You are on page 1of 9

62

KABANATA 5
PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kinalabasan, konklusyon, at
rekomendasyon ng pag-aaral.
Paglalagom
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning mapataas ang antas ng
kasanayang pambalarila ng mga mag-aaral sa baitang 7, ikatlong markahan, ng
Aplaya National High School Annex I APEX sa pamamagitan ng mga
gawain/pagsasanay na nakaangkla sa pananaw na komunikatibo sa pagtuturo
ng wika.
Tinukoy

ng

mananaliksik

ang

mga

kasanayang

pambalarila

na

nangangailangan nang ibayong-pansin sa pamamagitan ng pagsusuri sa


kinalabasan ng paunang pagsusulit (pre-test) sa ikatlong markahan. Mula sa
mga natukoy na kasanayang pambalarila, naghanda ng mga gawain/pagsasanay
ang mananaliksik.
Ginamit ng mananaliksik ang mga inihandang gawain sa pagtuturo sa
baitang 7 sa ikatlong markahan. Matapos ang isang buong markahan, tinaya ang
kabisaan nito sa pamamagitan ng resulta ng formatist test at panghuling
pagsusulit (post test).
Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng pagkuha ng mababang iskor
(minimum), mataas na iskor (maximum), mean (X), mean percentage score
((MPS) at average mean.

63

1. Ano ang salik ng tagasagot hinggil sa:


1.1 edad
1.2 kasarian
1.3 lenggwahe sa tahanan
Ang mga mag-aaral na sumailalim sa pag-aaral ng mananaliksik ay may
edad na 11 na binubuo ng apat (4) na lalaki at dalawang babae, edad 12 na may
dalawamput isa na lalaki (21) at dalawamput apat na babae (24) at sa edad na
13 na may limang (5) lalaki at apat (4) na babae na nasa kabuuang 30 na lalaki
at 30 na babae. Ang lenggwahe ng lahat ng kalahok ay tagalog bagamat ang
kanilang mga magulang ay mula sa katutubong lahi sa bansa na may katutubong
wikain. Ayon sa mga datos makikita, ang kabuaang bilang ng mga mag-aaral
batay sa edad, kasarian at lenggwahe ay walang makabuluhang epekto sa
pagkakaiba sa natamong antas ng kasanayang pambalarila ang mga mag-aaral
na gumamit at hindi gumamit ng mga inihandang gawain/pagsasanay sa
kasanayang pambalarila.
2. Ano-anong kasanayang pambalarila ang kailangang linangin ng mga magaaral batay sa resulta ng paunang pagsusulit?
Mula sa item analysis ng paunang pagsusulit o pre-test ang sumusunod na
paksa ang dapat na pag-ukulan ng pansin na kasanayang pambalarila, una ang
wastong paggamit ng salita: nang at ng, pangalawa ay wastong paggamit ng
salita: din at rin at daw at raw, pangatlo ay angkop na gamit ng pangatnig sa
pagpapahayag, pang-apat ay wastong paglalarawan gamit ang ibat ibang

64

kaantasan ng pang-uri at panglima ay wastong gamit ng ibat ibang aspekto ng


pandiwa sa ibinibigay na sitwasyon.
3. Ano-anong gawain o pagsasanay ang makatutulong sa pagpapataas ng antas
ng kasanayang pambalarila ng mga mag-aaral?
Ang mga gawaing pambalarila para sa Baitang 7 ng Aplaya National High
School Annex I APEX ay sadyang inihanda upang higit na maging kasiya-siya
ang pag-aaral ng asignaturang Filipino. Ang paraan ng paglalahad sa tulong ng
mga kagamitan at larong pangwika ay batay sa pamaraang komunikatibo na
tumutugon sa makabagong paraan ng pagtuturo ng wika.
Ang mga nakapaloob na gawain sa pag-aaral na ito ay nagtataglay ng
mga patnubay na katanungan at pagsasanay na lumilinang pa rin sa mga
kasanayang pangwika gaya ng pagsasalita, pagbasa, pagsulat, pakikinig at
panonood ang limang makrong kasanayan. Bawat pagsasanay ay inangkupan
ng panutong madaling maunawaan.
4. Ano ang mean score ng mga mag-aaral sa paunang pagsusulit (pre-test) sa
kasanayang pambalarila ng mga mag-aaral na gumamit at hindi gumamit ng mga
inihandang pagsasanay pambalarila?
Ang mean score ng mga mag-aaral sa paunang pagsusulit (pre-test) na
20.67 kapansin-pansin na magkakatulad sapagkat ito ay sadyang pinili sa
pamamagitan ng match paring na mula sa 200, pumili ng 15 sa bawat pangkat
na may pare-parehong iskor sa pagsusulit at mababa ang nakuhang marka ng
mga mag-aaral subalit karaniwan lamang ito sapagkat layunin lamang ng

65

pagsusulit na ito na mataya kung saan magsisimula ang pagtuturo ng guro at


ang SD nito na 2.397 na may interpretasyong malapit ang nakuhang iskor, mula
sa minimum sore (17) at maximum score (25) sa pagsusulit na isinagawa.
5. Ano ang mean score ng formative test ng mga mag-aaral na gumamit at
hindi gumamit ng mga inihandang gawain/pagsasanay sa kasanayang
pambalarila?
Sa formative test ang mean score ng mga mag-aaral na nasa pangkat ng
eksperimental

gumamit

ng

mga

inihandang

gawain/pagsasanay

sa

kasanayang pambalarila ay 89.27 samantalang ang nasa tradisyunal o hindi


gumamit ng inihandang gawain ay nasa 71.21 na may mean difference na 18.06
at t-value na 22.21 at p.value .000 na nagpapakita na may makabuluhang
pagkakaiba sa natamong antas ng kasanayang pambalarila ang mga mag-aaral.
6. Ano ang mean score ng post-test o panghuling pagsusulit ng mga mag-aaral
na gumamit at hindi gumamit ng mga inihandang gawain/pagsasanay sa
kasanayang pambalarila?
Nagpapakita ng kahusayan ang mga mag-aaral sa eksperimental o
gumamit ng mga inihandang gawain/pagsasanay na may minimum score na 40
at maximum score na 47, na may mean score na 43.80 at SD na 1.77 na may
interpretasyong malapit ang nakuhang iskor mula sa minimum at maximum nito.
Samantala, ang hindi gumamit o tradisyunal ay may minimum score na 30
at maximum score 41; mean score 36.03 at may SD na 2.71 na hindi rin
ganoong kalayo ang iskor sa isat isa bagamat higit na mabilis ang pagbabago at
pag-unlad ng kaalamang pambalarila sa mga mag-aaral ng eksperimental.

66

7. May pagkakaiba ba sa natamong antas ng kasanayang pambalarila ang mga


mag-aaral

na

gumamit

at

hindi

gumamit

ng

mga

inihandang

gawain/pagsasanay batay sa resulta ng pre-test, formative tests at post-test?


Sa pre-test, naipakita dito na walang makabuluhang pagkakaiba sa
natamong antas ng kasanayang pambalarila ang mga mag-aaral na gumamit at
hindi gumamit ng mga inihandang gawain o pagsasanay, sapagkat walang
ipinagkaiba ang mean score na 41.33 dahil ito ay sinadya na nagmula sa match
pairing na isinagawa sa 200 mag-aaral na naging 60 mula sa apat na seksyon na
may pare-parehong iskor lamang.
Sa pre-test at post-test ng eksperimental, ang mean score na 20.67 at
43.8 na may

t-value na - 42.19 ay nagpapakitang may makabuluhang

pagkakaiba sa natamong antas ng kasanayang pambalarila ang mga mag-aaral


na gumamit ng mga inihandang gawain/pagsasanay na may mean difference na
-

23.13.

Ipinahihiwatig

nito

na

malaki

ang

naitulong

ng

inihandang

gawain/pagsasanay sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa kasanayang pambalarila.


Sa pre-test at post-test ng tradisyunal, ang mean score na 20.67 at 36.03
na may t-value na - 28.165 ay nagpapakitang may makabuluhang pagkakaiba sa
natamong antas ng kasanayang pambalarila ang mga mag-aaral na hindi
gumamit ng mga inihandang gawain/pagsasanay na may mean difference na 15.367.

Ipinahihiwatig

nito

na

kahit

hindi

gumamit

ng

inihandang

gawain/pagsasanay sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa kasanayang pambalarila


ay may magaganap na pagbabago, ngunit hindi kasing laki ng pagbabagong
nagaganap sa eksperimental.

67

Sa formative test, na may mean score na 89.27 at 71.21 na may t-value


na 22.21 na may makabuluhang pagkakaiba sa natamong antas ng kasanayang
pambalarila

ang

mga

mag-aaral

na

gumamit

ng

mga

inihandang

gawain/pagsasanay.
Ang mean difference na 18.06 ay nagpahiwatig na malaki ang naitulong
ng mga inihandang gawain/pagsasanay sa natamong pagkatuto ng mga magaaral sa kasanayang pambalarila.
Sa post-test ng eksperimental at tradisyunal, ang mean score na 87.6 at
71.13 na may t-value na 14.998 ay nagpapakita na may makabuluhang
pagkakaiba ang antas ng iskor ang mga mag-aaral na gumamit ng inihandang
gawain/pagsasanay sa kasanayang pambalarila at sa mean difference 16.46
malinaw na ipinahihiwatig nito na malaki ang naitulong ng inihandang
gawain/pagsasanay sa malawakang pagkatuto sa kasanayang pambalarila ng
mga mag-aaral.
Kongklusyon
Sa pag-aaral na ito naipakita na may makabuluhang pagkakaiba sa
natamong antas ng kasanayang pambalarila ang mga mag-aaral na gumamit at
hindi gumamit ng mga inihandang gawain/pagsasanay sa performans ng mga
mag-aaral sa ikapitong baitang sa asignaturang Filipino sa ikatlong markahan.
Batay sa mga datos ng pag-aaral ng mananaliksik nabuo ang sumusunod
na paglalahat.

68

1. Mababa ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa paunang pagsusulit


(pre-test) sa ikatlong markahan subalit karaniwan lamang ito spagkat
layunin lamang ng pagsusulit na ito na mataya kung saan magsisimula
ang pagtuturo ng guro.
2. Nagkaroon ng kapuna-punang pagtaas ng marka ang pangkat ng mga
mag-aaral na gumamit ng mga inihandang gawain/pagsasanay ng ruro
batay sa dulog na komunikatibo kumpara sa hindi gumamit ng mga
pagsasanay.
3. Hindi kailangang ganap na talikuran ang pananaw na istruktural na
pagtuturo ng wika. Mahalaga ang pagtuturo ng kayarian panggramatika
upang maihanda ang mga mag-aaral sa mga gawaing komunikatibo sa
kanyang kakayahan sa loob ata labas ng silid aralan. Gayunpaman, dapat
din bigyan pansinang mga paglinang ng mga tuntuninng sosyo-kultural na
kailangan sa aktwal na paggamit na pagsusri ng wika.
4. Ang mga layunin pangwika ay matatamo ng mga mag-aaral kung
mabibigyan sila ng mga makabuluhan at makatotohanang mga gawain sa
pag-aaral ng wika.
5.

Kung magtatamo ng kaunlaran ang mga magagaling sa paraang ginamit


ang laro at mga bidyo ay lalo na ang mga mahihinang mag-aaral spagkat
masigla at kawili-wili ang mga napapanood at mga gawain.

69

6. Sa pamamagitan ng mga laro na likas sa mga mag-aaral ay


naipapahayag nila ang kanilang kakayahan, magkakaroon sila ng
paghamon sa sarili at kasiyahan sa kaunting tamuhin.
7. Napalawak at higit na napaunlad ang kasanayang komunikatibo ng mga
mag-aaral sa tulong ng mga inihandang gawain.
8. Malaking tulong ang mga inihandang gawain na ginamit bilang
suplemento tungo sa makabuluhang pagtuturo ng mga guro sa Filipino I.
9.

Higit na nakapagpaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa limang


makrong kasanayan ang paggamit ng inihandang gawain.

10. Ang guro ay mahalagang salik sa pagkakaroon ng mga mag-aaral ng


mga kasanayan sa pag-aaral.
Rekomendasyon
Matapos

ang

ginawang

pagsusuri

ng

mananaliksik

at

pagsasaalang-alang sa mga datos ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay


humantong sa sumusunod na mungkahi:
Para sa mga guro, ito ay gabay nila upang bumuo ng makabuluhan,
malinaw at kasiya-siyang larong pangwika o pangkomunikatibo. Dagdagan pa at
idaan sa pagsubok ang mga gawain at kagamitang nakapaloob sa pag-aaral na
ito upang malaman ang kabutihan at kahinaan nito. Nararapat ding planuhing
mabuti at maghanda ng iba pang kagamitan at gawaing komunikatibo para sa
gawaing pambalarila sa ibang antas ng hayskul, ang mga pagsasanay na

70

gagawin na makatutulong sa mga mag-aaral. Gamitin ang mga larong pangwika


at bidyo sa paglinang ng mga aralin upang higit na magkaroon ng interes at
kawilihan ang mga mag-aaral sa paksang aralin gamit ang makrong kasanayan
sa talakayan.
Ang mga mag-aaral ay dapat na maging aktibong kalahok sa pagtataya
ng mga gawaing angkop sa mga aralin na magpapaunlad sa kasanayang
pambalarila.
Maglaan ng panahon ang mga tagapamahala upang magkaroon ng mga
kasanayan ang mga guro patungkol sa paggamit at pagbuo ng mga gawaing
angkop sa aralin at pagkatuto ng mga mag-aaral.

You might also like