You are on page 1of 3

Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit

A. True or False Test o Pagsusulit na Tama o Mali


Ang pagsusulit na Tama o Mali ay isang uring papalit na pagsusulit na dalawa
lamang ang pamimilian ng gumaganap. Pinakapayak at pinakamarami ang
anyo ay ang wasto- mali at oo- hindi. Tiyak na nag- aanyaya sa paghuhula.
May modified na anyo ito, iyong ipatukoy ang bahaging mali, kung mali nga ang
pangungusap. Dili kaya‘y sagutin nang sang- ayon o hindi sang- ayon. At kung
ang sagot ay hindi sang- ayon, ipabago ang salita o bahagi ng pangungusap
upang maging sang- ayon o tama ang sagot.
Mga Uri ng Papalit
a. Simpleng tama o mali- simpleng pagtukoy lamang kung tama o mali ang
pahayag.
b. Modified true or false- uri ng tama o mali na tinutukoy kung tama ang
pahayag at kung mali naman ay sinasalungguhitan ang salita o lipon ng mga
salita na nagpapamali sa pahayag.
c. True or False with Correction- pagtukoy kung tama ang pahayag at kung
mali naman ay isulat ang tamang sagot sa maling salita.
d. Cluster true or false- uri ng tama o mali na sinasalungguhitan lamang
ang T kung ito ay tama at M kung ito ay mali.
e. True or False with Option- uri ng tama o mali na inilalagay sa pagpipilian
ang tamang sagot kung ito ay mali.

B. Error Recognition Test o Pagtukoy sa Mali


Ito ay isang uri ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusubok nito ang
pangkalahatang kasanayan sa wika. Iba‘t iba ang maaaring maging anyo ng
pagsusulit na ito:
a. Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay may
salungguhit at may nakasulat na titik sa ibaba.
b. Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghating
pangungusap.
c. Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalungguhitan.
d. Ang mali sa pangungusap ay maaaring isang salita o bahagi ng salita na
nawala.
e. Maari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali.

C. Multiple Choice Test o Uring Papili


Ang pagsusulit na ito ay nabibilang sa uring pakilala binubuong pahayag na di-
ganap at sinusundan ng mula sa tatlo hanggang limang kasagutan.Isang sagot
lamang ang pipiliin na siyang pamuno sa pangungusap. Ang bawat aytem dito
ay binubuo ng dalawang bahagi: ang stem na maaaring pangungusap na hindi
tapos, o pangungusap na may patlang, o pangungusap na nagtatanong. Ang
ikalawang bahagi ay ang mga opsiyon o ang mga pamimilian ng sagot. Isa sa
apat na opsyon ang tamang sagot, iyong ibang opsyon ay tinatawag na distractor
o joker. Sa paghahanda ng mga opsyon, tiyakin ang alinman sa kanila ay
aangkop na idugtong sa stem. Sa pagpili ng isasamang distractors, tiyaking ito
ay sadyang balanse at hindi naglalahad agad ng sagot.
Ang multiple choice aytem ay maaaring nasa anyong pangungusap na hindi
tapos, pangungusap na may puwang, pangungusap na buo o pangungusap na
nagtatanong gaya ng mga sumusunod:
a. Pangungusap na hindi tapos
b. Pangungusap na may puwang
c. Pangungusap na buo
d. Pangungusap na nagtatanong

D. Completion Test o Pagsusulit na Pagpupuno sa Patlang


Ito ay ang pagpupuno ng mga nawawalang salita o lipon ng mga salita sa isang
pangungusap o talata. Ito ay pagsusulit na obhektibo na sa halip na pinamimili
ang magaaral sa wastong sagot ay ipinabibigay ang tamang sagot.
Pamantayan sa paggawa ng Completion Test
1. Huwag masyadong damihan ang mga salitang ibabawas sa pangungusap.
2. Iwasan ang pagkuha ng pangungusap sa direktang nagmula sa mga
batayang aklat.
3. Ang mga patlang ay dapat magkapareho ang haba.
4. Iwasan ang paglalagay ng maraming patlang sa isang pangungusap.
5. Pumili ng pahayag na may isang sagot lamang
6. Maghanda ng scoring key na makakonsiderang wasto.
E. Cloze Test
Ito ay isang uri ng pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may
puwang para sa mga kinaltas na salita. Ang pagkaltas ay maaaring tuwing
ikalima, ikaanim, ikapito o ikawalong salita.
Ang Cloze Test ay hango sa ―closure‖ sa Gestalt Theory. Ito ay sumusukat ng
pangkalahatang kasanayan sa wika, gayon din sa kaalamang linggwistika at
kaalaman sa kaugnayan ng salitang kinaltas at sa buong teksto.(Belvez, 2000)
Mayroong tatlong uri ang Cloze test ito ay ang basic type ng cloze test, modified
cloze test at ang pagsusulit-C. Sa uring basic type ng cloze test ay maaaring
fixed-ratio deletion o dili kaya‘ variable-ratio deletion.
Kung ang pagkaltas ay laging ikalima, ikasampu o anumang ―ratio‖ na napili,
tinatawag itong ―fixed-ratio deletion‖. Kung ang pagkaltas ay walang sinusunod
na ―ratio‖ dahil pangngalan o mga pandiwa ang kinakaltas, ito ay tinatawag na
―variableratio deletion‖.
Isa ring uri ng cloze test ay ang modified closed test. Sa pagsusulit na modified
cloze, ang bawat bilang ay may mga opsyon na pagpipiliian, na isinusulat sa
ilalim ng
talata.
F. Pagsusulit-C
Ito ay isa pang uri ng cloze test. Iniiwang buo ang unang pangungusap ng teksto.
Simula sa ikalawang pangungusap, tuwing ikalawang salita ay kinakaltas ang
ilang titik.(Depende sa haba ng salita ang bilang ng letrang kakaltasin.) Ang pag-
iwang buo sa una at huling pangungusap ay magsisilbing gabay sa pagsagot ng
mga mag-aral.

You might also like