You are on page 1of 7

Paghahanda ng Pagsusulit-Pangwika

Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa ng


kanyang mga estudyante. Ang pagsusulit ang pinakamabisang paraan para matamo ang
pangangailangang ito. Hindi lamang ito sumusukat sa kakanyahan ng isang estudyante,
malaki rin itong basihan kung naging maayos ba o hindi ang ginawang pagtuturo ng guro.

Mahalaga ang pagsusulit sa isang mag-aaral ng wika dahil: Una, ang pagsusulit na
mahusay ang pagkakagawa ay naktutulong upang magkaroon ng interes sa pag-aaral ang
isang bata. Dahil sa pidbak na dulot ng pagsusulit nagkakaroon ng katuparan ang mga
pagsisikap ng isang estudyante sa kanyan pag-aara. Ikalawa,nagiging daan din ang
pagsusulit sa lubusang pagkauto ng wika.

Para sa mga Guro, mahalaga rin ang pagsusulit. Ito‘y nagbibigay tugun sa mga
sumusunod: ―Naging mabisa ba ang pagtuturo?‖, ―Angkop ba ang aking aralin sa aking
mga estudyante?‖, ―Aling mga kasanayan ang dapat Bigyang diin?‖ at ―Alin ang
kailangang ituro muli?‖

Katangian ng Pagsusulit Pangwika: Dalawang

suliraning kinasasangkutan :

a. ang pagtiyak sa paksang susulitin.

b. pamamaraan sa pagsukat sa gagamitin.

Batayang Simulain ng Pagsusulit-Pangwika

1. Pagsusulit Panwika sa makabuluhang Pakikipaghatiran (Communicative Test)

2. Pagsususulit panwika sa mga bagay na kinapapalooban ng suliranin sa pagkatoto.


3. Ang sangkap at kasanayan sa wika ay dapat subukin sa tunay na pakikipag-usap o
pakikipaghatiran.
4. Subukin ang mga kahirapan isa-isa lamang.

5. Subukin lamang ang naituro ng puspusan.

6. Hindi lamang ang batayang simulain ang isalang-alang gayon din ang pamantayan sa
pagpapahalaga sa pagsusulit.

Gabay sa Pagbubuo ng Pagsusulit Pangwika

Ang Paghahanda ng Pagsusulit (Badayos,1999)

Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan ang mga
ksanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at paghahanda.

1. Pagplano ng pagsusulit

a. Tiyakan ang layunin ng pagsusulit.

b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.

c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga kasanayan
at kakayahang susukatin.

d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang kabuuang


saklaw ng pagsusulit.

e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.

2. Paghahanda ng Pagsusulit

a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng ispesipikasyon bilang patnubay
hinggil sa kung ilang aytem ang bunuuin para sa bawat kasanayang susukatin.
b. Suriin ang mga aytem. Makatutulong kung maipasusuri sa isa o dalawang kaguro
ang mga aytem. Magagamit ang sumusunod na mga tanong sa pagsusuri ng mga
aytem.

1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayang kasama sa


talahanayan?

2. Akma ba sa sinusubok na kasanan ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit?

3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?

4. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang aytem.

5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng
pagsusulit?

6. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos ang pagkabalanse


at hindi magtutunton sa wastong sagot?

7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa


talahanayan ng ispesipikasyon.

8.Hindi ba kakikitan ng regular na padron ang paghahanay ng mga wastong sagot?

c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit

1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.

2. Isayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang madadaling
aytem bago ang mahihirap na aytem.

d. Ihanda ang mga panuto.

1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapat magbigay ng
mga sumusunod na impormasyon:
a. Ang layunin ng pagsusulit.

b . Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit .


c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng tamang sagot ang
isusulat o sisipiin ba sa sagutang papel ang sagot?

2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit, kailangang


magkaroon ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto
para sa bawat partikular na uri ng pagsusulit.

3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel

4. Pagpapahalaga ng pagsusulit

Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pagkamabisa ng mga aytem

1. Karirapan ng aytem (index of difficulty)

2. Kakayahang magtangi(discriminatory power)

3. Pagkamabisa ng bawat distaktor

5. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit.

Mga Dapat Isaisip ng guro sa paghahanda ng isang mahusay na Pagsasanay at


Pagsusulit (Castaneto at Abad,2001)

May mga bagay na dapat tandaan ang isang guro sa paghahanda ng pagsasanay at
pagsususlit. Ang ilang pinakamahalaga ay ang mga sumusunod:

1. Kailangang may ganap siyang kalaman sa paksang araling nasasaklaw ng


pagsusulit na ihahanda, nang sa gayo'y makabuo nang lalong mahalaga at makabuluhang
tanong.
2. Kailangan niyang maunawaan ang kaunlaran sa pagkatuto at ang mga
pamamaraang sikolohiya ng mga batang gagamit upang maiangkop sa kanilang kakayahan
ang kahirapan ng tanong.
3. Kailngan niyang magkaroon ng ganap na kasanayan sa pakikipagtalastsan(pasulat
o pabigkas) upang maging maikli subalit tiyak na malinaw ang mga bagay na binabanggit
sa mga katanungan.

4. Kailangang may sapat siyang kabatiran tungkol sa mga pamamaraan ng pagsulat at


pagbubuo ng tanong, sa iba't ibang uri at anyo ng mga tanong, sa iba't ibang uri at anyo ng
mga tanong, upang madali niyang makita ang kahit kaliit-liiting kamalian sa paghahanda
ng mga ito.

5. Kailangang mayroon siyang sapat na panahon sa paghahanda ng mga tanong upang


makatiyak sa kahusayan ng pagsubok.

6. Kailangan mag-angkin siya ng ganap na pagtitiwala sa sarili niyang kakayahan at


kabatiran sa paghahanda ng pagsususlit at nakauunawa sa kakayahan ng mahusay na
pagsukat ng mga kalamang pang-edukasyon.

7. Kailangang siya'y naniniwala na ang wika ay pinag-aaralan upang magamit na


mabisa sa pakikipagtalastasan.

Mga Simulain Sa Paghahanda ng Pagsasanay at Pagsusulit Pangwika

A. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga estudyante. Ang
mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba pang dadalawa lamang ang pagpipiliang sagot
ay nakakaakit sa mga estudyante subalit nagdudulot ng kinalabasang di naman
mapapaniwalaan.

B. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsasanay o pagsususlit nang sa
gayo'y masukat di-lamang ang kanilang kaalaman kundi pati na ang kakayahang
umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.
C. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsasanay o pagsususlit.
Itoy isang paraan upang lalong makatiyak sa kawastuan ng sagot sa bawat tanong.
Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto ,may pagkakataon siyang makita
ang mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na maaring makalito sa mga bata.
D. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang ganitong
kasagutan ay bunga ng mga obhektibong tanong. ang pasanaysay na pagsusulit ay hindi
nagtataglay ng ganitong katangian. Hindi masasabing kapani-paniwala ang marka o
iskor sa mga pagsususlit na pasanaysay sapagkat ito'y nababatay o nasasalig sa
kondisyon ng tagapagwasto.

E. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naangkop sa kakayahan ng


nakararami. Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa'y walang maksagot masasabing
hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat sukatin nito.Kailangang
may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng mahihinang bata ang kanilang
natutuhan at maipakita rin naman ng mahuhusay ang kanilang kakayahan.

F. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong. Ang kaisipang napapaloob
ay kailangang maliwanag na mailalahad upang maunawaan ng mga bata ang hinihing
ng bawat tanong.

G. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga estudyante
at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng pagsusulit ay hindi rin
magiging kawalan para sa mga bata.

Pamantayan/ Katangian sa Pagsusulit Panwika :

1. Mabisa/Pagkabalido (validity)

-kung talagang sinusukat ng pagsusulit ang nais nitong sukatin

a. Criterion validity- pagsukat sa dapat na sukatin.


b. Content validity- kahusayan sa paggamit ng kalayan ng lawak ng paksa sa paggawa ng
konklusyon

c.Construct validity-antas ng paggamit ng mgavbatayang theoritikal sa paggawa ng


pagsusulit.

Mga katangiang sinusukat(Castaneto at Abad):


1. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang mga bagay na hangad sukatin.

2. Ang mga bagay na karaniwang itinuro na ang sinusukat nito.

3. Ang maingat na pagsasaayos ng mga nilalamang saklaw nito ay isang paraan ng pagiging
mabisa mg pagsusulit.

4. Kailangang ikinalat ang mga tanong nang maayos.

5. Hindi sapat na ang pagsususlit ay sumusukat lamang sa mga kalamang natamo ng mga
estudyante kundi pati na ang pang-unawa at paggamit sa mga kaalamang ito.

6. Nararapat na iangkop ang kakayahan ng mga estudyante.

7. Hindi makatarungang isang set lamang ng pagsusulit ang gagamitin.

8. Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa layuni,paksa at kakayaham ng mga


estudyante.

2. Mapanghahawakan( reability)

- ang pagsususlit ay makapagtitiwalaan kung ito'y may kaugnan sa katatagan sa isang


antas ng mag-aaral.

3.Pagiging praktikal(practicality)

- hindi magugol sa salapi at panahon: maaling ibigay, iwasto at bigyan ng


interpretasyon mg iskor.

You might also like