1-15)

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala.
May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang
katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang
sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin!
Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano
ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan
ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7)
At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang
trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri
ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga
bagay ng mundong ito.

At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan
ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.

Page 26
Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang
mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na
kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin
ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang
marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi
niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-
suklam sa paningin ng Diyos.

1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong
may obligasyon sa kaniyang amo?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala
para sa iyong negosyo?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa

kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong nalulugi ang
Page 27
iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
_____________________________________________________________________________

6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

7. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng ibig ipahatid ng

binasang parabula?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

8. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

9. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang ng mensahe

nito? Patunayan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 3: Pagsusuring Nilalaman

Page 28
Suriin ang mga pangayayari sa parabula batay sa nilalaman, kakanyahan at
elemento. Ilagay ang iyong kasagutan sa mga kahon

PARABULA NILALAMAN ELEMENTO KAKANYAHAN

Gawain 4: Paglalahad

Page 29
Ilahad ang mga elemento ng parabula at tukuyin ito mula sa kuwento.

ELEMENTO NG PARABULA

Gawain 5: Pagbibigay-puna

Page 30
Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa
pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula.
Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.

__________1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”

__________2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”

__________3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.”

__________4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo
sa tahanang walang hanggan.”

__________5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay
sa inyo ng talagang para sa inyo?talagang para sa inyo?

lungkot galit panghihinayang

pagtataka pagkaawa pag-aalinlangan

Gawain 6: Paglalahad

Basahing muli ang “Talinhaga ng isang Pastol” at tukuyin ang mga ekspresyong

Page 31
ginamit na nagpapahayag ng matinding damdamin at gamitin sa pangungusap.

Mga Ekspresyon Gamit sa Pangungusap

 Maligaya  Ako ay maligaya ng
makita ka.

Gawain 7: Gawaing Komunikatibo

Page 32
Gawin ang mga pagsasanay sa pahina 29 hanggang pahina 32. Isulat ang inyong kasagutan sa
malinis na papel.

Gawain 8: Sequencing

Panoorin ang sumusunod na parabulang Krisyano.

“Ang Mabuting Samaritano https://www.youtube.com/watch?v=7orqDEEMmzU

Muling isalaysay ang napanood na Parabula. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba na gumagamit
ng mga pang-ugnay sa pagsasalaysay (tuon sa pagsisimula,pagpapadaloy ng mga pangyayari at
pagwawakas).

Parabula:______________________________________

Pagsisimula

Gitna

Page 33
Wakas

Gawain 9: Paghahanap ng impormasyon

Page 34
Makinig o manood ng balita patungkol sa napapanahong isyu ng bansa, gamit ang graphic
organizer ilahad ang ideya at impormasyong napakinggan o napanood.

Pangunahing Paksa:

Mga impormasyon at Ideya

Gawain 10: Napapanahong Isyu

Page 35
Panoorinsa youtube ang https://youtu.be/lC1VNXxKxzQ at ilahad ang mga impormasyong iyong
nakalap.

Yunit 1: Panitikan ng Mediterrean

Page 36
Aralin 3: (Maikling Kuwento ng Pransiya)

Learning Outcomes: At the end of the lesson, you are expected to do the following;

 F10PB-Ic-d-64 Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento.
 F10Pt-Ic-d-63 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.
 F10PD-Ic-d-63 Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig.
 F10PU-Ic-d-66 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig;
 F10WG-Ic-d-59 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw
 F10WG-If-g-61Nagagamit ang angkop ba mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.

MAIKLING KUWENTO

Ang France o French Republic ay isang malayang bansa sa Kanluran ng Europe. Ang France ay
pangatlo sa pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europe at European Union. Ang kapitolyo ng
France ay ang Paris, ang pinakamalaking lungsod ng bansa at sentro ng kultura at komersyo.
Katulad ng iba pang bansa sa Mediterranean, mayaman sa panitikan ang France. Ang panitikang
ito ang nagsisilbing kanlungan ng kanilang mga sinaunang kaugalian tradisyon, at kultura sa
kabuuan.

Ano ang Maikling Kwento?

Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa
buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Ito ay ayon sa kinikilala ng mga dalubhasa
na ama ng makabagong maikling kwento na si Edgar Allan Poe.

Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y
maaring maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang patungkol sa
kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
Iba-iba rin ang istilo ng mga manunulat sa paggawa ng akda. Kung ang layunin ng manunulat ay
aliwin ang mga mambabasa, maaaring sa magaan na paraan lamang niya tinatalakay ang mga
pangyayari. Ang iba nama’y gumagamit ng mabibigat na salita upang magdulot ng mas malalim na
pang-unawa ng mambabasa sa kalagayan at karanasan ng tao kung saan hango ang kwento.

Sa pamamagitan ng mga tauhan, ng tagpuan, at banghay ng maikling kwento naihahatid ng

isang kwentista ang mga imahinasyong nabuo sa kanyang malawak na kaisipan.

Page 37
Sangkap ng Maikling Kwento

Ang mga bahagi at sangkap ng isang maikling kuwento sa filipino:

Simula

Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-
sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring
bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga
aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi
ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna

Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan
ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang
tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng
unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang
katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang

huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas
ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito,
ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Mga Salik ng Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay mayroong tatlong salik: ang Tauhan, Tagpuan, at Banghay. Sa

pamamagitan ng mga ito naihahatid ng isang manunulat mga kwentong nabuo sa kanyang isip.
Ang Tauhan ang siyang nagdadala ng suliranin at nagiging basehan sa kung anong magiging
takbo ng kwento. May tatlong dimensyon na naglalarawan sa isang tauhan. Iyon ay ang pisikal

Page 38
(pisikal na anyo ng mga tauhan), pisiyolohikal (estado sa lipunan ng tauhan) , at sikolohikal (mga
paniniwala ng tauhan).
Ang Tagpuan naman ang lugar na pinangyarihan ng kwento. Ang kapaligiran kung saan naganap
ang kwento ay nakakaapekto sa pakikipagtunggali at pagpapasiyang ginagawa ng mga
pangunahing tauhan.
Ang Banghay ay ang mga pangyayaring nagpapaunlad sa suliranin at tunggaliang dadalhin ng
mga pangunahing tauhan at kung paano niya ito haharapin.

Upang maihanda ka sa gagawin nating pag-aaral sa panitikan ng

France at upang mapatunayan mo na masasalamin sa katauhan ng mga
tauhan sa kuwento ang pag-uugali ng mga taong pinanggalingan ng akda,
sulyapan mo ang tekstong “Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyonˮ upang
mabigyan ka ng kabuuang pananaw ng kanilang kultura.
Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon

Isinalin sa Filipino ni Joselyn C. Sayson

Kadalasan ay kinakabit ang kulturang Pranses sa Paris, na sentro ng moda, pagluluto, sining at
arkitektura, subalit ang buhay sa labas ng Lungsod ng mga Ilaw ay ibang- iba at nagkakaiba sa
bawat rehiyon. Magugunita na ang kultura ng France ay naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-
Roman Culture, gayundin ang Franks, isang tribong German. Ang France ay una nang tinawag na
Rhineland subalit noong panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag na Gaul.

Habang ang malawak na pagkakaiba ay naghiwalay sa mga lungsod at punong - lungsod, sa loob
ng nakalipas na 200 taon na digmaan – ang Digmaang Franco- Prussian, Unang Digmaang
Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig – nagkaroon ng magkaisang lakas.

Mga Wika sa France

French ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan, subalit may iba pang wika ang mga
rehiyon. Ang French, ang wikang opisyal ng France ay ang unang wika ng 88% ng populasyon
samantalang ito naman ang ikalawang wika ng mga tao rito na hindi French ang mother tongue o
unang wika.

Tinatayang 3% ng populasyon ay nagsasalita ng wikang German, nangingibabaw ito sa mga

probinsiya sa silangan, at may maliit na pangkat na nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-Silangan.
Arabic ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit.

Italian naman ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy, at

Basque na ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border.

Ang iba pang wika ay Catalan, Breton (the Celtic language), Occitan dialects, at mga wika mula sa
dating kolonya ng France tulad ng Kabyle at Antillean Creole.

Page 39
Relihiyon ng France

Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France – tinatayang 80% ay nagsasabing sila ay Katoliko.
Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam, (karaniwang relihiyon ng mga dayuhan mula sa
hilagang Africa), Protestante, at Judaism.

Pagpapahalaga ng mga taga-France

Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan at karaniwang

nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong komento tungkol sa kanilang bansa. Ang pag-uugali
nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano na kawalang-galang.

Ang ekspresiyong “chauvinism” ay nagmula sa France. Bagaman ang kababaihan ay gumaganap

ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo, marami pa rin ang naniniwalang ang France ay
male-dominated culture.

Niyayakap ng mga taga-France ang estilo at sopistikasyon at ipinagmamalaki nila ang

katotohanang kahit sa mga pampublikong lugar ay mala-maharlika sila.

Ang mga taga-France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang pagkakapantay-pantay, at

ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa: “Liberte, Egalite, Fraternite.” Marami ang nagsasabi na
mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay- pantay kaysa kalayaan at pagkakapatiran, ang
dalawang huling salita sa kanilang motto.

Lutuin

Ang pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at maraming mga pagtitipon
ang nagaganap sa isang marangyang hapunan. Palaging may tinapay sa bawat oras ng pagkain, at
karaniwan nang makakita ng mahaba, crusty baguettes na iniuuwi sa bahay. Ang keso ay
mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing French.

Bagaman marami na ang pagbabago sa estilo ng pagluluto, marami pa rin ang nag-uugnay sa
kanilang lutuin sa malapot na sarsa at komplikadong paghahanda. Ang ilan sa matataas na uri ng
pagkain nila ay boeuf bourguignon – nilagang baka na kinulob sa red wine, beef broth at nilagyan
ng bawang, sibuyas at kabute – at coq au vin, ulam na may manok, alak na Burgundy, Jardons
(maliliit na hiwa ng taba ng baboy), button mushrooms, sibuyas at maaari ring lagyan ng bawang.

Page 40
Pananamit
Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay
kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay
sopistikado kung manamit, disente at sunod sa uso ( professional and fashionable
style), ngunit hindi sobra sa dekorasyon (overly fussy). Ang karaniwang damit nila
ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at
malalambot na sombrero.

Sining
Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France – lalo na sa Paris at iba pang
pangunahing lungsod – at ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at
Neoclassic ay makikita sa maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali.

Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang ang Espanyol na si

Pablo Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa
Paris, at sila rin ang nagpasimuno ng impressionism movement.

Ang Louvre Museum sa Paris ay ilan sa pinakamalalaking museum at ang

tahanan ng maraming kilalang gawa ng sining, kasama na ang Mona Lisa at Venus
de Milo.

Mga Piyesta at Pagdiriwang

Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga
Kristiyano tulad ng Pasko at Mahal na Araw. Inaalaala din nila ang May Day, kilala
rin bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay sa
Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa
Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Araw ng Bastille ay
ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay
binagyo ng mga rebolosyunista upang masimulan na ang Rebolusyon sa France.

French Culture: Customs and Traditions – LiveScience, kinuha noong Disyembre 3,

2014; Mula sa www.livescience.com/39149-french-culture.html
PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW

 Sa pagbibigay ng opinyon o sariling pananaw, makabubuti kung sapat

ang kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing
mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap
ang mga opinyon.
 Mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga salita upang maging
kapani- paniwala o kahika-hikayat ang pahayag.
 Upang makabuo ng sariling opinyon gamitin ang mga panandang diskurso
gaya ng para sa akin, sa tingin ko, kung ako ang tatanungin, nakikita ko, sa aking
palagay,

ANAPORA AT KATAPORA

Page 41
Anapora-Ang anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa
mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.

Halimbawa:

1. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro
ng moda, pagluluto, sining at arkitektura.

2. Ang France ay una nang tinatawag na Rhineland. Noong panahon ng Iron Age at
Roman era, ito ay tinatawag na Gaul.

3. Hindi nakapagtataka ang matinding pagnanais ni Matilde na magkaroon ng

magarang damit para sa kasayahan. Siya ay isang babaeng Frances na kilala sa
pagkakaroon ng pinakamainam na moda sa pananamit.

4. Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kanilang na ang espanyol na sina

Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng insoirasyon sa Paris, at sila
rin ang nagpasimuno ng impressionism movement

2. Katapora-Ang katapora ay mga reperensiya na bumabanggit, at tumutukoy sa mga

bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.

Halimbawa:

1.Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain at alak.
Ang mga taga- France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.

2.Labis ang kaniyang pagdurusa at hinagpis dahil sa may paniniwala siyang isinilang
siya sa daigdig upang magtamasa nang lubos na kaligayahan sa buhay. Taglay ni
Mathilde ang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyang kalagayan sa buhay.

MGA SALITANG MAGKAKATULAD O MAGKAKAPAREHO ANG KAHULUGAN*

 Ang mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan ay tinatawag na
kasingkahulugan o Synoyms sa Ingles. Ito ay mga salitang kagaya, katulad o
kaparehong ibig sabihin at implikasyon ng isang salita.
-

https://brainly.ph/question/513209

 Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang

kahulugan o ibig sabihin.

 Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga salitang

naglalarawan.

 Ang mga Pang-uri ay may mga kasingkahulugan. Tingnan ang mga

Page 42
halimbawa.
1. maganda marikit
2. masaya maligaya
3. mayaman masalapi
4. mataas matangkad
5. matulis matalim

 Ang mga salitang naglalarawan ay nagsasabi ng katangian gaya ng

uri, anyo, kulay, laki, amoy, lasa at kayarian ng tao, hayop,
bagay at pook o lugar.
 Mga salitang naglalarawan na angkop lamang gamitin sa tao, hayop, bagay, at pook
o lugar.
 Tao maganda, mabait, masaya
 Hayop maamo, mailap, maliit
 Bagay mabango, maliit, magara
 Pook malayo, malapit, tahimik
 Tandaan na mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang madaling
maibigay ang kasingkahulugan nito. Samadaling salita dapat mayroon kang malawak
na bokabularyo nang saganoon ay madali mong matukoy ang kasingkahulugan nito.
Para magawa ito ay magbasa nang magbasa para lumawak ang iyong kaalaman.
 Mahalagang pag-aralan at matutunan ng isang mag-aaral na tulad mo ang mga
salitang magkakapareho, magkakahulugan/magkasingkahulugang salita dahil sa
papamigitan nito mas lubos mong mauunawan ang iba’t ibang uri ng mga akdang
pampanitikan dahil maibibigay mo ang kahulugan ng mga talasalitaan o iyong mga
salitang may mahihirap at may malalim na kahulugan sa mga nasabing akda
.

Page 43
“MGA SALITANG MAGKAKAPAREHO O MAGKAKATULAD ANG KAHULUGAN”

aksidente ⇔ sakuna
Halimbawa:

https://www.jnto.go.jp/safety-
tips/eng/emergency/earthquake/e08.html

aralin ⇔ leksiyon bata ⇔ musmos, paslit

https://www.kissclipart.com/teacher-draw- https://www.pngitem.com/middle/ixhoRRm_ki
clipart-teacher-drawing-w6mndz/ ds-painting-clipart-at-getdrawings-kids-
drawing-clipart/

paaralan ⇔ eskuwelahan mag-isip-isip ⇔ magmuni-muni

Page 44
Gawain 1: Pag-unawa sa Binasa

basahin ang maikling kuwento na “Ang Kuwintas” at gawin at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Isulat sa malinis na papel ang inyong kasagutan .

Gawain 2: Pagpili

Basahin ang kuwento at tukkuyin mula dito ang makatotohanan at di makatotohanan sa kuwento

MAKATOTOHANANG PANGYAYARI DI-MAKATOTOHANANG PANGYAYARI

Page 45
Gawain 3: Pair tayo!

Basahin mula ang maikling kuwento na “Ang Kuwintas” at tukuyin ang mga salitang magkakapareho o
magkakaugnay ang kahulugan.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10

Page 46
Gawain 4: MAGMASID – MAG-ISIP – MAGSULAT (MMM)

Magmasid sa inyong tahanan at paligid sunod ay mag-isip ng mga pagkakapareho at

pagkakatulad na mga salita sa mga sumusunod na kategorya: tao, hayop, bagay, pagkain at
pook o lugar, kapag nagawa mo na ito ay saka ka sumulat ng iyong sariling pangungusap.
Gamitin ang tsart sa ibaba para sa iyong mga kasagutan.

Kategorya: Sagot: Pangungusap:

Tao
Halimbawa:
* Lolo Kiko *mabait – matulungin *Si lolo Kiko ay kilala sa pagiging mabait sa
aming lugar, matulungin siya hindi lamang
sa mga bata pati narin sa mga matatanda.

1.
2.
Hayop
1.
2.
Bagay
1.
2.
Pagkain
1.
2.
Pook/lugar
1.
2.

Page 47
Gawain 5: Isyu

Ano-anong isyu ang maaaring maiugnay sa mga sumusunod na pangyayari sa akda. Ilahad ang mga ito
batay sa mga napapanahong kalagayan ng mundo

PANGYAYARI SA AKDA PANGYAYARI SA KASALUKUYAN

Page 48
PANGYAYARI SA AKDA PANGYAYARI SA KASALUKUYAN

Page 49
Gawain 6: Be a Reporter

Pumili at magsaliksik ng isang napapanahong isyu sa ating daigdig at itala o isulat ang iyong nakalapa na
impoemasyon na tulad ng isang reporter.

Page 50
Gawain 7: Pagbibigay Halimbawa

Gamitin ang mga sumusunod na salitang panandang diskurso upang makabuo ng sariling opinyon batay
sa maikling kuwentong “Ang Kuwintas”

Panandang Diskurso Opinyon

1. Para sa akin

2. Sa tingin ko

3. Kung ako ang tatanungin

4. Nakikita ko

5. Sa aking Palagay

Page 51
Gawain 8: Pagsulat ng Opinyon

Ibigay ang iyong opinyon batay sa sumusunod na mga paksa.

1. Bagong Bayani: Mga Frontliners

_______________________________________________________________________________

2. Kalayaan sa Pagpapahayag ng Damdamin

3. Pagtatanggol sa Sariling Karapatan.

Page 52
Gawain 9: Pagkilala sa Tauhan

Sundin ang mga gawaing nasa pahina 70-71.

Gawain 10: Gawaing Komunikatibo

Sundin ang gawaing nasa pahina 76.

Gawain 11: Pagbibigay halimbawa

Bumuo ng 5 halimbawa ng Anapora at Katapora, salungguhitan ang ginamit na panghalip sa

pangungusap.

Yunit 1: Panitikan ng Mediterrean

Page 53
Aralin 4: (Epiko mula sa Mesopotamia/ Iraq)

Learning Outcomes: At the end of the lesson, you are expected to do the following;

 F10PN-Ie-f-65 Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang

epiko.
a. Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa
napakinggang diyalogo.
 F10PB-Ie-f-65 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap
na suliranin ng tauhan.
 F10PB-Ie-f-66 Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang
akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa.
 F10PD-Ie-f-64 Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang
nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan.
 F10WG-Ie-f-60 Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari

 F10PU-Ie-f-67 Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa: a. pagkakaiba-iba at

pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig;
a. pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig;
b. ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino;
c. sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng
ibang bansa; at
d. suring-basa ng nobelang nabasa o napanood
e. Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyanng
mga pangyayari sa daigdig.

Epiko

Ang epiko ay tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas. Ang mga berso ay tungkol sa kabayanihan
ng mga taong nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan sa pamamagitan ng pangunahing tauhan
nito.

Ang epiko ay nagmula sa mga sinaunang salitang Griyego(Greek) na epikos at epos na

naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng tao. Layunin nitong gisingin ang damdamin ng tao upang
hangaan ang pangunahing tauhan.

Ang epiko ni Gilgamesh ay isang epikong mula sa Mesopotamia na itinuturing na isa sa

pinakamatanda at kinikilalang kauna-unahang akda sa panitikan.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko

Nagsimula ang mga epiko sa pamamagitan ng mga ritwal na ginagawa ng ating mga ninuno. Layunin
nilang ipangaral sa mga mamamayan ang kanilang tungkulin sa sambayanan. Sinasalamin ng mga
pangaral sa pamamagitan ng mga epiko ang mga paniniwala, kaugalian, kultura at mithiin sa buhay ng

Page 54
mga tao. Pinatunayan ito ng mga eksperto sa kasaysayan na sina Padre Colin, Joaquin Martinez de
Zuniga at Antonio Pigafetta.

Ang epiko ay isang uri ng panitikang pasalindila. Ibig sabihin ito ay nailipat o naibahagi ng ating mga
ninuno sa pamamagitan ng pagkukuwento sa iba dahilan kung bakit mahirap makilala ang
pinakamatandang epiko na naisulat sa ating bansa.

Sa Pilipinas, tinatayang may 28 kilalang epiko. Marami ay nagmula sa mga pangkat etniko sa
Mountain Province at Mindanao. Ang mga ito ay nagpapakita ng pag-unlad ng kultura ng isang lugar.

Hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ang mga epiko ng iba’t ibang rehiyon sa ating bansa dahil sa
sumasalamin ito sa pagkakakilanlan ng kanilang lugar at

nagpapakilala ito ng ating kultura at ng ating lahing pinagmulan.

MAHAHALAGANG ELEMENTO NG EPIKO

Ang elemento ng isang epiko ay hindi naiiba sa isang maikling kuwento. Bagamat ang epiko ay isang
tulang pasalaysay, ito ay nagtataglay pa rin ng tauhan, tagpuan at banghay.

Tagpuan: Mahalagang bigyang-pansin ang tagpuan ng epiko sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay
linaw sa paksa, sa banghay at maging sa mga tauhan. Dahil sa tagpuan mas nabibigyang-diin ang kilos at
isip ng tauhan.

Tauhan: Isa sa mga pangunahing kaibahan ng epiko sa iba pang mga akda ay ang mga tauhan epiko.
Mapapansing halos karamihan ng pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan. Bagamat ang ilang mga tauhan ay karaniwan lamang ngunit dahil sa
kanilang pamumuno, kakaibang tungkulin sa pamayanan at ang kakayanang ipagtanggol ang mga tauhan
laban sa sinumang kaaway ay kabayanihan. Samakatuwid ang pangunahing tauhan sa epiko ay itinuturing
na bayaning may kakayahang

kalabanin ang mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad ng komunidad na kanilang
kinabibilangan.

Sa tulong ng tunggalian, higit na napapalutang ang katangian o katauhan lalo na ng mga pangunahing
tauhan. Ang pangunahing tauhan ay kailangang magkaroon ng suliraning lulutasin sa kabila ng mga
hadlang o sagabal. Ang tunggalian ay mauuri sa apat – ito ay ang tao laban sa tao, tao laban sa kalikasan,
tao laban sa lipunan at tao laban sa sarili.

Banghay: Ang banghay ng epiko ay maaaring maging payak o komplikado. Ang mga pangyayari ay hindi
kapani-paniwala o hindi makatotohanan bagamat may mga pangyayari ritong kakikitaan ng kultura ng
isang partikular na rihiyon o lugar. Kung susuriin ang epiko ay matutunghayan sa paraang patula ngunit
dahil ito’y isang uri ng salaysay mababakas pa rin sa balangkas ang pagkakaugnay- ugnay ng mga
pangyayari.

Page 55
HUDYAT SA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI

Ito ang paglalahad ng mga kaisipan o ideya na tumutulong upang higit na maunawaan ang isang
lathala o sulatin

Kaya’t sa pagsusulat ay gumagamit tayo ng mga pananda o transitions gaya ng Una, Sa simula,
Samantala, Saka, Maya-maya, Pagkatapos, Sa huli at marami pang iba.

TATLONG URI NG HUDYAT SA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI

1. SEKWENSIYAL- Ito ay kinapapalooban ng serye ng mga pangyayaring magkakaugnay o

sunod-sunod. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga tagpo/pangyayari.
2. KRONOLOHIKAL- Naglalahad ng pagkakasunod-sunod batay sa isang tiyak na baryabol tulad
ng edad, distansiya, petsa, halaga, lokasyon, bilang at iba pa.
3. PROSIDYURAL- Ito ay nagsasaad o nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na
pagkakasunod-sunod ng isang Gawain mula umpisa hanggang sa wakas.

Page 56
Gawain 1: Sinetch Itey!

Tukuyin ang mga tauhan sa binasang “Epiko ni Gilgamesh” at ibigay ang kanilang katangian ayon sa
kanilang ginampanan sa kuwento.

MGA TAUHAN MGA KATANGIAN

Page 57
Gawain 2: Character Analysis

Susuriin mo ang mga tauhan batay sa kilos, damdamin at pananalita. Aalamin mo kung ang
tauhan ay may/walang asal, kagitingan at kabayanihang ginawa ng tauhan. Pumili ng isang
mahalagang tauhan sa epikong binasa.

TAUHAN

KILOS PANANALITA DAMDAMIN

Maglahad kung Maglahad ng ilang Isulat ang ilang

paano kumilos ang pahayag ang damdaming
tauhan sa akda. tauhan sa akda namayani sa tauhan
batay sa
mahahlagang tagpo
sa akda

Kaasalang ipinakita… Kaasalang ipinakita… Kaasalang ipinakita…

Masasabi bang naging isang bayani ang tauhan batay sa kanyang kilos, pananalita
at damdamin?
Pangatwiranan ang sagot.

Gawain 3: Problema mo?

Page 58
Tukuyin ang mga kinaharap na problema ng mga tauhan at bigyan ng sariling interpretasyon.
INTERPRETASYON
TAUHAN PROBLEMA

Gawain 4: Pag-unawa sa Binasa

Page 59
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa pahina 37 hanggang pahina. Isulat sa malinis na papel ang
inyong kasagutan.
Gawain 5: Bakit nga ba?

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa pahina 40 Isulat sa malinis na papel ang inyong kasagutan.

Gawain 6: IRF-Konsepto ng Pagbabago

Sagutin ang tanong sa IRF Chart. Punan ng mga paunang impormasyon ang bahaging I (initial,revised at
final) ng tsart.

Tanong: Bakit mahalagang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa ang

epiko?

I (Initial)

R(Revised)

F(Final)

Gawain 7: Ugnayang Pangkalikasan

Page 60
Panoorinsa youtube https://youtu.be/qukp4Zq40DA ang Epiko ni Gilgamesh at tukuyin ang mga
pangyayari na nagpapakita ng ugnayan ng tauhan sa pwersa ng kalikasan.
Mga Pangyayari sa kuwento na may Dahilan para masabing may kaugnayan
ugnayan sa kalikasan

Gawain 8: Venn Diagram

Page 61
Pumili ng isa sa pinakapaborito mong epiko sa Pilipinas at sa buong mundo at tukuyin ang pagkakaiba at
pagkakapareho nito.
Epiko sa Buong Mundo Epiko sa Pilipinas

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakapareho

Page 62
Gawain 9: Pagpili at Pagsusuri

Mula sa napiling epiko ng Pilipinas at epiko sa buong mundo, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Anu-ano ang mga kulturang namutawi sa epikong iyong binasa o pinanood?
2. Paghambingin ang kultura ng bawat bansa.
3. Magbigay ng pagkakakilanlan ng epiko sa Pilipinas at epiko ng napili mong bansa.

Gawain 10: Pagbibigay halimbawa:

Bumo ng 5 pangungusap gamit ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod

Page 63
Gawain 11: Pagbuo ng Sanaysay

Gamit ang sekwensiyal na hudyat sa pagsusunod-sunod. Bumuo ng isang sanaysay na nagpapakita ng

Gawain mo sa isang buong lingo, guhitan ang mga panandang ginamit.
Yunit 1: Panitikan ng Mediterrean

Page 64
Aralin 5 : Nobela ng Pransiya

Learning Outcomes: At the end of the lesson, you are expected to do the following;

 F10PB-Ig-h-68 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa
pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw
 F10PT-Ig-h-67 Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinahahayag nito (clining)
 10PD-Ig-h-66 Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa
binasang kabanata ng nobela
 F10PS-Ig-h-69 Nailalarawan ang kultura ng mga tuhan na masasalamin sa kabanata
 F10PN-Ii-j-68 Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan/nabasa.
 F10PB-Ii-j-69 Nakabubuo ng isang suring basa sa alinmang akdang panitikang Mediterranean.
 F10PB-Ii-j-69 Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique at
simposyum

NOBELA

Ang France ay kilala bilang sentro ng edukasyon at ideyalismo noong Age of Enlightenment sa Europe.
Kilala rin ang bansa sa hindi maitatatwang kagandahan ng estruktura ng mga gusali. Kakambal ng
kagandahan ng bansa ang kagandahan ng kanilang panitikan. Hindi mabilang na aklat at nobela ang
naisulat sa France na likha ng itinuturing na mga tanyag sa pagsulat ng panitikan.

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang

kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito
ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa
isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin
ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2
o higit pang tauhan

Uri ng nobela
1. Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan – binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay – isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga
mambabasa
4. Nobelang Masining – paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili
ng mga mambabasa
5. Layunin – mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga
hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema
Elemento ng nobela
Page 65
1. tagpuan – lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw – panauhang ginagamit ng may-akda
a. una – kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa – ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema – paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin – nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan – istilo ng manunulat
8. pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
Layunin ng nobela
1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Katangian ng nobela
1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

HUMANISMONG PANANAW

HUMANISMO-ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talent at iba pa.

 Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-aaral na
kumikilala sa kultura.
 Humanismo-ang humuhubog at lumilinang sa tao.
 Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang maipagkaloob sa kaniya ang
Kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalagayan sa pagpapahayag ng saloobin at Kalayaan sa
pagpapasya.
 Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa akdang susulatin.

PAGSASALITA AYON SA TINDI NG IPINAHAHAYAG

Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi maaaring
pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan, magkakaiba naman ang tindi
ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digi o tindi ng nais iparating nito, lalo na kapag ginamit na sa
pangungusap.

Ang KLINO ay isang paraan ng paglinang ng kasanayan sa talasalitaan.

Ang KLINO ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay pinasidhing antas ng simpleng salita.

Page 66
KLINO/DALISDIS

 Paraan ng pagsunodsunod ng mga salita

 Nagsimula sa pinakamaliit/pinakamaiksi at natapos sa pinakamalaki

Sa paraang ito,makakaisip ng mga salitang may kakawing sa simpleng salita at masusuri ang antas ng
kadiinan ng mga ito.

Halimbawa:

1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi lamang .

Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na magkaiba naman sa
tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.

Hikbi-nguyngoy-iyak-hagulgol

2. Pansinin ang salita na may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit nagkakaiba sa tindi o digri ng
pagpapahayag .
Ganito ang magiging ayos ito.

a. Pagkawala-pagkaubos-pagkasaid
b. Nasira-nawasak

TINDI NG KAHULUGAN O CLINING

-ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugan nais ipahiwatig.

Halimbawa:
Poot (matinding galit na halos gusto nang
mapanakit)

Suklam (matinding galit sa dibdib na matagal

bago mawala)

Galit (tumatagal na inis)

Inis (tumatagal n atampo)

Tampo (munting galit na madaling mawala)

Pikon ( damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)

Alam mo bang…

Page 67
Panunuring Pampanitikan ang tawag isang malalim na paghihimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing katha ng manunulat?
 Isa itong pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
 Ito rin ay isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang
likhang-sining.
 May iba’t ibang paraan kung paano masusuri ang isang akda ito ay ang
suring-basa, suring-pampelikula at suring-pantelebisyon. (Sa pangwakas na
gawain natin, gagamitin natin ang suring-basa)

Suring-basa – Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda. Ito ay

maikling panunuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay
tungkol sa akda. Layunin nitong mailahad ang mga kaisipang matatagpuan sa
isang akda at ang kahalagahan nito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso

at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.
3. Sa pagsusuri ng anomang akda, kailangang mahusay ang organisasyon o
balangkas. Bahagi ito sa disiplina ng pagsusuri.
4. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o
maikling lagom.
5. Sa pagsusuri ng akda, dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang
wika at organisado ang paglalahad.
6. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa
teoryang pampatikan.
8. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
9. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.
10. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay
ng mga sangkap ng pagsulat.

Mga Katangiang Dapat Tanglayin ng isang Kritiko

1. Matapat sa sarili. Itinuturing ang panunuring pampanitikan bilang sining.

2. Bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
3. Iginagalang ang desisyon at posisyon ng ibang mga kritiko.
4. Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasalamin sa paraan ng
pagbuo o konstruksyon.
5. Kailangan may paninindigan ang isang kritiko.

Page 68
Pormat o Balangkas na Gagamitin sa Pagsulat ng Suring-basa

I. Panimula
 Pamagat – pagkilala sa pamagat ng akda o teksto.
 May-akda – pagkilala sa kung sino ang sumulat o nagsalin ng akda.
 Uri ng panitikan – pagtukoy sa anyo ng panitikang sinulat, sa himig
o damdaming taglay nito.
 Bansang pinagmulan – pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.
 Layunin ng Akda – pagsusuri sa kahalagahan ng akda at ang
layunin nito. Tumutukoy ito sa nais iparating at motibo ng
manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng
diskursong ginamit sa pagpapahayag. Halimbawa, ito ba’y
naglalayong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta,
maglarawan, magsalaysay, maglahad ng impormasyon at iba pa.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

 Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon,
makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng
mambabasa? Ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan
ang binasa?
 Mga Tauhan sa Akda – Sino-sino ang mga tauhan at ang kanilang
mga katangian?
 Tagpuan / Panahon – Kailan naganap? Anong panahon? Binibigyan
ng pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan.
 Balangkas ng mga Pangyayari – Paano binuo ang balangkas ng
akda? Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng kabuoan ng akda?
May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?
 Kulturang Masasalamin sa Akda – May nakikita bang uri ng
pamumuhay, paniniwala, kaugalian o kulturang nangibabaw sa
akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o
bansa?

III.Pagsusuring Pangkaisipan
 Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda – Ano-ano ang mga
kaisipang lumitaw sa akda? Maaari ring salungatin, pabulaanan,
mabago o palitan ang mga kaisipang ito.
 Estilo ng Pagkakasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng
paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng
mga mambabasa ang pagkabuo ng akda? May bisa kaya ang
estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda?
o Bisa sa Isip – tumutukoy sa kung paano
naiimpluwensiyahan ang pag-iisip o utak.
o Bisa sa Damdamin – Ano ang nadama at paano natigatig
ang emosyon ng mambabasa?

Page 69
IV. Buod
 Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang akda. Ang pagbanggit
sa mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.

Simposyum – Ito ay isang okasyon, pagpupulong, o panayam kung saan

nagtitipon-tipon ang mga kalahok para talakayin ang isang partikular na
paksa. Ito ay maihahalintulad sa komperensya ngunit mas maliit ang
sakop ng simposyum. Sa isang simposyum, karaniwan nang may isa o
ilang taong gumaganap bilang pangunahing tagapagsalita. Siya o ilang
piling eksperto ang tumatalakay sa paksa o usaping nakapaloob sa
simposyum. Pakikinggan naman sila ng mga kalahok, bisita, kapwa
eksperto sa paksa o tagasubaybay sa nagaganap na simposyum.
 Ito ay may isang modereytor na:
o tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
o tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
o tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
o tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
o tagapagbigay ng buod ng talakayan

 Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang ibinigay sa

kanila ayon sa itinakdang oras at haba ng pagsasalita.
 Kapag nakapagsalita na ang lahat ng bumubuo sa pangkat,
susundan ng lahatang diskusyon o open forum kung saan maaaring
magtanong ang mga tagapanikig.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Simposyum

1. Gawing pormal ang simposyum.
2. Kilalalin ang paksa at iba pang kalahok sa simposyum.
3. Maging pamilyar sa mga termilohiya o jargons.
4. Aktibong lumahok sa diskusyon.
5. Maging malalim at kritikal sa pagsusuri ng tinatalakay.

Page 70
Gawain 1:Question and Answer

Sagtin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang humanismo?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Anong bahagi ng nobela ang nagpapahayag nng pananaw humanismo?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Ano ang kahalagahan o pagpapahalaga ang makikita sa Nobelang iyong nabasa na Ang
Munting Prinsipe“?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Bakit sinasabig ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mata, sa halipnpuso

lamang ang nakadarama? Naniniwala ka ba rito? Maglahad ng ilang patunay.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Page 71
Gawain 2: Ano nga ba?

Tukuyin sa nobela ang apat na simbolismo na nakapaloob dito at ibigay ang dahilan.

1.

2.

3.

4.

Gawain 3 : Level up!

Pagsunod-sunurin ang mga salitang nasa ibaba batay sa antas o tindi ng kahulugan nito. Isulatsa
mga patlang ang bilang 1,2 at 3 (1 bilang pinakamababa ang antas at 3 bilang pinakamatindi)

1._____masaya 4. _____sakit

_____maligaya _____epidemya

_____natutuwa _____salot

2. _____hilakbot 5. _____iskandalo

_____takot _____alingasngas

_____pangamba _____tsismis

3._____nagdalamhati

_____malungkot

_____malamlam

Page 72
Gawain 4: Pagsasanay

Sagutin ang katanungan at sundin ang gawain.

A. Makatutulong kaya ang paggamit ng mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag upang
lubusang mahikayat ang isang tao sa isang argumento?Ipaliwanag

__________________________________________________________________________

B. Ibigay ang mga salitang may kaugnayan sa loob ng kahon at pagsunod-sunurin ang
mga salita at lagyan ng bilang tanda ng tindi ng kahulugan.

NANGIBABAW

1.

NAMAYANI

NAGHARI NAMAYAGPAG

NAMAYANI-1

NANGIBABAW-2

NAGHARI-3

NAMAYAGPAG-4

Page 73
2.

LUMBAY

3.

3.

INALAGAAN

4.

NGITI

Page 74
Gawain 5 : Nood Tayo

Pumili ng isang dula at isulat ang buod ng iyong napanood.

______________________________________________

Pamagat

Page 75
Gawain 6 : Paghahambing

Paghambingin ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa binasang

kabanata ng nobela.

Bahagi sa Napanood Bahagi sa nobela

Page 76
Gawain 7 : Paglalahad

Maglahad ng mga pangyayari o bahagi sa nobela na magpapakilala sa kultura o pagkakilanlan

ng bansang pinagmulan ng akda. Itala sa tsart.

Bahagi o Pangyayari sa Akda Kultura o Pagkakilanlan ng Bansa

Page 77
Gawain 8 : Sagutin mo

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan

1. Sa iyong palagay, ano ang nais ipabatid ng may-akda sa kanyang isinulat na

nobela na may kaugnayan sa bansang pinagmulan?

2. Mahusay bang naisasalaysay ang mga pangyayari sa paglalarawan ng mga

tauhan sa nobela? Patunayan.

3. Anong kultura sa nobelang binasa ang may pagkakahawig sa kultura ng ating bansa.

Gawain 9: Opinyon o Pananaw

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano nakikipag-usap ang munting prinsipe sa eko?

2. Ano ang dalawang okasyon na nakausap ng munting prinsipe ang mga rosas sa hardin?
3. Papaano napaamo ng munting prinsipe sa alamid?
4. Paano nagpaalam ang munting prinsipe sa hardin?

Gawain 10 : Bet ko
Page 78
Pumili ng isang pangyayari sa nobela na iyong pinakanagustuhan at bakit.

Ang pangyayari sa nobela ay binubuo ng 3 pangungusap.

Gawain 11 : Ito ang Gusto ko…

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang panunuring pampanitikan?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Magbigay ng isa sa mga dapat taglayin ng isang kritiko at ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Paano nakatutulong ang panunuring pampanitikan sa

pagpapayaman ng wika at kulturang Filipino?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 12: Impluwensiya ng Panitikang Mediterranean

Itala ang mga impluwensiya ng mga akdang pampanitikan ng Mediterranean sa panitikan,
pamumuhay, kaugalian, paniniwala at kultura sa ating bansa at sa buong mundo.

Page 79
Panitikang Mediterranean

Impluwensiya sa Pilipinas Impluwensiya sa Mundo

Gawain 13 : Usap Tayo

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan

1. Ipaliwanag ang katuturan ng simposyum.

_____________________________________________________________________________

Page 80

2. Anong mga isyung panlipunang iyong napakinggan sa balita ang

nais mong pag-usapan sa isang simposyum at bakit?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Paano nagiging kapaki-pakinabang ang simposyum sa mabisang

pagbabahagi ng kaalaman at impormasyon?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 14: Grapikong Presentasyon

Magbigay ng mga kauganay na kaalaman o konsepto hinggil sa salitang

critique at simposyum gamit ang grapikong presentasyon. Gayahin ang
pormat sa sagutang papel.

Page 81
Critique
(Panunuri)

Simposyum

Page 82

You might also like