You are on page 1of 20

Mga Pangunahing

Pamamaraan ng
Pagsusulit sa Wika
Ang pagsusulit ay isang panukat na
ginagamit ng mga guro upang sukatin ang
paglapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng
isang pagtuturuan.
Ito ay maaaring pormal kung itinatakda at
may proctor na namamahala sa pagsusulit.
Pagtatayang Tradisyunal o Pormal na
Pagtataya
Ano ang Tradisyunal o Pormal na
pagtataya?

Ito ay ang papel at lapis na pagsusulit


- pakikinig
- pagbasa
- pagsulat
- pagsasalita
- panitikan
Mga Layunin:

- Panukat sa mga natamong kaalaman


- Ulat para sa mga magulang hinggil sa
natamong kaalaman
- Gamit para sa pagbuo ng mga
patakaran at paggawa ng mga desisyon
Mga Anyo
Norm-Referenced

Sa pagsusulit na norm referenced


inihahambing ang bawat mag-aaral. Ang
resulta ng ganitong pagsusulit ang ginagamit
na batayan ng mga marka sa isang kurso. Ang
pagsusulit sa natamong kabatiran ay norm-
referenced.
Criterion-Referenced

 Itoay may itinatakdang pamantayan na


dapat mapagtagumpayan ng eksamini.
Kailangang makaabot ang mag-aaral sa
pamantayang ito upang masabing naipasa
niya ang pagsusulit.
Objective

a. Maraming pagpipilian (multiple choice)


b. Pagtatapat (matching type)
c. Pagpupuno sa puwang/patlang (completion type)

- Ang pagmamarka ay walang kaugnayan sa saloobin o


opinyon ng taong nagwawasto o ng guro.
- Ang pagmamarka ay depende sa tiyak na kasagutan na
hinihingi ang tamang sagot.
- Iisa lamang ang tamang sagot
Multiple Choice Question

 Ang pagsusulit na may pinagpipiliang sagot o multiple


choice ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang stem o bahagi
ng aytem na nagpapahayag ng suliranin at ang mga
opsyon o mga pamimiliang sagot.
 Isa sa mga opsyon ang tamang sagot, iyong mga maling
sagot ay tinatawag na mga distractor. Ang stem ay
maaaring nasa anyong pangungusap na hindi tapos,
pangungusap na may patlang, buong pangungusap at
pangungusap na patanong gaya ng mga sumusunod:
Stem
 Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad sa
kumukuha ng pagsusulit ang suliranin ng aytem. Dapat
maging maikli ngunit malinaw ang stem. Iwasan ang
paggamit ng mga maliligoy na salita.
Halimbawa:
May tindahan si Nena. Kahapon, napansin niyang wala ng
bawang sa tindahan. Kaya nagpunta siya sa palengke at
__________ ng bawang.
a. bibili b. bumili c. binibili d. bumibili
Pinabuti: ______________ si Nena ng bawang kahapon.
a. bibili b. bumili c. binibili d. bumibili
 Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga salitang maaaring ilagay sa stem.
Halimbawa:
masaya silang nagkukwentuhan ___.
a. sapagka’t pinanonood ang paglubog ng araw,
b. bago pinanonood ang paglubog ng araw.
c. habang piapanonood ang paglubog ng araw.
d. kahit pinapanonood ang paglubog ng araw.
Pinabuti: masaya silang nagkukwentuhan ________ pinanonood ang paglubog ng
araw.
a. Sapagkat b. bago c. habang d. kahit
 Isulat ang stem sa anyong positibo. Kung hindi maiiwasan ang anyong
negatibo, salungguhitan ang salitang negatibo o di kaya’y isulat ito sa
malalaking titik.
halimbawa:
Aling salita ang hindi naglalarawan sa batang si Juan?
a. maliit b. masipag c. magalang d. malinis
Ang mga Opsyon

Hangga’t maaari, gawing halos magkakasinghaba ang mga opsyon. Huwag gawing
pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot. Kung hindi ito maiiwasan, may
mga padron na maaaring sundin gaya ng inilahad sa ibaba.

1. A. ____ 2. A. _______ 3. A. ____ 4. A. _____


B. ____ B. _______ B. ________ B. ______
C. _______ C. ____ C. ____ C. _______
D. _______ D. ____ D. ________ D. _________
Ang mga Distraktor

 Ang bawat distractor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng


pagsusulit. Dapat tanawin ng mga eksamini na halos tamang lahat ang mga
opsyon.
Hal.
Ibinigay ko ang aklat _____ Juan kay Rosa.
a. ng b. nang c. ni d. kay
 Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distractor kaysa tamang sagot.
Hal.
kailangan ng ____para makapasok sa paliparang iyon.
a. Pahinuhod b. paiyakan c. pahintulot d. pataliwas
1. Pangungusap na hindi tapos

Halimbawa:
Sa kwentong binasa, nanalo ag mga tutubi sapagkat
______.
a. Higit na malalakas sila kaysa matsing
b. Malalaki ang mga pambombong dala nila
c. Hindi ginamit ng mga matsing ang isip at utak nila
d. Ginamitan ang mga tutubi ng mga agimat.
2. Pangungusap ng may puwang

 Si Prinsesa Tutubina ay mahilig ___________.


a. makipag-away sa mga matsing
b. mamasyal sa labas ng palasyo
c. makipagbiruan sa mga matsing
d. magsumbong ng hindi totoo sa amang hari.
3. Pangungusap ng buo

 Nagtataingang kawali ka na naman.


a. nagpapatawa
b. nagpapaloko
c. nagbubulungan
d. nagbibingi-bingihan
4. Pangungusap ng patanong

 Ano ang kahulugan ng nagtataingang kawali?


a. Nagtutulungan
b. Nagpapatawa
c. Nabibingi-bingihan
d. nagbubulungan

You might also like