You are on page 1of 13

Kahulugan ng Pagsusulit wika

Prof. Riza Sanchez Romero


Anumang gamit ng wika na
maaaring tayain o bigyan ng grado.
Ang lahat ng awtentikong gamit ng
wika ay pagsusulit sa wika kung ito
ay naaayon sa sitwasyon at may
kahulugan at kumprehensyon.
 Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang
paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Ito ay
maaaring pormal kung itinatakda at may proctor na namamahala sa
pagsusulit. Subalit ang pormal na pagsusulit ay isa lamang sa maraming
paraan sa pagsukat ng natutunan ng mga mag-aaral. Ang pagtataya o pagsukat
sa natutuhan ay isang walang tigil na proseso at ito’y maaaring maganap
anumang oras.
 Kung ang guro ay nakikinig habang nagbabasa ang mga mag-aaral, kung
inoobserbahan niya ang mga mag-aaral sa kanilang pangkatang gawain at
kung binabasa at minamarkahan niya ang mga produkto sa pagsulat ng buong
klase, nagsasagawa siya ng isang paghuhusga o pagtataya. Ang gawaing ito’y
maituturing na mga impormal na paraan ng pagsukat sa natutuhan.
 Nagbibigay ang guro ng pagsusulit upang makakuha ng mga impormasyong
magagamit niya sa ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos ng isang yugto
ng pagtuturo. Ang mga impormasyong makukuha ay magbibigay ng ilang
kabatiran hinggil sa kagalingan ng isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng
klasrum.
Pagsusulit vs. Pagtuturo

 Angpagsusulit ay nakapokus sa pagtataya ng


produkto ng pagkatuto, samantalang ang
pagtuturo ay nakatuon sa epektibong pagbibigay
ng patnubay sa mga mag-aaral upang
mapagtagumpayan ang mga proseso sa pagkatuto.
Ang Pagsusulit at ang Guro

 Angpagsusulit ay napakahalagang bahagi ng


pagtuturo at pagkatuto.Kaya’t nararapat lamang
na ang bawat guro ay hindi lamang dapat
magaling sa pagtuturo kundi marunong din siyang
maghanda ng mga pagsusulit.
Kahalagahan ng Pagsusulit sa Isang Mag-
aaral ng Wika
 Ang pagsusulit na mahusay ang pagkakagawa ay Malaki ang naitutulong upang
magkaroon ng interes sa pag-aaral ang isang bata. Dahil sa pidbak na dulot ng
pagsusulit nagkakaroon ng katuparan ang mga pagsisikap ng isang bata sa
kanyang pag-aaral.
 Nagiging daan din ang pagsusulit sa lubusang pagkatuto ng wika. Natututo ang
mga bata habang nag-aaral para sa resulta at pagkatapos na maiwasto ang
kanilang mga papel makikita sa resulta ng pagsusulit kung ano ang lubusang
natutuhan ng bata at kung aling mga kasanayan ang dapat pag-aralang muli.
Kahalagahan ng Pagsusulit sa Guro

 Malalaman ng guro ang katugunan sa sumusunod:


a. Naging mabisa ba ang kanilang pagtuturo?
b. Angkop ba ang aking aralin sa aking mga estudyante?
c. Aling kasanayan ang dapat bigyang-diin sa pagtuturo?
d. Alin ang kailangang ituro muli?
Kahalagahan ng Pagsusulit sa Guro
bilang Test Constructor
 Mabibigyan ng linaw ang ilang katanungan pagkatapos
maibigay ang pagsusulit tulad ng:
a. Maliwanag ba ang panuto?
b. Simple ba at maliwanag ang bawat aytem?
c. Natapos ba ito ng buong klase sa panahong itinakda sa
pagsusulit?
Pokus sa Gramar o Balarila

 Layunin: Natutukoy ang mga pang-uri sa pangungusap


Nakikilala ang iba’t ibang uri ng pang-uri

 Pagsasanay: Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.


Isulat ang uri ng pang-uri
Mga Layunin

Mga Karanasan
Pagsusulit
Sa Pagkatuto
 Mga Hakbang sa Paggawa ng Test
1.Pagpasya sa Layunin ng Pagsusulit Bakit magbibigay ng
pagsusulit? Ano ang paggagamitan ng mga resulta ng test?
2.Pagpaplano ng test sa pamamagitan ng paggamit ng
talahanayan ng pagsusulit
3.Pagpili ng mga aytem at/o ng mga gawain
4.Pagsulat ng mga aytem
5.Pagrepaso sa mga aytem (Judgmental Review)
6.Unang pagsubok sa test (First tryout) sa isang sampol
7.Pag-aanalisa sa mga aytem (Item analysis) Pagkuha ng
mga indeks ng difficulty (facility) at item
discrimination
8.Pagrebisa at pag-iimprenta ng test (Revision and
Reproduction of the Test)
9.Pangalawang pagbibigay ng test
10.Pag-aaral ng resulta ng test at pagpapasya batay sa
layunin ng test
 Mga Prinsipyo ng Pagtataya

1.Ginagamit ang pagtataya bilang kagamitang panturo na


naglalayon sa pagkatuto sa halip na pagbibigay lamang ng grado
at ebalwasyon.
2. Ang mga mag-aaral ay aktibong partisipant sa pagtataya at
nagagamit ang nilalaman ng pagtataya sa pagkatuto.
3. Parehong ginagamit ng guro at mag-aaral ang pagtataya upang
mabago o mapabuti ang mga gawain sa pagkatuto at pagtuturo.
GOD BLESS US ALL

You might also like