You are on page 1of 4

Ang Pagsusulit na may Pagpipilian o Multiple Choice

Ang pagsusulit na may pinagpipiliang sagot o multiple choice ay binubuo


ng dalawang bahagi. Ang stem o bahagi ng aytem na nagpapahayag ng
suliranin at ang mga opsyon o mga pamimiliang sagot. Isa sa mga opsyon
ang tamang sagot, iyong mga maling sagot ay tinatawag na distractor. Ang
stem ay maaring nasa anyong pangungusap, at ang pangungusap na patanong
gaya ng mga sumusunod.

A. Pangungusap na hindi tapos

Halimbawa:
Sa kuwentong binasa, nanalo ang mga tutubi sapagkat ______.
a. higit na malakas sila kaysa matsing
b. malalaki ang mga pambongbong nadala nila
c. hindi ginamit ng mga matsing ang isip at utak nila
d. ginamitan ang mga tutubi ng mga agimat

B. Pangungusap na may puwang

Halimbawa:
Si prinsesa Tutubina ay mahilig _____.

a. makipag-away sa matsing
b. mamasyal sa labas ng palasyo
c. makipagbiruan sa mga matsing
d. magsumbong ng hindi totoo sa amang hari.

C. Pangungusap na buo

Halimbawa:
Nagtataingang kawali ka na naman.

a. nagpapatawa
b. nagpapaloko
c. nagbubulungan
d. nagbibingi-bingihan

D. Pangungusap na patanong

Halimbawa:
Ano ang kahulugan ng nagtataingang kawali?

a. nagtutulungan
b. nagpapatawa
c. nagbibingi-bingihan
d. nagbubulungan
Pagsusulit na Pagpuno sa Patlang o Completion Test

Ito ay pagsusulit na sa halip na pinamimili ang mag-aaral sa wastong


sagot ay ipinabibigay ang tamang sagot.

Halimbawa:
Punan ang patlang ng wastong anyo ng pandiwang nasa panaklong.
Mabilis na _____ (takbo) palabras ang mga tao sa sinehan.

Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng


Pagsusulit na may Pagpipiliang Sagot (Multiple Choice)

A. Ang stem

1. Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad sa kumukuha ng


pagsusulit ang suliranin ng aytem. Dapat maging maikli ngunit
malinaw ang stem. Iwasan ang paggamit ng maliligoy na mga salita.

Halimbawa:

May tindahan si Nena. Kahapon, napansin niyang wala ng bawang sa


tindahan. Kaya nagpunta siya sa palengke at ____ ng bawang.

a.bibili b.bumili c.binibili d.bumibili

Pinabuti: ______ si Nena ng bawang kahapon.

a.bibili b.bumili c.binibili d.bumibili

2. Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga salitang maaring ilagay


sa stem.

Halimbawa:

Masaya silang nagkukwentuhan ______.

a. Sapagkat pinanonoo ang paglubog ng araw


b. Bago pinanonood ang paglubog ng araw
c. Habang pinanonood ang paglubog ng araw
d. Kahit pinanonood ang paglubog ng araw

Pinabuti: Masaya silang nagkukwentuhan _______ pinanonood ang


paglubog ng araw.
a. sapagkat b. bago c. habang d. kahit
3. Isulat ang stem sa anyong positibo. Kung hindi maiiwasan ang
anyong negatibo, salungguhitan ang salitang negatibo o di kaya’y
isulat ito sa malalaking titik.

Halimbawa:

Aling salita ang hindi naglalarawan sa batang si Leana?

a. maliit b. masipag c. magalang d. malinis

B. Ang mga opsyon

1. Hangga’t maari, gawing halos magkakasinghaba ang mga opsyon.


Huwag gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot.
Kung hindi ito maiiwasan, may mga padron na maaring sundin gaya
ng inilahad sa ibaba.

1. A. _________ 3. A. _________
B. _________ B. _______________
K. _______________ K. _________
D. _______________ D. _______________

2. A. ______________ 4. A. _______________
B. ________________ B. _________
K. __________ K. _______________
D. __________ D. _________

5. A. ______ 6. A. _______________
B. ________ B. _____________
K. ___________ K. _______
D. ______________ D. _____

C. Ang mga distraktor

1. Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng


pagsusulit. Dapat tanawin ng mga eksameni na halos tamang lahat ang
mga opsyon.

Halimbawa: Ibinigay ko ang lahat ______ Juan kay Rosa.

a. ng c. ni
b. ang d. kay
2. Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distrackor kaysa tamang
sagot.

Halimbawa: Kaailangan ng _____ para makapasok sa paliparang iyon.

a. pahinuhod c. pahintulot
b. paiyakan d. pagtaliwas
Halimbawa: Mananakop
a. mamamayan c. manananim
b. mangingisda d. manlulupig

D. Ang tamang sagot

1. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot.


2. Pag-iba-ibahin ang posisyon ng wastong sagot.
3. Iwasang gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot.

E. Ang buong aytem

1. Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito.

Halimbawa:

Layunin: Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao.

Si Maryrose at si Cecilia ay magkaibigan.

______ ay magagaling na manlalaro.

a. siya b.sina c. sila d. kami

2. Iangkop ang bokabularyo at kayarian ng aytem sa mga sasagot nito.

Halimbawa: Nabaghan ni Bernard sa nanlilimahid na pulubing lumapit


sa kanila.

a. natuwa b. nainis c. nagulat d. naawa

Ang aytem na ito ay angkop sa mataas na paaralan.

Mga Tagapag-ulat:
Andang, Aisah U.
Cael, Maria Cecille E.
Suyat, Mary Rose C.
MAT-FILIPINO

You might also like