You are on page 1of 17

MGA

KASANAYANG
PANGWIKA
Pagsusulit na Idinidikta
Pagsusulit na Cloze
FT605- Ebalwasyon at Pagtataya sa Filipino
2nd Semester, S.Y 2019-2020

Inihanda ni : Bb. Hanna Mae L. Cañizares


Ano ang Pasulit na Idinidikta?

Sumusukat sa mga kasanayan sa pakikinig, sa


pagsulat, at sa pagkaunawa ng wika.

Sa standard dictation, ang buong teksto ay


idinidikta ng guro sa pamamagitan ng pagbasa
nito. maaaring ang teksto ay nasa type. Tatlong
beses babasahin ang teksto.
Sa unang pagbasa, sa normal na bilis,
makikinig lamang ang mga ma-aaral.
Sa ikalawang pagbasa, isusulat nila ang
bawat pariralag idinidikta.
 Sa ikatlong pagbasa, makikinig at
isusulat ng mga mag-aaral ang mga salitang
hindi nila nakuha sa ikalawang pagbasa.
Noong pre-scientific stage, ang pagsusulit na padikta
ay ginamit upang sukatin ang kakayahan sa paggamit
ng bantas at sa wastong pagbaybay lamang.

Sa communicative stage, ang pagsusulit na padikta ay


ginamit upang sukatin ang pangkalahatang kakayahan
ng mag-aaral sa wika. Ang mga bantas ay maaaring
idinidikta rin sapagkat hindi naman ito ang kasanayang
sinusukat ng pagsusulit.
 Sa pagmamarka sa dictation na ito, apat
na uri ng mali ang isinaalang – alang: ang
pagdagdag ng salita, ang pagkaltas ng
salita, ang pagpalit ng salita, at ang
pagbabago ng ayos ng mga salita sa
pangungusap.
Sa bagong nilinang na pagsusulit na
padikta, ang teksto ay hinahati sa ilang
bahagi.
 Ang UNANG BAHAGI O SEGMENT ay binubuo ng dalawa
o tatlong salita. Padagdag nang padagdag ang dami ng salita,
hanggang sa ang huling bahagi ay maaaring buuin ng
labinlima o higit ang salita.

 Ang layunin ng pagsusulit na ito ay upang sukatin ang


pangkalahatang kakayahan sa wika. Kung naisulat ng mag-
aaral ang buong teksto, nangangahulugang nauunawaan niya
ang kanyang narinig at magaling siya sa wikang iyon.

 Sa pagmamarka nito, bawat bahaging tama ang lahat na


nakapaloob na salita ay binibigyan ng isang puntos.
ANO ANG PAGSUSULIT NA
CLOZE ?
 Ito ay isang tekstong  kinaltasan ng mga salita. Nilalagyan ng
puwang na magkakasinghaba ang lugar na pinagkaltasan ng
salita.

 Ito ay sumusukat sa pangkalahatang kasanayan sa wika.

 Sinusukat din nito ang kaalamang linggwistika, ang kaalaman


sa kaugnayan ng salitang kinaltas sa talata at sa buong teksto
at an kalawakan ng kaalaman ng sumasagot ng cloze.
MGA URI
NG CLOZE
I. BASIC CLOZE
a.       Basic fixed-ratio deletion cloze
every n-th is indiscriminately deleted. n is its frequency that determines the
number of deletions.
The interval deletion of cloze test is between 3rd-11th word.
HALIMBAWA:
The most widely favoured for deletion: 5th, 6th, and 7th.

Ano ba ang pagbasa? Ang pagbasa ay   1   paraan ng pag –


uugnay o komunikasyon       2      manunulat at
mambabasa. Ipinakikita sa       3      ang ginawa ng
mambabasa sa      4    nakasulat na pananda upang
ito’y     5     . Ang proseso ng pagbasa ay     6     sa
pagkilala sa salita at nagpapatuloy hanggang mabuo ang
kaalaman at magamit ito batay sa layunin ng mambabasa.
  
 b.  Selected-deletion cloze –
pinipili ang mga salitang kakaltasin.

Halimbawa, sa talata sa itaas,


maaaring kaltasin ang mga
pandiwa lamang, o ang mga
pangngalan lamang.
2. MODIFIED CLOZE
Ø   Katulad din ng basic cloze sa uri
ng teksto at sa pagkakaltas ng salita
pero dito ay may pinagpipiliang
salita ang mag – aaral.

Ø  Isa lamang ang sagot at madali


ang pagwawasto nito ngunit
mahirap mag – isip ng mga
distraktor para rito.
Ø   Halimbawa:

Ano ba ang pagbasa? Ang pagbasa


ay   1   paraan ng pag – uugnay o
komunikasyon       2      manunulat
at mambabasa. Ipinakikita
sa       3      ang ginawa ng
mambabasa sa      4    nakasulat na
pananda upang ito’y     5     .
Pagpipiliang sagot:
 
1.isang 2. ni 3. atin
mga sa sa
ilang ng ng
ang kay kay
3. ORAL CLOZE
               
 Ito ay katulad din ng cloze sa paghahanda
ng teksto at sa pagkakaltas ng mga salita.
Ang pagkakaiba ay nasa pagbibigay nito sa
mag – aaral.
PAANO GAWIN
ANG ORAL
CLOZE ?
Ø  Ganito ang pagbibigay ng oral
cloze:
1. Ang teksto ay unang binabasa nang walang kinaltas na

salita. Sa ikalawang pagbasa ng guro,  kinaltas na ang


ilang mga salita.
2.  Sasagutin ng mga mag-aaral nang pasalita ang bawat
puwang.

3.   Ang mga sagot ay tineteyp at binibigyan ng iskor


pagkatapos na maibigay ang buong pagsusulit.  
Maaaring bilanging wasto ang mga salitang kinaltas o
iyong
mga salitang kasing-kahulugan ng salitang  kinaltas.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like