You are on page 1of 1

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga kahinaan sa mga komposisyon ng


mga mag-aaral partikular sa tamang pagbabaybay at pagbabantas sa pagsulat ng
komposisyon?o sa Ika-9 baitang at makagawa ng modyul sa pagtuturo tungo sa tamang
pagbabaybay at pagbabantas sa pagsulat ng komposisyon. Sa pananaliksik na ito, naglalayong
tukuyin at masagot ang mga pangunahing katanungan:
1. Ano-ano ang mga propayl ng mga mag-aral sa Ika-9 baitang batay sa mga
sumusunod na baryabol: edad, kasarian, at grado sa Filipino?
2. Ano ang antas ng kasanayan/kakayahan ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang
sa tamang pagbabaybay at pagbabantas sa pagsulat ng komposisyon?
3. Ano-ano ang mga kahinaan ng mag-aaral sa pagbabaybay at pagbabantas sa
pagsulat ng komposisyon?
4. Ano- ano ang mga saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng modyul bilang
kagamitang pampagtuturo tungo sa tamang pagbabaybay at pagbabantas sa
pagsulat ng komposisyon?
5. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pre- test mean score at
post- test mean score ng mga mag-aaral sa m tamang pagbabaybay at pagbabantas
sa pagsulat ng komposisyon?matapos gamitin ang modyul sa pagtuturo?
6. Angkop ba ang paggamit ng Modyul sa pagtuturo ng tamang pagbabaybay at
pagbabantas?

Haypotesis:
Walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng Pre-test Mean Score at Post-test
Mean Score ng mga mag-aaral sa mabisang tamang pagbabaybay at pagbabantas
matapos gamitin ang modyul sa pagtuturo.

You might also like